Chapter 17

307 14 0
                                    

Chapter 17

[ LUNA POV ]

"Bakit hindi kasi kayo kumukuha ng maid?" tanong ko sa kanya habang binubuksan nito ang plastik na pinamili niya.

Dumaan pa kasi kami sa grocery at kung ano anong pagkain ang binili nito bago kami umuwi sa bahay nila, Kaming dalawa lang pero yung pinamili niya pang-limang tao na.

"Kaya ko naman linisin ang bahay." maikling sagot nito at hindi man lang tumingin sakin, Pinatong ko naman ang kamay sa lamesa habang nakatingin dito.

"Pati paglalaba? Paghuhugas ng pinggan?" tanong ko pa, tumango lang ito kaya napamaang ako.

Wow, Sa gwapo niyang yan marunong siya sa lahat ng gawaing bahay?

D*mn, hiyang-hiya naman ang balat ko sa kanya. Daig niya pa ako.

"Automatic naman ang washing na ginagamit ko,  Si daddy at mommy naman may taga laba.." wika niya pa, Nakatingin na siya ngayon sakin.

"Pero pwedi naman kumuha kung kinakailangan diba?"

"Pwede naman.." sagot niya, "Gusto mo ba nito?" tanong niya pa habang hawak ang isang kilong fries na hindi pa luto.

"Gusto ko, pero lulutuin mo pa? Pwedi naman kasing dumaan na lang tayo sa drive thru.." ani ko, nailing siya at nagtungo na sa kalan para lutuin iyon.

"Ako naman ang magluluto, Tiaka mas healthy ito masyado kasing maalat ang mga fries sa labas.." Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya,  pambihira may nalalaman pang healthy healthy.

"Can you please get that.." turo nito sa likuran ko, kaya napalingon ako doon.

"Ano diyan?" tanong ko,

"Iodized, the small one." sagot nito, umuling naman ako at sumandal sa upuan.

"No, Ayaw ko! Ikaw na lang.."

"Tsk! Comehere haluin mo ito." saad niya pa habang hinahalo ang fries, bakit hindi na lang siya gumamit ng ibang pagluto doon.

"Walang ba kayong deep frier?" nakangiwing tanong ko, lumingon ito sakin.

"Nasira iyon, hindi pa ako nakabili. Pumunta ka na dito haluin mo muna.." yamot akong tumayo at lumapit sa kanya, Mas gusto ko ng maghalo ng fries kesa kunin ang iodized na iyon. Baka pumalpak na naman ako, nakakatrauma na ang nangyari noon.

"Tama ba ito?" tanong ko pa, nilingon ko pa ito at saktong palapit na siya sakin.

"Yeah, lagyan lang natin siya ng kaonting iodized.."

"Bakit ba ang hilig mong bumili ng iodized? Wala bang rocksalt?" nakangiwing tanong ko, binigay ko na sa kanya ang sandok kaya siya na ngayon ang nagluluto.

"Sanay na ako sa iodized."

"Tsk, Mukha kasi siyang asukal.." asik ko pa, lumingon ito sakin.

"Magkahawig nga sila pero pwedi muna man itong tikman"

"Oo nga, pero nakakalito parin." ani ko, at sumandal malapit sa gas stove.

"Hmm, kung ikaw ang magluluto nakakalito at delikado. Paano kung mapagkamalan mo pang sosa ang iodized hindi ba?" sinamaan ko
siya ng tingin dahil sa sinabi niya, Sosa? Thats for Cr use only.

"Sino naman tangang maglalagay ng sosa sa kusina hindi ba?!" giit ko pa,

"Pero malay mo, Katulad na lang noon napagkamalan mong asukal ang iodized kaya ayaw mong kunin ito ngayon."

"Oo na! Ang dami mong sinabi!" asik ko, nailing siya at umusog sakin.

Napaatras ako dahil sa gulat, Akala ko kung anong gagawin niya sakin dahil yumuko pa ito. Doon ko lang napansin na malapit pala ako sa gas at pinatay niya lang iyon.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon