Blade X (Completed) 2016 Vers...

By Ange_Mayao

11K 598 94

Paano kung isang araw, ang buhay mo ay magbago nang dahil sa isang sekreto? Nang dahil sa isang insidente, na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 11

210 17 2
By Ange_Mayao

CHAPTER 11

THIRD PERSON'S POV

MABILIS na lumipas ang mga araw. Marami nang mangyayari ngunit ang nais ng lalaki na makuha si Azer Zarften ay hindi niya magawa. Masyadong napaliligiran si Azer ng mga assassins at hindi niya nagustuhan ng lalaki ang huling panyayari.

Kasalukuyan siyang nasa loob ng kaniyang opisina. Isa iyong laboratoryo. Nakahiga sa puting kama na ito ang pinakamamahal niyang asawa. Maraming nakakabit na aparato sa kanyang katawan dahil sa pamimilit niyang magising ito sa pamamagitan ng dugo ng mga halimaw.

Naaksidente ang asawa niya noon. At dahil iyon kay Azer Zarften. At para sa kaniya'y kailangang magbayad ang binata sa kaniyang kasalanan. Hindi siya papayag na hindi niya ito magantihan.

"Sir, ito na po ang mga bagong dugo." Iniabot sa kaniya ng kaniyang assistant ang botelya na may laman ng dugo ng mga halimaw. Itinaktak niya naman iyon sa makinang nakakabit sa kaniyang asawa. Nagtuloy-tuloy iyon sa katawan ng babae. Ngunit kulang pa rin ang mga dugong nakuha nila. Hindi niya mapigilan ang mainis dahil hindi ginagawa ni Azeya ang kaniyang makakaya.

"Sir, may balita raw po si Dr. Draco."

Matapos niyang maayos ang asawa'y tumungo siya sa dinning area. Nadatnan niya ang matandang scientist na si Dr. Draco Brend. Nasa sixty na rin ang edad nito at kita na ang kulubot at puting buhok nito.

Umupo siya sa harap nito. "May sasabihin ka ba?" saad niya sa matanda habang pinupunusan ang kaniyang kamay. Ibinigay niya sa assistant ang panyo pagkatapos.

"Sumanib na si Leo sa Azer na iyon," nakangising sambit ng matandang scientist.

"Ano namang kinalaman ko roon? Mamamatay rin naman siya."

"H'wag mong gagawin 'yan!" pigil niya. "Hindi dapat mapatay ang lalaking iyon. Siya ang kakailanganin mo upang bumalik ang dating lakas ng asawa mo. At siya rin ang makakapanumbalik ng mga alaala nito."

Tumingin ang siya sa kanya nang gulat. Hindi siya makapaniwalang na si Azer pa ang magiging dahilan upang maibalik ang kaniyang asawa sa kaniya. "Kung gayon... kailangan pala natin siyang kaibiganin?"

"Hindi lamang iyon." Inilabas ng scientist ang isang kwintas na may pendant na cross. "Ipasuot mo ito sa iyong anak. Nang sa gayon ay mapag-aralan natin ang kanyang kakayahan."

AZER'S POV

"Hawakan mo nang mabuti ang espada mo," giit ni Azeya. Tuturuan niya 'ko kung paano gumamit ng espada. Kailangan ko raw matuto.

Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ko ang kahoy na espada. Magkaharap kami ngayon. At sinugod niya—lagot!

"Aray!" Nahataw niya 'ko sa ulo. Ang bilis niya. Grabe! "Wala man lang bang warning? Sugod agad?"

"Abnormal ka rin talaga, e, 'no? Malamang wala! Focus!" Bumwelo na naman siya.

Hinanda ko na ang sarili ko. Nang sumugod na siya, sinalag ko ang espada niya. Para kaming nag-fe-fencing! At tumatalon pa siya sa ere. Parang kung fu! Woah! Ang astig niya! Amazi—

"Shit, aray! Yung pwet ko!" daing ko nang humagis ako. Paupo pa ang bagsak ko. Ang sakit!

"Ang hina mo, Azer! Mag-stretcher ka nga!" giit ni Ann saka ako tinawanan. May dala siyang basket at may laman yun na mga damit. Isasampay niya 'ata.

"Tumayo ka na r'yan," saad ni Azeya na ginawa ko naman. "Kung gusto mo talagang iligtas si Seph, mag-focus ka. Hindi ka naman 'ata seryoso, e."

"Seryoso ako! Promise, gagalingan ko na!" Bumwelo na 'ko.

"Hindi sapat na gusto mo lang matuto." Lumapit siya sa 'kin. "Mahalagang isipin mo kung sino ba ang dahilan kung bakit gusto mong matuto."

Nginitian ko siya. "Hugot yun, ah?"

Hinampas nanaman niya 'ko ng espadang kahoy sa ulo. "Galingan mo. Puro ka kalokohan."

Nagsimula naman akong sumeryoso. Humanda ako sa pagsugod niya. At nang sumugod na siya, nakita ko kung saan na 'ko hahatawin. Sa kaliwa ko. Sinangga ko naman iyon. Maging nang ihahataw niya sa ulo ko ang hawak niya, nasalag ko. Sinugod ko siya sa may balikat pero nasalag din niya.

Para kaming nagkakarateng dalawa. Noong pinadaan niya ang paa niya sa may paanan ko ay nakatalon ako nang mataas. Balak niya 'kong patumbahin samantalang ako naman ay ini-strike siya mula sa itaas. Kaso nakailag. Sinisipa niya 'ko at ka-level ng ulo ko ang mga sipa niya. Pero iniilagan ko yun. Ako naman ang gumanti at tumalon ako papunta sa likuran niya at mabilis kong itinutok ang kahoy sa leeg niya.

"Good. Very good." May pumalakpak sa may likuran ko. Paglingon ko, si Marjorie na naman. "Magaling, Azaleya."

Tumingin ako kay Azeya. Walang emosyon na humarap siya kay Marjorie. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan bakit ganito ang pakikitungo nila sa isa't isa.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Gaya ka pa rin ng dati. Walang kwenta." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit ba siya ganiyan kay Azeya? Ano bang ginawa ni Azeya sa kanya? Naguguluhan ako, e!

"Tek, Miss Marjorie... H'wag ka namang ganiya—"

"H'wag kang makialam kung ayaw mong madamay." Ramdam ko ang galit sa tono niya.

Pero hindi ko matiis. Ayaw kong inaaway si Azeya. "Ano bang dahilan? Sabihin mo nga," malamig na saad ko.

"Azer." Pinipigilan ako ni Azeya.

"Gusto mo talagang malaman?" saad niya. "Sige, sasabihin ko sa 'yo."

"Marjorie..." Parang nagmamakaawa na si Azeya. Bakit ba ayaw niyang malaman ko?

"Sige. Sabihin mo." Seryoso na 'ko. Gusto ko talagang malaman. She sighed.

"Marjo! Si Freeda!" Nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw si Ana, isa sa mga assassin. Dali-dali namang tumakbo sa loob si Marjorie. Sumunod naman kami.

Pagkapasok namin, naabutan namin si Freeda na duguan. May tama siya ng bala sa balikat niya. Humihiyaw siya sa sakit.

"Freeda! Anong nangyari?!" nag-aalalang sambit ni Marjorie. "Alexa! Kumuha ka ng towel at maligamgam ng tubig." Sumunod naman si Alexa.

"S-sumugod ang... ang mga... taga-thirteenth ward..." Hirap na huminga si Freeda. Inihiga ni Marjorie ang ulo nito sa hita niya.

Thirteenth ward? Ano naman yun?

"Sinasabi ko na nga ba, e! Si Alfonso na naman ang may pakana nito!" sigaw ni Alyana. Galit na galit.

"Dapat mapatahimik na ang mga yun, e! Pasabugin ang mga bungo!" asik namain ni Andrea.

"Kumalma muna tayo. Mas delikado kung lahat tayo ay susugod roon. Dapat pag-aralan ang bawat kilos natin. Hindi basta-basta ang kalaban natin," sabi ni Alicia. Nanahimik ang lahat. Parang nag-isip sila ng gagawin.

"Teka! Saan tayo pupunta?!" gulat kong sabi nanag bigla na lamang akong hinila Azeya palabas. Bakit kaya? Papatayin na ba niya 'ko?!

Nagpatuloy siya sa paghila sa 'kin hanggang sa labas. Binato niya 'ko papasok sa kotse. Ang harsh niya!

"Saan ba tayo pupunta?!"

"Basta." She then started the engine. Sinubukan kong kausapin siya pero ayaw niyang magsalita. Hindi ko alam kung ano ba o saan ba kami pupunta. Ang alam ko lang, nakatulog ako sa byahe.

Continue Reading

You'll Also Like

20.7M 761K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
6.3K 1.3K 52
A group of women who will do anything to kill a group of men. Paano kung gipit na gipit ka na at pumasok ka sa grupong ito, tatagal ka ba o titiwala...
319K 4.1K 23
Ang nais lang ni Lilith Remington ay mamuhay ng normal tulad ng iba. Subalit nang pagtaksilan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya, bumaliktad ang la...
1.1K 56 20
Sa makapangyarihang paaralan kung saan ang mahika at misteryo ay naglalakbay sa bawat sulok nito. Isa itong paaralan na puno ng sikreto, kung saan an...