Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 24

30.7K 719 44
By IyaLee04

(LC) Chapter 24






Nakauwi na ako, panay pa rin ang vibrate ng cellphone ko. Kung naibang araw siguro nagmamadali akong tignan ang messages niya. Ngayon, gabi na nang mabuksan ko iyon. Kung wala lang akong kailangan itanong kay Harry, hindi ko sana bubuksan.

Jax:

Kanina pa ako rito. Makakapunta ka ba?

Ito 'yong oras ng usapan namin. Napaaga ako ng ilang minuto kaya ko sila naabutan ni Miss Abadiano. Nagawa nila iyon sa loob lang ng ilang minuto? Kung hindi ko sila nakita at natuloy kami ni Jax. Wala akong kaalam alam na may iba siyang ginalaw na babae bago ako.

Jax:

Natanong ko si Harry. Pumasok ka pala sa klase?

Jax:

Papasok na lang din muna ako. Pagkauwi magkita tayo sa parking lot. Ihahatid kita sa inyo kung hindi ka pwede sa bahay ngayon.

Dalawang oras ang agwat nito sa mga nauna niyang text. May dalawa ring missed calls sa mga nauna. Dito wala. Siguro naisip niyang nasa klase ako ng mga oras na ito kaya hindi na nang-istorbo.

Jax:

Nakauwi ka na? Sinong kasabay mo? Hindi kita nakita buong araw. Naghintay ako sa parking lot. Kung hindi pa ako bumalik sa loob hindi ko malalaman na wala ka na.

Jax:

Bakit hindi ka nagrereply?

Jax:

Dahil ba sa huling sinabi ko? Kung ayaw mo ng gano'n, kalimutan mo na lang iyon.

Maggagabi na nang pinadala niya ang messages na ito. May huli pa siyang message na 'good night' lang ang laman. Binura ko 'yong lahat at nagtipa ng mensahe para kay Harry.

Sobrang aga namin kinabukasan dahil simula na ang registration para sa bike a thon. Ngayon din kasi darating ang mga t-shirt na inorder namin. Alam kong wala pa si Jax sa waiting shed kung saan siya laging naroon pero iniwasan ko pa ring tingnan iyon at sinanay ang sariling iwasang mapasulyap sa field.

Hindi ko pala kayang may mangyari sa amin habang hindi ko alam kung sinu sino sa aming mga babae niya ang ginagalaw niya. Mahirap palang magtiwala sa taong alam ko na ang ugali pagdating sa mga babae. Hindi rin naman siya nangako na kung may mangyayari sa amin, hindi na siya gagalaw ng iba. Inalok niya ako ng sex pero hindi naman pinangakuan. Hindi ko alam kung bakit ako naiyak nang makita ko sila. Siguro dahil sa sobrang saya ko, biglang bumulusok ang nararamdaman ko dahil sa pagkadismaya at hindi na napigilang umiyak.

"Paolo! Ilagay mo rito!" utos ako roon, utos ako rito. Hindi kami magkandaugaga sa mga t-shirts, sa mga nagpapalista, at mga nakapila.

Dahil sa pagiging abala, nakalimutan ko kung anong iniyakan ko kahapon. Naalala ko na lang nang may mga bagong bulto na pumasok sa kwarto. Si Jax iyon na kasama ang pito sa mga team niya. Nagtama ang tingin namin. Maliit siyang ngumiti na hindi ko ibinalik lalo nang kausapin ako ni Paolo kung saan ilalagay ang panibagong kahon ng t-shirt.

Tumalikod ako kay Jax at kung abala kanina, mas inabala ko ang sarili ngayon para lang hindi niya ako malapitan. Kahit hindi ko trabaho, tinrabaho ko na. Narinig kong nanggugulo ang mga tropa niya. Kunot noo kong nilingon iyon at nakitang nakaupo sa kahon ng mga t-shirt ang grupo niya. Tiim labi akong lumapit sa kanila. May buhat si Jax na isang kahon nang tiningala ko siya.

"Lumabas kayo rito," mahina ngunit mariin na utos ko.

Nagbaba siya ng tingin sa hawak kong papel at ballpen. Inosente niya akong tiningnan pag-akyat ng mata. Parang nagulat pa siya at hindi kaagad nakuha ang sinabi ko.

