Make Mr Fierce Mine (Adonis S...

By Labxzaza

22.7K 844 11

May isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Authors Note.
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
EPILOGUE
Thankyou notes.

Chapter 40

257 8 0
By Labxzaza

Luna Pov.

Nang marating ang service area ng hotel ay samut saring bati ang sumalubong kay shaira. Ngayon ko lang nalaman na sa hotel nila gaganapin ang birthday party na dadaluhan namin.

"GoodEvening Mam shaira." bati ng isang babae, Sa ayos ng kanyang suot ay mababatid 'mong dito siya nagtatrabaho.

Nginitian naman siya nito.

"Pinapasabi po pala ni mam natasha na magtungo kayo sa kanyang kwarto bago pumunta sa floor ng venue." karagdagang ani niya.

"Nasabi niya ba kung bakit?"

"Hindi po." kunot noong bumaling sakin shaira,

"Gusto mo bang sumama muna sa'kin?" tanong niya, tinanguan ko naman ito.

"Osige." bumaling muli siya sa kaharap. "Saang floor siya?"

"17floor, Room 106."

"Okay thankyou, Tutungo na kami doon." lumingon siya sa'kin.

"Let's go."

Naglakad na kami papasok sa elevator kung saan halos kami ang pagtinginan ng karamihan. May mga nakakasabay kami na halatang dadalo rin sa party dahil sa kanilang kasuotan, Ang iba ay binabati si shaira bago ako ngitian.

Kilalang kilala talaga nila ang taga' pag-mana ng monteclaro.

"Siguradong naroon na si miguel at Jacob." anas ni shaira, nasa loob na kami ng elevator habang hinihintay ang tamang floor na pupuntahan namin.

"Ang aga naman nila."

Nilingon niya ako. "Kaibigan niya si noah at ang lalakeng iyon ay hindi papayag na mahuli sila, Lalo na si jacob."

"Baka naghihintay na sila sa'tin kung ganon."

Ngumuso siya. "Hayaan mo sila, Siguradong mainit na naman ang mata sa'kin ng asawa ko.."

"hUh, why?"

"Dahil dito." tukoy niya sa damit na suot. "My husband is too possessive, Ayaw niyang nagsusuot ako ng ganito."nakangiwing ani niya natawa ako kasabay ng pagbukas ng elevator.

Nagtataka itong tumingin sakin habang tinatahak namin ang tahimik na pasilyo.

"Bakit? Pinapayagan ka ba ni miguel sa ganyang ayos?"

Nagkibit balikat ako. "Ngayon pa lang niya makikitang nakasuot ako ng ganito." tumango siya.

"Makikita natin mamaya kung anong magiging reaksyon niya." napakagat labi ako sa pagkaka-alam na makikita niya ako sa ganitong lagay.

Noong nagtungo kami sa cebu ay nakita na nitong naka-bikini ako sa madaming tao, Doon ko nakilala si Jasper. Sa mismong pool kung saan tinumba ni miguel ang floating bed na hinihigaan ko. Hindi ko makakalimutan iyon, lalo na 'nung hinagisan niya ako ng towel sa mukha.

Hindi ko alam kung anong trip niya noon.

Huminto si shaira sa nasabing kwarto bago ito kumatok, Ilang segundo muna bago may magbukas nito. Bumungad samin ang may katamtamang taas na babae at mahabang buhok, Ngumiti ito ng malaki kay shaira ngunit napawi rin ng magawi siya sa'kin.

"Who is this shai?" mahinahon ang kanyang pagkaka-tanong ngunit hindi nakatakas ang tono ng kaartehan sa kanyang boses.

"Hindi mo ba muna kami aalukin pumasok bago ko iyan sagutin." napangiwi ang kaharap.

"Sabi ko na nga ba at papasukin ko muna kayo.."

Binuksan nito ng tuluyan ang pinto at gumilid upang magbigay daan, Nang makapasok ay agad nito akong nilapitan na parang sinusuri.

Tingin sa mukha sabay hagod saking katawan patungo sa paa bago muling bumalik saking mata, kunot noo itong tumitig sakin.

"Hindi mo nasabi sa'kin na may kambal ka." nakatanggap ito ng malakas na hampas kay shaira kaya halos mapamaang itong hinawakan ang kanyang braso.

"What the h*ll shai! Magsusuot ako ng flawless na damit, Hindi pweding magalusan ako!" napaismid si shaira sabay upo sa single sofa.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong niya, sinenyasan niya akong maupo sa kabilang sofa kaya naupo ako roon.

"Hindi mo ba muna ipapakilala ang kasama mo bago kita sagutin." ani niya at ginaya pa ang tono ng pananalita ni shaira kanina.

"Siya si luna Villamor."

"Ah luna villamor." tumatango ito habang sinasabi ang pangalan ko.

"Kilala mo?" tanong ni shaira.

"Hindi."

"Txk, akala ko pa naman kilala mo."

"Ngayon kilala ko na." nilingon niya ako bago muling tumingin kay shaira.

"New friend?"

"Yeah, new friend."

Lumingon uli siya sakin. "Im natasha, Nice to meet you." inilahad nito ang kamay sakin kaya napatingin ako roon, Ngumiti ako bago makipag-kamay.

"Nice to meet you. ikaw pala si natasha." ani ko, nagtaka naman siya bago niya ibaba ang kamay.

"Kilala mo ako?"

Tumango ako. "Nabanggit ka sakin ni miguel."

"Kilala niya rin si miguel?" tanong nitong muli kay shaira, Sa isip ko ay gusto 'kong matawa dahil sa paulit ulit niyang tanong.

Ngunit dahil mukhang magiliw siya at halatang palakaibigan ay hindi ko makuhang mainis, magaan agad ang loob ko.

"Girlfriend siya ni miguel."

"Ahh." tango tango siya ng lumipat sakin ang paningin nito, ngunit halos manlaki ang mata niya na animoy ngayon lang nakuha ang sinabi ng kaibigan. "Ano ulit kamo? Pakiulit nga." ani niya pa, natawa si shaira.

"Ang sabi ko girlfriend siya ni miguel."

"Omo! Really?!" lumingon siya sakin, pinakatitigan ako. "Hindi talaga fakenews ang sinasabi ni noah, Mygod. Hindi bakla si miguel!"

Natatawang naiiling si shaira dahil sa reaksyong pinakita ni natasha, Ganon na ba kalaki ang epekto sa kanila dahil nagkaroon lang ng girlfriend ang kaibigan nila.

"Kailan pa naging bakla ang gwapo?"

"Hey dont me! Ang dami 'kong kaibigan noon na binabae at sobrang gwapo nila."

"Tch, Oo na. Hindi tayo matatapos niyan sa gusto mo e.." napanguso si natasha. "Doon na tayo sa kailangan mo sa'kin, para naman makababa na kami ni luna."

Lalong humaba ang nguso ni natasha ngunit tumayo rin ito bago maglakad patungo sa isang pinto. Nang makalabas ito ay may dalawa siyang damit na hawak na halatang iyon ang pinoproblema niya.

Inangat niya iyon ng makalapit muli. "Itatanong ko sana kung anong bagay sakin dito." napasapo sa noo si shaira dahil sa sinabi niya, sinuri ko naman ang hawak nito.

"That is what you want for me?" Nakangiwing tanong ng kaibigan. tumango ito.

"Hindi ko kasi alam ang isusuot sa dalawang ito." halatang problemado nga ito sa isusuot, Ang gaganda nga naman ng hawak niyang damit. Kahit ako ay mahihirapang pumili kung sakali ako ang magsusuot.

"Hay naku natasha, You are the mother of celebrant. At dapat nandoon kana, Alam mo bang ang dami na naming nakasalubong na bisita." tumayo ito at kinuha ang pulang dress, Fitted iyon sa taas at sa bandang ibaba nito ay medyo maluwang. Kung isusuot mo iyon ay magmumukha kang serena.

Maganda naman siya, kahit ako ay iyon ang gusto ko.

"Ito na lang."

"Do you think this is enough?" muling tanong ni natasha.

"Kung ako ang papipiliin ay ito ang gusto ko." sagot ng kausap, bumaling naman sakin si natasha na halatang hindi kumbinsido kay shaira.

"What do you think luna?"

"Thats good for my taste, Ayos na yan."

"Okay, wait for me. magbibihis lang ako."

"Bilisan mo natasha, Mag-aayos ka pa!" asik ni shaira, hinawi naman niya ang buhok sabay tampal sa kanyang mukha.

"Look at me, ready na ako. Atat ka naman makita si jacob."

"Tsk, Hindi iyon. Ilang minuto na lang lalagpas ka na sa tamang oras, Aba't nasaan si baby nadia?".

"Nandoon kay daddy manuel, Kanina pa siya bihis."

"Osge. hurry up!"

Pumasok na ito sa kwartong pinasukan niya kanina dala ang damit na napili namin. Matapos ang ilang minuto ay natapos rin ito sa dapat na gawin.

Alas otso mag-uumpisa ang party at sakto lang naman sa oras ng makarating kami sa ika-labing siyam na palapag. Kanya kanya ng pwesto ang bawat dumalo sa pagsasalo, Mapapansin mo agad ang malaking cake na may taas na limang lanera. Naroon iyon sa gilid katabi ng mga nakahilerang pagkain kung saan naroon ang mga naka-unipormeng kalalakihan na nagsisilbi sa mga nais kumuha ng pagkain.

"Pupuntahan ko lang ang anak ko, maiwan ko muna kayo rito." anas ni natasha na sabay naming tinanguang dalawa.

"Mabuti nga at ikaw ang umasikaso sa anak mo." napairap ito sa sagot ni shaira.

"Sige na at doon na kayo, Medyo nararamdaman ko ng hindi maganda ang gabing ito sa inyong dalawa." natatawang ani niya kaya nagtinginan kami ni shaira.

"Huwag mo 'yang pakinggan."

"Tsk, ilibot niyo ang paningin. At makikita niyo ang nais 'kong sabihin, Bye bye na. Enjoy." tinalikuran na kami nito upang maglakad sa mga bisitang naroon malapit sa mahabang lamesa.

Gaya ng sabi niya ay kapwa kami ni shaira na tumingin sa paligid, Halos pareho kaming nahinto ng mapatingin sa bandang gilid kung saan naroon ang lamesa ng mga kalalakihan.

Hindi lang basta kalalakihan, Kundi pamilyar na mukha ang naroroon. Ang maayos nilang suot na halos bumagay sa kanilang pangangatawan ay lalong nagbigay kagwapuhan sa kanila.

"Sh*t." rinig ko ang marahas na asik ni shaira ngunit hindi ko magawang lingunin ito, Hindi ko alam kung bakit nahinto ako ng magawi ang paningin ko sa lalakeng mariin na nakatitig sakin.

Ang nakagawian niyang magulong buhok ay nasa isang ayos lamang, Hindi ito nagpagupit. ngunit napaka-gwapo niya sa lagay niya ngayon.

D*mn it, Why Im still shock and impress with his look. I dont know what to say. Wala na akong masabi sa taglay niyang kagwapuhan.

"Im dead." bulong ng katabi ko, kumurap ako upang mapalingon sa kanya.

"Do you think you are." tugon ko.

"Yeah, And Im sure you regret wearing that thing." napalunok ako sa sobrang seryoso niya, muli akong bumaling sa pwesto ni miguel at doon nakita ko ang mabilis na pagtayo ni jacob.

Hinawakan ni shaira ang braso ko at walang sabing hinila ako papalayo sa pwestong iyon. Nagpatianod ako sa kanyang paghila dahil ako mismo ay nanaising umalis muna doon.

Hindi ko alam kung anong masasabi sa titig ni miguel kanina, May halong paghanga iyon ngunit nangingibabaw parin sa paningin ko ang kairitasyon sa kanyang mga mata. Maging yata ang isang iyon ay ayaw sa ganitong kasuotan, Ano bang problema.

Napunta kami sa mga bisitang nakatayo malapit sa stage kung saan mapapansin mong halos kasocho nila shaira sa negosyo, Base sa kanilang tindig ay alam mo ng nagsusumigaw sila sa kayamanan. Hindi na ako magtataka kung milyon ang nagastos sa birthday na ito, lalo na at halatang hinaluan ito ng bussiness. Hindi lang basta party ito dahil sa mga kilalang tao na dumalo ngayong gabi.

Huminga ako ng malalim dahil sa paghila sakin ni shaira, Maganda naman ang nagawa niya dahil nalayo ako sa masamang tingin ni miguel kanina.

"Ms.Valdez."

Sabay kaming nalingon ni shaira sa nagsalita malapit sa matatandang nag-uusap, Lumapit samin ang lalakeng may hawak na baso. Matamis itong ngumiti sa'min ngunit hindi ko iyon sinuklian dahil wala akong ideya kung bakit Valdez ang tinawag niya sa katabi ko.

"Misis monteclaro." pangungumpirma ni shaira, natawa ang lalakeng kaharap namin.

"Yeah, I almost forgot. You already married."

"Tsk, Yes Sebastian Mariano." sagot nito, nanatili akong nakikinig. Ngunit hindi na nagawang sumagot ng tinatawag na sebastian dahil sa isang kamay na pumalupot sa bewang ni shaira.

Nakita ko si jacob na salubong ang kilay habang nakatingin sa binata, Napakagat labi ako dahil sa halatang malalagot ang kawawang si shaira.

"What do you want?" singhal niya agad sa lalake, Napataas ito ng kamay.

"Nothing important, Kinamusta ko lang."

"Wala akong narinig na kinamusta mo siya." natawa ang lalake dahil sa sinagot ni jacob, Ngunit hindi ko na nagawang makinig ng may biglang tumabi sakin. Nalingon ko ito at doon ako napamaang dahil kay miguel.

"Wala nga, kakamustahin pa lang." sagot ni sebastian, hindi mawala ang paningin ko kay miguel lalo na ng humarap ito sakin.

"You owe me an explanation luna."

Naitikom ko ang bibig at hindi alam kung anong hahagilaping sagot sa sinabi niya. Anong eksplanasyon ang gusto ng lalakeng ito.

"Halika dito." may diing saad niya sabay tangay sa akin palayo palabas ng venue, Nakasalubong pa namin ang kaibigan niyang si giovanni ngunit ni hindi niya ito pinansin.

Lumiko kami sa kabilang hallway kung saan may mga iilang bisita kaming nadaanan, Nang medyo mapalayo sa mga tao ay binitawan ako nito. Tumingin pa muna ako sa paligid at doon ko nakita ang hagdan paakyat sa 20floor.

Bakit niya ba ako kailangan kaladkarin dito.

"Sinong may sabi sayo na magsuot ka ng ganyan?" Nilingon ko ito, kahit blanko ang mukha niya ay mahihimigan mo ang kairitasyon sa kanyang boses, lumunok ako upang makapag-salita ng maayos.

"Bigay ito ni shaira." nagsalubong ang kilay niya dahil saking sagot.

"Si shaira ang nagpasuot niyan?"

Tumango ako "I have no choice, Kaya ito na lang ang sinuot ko."

"Tsk, Alam mo ba kung gaano kalaswa iyan! Diba pinasukat kita sa kanya."

Napanguso ako "Ayoko ng ganon."

"Kung ganon iyan ang gusto mo? Ang kabastos bastos." sumama ang tingin ko dahil sa sinabi niya, Ngunit hindi nagbabago ang tingin niya sakin.

"Sinabi ko naman sayo na wala akong pagpipilian."

"Pero hindi muna dapat sinuot yan!"

"Wag mo akong sigawan!" singhal ko dahil tumaas ang boses niya, Nahinto naman ito. At pilit pinapahinahon ang sarili.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Uuwi na lang ako."

"Tch!" tiningnan ko ito, At ayun na naman ang salubong niyang kilay.

"Sinong nagsabing umuwi ka?" mahinahon siyang nagtanong ngunit ang mukha ay nakalukot parin na tila'y galit na galit sa suot ko.

Kung alam ko lang, hindi ko ito susuotin.
Tsk.

"Hindi muna man din nagustuhan ang ayos 'kong kabastos bastos." sarkastiko 'kong sagot, pumikit ito sabay hilamos sa kanyang mukha.

"Wala akong sinabing ganyan, Gusto ko ang ayos mo. Ang ayaw ko lang. Iyang suot mo, luna."

"Yun na yon, miguel."

"Anong yun na? Hindi mo ba ako naiintindihan? Gusto ko ang ayos mo, maganda ka. Ngunit ayoko sa suot 'mong damit dahil masyado 'ka--" hindi nito tinapos ang sinabi dahil hinagod niya ang aking katawan, Matapos iyon ay padarang siyang nagbuntong hininga.

"Your so gorgeous and standout tonight." saad niya kalaunan, "Ayoko lang mabastos ka sa loob."

"Edi uuwi na nga ako."

"Hindi kita pinapa-uwi."

"Oh, Ano pang gagawin ko? Tsk, uuwi na lang ako kesa mabastos pa ako ninu man. Sino ba kasing nagpumilit sakin pumunta dito, d*mmit sayang effort." akma akong tatalikod ng hawakan niya ang aking pulsuhan, nilingon ko ito.

"Just stay with me."

"Hindi mo na ako sisiringan?"

"Wala na akong magagawa, Suot mo na yan."

"So huhubarin ko para may magawa ka?"

"What the f*ck, Luna." kinagat ko ang labi upang mapigilan matawa sa reaksyon niya, ngunit hindi ko na nagawang makasagot ng may magsalita sa likuran ko.

"What are you two doing here?" gumawi ako patalikod upang makita ang nagsalita.

"Were just talking tito samuel." sagot ni miguel, binitawan na nito ang kamay ko.

"Hmm." tumango siya, "Kanina pa kita hinahanap, Naroon si Mr'Frustacio hinihintay ka."

"But tit--"

"Let's go." inakbayan niya ito sabay hila palayo sakin, hindi ito nakapalag kaya napangiti ako.

Nang lumingon sakin si Mr'samuel ay bigla itong kumindat sabay tango sakin.

Naguguluhan man ay nakuha ko pa rin sumunod pabalik sa loob ng venue upang hanapin si shaira, Medyo nastress ako sa lalakeng iyon. Bakit hindi niya kasi sinabi na ayaw niya sa ganitong damit.

Ang lalakeng iyon, Masyado talagang maraming alam.

Nang mahagip ng mata ko si shaira ay naglakad ako palapit sa kanya, Hindi niya kasama si jacob na pinagpa-salamat ko. Sigurado nasiringan din siya ng kanyang asawa.

"D*mn luna, Where have you been?"

Bumuntong hininga ako." Diyan lang sa labas.."

"Tsk, Anong ginawa sayo ni miguel?"

"Wala."

"Wala? As in nothing?, O baka may sinabi siya sayo tungkol sa suot mo." tumango ako, nakangiwi.

"Ang kaibigan mo, mainit pa ang ulo sa babaeng nireregla." napangiwi rin ito.

"Pinahanap ko siya kay daddy at pinasama muna sa kanya, Maging si Jacob naroon din."

"Kaya pala."

"Yeah." huminga siya ng malalim "kung nandito sila baka hindi na ako umabot mamaya, Naku. Ang dalawang iyon masyadong posesibo."

Sumang-ayon ako sa kanyang tinuran dahil maging ako ay mas gusto 'kong wala siya sa tabi ko rito, Wala naman sigurong mambabastos sa ganitong uri ng pag-sasalo.

Nang mag-umpisa ang kasiyahan sa entablado upang magbigay giliw sa mga batang dumalo ay naroon kami sa bandang likuran, Hindi ko pa nakikita si miguel dahil sa dami ng tao. Si shaira lang ang kasama ko na hindi man lang ako iniwan kahit na may nagyayaya sa kanyang kaibigan. Kapansin-pansin rin na iwas siya sa mga lalake, lalo na kung kasising-edaran lang namin ito.

"Hindi ka umiinom?" tanong niya ng makaalis ang isang kakilala nito.

"Umiinom ako, noon." sagot ko, naalala ko na naman ang nag-daan. Sigurado ako na kung hindi ko nakilala si miguel ay wala ako dito, Malamang nasa bar na ako at nagsasaya kasama si vivian.

"Noon? Bakit ngayon hindi na ba?"

Umiling ako. "Wala kasi ako sa kundisyon, Baka malasing ako."

Sa totoo lang ay gusto 'kong uminom, Lalo na at medyo na badtrip ako sa lalakeng iyon. Ngunit nagdadalawang isip ako, What if Im pregnant. Hindi pweding uminom ako. Sh*t

Kailangan ko munang alamin, pero sa ngayon No alcohol muna.

"Uh ganun ba, Sayang naman."

"Kung gusto mo ay ikaw na lang, Juice na lang ang sakin."

"Juice na lang tayo pareho." ngumiti akong nakatango bago tumayo upang kumuha ng maiinom, Sakto naman at may nakasalubong kaming lalake na may dalang iinumin. Kumuha kami nito bago bumalik sa table namin.

"Pwedi 'bang magtanong?" tumango ako ng maupo kami, nilapag niya ang juice bago ipatong ang kamay sa table.

"Saan mo nakilala si miguel?"

Natawa ako sa tanong niya dahil nakakahiya man ay sa hindi magandang eksena kami nagkakilala ng lalakeng iyon, Pero aaminin ko na humanga na ako simula pa lang sa kanya. Maybe I consider that a lucky day.

"Mukhang maganda ang unang tagpo niyo ha." ani niya, nang-aasar. Umiling akong natatawa.

