Chapter 58

257 11 0
                                    

(Enjoy your date)

Luna Pov

Kinabukasan

Maaga akong pumasok sa trabaho, Syempre nahiya ako sa nang-yari kahapon. Nag-under time ako ng wala sa oras, Kasalanan lahat ng lalakeng iyon kung bakit nasira ang araw ko kahapon.

Nagtataka talaga ako kung bakit ganon ang ikinikilos niya, nais 'kong maniwala sa tinatakbo ng isip ko ngunit baka mali lang ako, Palagay ko kasi ay hindi naman ito nakalimot, Kung maka-asta siya kahapon ay grabe talaga. May pahila-hila pa siya ng taling nalalaman, Saan ba nang-galing ang lalakeng iyon.

Naiiling ako sa sarili, ang ganda ng umaga pero siya na agad ang iniisip mo.

Sumandal ako sa swivel chair na nasa aking tabing mesa, Wala pa si sir kaiser sa opisina ngayong oras na ito, mas mabuti na sigurong nauna akong pumasok sa kanya. Nakakahiya kung mauna ang boss kesa sa secretary hindi ba?

Habang wala ito ay muli 'kong tiningnan ang schedule niya ngayong araw, mabuti naman at walang sandoval na nakalagay dito, ngunit mayroong pamilyar na apelyido akong namataan.

Engr. Noah Monteclaro.

Wow, Engr. Pala ang isang iyon?

Kung sabagay, hindi na ako magtataka. Isa lang naman siyang monteclaro, Ang isang sikat na apelyidong meron siya ay malamang mataas ang pinag-aralan nito.

Tiniklop ko ang folder, Alas siete bente na ng tumingin ako sa aking relos, sakto lamang na bumukas ang pinto ng opisina.

"Ow, Your already here.." bungad ng boss, tumayo ako, lumapit ng nakangiti habang dala ang mga papel na kailangan niya.

"Goodmorning, Sir.."

"Goodmorning.." bati niya pabalik, naupo na ito sa pwesto niya.

"Do you want a coffee, sir?"

"No, thanks." nakangiti pa rin ito ng tumanggi, kinuha niya ang laptop na nakapatong sa lamesa nito. "What's my schedule time to engr. monteclaro?"

"8;00 o' clock, sir.."

"Hm, that guy is too early, His here already.." aniya, may tinitipa sa laptop nito, kung ganon ay narito na ang lalakeng iyon. "Can you call him, please.." wala sa sarili akong napatango, hindi nakatakas sa' kin ang stressed sa kanyang mukha. Halatang hindi maganda ang mang-yayaring pagpupulong ngayon.

Lumabas na ako, balak ko na sanang maglakad sa diretsong hallway ng makita ko si noah na naglalakad patungo sa direksyon ko, pinagpantay ko ang paa, hindi na nag-abala 'pang maglakad.

"Sir kaiser is waiting for you.." ani ko ng makalapit ito, nagtataka siyang nakatingin sa' kin.

"Luna?"

Ngumiti ako. "Goodmorning.."

"Narito ka? Nagta-trabaho ka sa mistisong hilaw na kuripot?" dalawang beses akong kumurap, Ano daw? Mistisong hilaw na kuripot, bakit ganyan ang tawag niya kay kaiser.

"Y-yes, Im hes secretary.."

"D*mn, you must sign your resignation paper now.." naiiling ito, nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Being hes secretary is not a good idea, I know someone getting a beast, deeply mad beast.." hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, sinong tinutukoy nitong beast?

Tsk.

"Siguro ay pumasok ka na, mainit ang ulo ng boss ko.."

Natawa siya. "Lagi namang mainit ang ulo niyan, maganda ka lang kaya nagpapa-good shot.." dumiretso na ito papasok, hindi ko maiwasang pangunutan ng noo dahil sa tinuturan niya.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon