Unfaithful Wife (HIATUS)

By cielodeamore

28.9K 675 78

Their lives are perfect... until a tragedy happened that changes their perfect lives Language: Filipino Statu... More

Work of Fiction
Author's Note
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35

Kabanata 31

716 19 0
By cielodeamore

Kabanata 31

      
Sister

          
          
          
          
Pagkagising ko kinabuksan, tulog pa rin si Khalid. Hindi na ako nagtaka dahil ganito talaga siya ‘pag nakakainom at lasing, matagal talaga siyang magising.

Unti-unti kong inalis ang kamay kong nakayakap sa katawan niya. Gusto ko pa sana siyang yakapin, kaso ayoko namang magising siyang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Hindi ko naman kasi inaasahang matapos nang nangyari saamin, magiging maayos na kami. Baka nga kakalimutan niya lang iyon at mag-aaktong parang walang nangyari. Inaasahan ko na iyon lalo na’t hanggang sa pagtulog niya, sinabi niyang galit siya saakin.

Kaya naman, bumangon na ako pagkatapos nun. Pero dahil sa himbing ng tulog niya, ginamit ko ang pagkakataon na iyon para titigan ang guwapo niyang mukha.

Kahit mahimbing ang tulog niya, bahagyang nakunot ang noo niya. Pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Para lang siyang isang guwapong prinsipeng natutulog.

Matapos nang ilang minutong paninitig sa mukha niya, umalis na ako sa kama at dumiretso sa banyo.

Mahigit isang oras din ang tinagal ko sa banyo. Pero tulad ng inaasahan, paglabas ko, mahimbing pa rin ang tulog ng asawa ko. Puwesto lang yata niya ang naiba dahil nakatagilid na siya ngayon.

Bumuntong-hininga ako matapos kong mag-ayos saka ako nagdesisyon na lumabas at bumaba na. Hahayaan ko muna siyang matulog. Mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol sa nangyari. Kung gusto niya pag-usapan. But I doubt it. Malakas kasi talaga loob ko na kakalimutan niya ang nangyari. Pero tiis-tiis lang. Gagawin ko ang lahat para mawala ang galit niya saakin.

Dumiretso ako sa dining room. Tulad nang inaasahan, nadatnan ko si Nanay Myrna na naghahanda ng almusal.

“Good morning, ‘Nay.” I greeted her that made her glanced my way.

Matagal bago siya nakapagsalita. Tinitigan nito ang mukha ko na parang pinag-aaralan. Mayamaya, bumuntong-hininga siya.

“Magandang umaga rin sa’yo, hija. Mukhang maganda ang gising mo ngayon. Mabuti naman at nakalimutan mo na ang nangyari kagabi.”

I bit my lower lip and didn’t talk. Umupo na lang ako sa harap ng hapag-kainan. Naglagay ako ng almusal sa plato ko. Patuloy naman si Nanay Myrna sa pagsasalita.

“Hindi pa tumatawag ang asawa mo, kaya hindi ko alam kung makakauwi siya.”

Tumikhim ako sa sinabi ni Nanay at hindi na nakatiis, “Umuwi po ang asawa ko kagabi.”

Kung nagulat man si Nanay Myrna sa sinabi ko, hindi iyon nakita sa mukha niya. Kapagkuwan, bumuntong-hininga siya.

“Kaya ba maganda ang gising mo?”

I bit my lower lip again, “Parang ganun na nga po.”

Inituon ko ang atensyon sa pagkain sa harapan dahil naiilang ako sa tinging ibinibigay ni Nanay Myrna saakin. Pakiramdam ko binabasa niya ang laman ng isip ko. Kumain na lang ako.

“May nangyari ba kagabi?”

Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Nanay Myrna, kaya kaagad kong ininom ang tubig na nasa tabi ko. Pagkatapos kong uminom ng tubig, hinagod ko ang dibdib ko dahil nauubo pa rin ako. Napatingin ako kay Nanay Myrna na nakatingin din saakin kaya napaiwas ako ng tingin.

Alam ko namang walang malisya ang tanong niyang iyon, kaso nga lang biglang pumasok sa isip ko ang nangyari saamin ni Khalid kagabi at hindi ko napigilan ang pag-iinit ng pisngi ko.

Tumikhim ako mayamaya, “O-opo. Umuwi po siya para magpaliwanag na ano.. na hindi po sila magkasama ni Queenie nung nakaraang gabi. Sabi niya po galit siya saakin. Iyon lang po.” sabi ko nang hindi makatingin nang diretso sa kanya.

“‘Yon lang?”

Napabaling ako kay Nanay Myrna. Nang makita kong may mapanukso na siyang ngiti sa labi, hindi ko napigilang mapanguso.

“Nanay, naman.”

Nailing-iling, pero nakangiti si Nanay Myrna na umupo sa harapan ko, “Wala kang dapat ikahiya, hija. Natural lang gawin nang mag-asawa ang bagay na iyon. Ang hindi ko lang akalain, na ginawa niyo ang bagay na iyon kahit galit ang asawa mo. Ang ibig sabihin ba nun ay maayos na kayo ng asawa mo?”

Umiling ako, hindi sigurado, “Hindi ko po alam. Lasing po siya, ‘e. Pero sabi niya galit pa po siya saakin at gusto niyang manatiling galit. Mukhang hindi pa po niya nakakalimutan ang nangyari,” I smiled, “Kaya inaasahan ko na po na magiging tulad pa rin nang dati ang pakikitungo niya. Pero sa nangyari kagabi at mga sinabi niya, nagkaruon ako ng pag-asang huwag siyang sukuan. Nararamdaman ko pong malapit nang mawala ang galit niya saakin. Nararamdaman kong malapit nang bumalik ang asawa ko sa dati.”

Hindi na nagsalita si Nanay Myrna at walang nagawa kundi ang titigan ang mukha ko. Tuluyan na rin kaming natahimik nang makita ko ang pagpasok ng asawa ko sa dining room.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa wala itong salitang umupo sa harapan ko, itinukod nito ang dalawang siko sa mesa at naisapo ang kamay sa ulo habang nakapikit nang mariin na parang may iniindang sakit.

Hangover. Iyon kaagad ang pumasok sa isipan ko. Mukhang naparami talaga siya ng inom kagabi. Kaya naman, tumikhim ako at nagsalita.

“Beth, pakikuha nga ng Tylenol.”

Dahil sa sinabi ko, napamulat ng mata si Khalid at tumingin saakin, “No. I’m fine.” as I expected, naging malamig naman ang boses niya.

Pero hindi ako nakinig. Nang maibigay ni Beth saakin ang gamot na hinihingi ko, lumapit ako sa asawa ko saka ko nilahad sa kanya ang gamot at isang basong tubig.

“Here. Inumin mo. Para mawala kaagad ang hangover at pananakit ng ulo mo.”

Suplado niya lang akong inilingan, “I don’t need that. I’m fine.”

“Huwag nang matigas ang ulo.”

Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang paglabas nina Nanay Myrna, Beth at isa pang kasambahay. Iniwan kami ni Khalid dito sa dining room nang hindi nagpapaalam. Pero hindi ko muna sila pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng asawa kong suplado lang na umingos kaya akala ko hindi pa rin siya papayag.

“Fine.”

Pinigilan kong ngumiti nang kunin niya sa palad ko ang gamot. Agad niya itong inilagay sa bibig niya at ininuman ng tubig, kaya umalis ako sa gilid niya at muling umupo sa harapan niya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Samantala siya, kunot pa rin ang noo at halata pa rin ang kasupladahan sa mukha habang nakatingin sa pagkain na para bang may ginawa itong masama sa kanya.

Tumikhim ulit ako, “Kumain ka na. Gusto mo mainit na sabaw para sa hangover mo?” maingat kong tanong sa kanya.

Umigting ang panga niya at tumingin sa malayo, “I’m not hungry. Kumain ka na lang diyan.”

“Pero —”

Naputol ang ibang salita ko nang tumingin siya saakin gamit ang matalim niyang tingin, “Just eat. Huwag mo na akong pakialaman.”

Napalunok ako. Kahit inaasahan ko na ito kanina, nasaktan pa rin ako. Ngumiti ako nang mapait kapagkuwan.

“O-okay.”

Hindi na siya nagsalita. Umiwas lang siya ng tingin at umigting ang panga.

Hindi nagtagal, hindi pa man natatapos ang pagkain ko, umalis na siya para yata bumalik sa kwarto. Mukhang nawala na ang pananakit ng ulo niya. Kaya naman, minadali ko ang pagkain ko.

Matapos kong kumain, umakyat din ako sa kwarto namin. Hindi ko siya nadatnan sa loob, pero narinig ko ang lagasgas ng tubig sa banyo kaya naisip ko nandun siya sa loob.

Dahil wala naman akong gagawin, naisipan kong handaan na lang siya ng susuotin. Parang gaya lang ng gawain ko nuon. Ako ang namimili ng isusuot niya papunta sa opisina. Kaya binuksan ko ang closet at kumuha ako ng boxer, long sleeve, necktie at pants. Maging ang relo niya hinanda ko rin. Ipinatong ko iyon sa kama.

Hindi nagtagal, narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo, kaya napalingon ako rito. Napalunok ako nang makita kong lumabas mula rito si Khalid at puting tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Tumikhim ako, “Uhm, papasok ka na sa opisina? Pinaghandaan kita ng maisusuot.” nag-aalangan kong sabi at imunwestra ko pa ang damit na kinuha ko para sa kanya.

Napatingin naman siya rito. Kapagkuwan, muli niyang ibinalik ang mga mata saakin. Bahagyang nakasalubong ang kilay.

“Why are you doing this, Raiah? Bakit Inaasikaso mo ako?” he asked.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at nangapa ng sasabihin. Kapagkuwan, nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang daliri ko.

“Because I’m your wife. And that’s what wife should do, to take care of her husband.” sabi ko gamit ang mahinang boses.

Bumuntong-hininga siya, “Then, you don’t need to do that. I can take care of myself.”

Napaangat ako ng mukha sa sinabi niya, “But —”

“Stop, Raiah!” napaigtad ako sa biglaan niyang pagtaas ng boses. Bumuntong-hininga siya na parang pinapakalma ang sarili, “Hindi porke may nangyari saatin kagabi, maayos na tayo. I was just drunk last night.”

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya.

Okay. I expected this. Pero hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon saakin at parang kulang na lang ipamukha niya saakin na mali ang nangyari saamin.

Mali? But we’re married! Anong mali ruon?

Kahit nasaktan at nakaramdam ng inis sa sinabi niya, mas pinili kong manahimik tungkol duon. Dahil tulad ng sinabi ko, iintindihin ko siya. At kukunin ko ang loob niya kaya kahit anong masakit na salita ang bitawan niya, kailangan kong tanggapin iyon. Kailangan kong magtiis.

Ngumiti ako nang mapait at nagbaba ng tingin para hindi niya mabasa ang emosyon sa mukha ko.

“Alam ko namang para sa’yo mali ang nangyari saatin kagabi. Pero hayaan mo naman akong asikasuhin ka bilang asawa mo. Pero kung ayaw mo, ayos lang. Lalabas na lang ako para makapagbihis ka na.”

Hindi siya nagsalita kaya tumalikod na ako para lumabas na sana nang bigla siyang magsalita.

“Wait,”

Dahil duon, muli akong napaharap sa kanya.

“Can you,” napapikit siya na parang hirap na hirap siyang ituloy ang sasabihin, “Can you hand me the clothes that you prepared?”

My heart fluttered and I couldn’t help but smiled because of what he said. Kinuha sa kama ang mga damit na inihanda ko para sa kanya saka lumapit sa kanyang nakasunod ang tingin saakin, bahagyang nakasalubong ang kilay. He looks frustrated.

Kaso, nang makarating ako sa harapan niya, hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Bigla niyang tinanggal ang tuwalyang nakatapis sa kanya at hinayaan niya lang itong bumagsak sa sahig.

Nahigit ko ang hininga ko, nanlaki ang mata ko at bahagya pang napaatras nang makita ko ang buhay na buhay na bagay sa gitna ng hita niya.

Hindi pa ako matatauhan kung hindi niya kinuha sa kamay ko ang boxer niya. Duon ko lang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi kaya napaiwas ng tingin sa kanya lalo na nang maalala ko ang nangyari kagabi.

Bigla yata akong nagsisising nagpresenta akong asikasuhin siya lalo na’t ramdam na ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin saakin habang sinusuot ang pantalon niya.

“Long sleeve..”

Naputol ang pag-iisip ko sa boses niya. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang napansing tapos na niyang isuot ang pantalon niya. And it’s time to do my part, tulad nang dati kung ginagawa.

“Turn around.” sabi ko.

Kaagad naman siyang sumunod. Isinuot ko sa kanya ang long sleeve niya. Matapos iyon, pinaharap ko siya ulit saakin at isa-isa kong binutones iyon.

Habang binubutones ko ang long sleeve niya, ramdam na ramdam ko ang titig niya saakin kaya iniwasan kong mag-angat ng tingin sa mukha niya dahil ramdam ko ang paghuhumirintado ng puso ko. Matapos kong ibutones ang long sleeve niya at ayusin ang sleeves nito, ang necktie naman ang isinuot ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa dahil sa pagpayag niyang gawin ang ginagawa ko noon. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi niya kagabi.

“Galit ako sa’yo, at gusto kong manatiling galit sa’yo dahil sa ginawa mo, pero anong ginagawa mo saakin nitong nakaraan? Napu-frustrate ako kapag nakikita kitang nalulungkot, nasasaktan at umiiyak. Fuck. I don’t want to feel that because I want to stay mad at you. You hurt me and I want to hurt you too.”

Galit siya pero napu-frustrate siya kapag nakikita niya akong nalulungkot, nasasaktan at umiiyak. Kaya ba pinayagan niya akong asikasuhin siya ngayon? Kasi nakita niya akong nasaktan sa sinabi niya? Dapat ba maging malungkot at mukhang nasasaktan ako para maging maayos ang pakikitungo niya saakin?

Pero ganun na ba talaga ako kahirap patawarin dahil sa nagawa kong kasalanang hindi ko ginusto?

Bumuntong-hininga ako matapos kong ayusin ang necktie niya. At kagaya nang dati kung ginagawa tuwing matapos kong ayusin ang necktie niya, inilapat ko ang palad ko sa dibdib niya saka ako tumingkayad para patakan siya ng halik sa labi.

Nilakasan ko na nga lang ang loob ko kahit kabadong-kabado ako at natatakot na baka itulak niya ako, pero hindi niya ginawa. Nang umayos ako ng tayo, nakita ko siyang nanatiling nakatingin saakin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya.

“Done.” I said.

Napakurap siya sa sinabi ko at nang makabawi, bahagya siyang lumayo saakin at umiwas ng tingin.

“Yeah. Thank you. I have to go.”

Matapos niyang sabihin iyon, kinuha niya ang attache case niya at may pagmamadaling humakbang palabas ng kwarto. Hindi ko na siya pinigilan pa, sa halip, pabagsak akong napaupo sa kama at malalim na napabuntong-hininga.

I think we’re making a progress. Mukhang unti-unti na nga siyang lumalambot saakin.

‘Kaunting push pa, Raiah.’ I cheered to myself.

The next day at sa mga sumunod pang mga araw, nagpatuloy ang ‘pagpapanggap’ ni Khalid lalo na’t bumalik na si Sabrina sa bahay. Samantala, ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para mas lalong makuha ang loob ng asawa ko.

Kahit minsan palihim niya akong sinasamaan ng tingin dahil nagiging sweet ako sa kanya kapag sa harap ng kapatid ko, binabale-wala ko na lang iyon.

“Sige na, Kuya, Ate! Join me here!” Sabrina shouted.

Sunday ngayon at pareho kaming walang trabaho. Nagyaya ang kapatid kong lumangoy sa swimming pool namin sa likod ng bahay, pero wala akong balak maligo. At ganun din ang asawa kong nakaupo sa tabi ko at nagbabasa ng magazine.

“Ikaw na lang!”

Sumimangot ang kapatid ko dahil sa sinabi ko, pero natatawa na lang akong naiiling, saka ko binalingan ang asawa kong nakatuon pa rin ang atensyon sa magazine na hawak. Bahagyang nakakunot ang noo nito.

“Ikaw? Ayaw mong maligo?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya nang hindi ako tinitingnan, “I’d rather read this magazine.”

Napanguso ako at dahil na-curious ako kung anong magazine ang hawak niya, bahagya akong sumandal sa kanya. Hinintay kong itulak niya ako palayo sa kanya pero hindi niya ginawa. Hindi ko alam kung dahil nasa paligid namin ang kapatid ko o focus lang talaga siya sa pagtingin sa magazine kaya hindi na niya ininda ang posisyon namin.

“Cars,” sabi ko nang mapagtantong magazine pala ng sasakyan ang tinitingnan niya, “I like this. So cool.”

I smiled as I pointed the red one.

He smirked, “We have this kind of car in our company.”

Binalingan ko siya, “Oh?”

He smirked more, “Yeah. But just because you’re my wife, doesn’t mean I’ll give you that for free. If you want that car, you have to pay for it.”

I couldn’t help but smiled and my heart fluttered. I really like it when he calls me his wife.

Tumingin siya saakin habang nakangisi pa rin. Pero kapagkuwan, agaran ding napawi ang ngisi niya nang mukhang na-realize niya ang posisyon namin at ang sinabi niya.

Okay. Ito na po. Itutulak na niya ako.

Pero sa halip na gawin niya iyon, bumaba ang mga mata niya sa labi ko kaya napalunok ako. Hanggang sa napansin kong unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako.

Hindi ko mapigilang mag-isip. Dala ba ito sa pagpi-pretend niya? Ang kiss?

Naputol ang pag-iisip ko at gulat na napamulat kasabay nun ang malakas na pagmura ni Khalid nang may bigla na lang sumaboy ng tubig saamin.

Hanggang sa marinig ko ang pagtawa ni Sabrina na siyang may gawa. Sino pa ba?

“Oh ayan? Yan ang dapat sa inyo! Ayaw niyong maligo kasi maghahalikan lang kayo riyan! Mang-iinggit kayo, ganun?”

“Sabrina! Para kang bata!” naiinis kong sigaw at tiningnan ang basang-basa kong damit, maging ang buhok ko, basang-basa rin.

Damn. I’m so wet. Kakaligo ko lang, ‘e. Buwesit na Sabrina iyon.

Wala akong nagawa kundi ang hubarin ang damit ko. I actually wearing a bikini. Akala ko kasi maliligo rin si Khalid, kaya nagsuot din ako sa ilalim ng damit ko. Gamit ang hinubad kong damit, pinunasan ko ang banda sa may dibdib ko.

Napahinto lang ako sandali sa pagpupunas nang marinig ko ang pagtikhim ni Khalid, kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa dibdib ko, pero nang makita niya akong nag-angat ng tingin sa kanya, agad siyang umiwas ng tingin.

Kitang-kita ko ang bahagyang pamumula ng tainga niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang ngiti ko.

“You’re blushing.” I couldn’t help but teased him.

Suplado niya akong binalingan at umingos siya, “Tss. I’m not.”

“You are.” I said, still smiling.

Sa halip na sumagot, inikutan niya lang ako ng mata at itinabon ang magazine na hawak sa mukha niya. Nailing-iling akong nangingiti.

Kapagkuwan, dahil basa na naman ako, tumayo ako saka ko unti-unting hinubad ang denim short, revealing my green bikini bottom.

“Dammit, Raiah!”

Napaangat lang ako ng tingin sa asawa ko nang bigla siyang magmura.

“What are you doing?” he asked, his brows furrowed.

Inosente ko siyang tiningnan, “What? I’m already wet so I had no choice but to take it off.”

Napapikit siya nang mariin at malalim na bumuntong-hininga na parang hirap na hirap siya. Pinagkibit balikat ko na lang ang pinapakita niya at sandali siyang tinalikuran para itabi ang damit ko. Kaya nga lang, bago pa ako makalakad nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin, kaya bigla akong napaupo sa kandungan niya.

“Khalid, what are you doing?”

Bigla niyang iniyakap ang mga braso niya sa baywang ko na parang idinidiin pa ako sa katawan niya. Magsasalita pa sana ako nang may naramdaman akong may kung anong matigas na bagay akong naupuan.

Napasinghap ako nang ma-realize kung ano ‘yon. Oh my God, “You’re..”

He’s wearing sweatpants, his favorite, kaya ramdam na ramdam ko iyon.

He groaned to my ear, “Yes, Raiah. Feel it? I’m fucking turned on and if you intentionally seducing me, then, wife, it’s working. Congrats.” ramdam ko ang sarkastiko sa boses niya sa huling sinabi niya, “Stay here until my pet calms down. It’s your fault after all”

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Damn, Khalid! And I’m not seducing him!

Sandali kong binalingan ang kapatid kong nasa kabilang dulo ng pool at abala naman ito sa cellphone niya.

“Pero baka makita tayo ng kapatid ko.” sabi ko sa asawa kong abala na ngayon sa magazine. Hinayaan niya akong nakaupo sa kandungan niya.

“So what? You’re my wife,” he said without looking at me. Napangiti ako sa sinabi niya, “At saka, ito naman ang gusto mo, hindi ba? Ang makita niyang malapit tayo sa isa’t isa.”

Kaso nga lang, napawi ang ngiti ko sa idinagdag niya.

Yes, gusto ko. Gusto ko lang.

Bumuntong-hininga ako sa pagkadismaya. At tutal, ganito naman kami, lubos-lubusin ko na ang ‘pagpapanggap’ niya. Ipinasok ko ang ulo ko sa nakabuka niyang braso at isinandal ko ang katawan ko sa kanya. Mabuti na nga lang at hinayaan lang niya ako sa gusto kong gawin.

Sobrang komportable ako sa posisyon naming dalawa. Alam mo ‘yon? Para akong nakahiga sa katawan niya habang abala siya sa pagbasa ng magazine. Dahil sa posisyon namin, rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Is it because of me?

I smiled.

“Khalid?” I called him.

“Hmm?” he said, his eyes still on magazine.

“That night. Pinagsisihan mo bang may nangyari saatin? Did you mean it when you said you were just drunk that's why you did it?” ang tinutukoy ko ay ‘yung may nangyari saamin nang gabing iyon.

“No,” mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko sa sinabi niya, “I was just drunk but I know I was doing.” sabi niya sabay tingin saakin. Nakita niya tuloy ang panunubig ng mata ko. But I still managed to smile.

“P-puwede bang bati na tayo?”

Hindi agad siya nakapagsalita. Sandali niyang tinitigan ang mukha ko. Pero mayamaya’y napaiwas siya ng tingin, “It’s calm now, Raiah. Puwede ka nang tumayo.”

Napangiti ako nang mapait. It’s still a no.

Hindi ko alam kung kailan at paano ko maibabalik ang tiwala at pagmamahal niya saakin, pero hindi ako susuko lalo na’t nararamdaman kong malapit na iyon. Ang kailangan ko lang gawin ay iparamdam ko sa kanyang siya lang.

“Sabrina, hija. Kailan ba ang alis mo? Dapat manalagi ka na lang dito.” sabi ni Nanay Myrna isang umaga ng Lunes.

