Chapter 41

241 9 0
                                    

Chapter 41

Luna Pov.

Continuation.

I run as fast as i can.

Hinihingal akong sumandal sa pader malayo sa washroom na pinang-galingan ko.

Bwis*t, Ibang tao ang nakita ko sa loob.

Hindi ko alam kung bakit si miguel ang naisip 'kong naroon, Napakasama ko upang pag-isipan siya sa ganoong bagay.

NAKAKAHIYA

Mabuti na lang at hindi ko kilala ang nakita ko, Kundi ay sobrang kahihiyan ang aabutin ko.

D*mn it.

Pumikit ako upang huminga na malalim habang nakasandal parin, Hindi pa rin humuhupa ang kabog sa'king dibdib dahil sa kadumihan ng isip ko. Naiinis ako,

"Finally I find you."

Minulat ko ang mata sa biglaang boses na nagsalita malapit sakin, Napalunok ako ng makita ang lalakeng hinahanap ko kanina.

He look at me with serious aura, Tsk. He always been like this. Ano pa 'bang pinagbago.

"You look pale, What happen?"

Muli akong lumunok upang hindi mautal saking sagot. "Ah, Hindi lang maganda ang pakiramdam ko." nangunot ang noo niya bago hawakan ang aking noo.

"Wala ka naman lagnat." aniya pa sabay baba sa kamay, Isinandal niya iyon sa gilid habang nakatitig sakin.

"Do you want to go home?" tanong niya pa, tumango ako

"Yeah, Please." bumuntong hininga siya bago haplusin ang aking buhok at tipid na ngumiti.

"Okay, Lets go home."

Iginaya niya na ako palabas roon bago kami muling bumalik sa pwesto nila shaira, Kasama na  nito si jacob na abalang pinaglalaruan ang anak. At sa hindi inaasahan ay naroon ang babaeng dahilan ng matinding kaba ko kanina, Kausap niya si shaira na mukhang nasisiyahan sa kinukwento niya.

Ngayon ko lang siya nakita. Ngayon lang ba siya dumating?

"Oh, Akala ko umuwi ka na?." Sabay namin nilingon ang nagsalita at nakita ko si giovanni na may hawak na baso ng alak.

"Uuwi pa lang." sagot ni miguel, tumango ito sabay tingin sakin.

"Hi luna, Your Beautiful tonight." nginitian ko siya sa kanyang pag-puri sa'kin. Ngunit nakarinig lang ako ng pagtikhim sa gilid.

"You always have that line vanz." asik ni selena, lumapit ito kay miguel at matamis na ngumiti.

"Maganda naman si luna, Hindi ba." ani pa ni giovanni, hindi maalis ang tingin ko kay selena dahil sa malagkit niyang tingin kay miguel.

Mababatid mo talagang may gusto siya dito, At doon ako naiinis. Parang wala siyang pakielam kahit nandito ako.

"Kahit sinong babae ay may taglay na ganda." saad niya pa, umirap siya matapos nitong tumingin kay miguel, Dumapo agad ang paningin niya sakin sabay hagod sa'king suot.

"Mukhang nagkaroon ka ng sponsor ngayon ha."

Napataas ako ng kilay "Huh?"

"Iyang damit mo ay gawa ni shaira, Nagmukha 'kang tao."

"Selena stop that." suway ni miguel, muli siyang umirap habang ako ay nanatiling kunot noong nakatingin sa kanya.

Continuation 41.1

Ano bang problema ng babaeng ito sakin.

Porket ba girlfriend ako ng lalakeng gusto niya ay gaganyanin niya na ako, D*mn it. Kung hindi lang ako nahihiya ay kanina ko pa hinila ang mahaba niyang buhok. Naiinis ako, ngunit wala akong magawa kundi samaan lang siya ng tingin.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now