Chapter 12

624 21 2
                                    

Chapter 12

[ Luna Nieves ]

Paglabas ko ng banyo ay hindi ko na naabutan si miguel, Pabagsak akong naupo sa kama at huminga ng malalim.

Ramdam ko pa ang hapdi ng aking labi dahil sa paghalik nito, D*mn nagbibiro lang ako ng sinabi ko sa kanyang boyfriend ko siya, Hindi ko alam na  papayag siya. Napahiga ako sabay takip saking mukha.

Sobrang bilis ang pagtibok ng aking dibdib, Nakakapanibago ang nararamdaman kong ito maski ako ay nalilito. Hindi ko matanggihan ang bawat halik niya at nagugustuhan ko iyon maging ang mga paghaplos nito.

"Arrrgggghhh!" sigaw ko at nagpapadyak sa kama, Malapit na talaga! Malapit na! Baka pag nagpatuloy pa ito ay mauna pa akong mahulog sa kanya.

"SH*T!" Tumayo ako kasabay ng pag gulo saking buhok, malapit ka ng mabuwang luna!

Kumalma ka!

Huminga ako ng malalim at kinuha ang gamit ko bago lumabas ng kwarto, tumingin pa ako sa hallway kung nandoon ba si mugiel o wala. Nang makitang wala ito ay naglakad ako patungo sa hagdan upang bumaba na.

D*mn this Feeling, Parang maiihi pa yata ako!

Pagkababa ko ay tanging mga costumer at empleyado lang ang nasa baba, ngumiti ang receptionist sakin ngunit pilit na ngiti lang ang naigawad ko.

Nagkandaleche leche na ang puso ko!
Bakit hindi siya makisama ngayon,

"Mam Hinihintay na po kayo ng boyfriend nyo, Nasa labas na ito at ihahatid kayo ng service hangga airport.." saad ng receptionist kaya halos mapanganga ako, What the h*ll boyfriend?

"His not my boyfriend ms.." ani ko, Nagtaka siya at napakamot sa ulo.

"Ah, Nabanggit niya po kasi kanina lang na girlfriend niya kayo.." natawa ako dahil sa narinig, talagang cinareer niya na kung ganon.

"Nasaan siya?"

"Nasa labas po, hinihintay kayo thankyou po sa pag stay and see you po sa darating na birthday niyo." tinanguan ko lang ito at naglakad na palabas, Tumingin pa ako sa paligid para hanapin si miguel.

Nakita ko itong nakasandal sa isang puting van habang nagtitipa sa kanyang cellphone, Nakapamulsa ito habang ang isang kamay ay hawak ang kanyang cellphone.

Dati pag nakikita ko ang walang kwenta niyang ekspresyon ay naiinis ako, Pero iba ngayon. Hindi ko alam kung bakit at paano naging gwapo siya sa paningin ko ngayon.

D*mn nieves! Nagayuma ka na yata O sadyang hindi mo lang napansin ang kagwapuhan niya noon.

Binulsa nito ang cellphone at lumingon sakin, Para akong isang pako na pinukpok saking kinatatayuan dahil sa hindi ako makakilos, Sh*t. Kung pwedi lang sanang ibaon na lang ako sa lupa dahil sa mga titig niyang yan!

Tang*na!

Naglakad ito papalapit sakin habang ako ay nanatiling nakatayo saking pwesto, Huminto ito sa harap ko at wala sa sariling napatitig ako sa labi niya.

"Lets go.." anas nito, ngunit parang nagslow motion iyon sa paningin ko dahil sa nakafocus ako sa labi niya,

Parang ang bagal ng pagbuka ng kanyang labi habang sinasabi niya iyon.

Inangat nito ang kamay at idinikit saking baba para itikom ang aking bibig, Doon lang naalis ang paningin ko sa labi niya at napakurap na lang na tumingin dito.

What the h*ll,

"Your dreaming.." anas nito, Nakangisi.

Umiwas ako ng tingin at ilang beses na lumunok bago magsalita.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now