“Bakit, Nanay? Dahil mami-miss mo ako lalo na ang ganda ko?” si Sabrina.

Nanay Myrna chuckled, “Oo, hija. At para na rin palagi ko nang makikita ang magandang ngiti ni Raiah.” sabi ni Nanay sabay baling saakin at sa katabi kong sabay naming nag-aalmusal.

I couldn’t blame Nanay. Alam ko kasing napapansin niya rin ang saya ko kahit alam kong puro pagpapanggap lang ang asawa ko. Kaya tulad ng sinabi niya sa kapatid ko, kung palagi na lang kaming ganito ni Khalid kahit nagpapanggap lang siya, hihilingin ko sa kapatid kong manatili rito para palagi kong maramdaman ang pag-aalaga ni Khalid kahit sa harapan lang ng kapatid ko.

Matapos naming mag-almusal, sabay rin kaming pumasok ni Khalid sa opisina. Ilang araw na rin kaming nagsasabay pumasok. Kasi siyempre, alangan namang magpahatid pa ako sa driver, eh alam ni Sabrina na nadadaanan ni Khalid ang hotel namin.

Iyon nga lang, kapag nasa biyahe na kami, tahimik kaming pareho. Hindi siya nagsasalita, ganun din ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa daanan habang nakatukod ang siko niya sa bintana at nakapatong ang ulo niya sa kamay niya. Halatang may malalim siyang iniisip. At kung ano man ang gumugulo sa isipan niya, hindi ko alam.

Hanggang huminto ang kotse niya sa tapat ng hotel, hindi siya nagsalita. Kaya bumuntong-hininga ako saka ako bumaling sa kanya.

“Thank you.”

Kinalas ko ang seatbelt ko saka ko binuksan ang pinto. Akmang lalabas na ako ng kotse niya nang banggitin niya ang pangalan ko kaya napalingon ako sa kanya.

“Tonight,” nakita ko ang pagdadalawang-isip niya na parang hirap na hirap siyang sabihin kung ano man ang sasabihin niya, “I’ll come home late again.”

May kung anong mainit na bagay ang humamplos sa puso ko dahil sa pagpapaalam niya.

I smiled a bit, “O-okay,” sabi ko saka ko iminuwestra ang labasan, “Bababa na ako.”

Tumango naman siya kaya bumaba na ako. Tiningnan ko pa siya sandali sa loob saka ko isinara ang pinto ng kotse niya. Pagkasara na pagkasara ko nun, mabilis niyang pinatakbo ang kotse niya. Wala akong nagawa kundi ang sundan ng tingin ang papalayo niyang kotse.

Nang tuluyan nang makalayo ang kotse niya, bumuntong-hininga ako saka ako nagdesisyon nang pumasok sa hotel.

Inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. Kahit papaano, magaan ang loob ko ngayon. Epekto na naman yata ng pagpapaalam ni Khalid saakin. Kahit kasi maliit na bagay lang ang gagawin niya, sumasaya na ako sa maliit na bagay na iyon. Kahit simpleng pagpapaalam, masaya na ako.

Tinapos ko ang trabaho ko at tumungo sa restaurant para mananghalian.

Nasa kalagitnaan ako nang magana kong panananghalian nang makatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko.

“Hello? Bakit ka tumawag?” I asked my sister.

“Ate!”

Napakunot ang noo ko sa tuno ng boses niya.

“You won’t believe what I saw.” she said.

“Ano ba ‘yon?”

“It’s Kuya Khalid!”

Natigilan ako, kasabay nun ang biglaang pagtibok ng puso ko sa kaba. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na’t sa tuno ng boses ng kapatid ko. Sounds like she found out something.

“A-ano ba ‘yon? W-what’s about Khalid?” tanong ko kahit may ideya na ako. Pero sana mali ako.

“I saw him! I saw him with another woman! Ate, I think Kuya Khalid is cheating on you!”

I knew it! My sister found out already! Fuck!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...