Make Mr Fierce Mine (Adonis S...

By Labxzaza

22.9K 844 11

May isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Authors Note.
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
EPILOGUE
Thankyou notes.

Chapter 39

231 9 0
By Labxzaza

LUNA Pov.

K i n a b u k a s a n..

Maayos na ang aking lagay ng magtungo kami ni miguel sa mansyon ng mga monteclaro. Gaya noon ay may pagkamangha parin ako sa paligid lalo na sa mga bulaklak na naroon sa hardin.

Hindi nalalayo ito sa bahay ni don fabio.
Mababatid mo agad na marangya ang buhay ng nakatira sa loob dahil sa bawat parte ng haligi ay makikita mo doon ang karangyaan.

"Sir miguel."

Bumungad samin ang may katangkarang lalake na may hawak na malaking gunting, Nakangiti itong nakatingin kay miguel bago niya ako lingunin.

"Nasa loob ba si Jacob?" tanong ni miguel, Nasa bungad pa kami ng pinto at hindi pa pumapasok mismo sa loob.

"Wala eh, Pero sandali. Tatawagin ko lang si mama."

"Mikael." pinigilan niya ito sa akmang pagtalikod kaya muli itong humarap sa'min.

"Kung wala siya ay mauuna na kami."

"Pero nandito si mam shaira." turan nito, "Nasa taas siya at inaasikaso ang anak, tatawagin ko lang si mama. Pumasok muna kayo."

Hindi na niya hinintay makasagot si miguel at daglian na itong nagtungo sa loob kaya sumunod na kami. Nang makaapak sa sala ay doon lumabas ang matandang nakasalamuha namin noon 'nung unang punta ko dito. Naglakad ito palapit samin kasama ang binata kanina, nakangiti.

"Napadalaw ka miguel, Hijo." anas niya, hindi mawala ang ngiti sa labi maging ng humarap siya sakin.

"Si shaira ho sana manang."

"Oh, Nasa taas siya. Sandali at ipapatawag ko dito." inutusan niya ang anak na mabilis naman nitong sinunod.

Iginaya niya kami paupo sa maalwalas na sala at sinabihang gagawa lang siya ng maiinom. Sakto naman ay ang pagbaba ni shaira buhat ang lalakeng anak.

Kagaya nila manang ay malaki ang ngiting lumapit siya samin, nagbeso ito saming dalawa bago maupo.

"Mabuti naman at nakapasyal kayo uli, Ang tagal na 'nung huling punta niyo dito." aniya sa magiliw na tono.

"Ikaw talaga ang sadya namin." turan ni miguel, tinuro ni shaira ang sarili na nagpalit palit pa ang tingin niya saming dalawa.

"Ako?"

"Hmm." tumango si miguel, medyo nilingon ako. "kakailangan niya ng masusuot mamaya kaya dinala ko siya rito, Alam 'kong magaling ka."

"Wow, talaga. Ako pa ang naisip mo?. Mabuti at hindi si selena?."

"You know what the situation shai."

"Huh? I dont." ani 'to, nakanguso.

Bumuntong hininga si miguel "They're not close." sagot niya kalaunan ay sumulyap sakin.

"Opss. Really? Si selena talaga. Malamang at umiral na naman ang pagkamaldita nito."

"Yeah."

Lihim akong napaismid dahil hindi lang pagkamaldita ang meron si selena, Kundi ay para itong baliw na sinasaniban. Hindi ko maipaliwanag kung anong napapansin ko sa kanya, Pag ako ang kaharap nito ay para siya mabangis na hayop ngunit pag reresponde agad si miguel ay tila isa itong ibon na animoy walang nangyari.

Tsk, May kakaiba sa babaeng iyon.

"Anong pinagkaka-abalahan mo ngayon miguel, Sa restaurant ka pa rin ba?" tanong ni shaira habang kinukuhanan ako ng sukat.