"Tutulong ako, Clem-"

"Tutulong? Tingnan mo nga ang ginagawa ng mga ka-grupo mo?" turo ko sa tila mga batang pinaglalaruan ang mga kahon at sinisilip ang laman.

Tiningnan niya ang mga iyon bago bumaling ulit sa akin. "Pagsasabihan ko muna. Patutulungin ko rin-"

"Hindi na. Kaya na namin ito. Umalis na kayo."

"Ang dami pang kahon sa labas. Tutulong na ako. Paaalisin ko na lang sila. Magpapaiwan ako-"

"Kasama ka. Kasama kang umalis. Ayokong inuulit ang sinasabi ko, Jax. Pagod kami dito at maraming ginagawa. Huwag ka nang dumagdag."

Naiwang nakaawang ang mga labi niya. Mataman niya akong tinignan. Naisara niya ang kanyang bibig. Napalunok at tumango. Binitawan niya ang kahon sa harapan ko at lumapit sa mga kagrupo.

"Tangina niyo kasi! Ang sabi ko tumulong kayo!" Galit siyang naglakad palabas pagkasabi no'n.

"Tumulong ako, Jax. Itong mga ito lang ang panggulo! Dapat hindi na kayo sumama, e!" si Peter.

Nagturu turuan na ang mga kasama niya at sumunod sa kanya palabas. Naabutan ko pa si Peter na tiningnan ako at mabilis ding nag-iwas dahil nakitang malamig ang isinunod kong tingin sa kanila.

Napaupo ako sa tabi ni Harry pagkalabas nila. Naglilista ako ng pangalan nang magsalita sa tabi ko si Harry.

"Magkaaway kayo?"

"Matagal na kaming mag kaaway ngayon mo lang nalaman?" tinawanan ko siya na inilingan niya.

Nagpatuloy kami hanggang sa kumaonti na ang tao. Napahilot ako sa batok at pagod na ibinagsak ang likod sa sandalan ng upuan.

Mabuti na lang at kinabukasan ay walang pasok. Nakapagpahinga ako buong araw at alas kwatro na ng hapon lumabas para makasama kay nanay sa bukid kung nasaan sila tatay.

Malayo pa lang ay naringgan ko na ang pamilyar na boses. Tama nga ang hinala ko pagkalapit sa lamesang gawa sa bamboo bilang pahingahan at kainan ng mga nagsasaka.

"Wala po akong hilig sa pagtatanim, Tito. Pero baka pag-aralan ko na rin po," magalang ang boses ni Jax habang nakikipag-usap kay tatay.

May nakataling itim na kabayo sa hindi kalayuan at sa palagay ko'y diyan siya lumulan. Napairap ako sa hangin at nagtataka kung anong ginagawa niya rito.

"Hindi mo na yata kailangan pag-aralan. Hindi ba't pagkagraduate mo sa ibang bansa o sa Manila ka na maninirahan?"

"Hindi pa po sigurado. Baka pag-isipan ko pa po-" natigilan siya at dalawang beses na napatingin sa akin.

Bumaba ang mga mata niya sa suot kong bulaklaking puti at itim na cotton dress na aabot lang sa ibabaw ng tuhod. Hapit na hapit ito sa akin sa bandang bewang at bahagyang tinatangay ang laylayan dahil mahangin sa bukid. Napatayo siya at nag-angat ng tingin sa nakalugay kong mahabang buhok. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang suot kong salakot bilang panabing sa mainit na araw. Sinundan niya ng tingin iyon nang hubarin ko at ipatong sa lamesa.

"Nandiyan na pala kayo!" si Tatay at tumayo na rin para tulungan kami sa dala dalang pagkain.

Nag-ayos ako ng mga pagkain sa lamesa na hindi binabati si Jax. Alam naman nila nanay na hindi ko ito kasundo kaya walang magtataka at walang pipilit sa akin na pansinin ito.

"Ako na dito," inagaw niya sa akin ang mabigat na container kung nasaan ang kaluluto pa lang na kanin.

Hindi na ako nakipag-agawan. Ni hindi ko siya tinapunan kahit isang sulyap nang bitawan ko iyon para makuha niya.

"Naligaw po kayo rito, Senyorito?" Napalabi ako sa pormal na pagkausap dito ni nanay.

"Jax na lang po," sabay tawa at haplos sa batok.

Ngumiti si Nanay. "Dito ka na kumain, Jax. Saluhan mo na kami."

Ngumiti ang huli at tumango. Nagkatinginan kami. Namumula siya at nahihiya kay Nanay. Dapat lang dahil binastos niya ang nanay ko noong unang araw na dumating siya. Hindi man lang siya humingi ng pasensya. Pangalawang beses niya pa lang na makakaharap ito ngayon. Si Tatay marami-raming beses na siguro dahil minsan rin itong tumutulong sa mansyon upang maglinis ng kwadra at mga dumi ng hayop.

"Napadaan lang ako," paliwanag niya sa akin kahit hindi ako nagtatanong.

Sinulyapan ko si nanay sa pangambang baka makita niyang kinakausap ako ni Jax. Abala na siya sa pagtawag sa mga kasama ni tatay. Ganoon din si tatay na bumaba pa para patigilin munang magtrabaho ang iba upang makakain na. Nang makitang wala sa amin ang atensyon nila saka ko siya hinarap. Nakaabang na sa akin ang nangungulay berde niyang mga mata dahil sa sinag ng araw. Nakangisi ko siyang tinaasan ng kilay.

"Napadaan? Paano ka mapapadaan dito kung dead end na 'yang nasa dulo?" turo ko sa hindi kalayuan. "Walang dumaraan dito dahil wala nang daraanan kundi taniman. Depende na lang kung tatanga tanga ka at susuungin ang putikan?"

Pagbalik ko ng mga mata sa kanya, madilim na ang tingin niya't halos mag isang linya ang mga kilay. Habang nagsasalita ako'y pinagmamasdan niya lang ako ng mabuti. Bahagya siyang gumilid. Natakpan ang sinag ng araw na tumatama sa mga mata niya dahilan upang bumalik iyon sa pagiging kulay kayumanggi.

"Akala ko kahapon pagod ka lang kaya mainit ang ulo mo," pinasadahan niya ang ayos ko mula ulo hanggang paa. Pinanliitan niya ako ng mga mata nang magtama ang tingin namin. "Hindi ka naman mukhang pagod ngayon kaya bakit galit ka pa rin sa akin? Sinadya kong dumaan dito dahil wala kang sinasagot kahit isa sa mga tawag ko. Iniiwasan mo ba ako?"

Naghalukipkip ako at taas noo na tiningala siya. Sinasaway ko ang sariling magmukhang kinakabahan sa harapan niya. Kahit sa totoo lang, nahihirapan akong diretso siyang tingnan sa mga mata. Masiyadong maganda ang pagpapalit palit ng kulay no'n.

"Lowbat ako!"

Mapait siyang tumawa. Umiling at ginaya ang ayos ko. Naghalukipkip din siya sa harapan ko. Bahagya niyang ibinaba ang kanyang mukha ngunit hindi ako lumayo dahil ayokong magmukhang naaapektuhan sa kanya. Nagbaba siya ng tingin sa labi ko. Ngumisi siya at tinitigan ako sa mga mata.

"Nang dalawang araw, Clementine?"

Nilunok ko ang nagbara sa lalamunan ko at mataray na tumango.

"Oo! Sira ang charger ko!"

Natawa ulit siya. Mas malakas ngayon ngunit mariringgan na ng pagiging sarkastiko. Inilingan niya ako na natatawa pa rin.

"Magsisinungaling ka na lang halata pa? Kung lowbat ka bakit natatawagan kita?"

Umawang ang mga labi ko. Napakurap ako at hindi nakasagot. Salitan niyang tiningnan ang mga mata ko at nakabukang mga labi ko. Nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya at nilingon ang mga magulang kong nasa taniman.

Bago pa niya ako ulit kausapin, lumayo na ako sa kanya. Umikot ako sa kabilang side ng lamesa para magkaroon ng nakapagitan sa aming dalawa. Nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga pagkain kahit nakaayos naman na iyon.

Dapat yata sinabi ko na lang na nasira ang cellphone ko! Pero natatawagan niya ako kaya alam kong alam niyang sinasadya kong hindi sagutin iyon!

Nagsimulang umingay nang lumapit ang mga kasamahan ni tatay. Pinalipat ako ni nanay sa kabila kung nasaan si Jax. Sa huli, kahit umiwas ako, sa tabi niya pa rin ako bumagsak. Nakaupo na kaming lahat at kanya kanya na ng kuha ng pagkain. Si Jax, pinaghahainan ni nanay at tatay.

"Akala ko ba hindi ka kumakain niyan?"

Tukoy ko sa malagkit at bilo bilong nakahain sa harapan niya. Natuon sa kanya ang atensyon ng mga naroon dahil sa sinabi ko. Naiilang siyang natawa dahil sa mga napatingin sa kanya. Napapahiya niya akong nilingon.

"Kumakain po ako nito," sagot niya sa mga matatanda ngunit sa akin nakatingin.

Mga gutom kaya't nagsitango lang at naging abala na ulit sa pagkain ang lahat. Tahimik kaming kumain. Nauna silang natapos at kaming dalawa ni Jax ang natira sa lamesa.

"Masarap pala ito," bulong niya sa tabi ko.

Umismid ako at pagilid siyang tiningnan.

"Baka sumakit pa ang tiyan mo. Hindi yata matibay ang sikmura mo katulad ng pinsan mo."

Nabitin ang dapat na isusubo niya. Ibinaba niya ang kutsara at kunot noo akong nilingon. Hindi pa siya nagsasalita'y may pagtatanong na sa mga mata niya.

"Sinong pinsan?"

Uminom ako ng tubig bago sumagot. Ginaya niya ako at tuluyan akong hinarap. Nakatitig siya sa akin at naghihintay sa sagot ko.

"Nasa sabungan ka nang dumating ang pinsan mo. Ang narinig ko dito raw mag-aaral iyon-"

"Nagkakilala kayo ni Jace? Nakita ka niya?"

Tumaas ang kilay ko dahil sa nalaman. Hindi ko kasi alam ang pangalan niya. Nabanggit siguro ng Lola nila, hindi ko lang maalala.

"Jace ang pangalan niya? Hindi kami nagkakilala. Nakita ko lang siya-"

"Bakit mukhang interesado ka? Nagwapuhan ka?" malamig ang boses niya at biglaan ang pagsusuplado.

"Oo gwapo. Nababaitan din ako dahil kinain niya ang luto ni nanay. Tuwang tuwa si nanay. Pinabaunan pa nga siya-"

"Kumakain naman ako, ah! Ako na nga ang nakaubos nito!" Ginalaw niya gamit ng isang kamay niya ang mangkok niyang papaubos na ang laman. "Mas gwapo rin ako doon! Mas marami ang babae na nagkakagusto sa akin kaysa sa kanya!"

Napairap lang ako. Alam niyang iba ang tinutukoy ko at hindi iyon ang ngayon. Kahit ubusin niya ang isang kaldero niyan hindi na mawawala sa akin na minsan niyang nilait at tinanggihan ang luto ng nanay ko. Siguradong maging si nanay hindi niya pa rin iyon nakakalimutan hanggang ngayon subalit dahil ginagalang niya ang Apo ng mga Senyor at Senyora, hindi na niya palalakihin iyon.

Alam ko rin na mas gwapo siya kay Jace. Mas mukha nga lang mabait ang pinsan niya kaysa sa kanya. Maamo rin ang mukha nito hindi katulad ni Jax na isang tingin lang masasabi kaagad na walang gagawing matino.

Nag-iba ang mood niya sa buong hapon hanggang sa makauwi kami ni nanay. Hindi ko nakita si Jax kinabukasan dahil walang pasok at hindi ako sumama sa bukid kay nanay. Pagkauwi, nabanggit nila sa akin na naroon daw ulit si Jax. Mukhang nagkakaroon na raw ito ng interes sa pagtatanim at hayupan kaya iyon ang pinag-usapan nila. Nagkulong ako sa kwarto. Sa una lang iyan. Wala naman iyan balak tumira rito.

"Natapos mo?"

"Hindi nga," bumuntong hininga ako at sumandal sa sandalan ng upuan.

Nasa library kami at mayroon kaming hindi natapos. Kailangan na itong ipasa kay Mrs Emboltura bukas. Napakiusapan ko na kung maaari'y ako na lang ang huling magpapasa bukas. Lahat kasi nakapagpasa na ngayong araw dahil hanggang mamaya na lang ang deadline. Pero sa nakikita kong kailangan i-research at basahin, hindi ko ito kakayanin hanggang mamaya. Kahit magtulong pa kami ng grupo, bukas pa talaga ito maipapasa.

"Mabuti na lang mabait si Mrs Emboltura. Kung 'yung terror na si Mrs Montemayor ang natapatan natin. Bagsak na tayo dito," nakapatong ang baba ni Heart sa palad niya't nakatukod ang siko sa lamesa. Kagrupo namin siya ni Irene sa subject na ito.

Tumango ako bilang pag-sang ayon. Tatlo lang kami. Magtutulong tulong kami sa pagtapos pero nagpresinta ako na ako na ang magpapasa. Para makapag pasalamat na rin ng maayos dahil pinayagan kaming magpasa hanggang bukas.

Magsasalita sana ako, na hindi natuloy sapagkat natanaw kong papasok si Jax na kasama si Peter. Dalawa lang sila. Siguro hindi isinama ang iba dahil maiingay at baka hindi pa nakakahakbang papasok, mapatalsik na agad sila palabas. Sandaling gumala ang mga mata niya hanggang sa tumama sa akin. Nang makita ako, nag-iwas siya ng tingin pero sa katabing lamesa namin sila naupo. May tig-isa silang hawak na libro ni Peter. Umismid ako. Dinamay pa nila ang libro bilang props.

Nagkunwari na lang akong wala siya para hindi ako ma-distract sa ginagawa kahit madalas ang pagtama ng tingin namin sa tuwing aalisin ko ang mga mata sa libro at mag-aangat ng ulo para mag-isip. Mata niya kaagad ang nakakasalo sa akin. Kapag titignan ko ng masama, iiwas ng tingin o kaya nama'y yuyukuin ang binubuklat na libro. Akala mo naman nagbabasa talaga.

"Mauna na ako," sabay kami ni Irene na tumingin kay Heart nang magpaalam siya.

Marami pa kaming gagawin pero hindi siya pwedeng gabihin dahil may sundo siyang sasakyan at may curfew. Isa siya sa mga may kayang estudyante na nag-aaral dito. Marami na rin naman siyang nagawa kaya pinakawalan na namin ni Irene. Pagtango ko, kumaripas na siya.

Makalipas ang kalahating oras, nagpaalam na rin si Irene. Hindi ko naiwasang mapabaling sa pwesto nila Jax nang sundan ni Peter ng tingin si Irene. Kalaunan, mag isa akong nagpatuloy. Inorasan ko ang sarili ko na kalahating oras na lang at doon na ako magpapatuloy sa bahay.

Hindi pa nakaka-sampong minuto naaninag ko ang pagtayo ni Jax at Peter mula sa katabing lamesa. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paghiwalay nila. Palabas ng library si Peter. Samantalang si Jax naupo sa tapat ko. Sa iisang lamesa na kami nakaupo.

"Wala akong oras, Jax. Nag-aaral ako," pauna ko hindi pa man siya nagsasalita.

"Nagbabasa ako dito," iyon lang ang sinabi niya at tumahimik na. Ni hindi ko maaalalang may kasama ako sa lamesa kung hindi lang nahahagip ng mata ko ang paglipat niya sa pahina ng libro.

Hahayaan ko na sana siya dahil tahimik naman. Kaya lang, matapos ang ilang minuto may lumapit sa lamesa namin. Nanumbalik ang pait sa akin sa paglapit ni Miss Abadiano sa gilid ng lamesa. Hindi pa ako nag-aangat ng tingin, naaamoy ko na ang matamis na amoy ng pabango niya. Sa halip na singhutin ko dahil mabango, gusto ko na lang na hindi huminga. Sa tuwing nakikita ko ang guro na ito saka ko lang naaalala na may nangyayari sa kanila. At sa tuwing naaalala ko. Nakakaramdam ako ng galit para kay Jax.

Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. Naiisip ko tuloy kung... kung gusto ko ba siya? Wala akong ideya kung paano ko masasabi na gusto ko ang isang lalaki kaya naman hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang, malaki ang nag-iba sa akin. At marami akong emosyon na nararamdaman na hindi pamilyar sa akin simula nang nakasama ko siya.

