Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Thirteen

1M 20.3K 2.2K
By RaceDarwin

 NAGING ABALA si Kira sa restaurant niya ng mga sumunod na araw. Nakatulong ang pagtutok niya sa kanyang negosyo para makalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Jiro at Amy. Sa bawat pagdaan ng araw ay nakalimutan din niya ang sakit na ginawa ng dalawa. Nang magtanong ang magulang niya tungkol sa lalaki.

 Naging tapat siya sa mga ito. Sinabi niya ang totoo na nahuli niya si Jiro sa akto ng pagtataksil sa kanya. Natural lang na galit ang maging unang reaksyon ng mga magulang niya, lalo na ang kanyang ama. Kung nandoon lang daw ito sa tabi niya baka nasugod na nito ang lalaki at binugbog. Kinalma na lang niya ang mga ito sa pagsasabi na okay na siya. Yes, she was really okay now.

 Ganoon pala talaga kapag heartbroken ka. Subukan mo na huwag isipin ang sakit na idinulot sa 'yo ng lalaking nanakit sa 'yo at awtomatikong mapapawi iyon sa dibdib mo. And then, you will just wake up one morning na hindi mo na siya maiisip pa at hindi mo na mararamdaman kung gaano man kasakit ang nangyari.

 In short, kung pursigido talagang mag-move on, makakamit 'yon.

 Kaya lang siguro may mga babaeng hindi maka-move on sa kanilang ex-boyfriend ay dahil sa ayaw pa nilang pakawalan ang alaala ng mga 'yon.

 But come to think of it, bakit sa tatlong taon na magkarelasyon sila ni Jiro hindi man lang sumagi sa alaala niya ang mga masasayang sandali nila? Bakit wala siyang maala-ala na special moment nilang dalawa? Hindi tuloy niya mapigilan na kuwestiyunin ang sarili.

 Did she really love Jiro o nadala lang siya sa ideya na ito ang lalaking nararapat sa kanya?

 Napapitlag si Kira at awtomatikong natigil sa pag-iisip nang marinig ang mga katok sa maliit na opisina niya. "Bukas 'yan."

 Bumungad ang ulo ng isa sa mga empleyado niya.

 "Ano 'yon?" she asked.

 "Ma'am, may naghahanap po sa inyo."

 "Sino daw?"

 "Hindi po sinabi ang pangalan. Basta boyfriend n'yo daw."

Halos lumuwa ang mata ni Kira. "B-Boyfriend?" Aba't sino naman ang hudyong magpapakilalang boyfriend niya?

 Kinikilig na tumango ang empleyado niya. "Ang gwapo pala niya, Ma'am! Nakakapanginig ng pempem ang kagwapuhan! Piercing blue eyes pa!"

 Blue eyes? Isa lang ang lalaking pumasok sa isip ni Kira sa deskripsyon ng empleyado niya sa lalaking nagpakilalang boyfriend niya. Naningkit ang mga mata ng dalaga.

 Callante Fontanilla.

 Hindi nga nagkamali ng hinala si Kira. Si Callan nga ang nagpakilalang boyfriend niya sa kanyang empleyado. Nakita niya itong nakaupo sa isang sulok at matamang naghihintay. Mabibilis ang hakbang na lumapit si Kira sa binata. "What are you doing here?"

 Nag-angat ito ng mukha. "Hello, Kira. It's nice to see you here."

She almost rolled her eyes. "Oh. It's nice to see you, too." puno ng sarcasm na sabi ni Kira. "Teka, alam mo ba kung sino ang may-ari nitong pinasukan mo?"

 Naningkit ang mata ni Callan at parang nag-isip pa. "Hmm.. Someone tell me na ubod daw ng ganda ang may-ari nitong restaurant. I just don't remember her name. Kilala mo ba?"

 "Oo, kilala ko kung sino. Bakit?"

 "Balak ko sanang ligawan."

Umangat ang isang kilay niya. "Tatawa na ba ako sa joke mo?"

 Ngumisi ang binata. "E, di tumawa ka. Hindi naman ako nagbibiro."

 "Seriously, Callan. What are you doing here?" Ilang araw din niya itong hindi masyadong nakita. Malamang ay may pinagkakaabalahan din ito.

 "Baka kakain?" sarkastikong sagot nito. "Teka, sasabihin ko na ang order ko."