Nasa isang workshop room kami kung saan ay dito rin mismo sa mansyon, May sarili siyang kwarto dito kung saan makikita mo ang mga kagamitan niya sa trabaho.

Nakakainggit nga lang na hindi ko naisipan ito noon, Kahit na bussiness ang kurso ko ay magagawa ko ito. Iba nga lang ang trabaho.

"Sa ngayon sa resto ako, Pero sa susunod na linggo ay kailangan 'kong umuwi ng probinsya."

Natigil ako sa pag-iisip ng sumagot si miguel, Nakaupo ito sa mahabang sofa at gaya ng kinagawian niya ay may hawak na naman itong babasahin.

"Probinsya? Anong gagawin mo doon?" tanong ni shaira.

Hindi niya ba alam na taga probinsiya si miguel. Akala ko ay magkaibigan sila noon pa,

"Taga roon ako."

"Huh, Hindi ko alam na probinsyano ka pala." ani shaira, nilapag nito ang kagamitan ng matapos kunin ang sukat ko.

"Ngayon alam mo na." natawa ako saking isip dahil sa sagot niya, Ang yabang talaga.

"Oo nga, Kaso ngayon pa lang. Masyado ka kasing tahimik noon kaya hindi na ako nakakapag-tanong tungkol sayo."

Sinara ni miguel ang binabasa bago tumingin sa kausap. "Im little bit quite, But if you ask me. I owe you an answer." ngumiti siya bago bumaling sakin.

Maging si shaira ay may ngising sumulyap sa pwesto ko.

"Now I know what your so busy this past few weeks." aniya, natatawa. "Your inlove, Congrats." dagdag nito, naglakad ito patungo sa table bago kumuha ng gunting.

"You think so." tugon ni miguel, bumaling ako dito at saktong nakatingin siya sakin.

"Halata naman."

Nagtungo si shaira sa nakahilerang tela na tila may hinahanap.

"Talaga?"

"Yeah." nagkibit balikat lang si miguel bago lumapit sakin,

"Ayos lang ba na iwan kita dito?" nangunot ang noo ko sa tanong niya, Iiwan niya ako dito?

Tsk, Kahit mabait si shaira ay nahihiya parin ako dito. Hindi ko alam, dahil pakiramdam ko ay nakakaabala ako sa kanya. Imbes na maghanda na ito para mamaya ay eto siya at inaasikaso ako.

Hahagilap pa sana ako ng isasagot ng biglang sumabat si shaira.

"You may leave now miguel, Dont worry about luna. Promise she will be the most gorgeous girl later."

Nakangiting tumago si miguel. "Thankyou." Nagthumbs si shaira bago lumapit kay miguel sabay tulak palabas. natawa ako sa gulat na reaksyon nito.

"Byebye See you tonight." akma nitong isasara ang pinto ng iharang niya ang kanyang kamay.

"Wait, Im not done talking. May sasabihin pa ako kay luna."

"Ay ay ay." iling iling si shaira kasama ang kamay natawa ako. "Magkikita rin kayo mamaya kaya doon muna lang sabihin. Byebye!" Sa mabilis na paraan ay naitulak niya si miguel kaya malaya nitong naisara ang pinto.

Nakangisi itong humarap sakin. "Ang laki na ng pinagbago ni miguel." anas niya, naglakad patungo sakin.

"Sa tingin mo?" tanong ko, tumango siya.

"Dati ay hindi siya ganon, Alam mo ba na walang interest iyon sa babae?" tumango ako, alam ko ang tungkol doon dahil nakilala ko ito sa malamig na pagkatao.

Kaya nga naiinis ako sa kanya noon dahil wala man lang akong epekto sa kanya. Pero hindi na katulad ngayon, Nagbago na nga ito.

"Maging si selena ay nahirapan itong paamuin, Pero sa tagal niyang naghahabol dito ay naging mag-kaibigan din sila." pagkukwento niya pa, Sa aking nakikita ay parang wala siyang alam sa nangyari samin ng babaeng iyon.

"Alam mo 'bang dalawang beses na kaming nagkita ni selena?" tanong ko, tumango siya.

"Ang pagkaka-alam ko ay naroon siya 'nung idemanda nila si jasper." tango tango lang akong nag-iwas ng tingin.

"Hindi maganda ang pagkikita niyo noong umpisa?" muli akong tumango kaya napangiwi siya, "Pagpasensyahan mo na lang siya, Minsan mataray talaga iyon sa mga malapit kay miguel."

"Mataray din ito sayo?"

"Hindi, Mas nauna 'kong nakalapit si miguel kesa sa kanya."

"Kung ganon ay matagal na kayong magkaibigan." tumango ito sa tanong ko bago maglakad sa kanyang lamesa at maupo.

"Naging kaibigan ko siya dahil sa asawa 'kong si Jacob." ani nito, sinenyasan niya akong maupo sa kaharap na upuan sa kanyang lamesa.

"Hmm, Si jacob pala talaga ang kaibigan niya."

"Yeah, I meet him in school. Nakakuha ako ng scholar sa pinapasukan nilang unibersidad."

Tumango ako, pinapakitang interesado ako sa bawat sagot nito.

"Scholar ka pala."

Nakangiti itong tumango habang nakatingin sakin, Hindi na nasundan ang tanong ko ng may kumatok sa pinto. Dagliang tumayo si shaira upang buksan iyon at bumungad samin si manang na may dalang pagkain.

"Aba't nasan ang batang si miguel?" tanong niya ng mailapag sa lamesa ang dalang miryenda.

"Pinaalis ko na po." sagot ni shaira.

"Ikaw talaga, bakit hindi mo muna pinakain."

Nagkamot ito ng ulo "Aalis din po siya manang." ani nito, napabuntong na lang ang ginang sabay baling sakin.

"Kumain ka muna hija bago kayo mag-umpisa."

tumango ako. "Kain na rin po kayo."

"Doon na ako sa baba." sagot nito, nakangiti.."Kung may kailangan kayo tawagin niyo lang ako sa ibaba."

Nagpaalam na itong tutungo sa kusina kaya muli kaming naiwan ni shaira na abalang naghahanda ng gagamitin, Lumapit ako upang makiusisa.

"Hindi ba tayo matatagalan niyan shaira?" Nag-aalangan tanong ko, Kung ako ang papipiliin ay mas gusto ko na lang magsuot ng nakahandang damit. Ngunit kahapon pa lang sinabi ni miguel kaya hindi ko napaghandaan ang maisusuot.

Ang hilig talaga niya sa pasupresa.

"Siguro ay aabutin tayo ng hapon." sagot nito, tumayo siya ng maayos ang lagay ng makina para sa pananahi. "Sabihin mo sakin kung anong nais 'mong disenyo."

"Naku hindi na.". ani ko, umiiling. "Si miguel lang naman ang may gustong sukatan ako, kung ako sana ay mas gusto ko na lang mamili ng masusuot." lumingon ako sa gawi ng mga nakahilerang damit banda sa gilid ng kanyang kwarto, lumapit ako doon habang siya ay nanatiling litong nakatayo.

"Pwedi na ito." natawa siyang lumapit sakin.

"Kung 'yan ang gusto mo ay sumama ka sakin." hindi na ako nakapalag ng hilain niya ako palabas patungo sa kabilang kwarto, nakangiti itong nagtungo sa isang pinto kung saan naroon ang kanyang closet.

Nailibot ko ang paningin sa kabuuan ng silid, Kung titingnan ay para na itong isang buong bahay. May sariling closet at malaking veranda, isang king size bed na ubod ng ganda.

Mas malaki pa ito sa kwarto ko, Hindi man lang yata nangalahati ang sa'kin.

"Luna, Come here." napukaw ako sa pagtawag niya, May alinlangan akong lumapit dito habang siya ay sinusuri ang hawak na damit.

"This is casual gown, Not totally gown. Isa ito sa best seller namin."

Inilapit niya ito sa katawan ko kahit na may balot pa iyong plastic, Nakangiti ito habang ginagawa niya iyon.

Malayong malayo siya kay selena, Nagtataka ako kung bakit naging kaibigan nila ang babaeng iyon. Hindi naman sa ayaw ko, kung may pagkakataon na magiging mabait ito sakin ay baka makipag-kaibigan pa ako sa kanya. Pero kung lagi na lang itong nakaisding sakin ay hindi talaga kami magkakasundo.

How I hate Insicure friends.

"Kung mapipilit lang sana kita ay mas nanaisin 'kong ipagsadya ka ng damit." ani nito nakanguso, "Kung bakit ba kasi ngayon ka lang dinala ng boyfriend 'mong probinsyano." natawa ako sa huli nitong sinabi.

"Kagabi niya nga pa lang sinabi."

"See." nakangiwi ito ng alisin niya ang balot ng semi gown. "Kahit kailan talaga si miguel." naiiling nitong inangat ang hawak ng tuluyan ng maalis ang plastic nito. Tumambad sakin ang silver dress na may haba ng ilang pulgada.

Mapapansin mo agad na hahapit iyon saking bewang dahil sa cut na nanggagaling bandang ibaba, May cut iyon sa gilid. At paniguradong lilitaw iyon twing maglalakad ako, Isa siyang sleeve dress na sobrang lalim sa dibdib. Lilitaw yata ang kaluluwa ko 'rito.

"Babagay ito sayo dahil maputi ka." muli niya itong itinapat sakin "You have skinny type body, 'Ito pala ang tipo ni miguel." nang-aasar itong nakangiti.

Mag-buhat kanina ay hindi ko man lang siya nakita ng may pagka-ilang. Ganito yata pag talagang mabait ka, At masasabi 'kong mabait ang kaharap 'kong ito. Sobrang ganda niya pa naman na kahit sinong lalake ay mapapansin.

"Hindi ba seloso si miguel?"

Gusto 'kong tumawa ng malakas sa tanong niya ngunit dahil nahihiya ako ay isang tangong ngiti lang ang nagawa ko.

"Kung pwedi lang niya akong itago sa baol ay ginawa niya na." naiimahe ko ang itsura ni miguel habang sinasabi ko ito, 'Yung panga niya twing magtitiim. Tsk, Seloso.

"Hahaha, Magkaibigan talaga sila ni jacob."

"Si jacob seloso?" tanong ko. makailan tango ang nagawa niya.

"Isang daang pursyento ang kaselosohan nito sa katawan, Ni magdamit ng ganito ay ayaw niya. Hindi ko nga lang alam mamaya dahil hindi nalalayo ito sa susuot ko."

Nakanguso ito habang binabalik niya na sa balot ang damit. "Mga lalake nga naman." bumuntong hininga siya ng mailapag iyon at sumulyap sakin.

"Mag stay ka muna dito pwdi ba?"

"huh? dito?"

tumango sya "Huwag ka munang magpasundo, tatawagan ko si miguel."

"Ikaw ang bahala." bumakas ang saya niya dahil sa sagot ko.

"Sasabihin 'kong tayo na lang ang magmamaneho mamaya, Papaunahin ko na siya sa venue para doon ka na lang niya makikita." Sa tono ng boses nito ay mukhang excited pa siya sakin, Kung sabagay ako rin naman.

Sana nga lang ay maging maganda ang gabing ito

Kinagabihan, Gaya ng gusto ni shaira ay nanatili ako sa kanilang mansyon. Si miguel din naman ay nagtungo pa rin dito noong bandang hapon na. Katulad ng pagtataboy ni shaira kanina ay naulit na naman ito, Sa venue na lang daw siya maghintay at huwag na akong sunduin. Nakasimangot tuloy itong umalis sa kadahilanang walang magawa.

Tablado pala ang isang miguel sa shaira Monteclaro.

Kasalukuyan nitong inaayos ang buhok ko habang pareho kaming nakaroba, Marami na rin kaming napag-usapan tungkol sa aming pinagdaanang buhay. Sa maghapon 'kong pananatili dito ay nalaman ko ang nakaraan nito.

Matanda siya ng isang taon sakin ngunit ang dami na niyang pinagdaanan. Bilib talaga ako sa malalakas ang loob tulad ni shaira, Sana ay kung maranasan ko man iyon ay maging matapang din ako sa pagsubok na darating sakin.

"Kumusta na pala ang mommy mo?" nag-angat ako ng tingin sa kanyang tanong, Patapos na ito saking buhok.

"Nakausap ko siya noong isang araw, Baka sa susunod na dalawang buwan ay makakauwi na sila."

Tumango ito saking sagot bago ilapag ang iron na ginamit, Itinali niya ang buhok ko sa mataas na pwesto.

"Kung ganon ay naghihilom na ang sugat niya." ani 'to, ngumiti ako. "Sa susunod ay ako naman ang dadalaw sa inyo upang makilala ko siya." napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito, Hindi ko alam kung saan sila didiretso sa oras na makauwi sila. Hindi naman pweding makitira din sila sa bahay ni miguel, kahit ako ay tututol doon kung sakaling mag-alok si miguel.

"Why? There's anything wrong?" tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin bago sumagot.

"Nakasangla kasi ang bahay."

"Bahay? Bahay niyo?" tumango lang ako bilang sagot.

"Sa magkanong halaga?" tanong niyang muli, umiling akong nakangiti.

"Huwag mo ng alamin, siguradong mag-aalok ka lang tumulong." nangunot ang noo niya kaya tumayo ako sabay senyas sa kanyang maupo.

Napanguso ito.

"Im willing to help you luna." sabi ko na nga ba at tama ako, sa mata pa lang niya ay mababasa mo ng ganito ang iniisip niya.

"Baka hindi kita mabayaran agad, Sa pagkakaalam ko ay milyon itong nakasangla."

"Kung ganon ay kausapin natin ang taong kumuha sa bahay niyo, Kung sa pera ay walang problema. tell me how much the cost?"

Umiling ako. "I don't know the exact price." itinikom nito ang bibig bago magpakawala ng malalim na hininga.

"Kung sakaling malaman mo ay wag kang mag atubiling magtungo rito, Tutulungan kitang mabawi ang bahay niyo."

Napangiti ako sa isip dahil may kusang loob na tumutulong sakin, Pero kung sakaling hindi man si shaira ang tutulong ay si miguel naman. Sigurado't gagawa din siya ng paraan para matulungan ako.

Alas syete trenta ng matapos kami sa pag-aayos. gaya ng ayos ko ay ganun rin ang sa kanya, kung titingnan ay para na kaming kambal kung hindi lang magka-iba ang suot namin.

Isang fitted red dress ang suot nito na humahapit sa hubog ng kanyang katawan, Lumilitaw ang balikat nito dahil sa offshoulder ang ayos ng kanyang suot. Makintab at madulas iyon, Napakaganda niya wala na akong masasabi.

Tumunog ang cellphone nito habang palabas kami ng kanyang silid, Kinuha niya iyon sabay sagot.

"Yes dad?" bungad nito sa kausap habang pababa kami ng hagdan, napatingin tuloy ako saming suot pang-paa dahil pareho kami ng suot.

Black heels.

"Uh okay, Papunta na kayo dad?" nagtungo kami sa sala at nandoon na ang yaya ni baby jiro buhat ito, nakabihis na ang kanyang anak at napaka-gwapo nito sa suot niya.

"What? Kasama mo si mama? okay okay, kayo ang bahala. Nakabihis na rin naman siya." nilapitan niya si baby jiro kaya halos magpumiglas siya sa kanyang yaya upang magpakuha sa ina.