"Sa totoo lang ay hindi."

"Huh, anong hindi?"

"Hindi maganda ang unang pagkikita namin."

"Bakit?"

"Namali ako noon, Napagbintangan ko siyang magnananakaw." Nagulat ito sa sagot ko ngunit natawa rin siya.

"Talaga?" tanong niya, natatawang hindi makapaniwala. tumango ako.

"Hahaha, Grabe naman.."

"Yeah, As in. Grabe,." naiiling rin ako. "Akala ko nga hindi kami magkakasundo, Dumating pa 'yung araw na nag-aaway at nag-sisigawan kami."

"Pero nakuha niyo naman magkasundo?"

"Nakuha naman."

"Pati puso ay nagkasundo." natawa kaming pareho sa sinabi niya na animo'y kaming dalawa lang ang tao rito, ngunit ng may tumikhim ay nahinto rin kami sa pagtawa.

"Hello luna." hindi ko inaasahan na magkikita kami ng lalakeng ito sa ganitong okasyon, Naka-suit ito na kagaya sa suot ni miguel. Hindi ko siya kinibo.

"Sino 'yan?" pabulong na tanong ni shaira, Bahagya ko itong nilingon.

"Siya si Jasper." napamaang itong nag-angat ng tingin, halatang nagulat pa sa nalaman.

"What's that reaction?" natatawang anas pa ng lalakeng ito, nanatili akong tahimik ngunit si shaira ay hindi na yata napigilan ang sarili dahil tumayo ito at siya ang humarap.

"Paano ka nakapasok?!" nilingon siya ni jasper sa maangas na paraan at parang pinapakita sa kaharap na hindi siya basta bastang tao.

"I am one of monteclaro's visitor, And my dad Is also invited here. Anong nakakagulat kung ang isang falcon ay makapasok dito."

Hindi nakasagot si shaira sa sinabi nito kaya muli akong hinarap ni jasper, hindi pa niya nakukuhang magsalita ng dumating si natasha na agad sumingit sa usapan.

"Anong nangyayari dito?" Unang tumama ang mata niya sakin bago lumipat sa lalakeng walang pakielam sa presensya niya.

"Ginugulo kami ng manyakis na yan." asik ni shaira.

"Excuse me?" ani jasper, medyo dumistansya si shaira at lumipat sa katabi 'kong upuan.

"You are jasper right? Anong kailangan mo sa kanila?" sabad ni natasha, nilingon siya nito ng nakangisi.

"You already know me, Hindi ka nakakalimot." turan nito, nangunot ang noo ko. Magkakilala sila?

"Kilala mo ang lalakeng yan natasha?" pasinghal na tanong ni shaira.

"Kilala ko siya ngunit hindi ako malapit."

"Tch, Kung alam mo lang kung anong ginawa ng lalakeng iyan. Naku, bakit inimbitahan iyan ni noah.." napataas ng kilay si jasper sa sinabi ni shaira ngunit hindi ito nagpatinag, Sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Hindi si noah ang nag-imbita sakin, Ang father in law nito." turo niya kay natasha, ngumisi pa siya. "Ang swerte mo at naka-bingwit ka ng malaking isda." segunda niya, nakita ko ang pagkuyom ni natasha dahil sa sinabi nito.

"Shut up."

"Bakit?, Ayaw mo bang ipaalam sa mga tao rito na dati kang namamasukan sa club?"

"Shut up! Shut the f*ck up!"

Natawa si jasper, kalaunan ay lumingon kay shaira. "Swerte kayo at ang dalawang monteclaro ang nahuli niyo, napakayaman."

"Jasper, What are you saying?!" sabat ko na.

"Wala, hindi iyon importante." nakangiting tugon niya matapos ay lumapit sakin. "Ikaw ang sadya ko rito."

"Umalis ka na, Wala akong oras makipag-usap sayo.." agaran sagot ko ngunit tumango lang siya.

"Narinig mo ang sinabi niya, Umalis ka na. Kung ayaw mo ay ipapakaladkad kita sa mga guwardya!" sita ni natasha, muli siyang nilingon ni jasper na masama ang tingin.

"Ganyan ka ba umakto sa mga panauhin mo?" ani niya sa nag-iinsultong tinig. ",Kung sabagay, hindi na ako magtataka na may ganyan kang ugali. Skwater ka naman noon kung tatawagin." tiim bagang lang ang ginawa ni natasha dahil sa sinabi nito, Kung ganon ay magkakilala nga sila.