 "Oy, hindi ako waiter dito."

 "Ow? Oo nga pala. Ikaw ang guard. Ang tapang mo kasi." Mahinang tumawa ito at ngali-ngaling tuktukan niya ito. Kung hindi lang ito customer at isang pulis, baka natuktukan na niya nga ito. Kaso naka-uniporme ito at ayaw man niyang aminin subalit kagalang-galang ito nang sandaling iyon.

 "Hindi ako ang guard. Umayos ka nga."

 "Oo na, oo na. Ikaw 'yong cashier."

 "Callan.."

 "Ah, hindi ba? Baka ikaw 'yong dishwasher?" patuloy na pang-aasar nito.

Naningkit ang mata ni Kira. "Fontanilla, umayos ka!" mariing saway niya. "Ano ba talaga ang kailangan mo dito?"

 "Kakain."

 "Sinong kakainin mo?" Ang sarili naman niya ang tila gusto niyang tuktukan. Mali ang ginamit niyang pag-tanong. Ang "ano" ay naging "sino". At aware siya na iba ang dating ng tanong nito.

 Ubod ng kapilyuhan na ngumiti si Callan kasabay ng pagkislap ng pagnanasa sa mata nito. "Kung sabihin ko kung sino ang gusto kong kainin, baka masampal pa ako."

 Sh-t. Bakit ba kasi ang hilig niyang makapag-bitaw ng words na double meaning. "Ugh, forget that. Ano ba talagang gusto mo? I don't believe wala kang ibang agenda sa pagpunta dito. Sinabi mo pa nga sa empleyado ko na girlfriend mo ako!"

 "And what's the problem with that? Ayaw mo nun. Di ka masasabihan na bitter pa rin--"

 "Stop." Umupo siya sa kaharap na sila nito. "Ano ba talaga?"

 "Magaling umupo ka. Now, we can talk. Pero mas maganda kung kakain muna tayo." Hindi na niya napigilan si Callan ng tumawag ito ng waiter at umorder ng pagkain para sa kanila. Iniwasan niya ang nagtatakang tingin sa kanya ng empleyado niya at masama ang tingin na ipinukol sa binata. She didn't know what he truly wants from her. Kaya kinalma niya ang sarili hanggang sa hindi pa natatapos umorder si Callan.

 Humarap ito sa kanya mayamaya. May matagumpay na ngiti sa labi nito. "Hayaan mo na ako ngayon na makasabay ka sa pagkain. Minsan lang naman na mangyayari ito."

 She raised a brow. "So.. 'Yan ang dahilan mo sa pagpunta dito?"

Tumango si Callan. "Yeah. I just want to have luch with you."

 Hindi niya mapigilan ang mapanganga. Suddenly she was speechless. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

 "Matagal ko na gustong yayain ka na mag-lunch. Pero hindi ko 'yon noon magawa dahil may nobyo ka at alam ko naman na tatanggihan mo lang din ako. So now i think, hindi ka na makakahindi sa akin." He winked at her and she felt her body shivered with his words. Pulang-pula na siguro ang mukha niya sa kilig na kumakalat sa kabuuan niya.

 "O, huwag kang kiligin d'yan. Libre mo naman 'to, eh."

 Tila isang drum ng malamig na tubig ang bumuhos sa kanyang katawan dahil sa sinabi ni Callan. Sa labis na inis, malakas na tinadyakan niya ito. Napasipol ito at kumalat ang kulay sa mukha.

 "Peste. Dapat lang 'yan sa 'yo." Panira ng kilig ang hudyo! Siya pa pala ang manlilibre dito. "Kung ako pa pala ang manlilibre, aalis na ako." Tatayo na sana siya nang pigilan ni Callan ang braso niya.

 "Don't. That was just a joke."

 "Well, that's not funny." asik niya sa lalaki. Humingi ito ng pasensya at pinagbigyan niya ito. "Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo, Callan? Bakit bigla-bigla ka?"

 "Dapat ba dinadahan-dahan muna?"

 "Seryoso ako, ha. Huwag mong haluan ng kamanyakan kung ayaw mong iwanan kita dito."

He grinned wickedly. "Wala naman akong ibig sabihin doon sa dahan-dahan, ah? Greenminded ka lang yata, eh."

 "Hindi ako greenminded. Sadyang manyak ka lang."

 "Well, i'm guilty. But i just want to let you know that you're the reason behind my dirty thoughts."