Hawak sa isang kamay ay kinuha nito ang anak, "Yeah, Lalabas na kami. Sasakyan ko ang kotse ko." ibinaba nito ang tawag bago ako lingunin. "Tara, Nasa labas si mama at daddy." Inayos ko ang tindig dahil sa sinabi nito.

Kilala ko ang taga-pagmana ng monteclaro noon, Si Mr.Samuel iyon at hindi ko alam na makakaharap ko siya mismo ngayon. Ang pagkaka-alam ko ay isa siyang bussiness tycoon na sobrang yaman. Pag-aari lang naman nila ang halos karamihang hotel dito sa pilipinas.

Nang makalabas ay naroon na nga ang isang itim na kotse, Bumukas ang backseat at doon ko nakita ang magandang tindig na lalake. Kamukha siya ni shaira, Hindi mo maitatanggi na mag-ama talaga sila.

"Oh, may bisita ka pala." aniya bago kunin ang apo, ngumiti ako sa kanya.

"Magandang gabi po Mr'Monteclaro." Ngumiti din ito bilang ganti.

"Maganda pa kayo sa gabi." natawa kami ni shaira dahil sa sagot niya.

"She is Luna dad, The daughter of Villamor group." gulat na napabaling sakin ang kanyang ama.

"Ikaw pala ang unica Hija ni Rumualdo." tumango ako. "Kaibigan ko ito at nagkasama na kami sa trabaho, Kumusta na siya at ang iyong ina?"

Mapait akong ngumiti. "Kasalukuyan po silang nasa france para sa pagpapa-gamot po ni mommy."

Tumingin ito sa anak bago sa'kin. "Sana ay maging maayos na ang kalagayan ng iyong ina."

"Salamat Ho." napabaling muli kami sa kotse ng lumabas ang isang babae, Sa tingin ko ay ito ang ina ni shaira.

Maganda siya sa light gold dress na suot nito. At nakangiti itong naglakad palapit sa'min.

"Hello baby jiro." ang anak agad ni shaira ang pinansin nito bago mapabaling sakin, ngumiti siya.

"Si luna po pala ma, Girlfriend ni miguel."

Mabilis na napaharap sakin si Mr'Samuel dahil sa tinuran ni shaira, Samantalang ang ina nito ay lumawak pa ang ngiti na nakatingin sakin.

"Girlfriend siya kamo ni miguel?" paguulit ng kanyang ama, mabilis itong tinanguan ni shaira.

"Aba't tingnan mo nga naman, Kaya pala ang batang iyon ay hindi na pumupunta dito. Tch! May kinababaliwan na palang magandang babae."

Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha dahil sa sinabi nito, Ngunit ngumiti rin ako kahit na may hiya na akong nararamdaman.

Tumikhim si shaira sabay kawit sa'king braso. "Kaya dapat pumunta na tayo sa party, Para hindi sayang ang ganda namin dito." natawa ang dalawa dahil sa tinuran niya, napailing na lang akong nakangiti.

"Magenjoy kayo sa party." ani ng ama, "Sa amin sasakay si baby jiro, mauuna na kami." tumango kami bago sila maglakad patungo sa kanilang sasakyan, Hinintay muna namin silang makaalis bago kami sumakay sa aparteng kotse.

__

Continue Reading

You'll Also Like

32K 617 32
For the sake of his beloved ex-boyfriend, Jillian Silverio took responsibility and took a child in her care even if that means she has to set aside...
38K 1.1K 20
WHEN THE COLDHEARTED BEAST AWAKEN SEQUEL.. MIA AND GIO LOVE STORY!! 《Siguro hindi sya ang babaeng nakatadhana sa akin.. Siguro..may dahilan ang kapal...
23.1K 851 52
Pag sinabing unromantic, love marami ng pumapasok sa isip natin. Isa na doon ang walang sparks sa relasyon. Bukod tanging init ng katawan lamang ang...
14.2K 463 34
Pakinggan ang bawat bulong. Dahil kadalasan ng hindi napapansin ang siyang gustong magpakita. Ang hindi naririnig ang siyang gustong magsumigaw. At a...