"Wala kang alam sa buhay ko, Kaya wag kang magsalita na akala mo'y kasama kitang lumaki." ngumising naiiling lang si jasper at hindi na sumagot rito, Nilingon niya ako na may pagmamalaki.

"Hindi ko alam na may kaibigan kang ganito, maganda nga. Hindi naman edukado."

"Shut the h*ll you out jasper! Kung meron man dito ang hindi edukado ay ikaw 'yon. Huwag kang magsalita na akala mo ay isa kang santo, Tandaan mo. Abswelto ka lang dahil sa pera."

Ang mga iilang bisitang malapit samin ay napapagawi na ang paningin nila sa lugar namin. Hindi ko lang alam kung tama 'bang kalabin ang isang 'to, ngunit hindi lang ako tatayo dito at manonood sa pagbabastos niya. Wala siyang karapatan gawin iyon.

"Ang sakit mo naman magsalita."

"Umalis ka na." mahinahong anas ko upang hindi na makagawa ng gulo, nangangamba ako na baka biglang dumating si miguel at dito sila mapang-abot. Siguradong magugulo ang party na ito.

"Okay then, Will see you again if you change your mind." nangunot lang ang noo ko. "Ang tinutukoy ko ay iyong kay selena at miguel."

"Wala akong interes doon."

"Its that so, Kung magbabago lang naman ang isip mo."

Nginitian niya ako bago tumalikod at maglakad palayo sa pwesto namin, napabuntong hininga akong nagbaba ng tingin dahil sa sinabi niya.

Totoo kayang nakita niya si miguel at selena?

_____

Malalim na ang gabi at halos pauwi na ang iilang bisita, Nasa mahabang mesa na kami at kasama ang pamilya ni shaira na kapwa nagkukwentuhan.

Tanaw ko ang lamesa nila miguel na hindi nalalayo sa amin, Naroon rin si jacob na tila'y nababagot sa pinag-uusapan. Ni hindi pa kami nag-usap ni miguel simula ng magkahiwalay kami kanina. Wala akong ideya kung anong pinag-uusapan nila roon, pero ang sabi ni shaira ay baka sa negosyo daw kuno.

"Excuse me, Wash room lang ako." bulong ko kay shaira, Nasa kandungan na nito ang anak katabi ang kanyang ina. Nakangiti itong tumango.

"Samahan na kita."

"Naku, hindi na.." pagtanggi ko, umiiling. "Mabilis lang ako."

"Oh sige." Tumayo na ako at lumingon sa gawi nila miguel, ngunit nangunot ang noo ko ng mapansing wala na siya sa kanyang upuan.

Malikot ang mata 'kong nagtungo sa washroom dahil sa paghahanap kay miguel, Ngunit ng marating ko ang kalapit banyo ay halos mahinto ako ng may marinig na pamilyar sakin.

"Uhmmmm."

Ungol iyon saking pandinig kaya halos tambulin ang puso ko dahil doon, Hindi ko alam kung bakit bigla ay pumasok sa isip ko ang lalakeng hinahanap ko kanina.

Nangangatal 'kong sinundan ang tinig at ng makarating sa pinto kung saan mismo nanggagaling iyon ay para na akong mahihimatay sa sobrang kaba.

Hindi ko alam para akong napapraning at gusto 'kong buksan ang pinto upang makumpirma kung sino iyon.

"Uggh. f*ck."

Napalunok ako ng muling makarinig ng pag-ungol, Hindi na ako nagdalawang isip pang buksan iyon dahil sa pangangamba sa kalooban ko.

At ng mabuksan ay halos manlaki na lang ang mata ko at hindi na halos makagalaw sa kinatatayuan dahil sa nasaksihan.

What the f*cking h*ll!.

___

Continue Reading

You'll Also Like

185K 4.2K 53
Every night, Chantal Salamanca purposely go to a bar with her other side. She's known for being a good girl, honorable daughter and witty person but...
31.4K 616 32
For the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside...
2M 24.9K 23
Jaze is a Mayor, he maintain peace on his city, he work hard, he always thought of the city's improvement. Then Allison came. He fell in love with th...
7.5K 185 20
Isla De Felicidad Series: Cuevas Clan Series 1 (Franco Cuevas) Franco and Hera are best of friends since highschool. Walang malisya, they treat each...