 Nalaglag ang panga ni Kira. Parang ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nito. She's the reason behind his dirty thoughts? What the hell did she do? Bago pa niya magawang makapag-react sa sinabi ni Callan ay dumating na ang inorder nitong pagkain nila.

 Inanyayahan na siya nitong kumain. Tuloy nakaramdam siya ng gutom. Hindi pa kasi siya kumakain ng tanghalian. Inuuna muna niyang tapusin ang ginagawa sa tapat ng computer niya bago kumain. Kung hindi pa dumating si Callante, hindi pa niya maaalala na hindi pa siya nagtatanghalian.

 "Kumusta naman itong business mo? Maganda ba ang takbo?" seryosong tanong ng binata habang kumakain sila.

 She nodded. "Awa ng Diyos maganda naman ang takbo at hindi ako nalulugi."

 "Malaki na siguro ang naiipon mo."

 "Oo. Kahit buwan-buwan akong nagpapadala kina Mama, hindi nauubos ang ipon ko para sa sarili ko. Gagamitin ko rin naman 'yon sa isa pang business."

 "What business?"

 "Balak ko pa kasi na magtayo ng bar." Noon pa niya binabalak iyon. Pero ang gusto muna niya ay mag-ipon pa at palaguin ang Shakira's. Kasama sa mga plano niya na bilhin ang lote sa tabi ng Shakira para gawing bar.

 Sa ngayon kasi ay hindi pa niya mabibili 'yon dahil hindi pa kaya ng budget niya. She just wished na hindi siya maunahan.

 "That's a good idea, Kira. Plano ko rin nga na magtayo ng bar malapit dito."

 Umangat ang kilay niya. "Really? May plano ka pang ganoon, eh ang dami mo na yatang inaasikaso sa family business n'yo? Plus the fact that you are a police officer. Hindi ka naman yata nagpapakalunod sa trabaho, ano?"

 Nakangiting umiling. "Hindi naman. Nasa dugo na namin ang pagiging negosyante. Bata pa lang ako tinuruan na ako ni Papa kung papaano maghandle ng negosyo. If you're going to think of it, masasabi mo nga na mahirap. Pero sa akin, nasanay na ako kung papaano ko imamanage ang oras ko."

 "Bakit ba hindi mo na lang i-give up ang pagiging police officer mo? Sa totoo lang, mas delikado 'yang propesyon mo kesa sa maghandle ng family business n'yo."

 Gumuhit ang ngiti sa labi ni Callan. "Interesado ka na ba sa buhay ko, Kira?"

She rolled her eyes. "Asa ka. Nagtatanong lang ako kung ano-ano na ang ina-assume mo. Ofcourse, i just want to know. Alam kasi Callan, hindi ko lubos isipin na magiging pulis ka."

 "Why?"

 "Dahil sa impresyon ko sa 'yo at reputasyon mo bilang palikero."

 "I'm not a playboy, honey. I don't play with women."

 "Well, that's hard to believe." Ngumisi siya. "So, saan ka ba nagpa-plano magpatayo ng bar?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang maungkat pa ang hindi dapat maungkat. Gusto niyang makalimutan ang gabing iyon na may nangyari sa kanila ng binata. Pero aminado siya na mahirap kalimutan ang nangyari ng gabing iyon. Tila nakatatak na sa katawan niya ang bawat bakas ng labi ni Callan, lalo na ang tamis ng halik nito sa pagitan ng hita niya. That one night was hard to forget. At nararamdaman niya na hindi na yata niya makakalimutan pa 'yon. Pero kailangan niyang magpatay malisya.

 "Hmm.. Sekreto pa kung saan. Pero nabili ko na ang lote at nasa akin na ang titulo."

 "C'mon. Kahit malaman ko kung saan, hindi naman kita kakaribalin." Ano ba naman ang laban niya kay Callan pagdating sa pagnenegosyo?

 "Talaga? D'yan lang ako sa tabi ng Shakira's."

 Muntikan na mabilaukan ng pagkain si Kira. Nanlalaki ang mga mata at di makapaniwalang tumingin kay Callan.

 "Oh my God."

Continue Reading

You'll Also Like

30.9M 585K 42
"You're invited to Temptation Island."
10.3M 303K 56
Midnight Mistress is now live! Temptation Island Series| R-18
619K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...