I used to hate him including his vices. But now, I started to like the things he like. Kahit ang pag-inom nagawa ko na. Ganoon rin na nagugustuhan ko ang mga ibang bagay na ginagawa niya sa akin. In a short period of time everything suddenly feels more exciting... I was excited not until I remembered he relies on women heavily. He won't commit.

Muntik ko nang makalimutan na hindi siya matinong lalaki pagdating sa mga babae. Nakita ko ang reputasyon niya bilang babaero at iyon ang nakalimutan ko sa mga nagdaan na araw. O siguro rin dahil wala akong pakialam noon kahit marami siyang babae kaya hindi ko masiyadong pinagtutuunan ng pansin. Subalit ngayon hindi na ako sigurado kung wala pa rin ba akong pakialam.

"Can I get some of your time, Mr. Dawson?"

Her voice were sweet and soft. Nakaramdam ako ng disgusto sa pagiging marahan at malambing nito. Hindi ko maiwasang maalala kung paano siya dumaing noon na nakadagdag sa pagkabuhay ng galit ko para sa kaharap na lalaki. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili at patagong humugot ng hininga.

"Wala akong oras. Nag aaral ako-"

"Sumunod ka na, Jax. Baka may pag-uusapan kayo ni Ma'am. Pakisabi na rin sa Senyora na hindi kita matuturuan ngayon," pinasigla ko ang anyo kahit pa malamig ang mga mata niyang sumalubong sa akin.

"Tinuturuan mo siya? Kaya ba magkasama kayo ngayon?"

Nag-angat ako ng tingin para lang makita ang magandang si Miss Abadiano. Bigla akong nakaramdam ng ensikyuridad. Makinis at maputi ang balat niya. Ilan taon lang ang tanda nito sa akin at halos magkaedad lang sila ni Jax. Mahaba ang itim na itim niyang buhok na aabot sa bewang at maliit ang makinis na mukha.

"Opo, Ma'am. Nakiusap sa akin ang Lola niya."

Ngumiti siya sa akin at tumango. Sinulyapan niya ang tinatapos kong gawain at agad rin ibinalik sa akin.

"I see that you are busy so you can't teach him."

Tumango ako. "Gano'n na nga po."

"That's perfect. Because I have something to discuss to him," pagkasabi no'n ay humarap siya kay Jax. "I'll wait you outside, Mr. Dawson."

Sumunod ang mga mata ko sa likod ni Miss Abadiano hanggang sa tuluyan siyang makalabas sa pinto. Pagharap ko kay Jax, nanatili ang lamig sa mga mata niya.

"Lumabas ka na. Naghihintay siya sayo," inisangtabi ko ang nararamdamang galit at pinahinahon ang paraan ng pananalita.

Yumuko ako at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko pinansin noong una. Nang katagalan nga lang na hindi ko siya nakitang tumayo, napa-angat na ako ng tingin. Nasa libro ang mga mata niya ngunit salubong ang kilay at mukhang may ibang iniisip.

"Lumabas ka na," mahina ang boses ko kahit unti unti nang umuusbong ang irita sa loob loob ko.

Bakit hindi na lang siya lumabas? Mukha namang may usapan sila na gawin iyon ngayon. Inaraw araw na yata nila. Hindi siya kumibo. Mariin lang ang pagkakatikom ng mga labi niya at nakatiim bagang.

Matagal ko siyang tinitigan. Nang makitang wala yata siyang balak na kumilos napabuntong hininga na ako at binitawan ang ballpen sa ibabaw ng notebook na gamit ko.

"Kung hindi ka lalabas, babalik dito si Miss Abadiano at maiistorbo na naman ako sa ginagawa. Marami akong kailangan na tapusin-"

Halos mapatalon ako sa malakas at may pwersang pagsara niya sa libro. Hinarap niya ako. Nagkikiskisan ang mga ngipin niya at halos bumulagta ako sa sahig dahil sa talim ng kanyang tingin.

"Tahimik ako kanina pa at hindi nagsasalita dahil alam kong may ginagawa ka! Ayokong magalit ka kaya hindi kita pinipilit na kausapin ako kahit nagtataka ako kung bakit hindi mo ako kinakausap! Hindi kita ginugulo! Nagbabasa lang ako! Kaya bakit itinataboy mo ako?!"

Napanganga ako at napabuga ng hangin. Hindi ko nagustuhan ang biglaang pagsabog niya. Pinapalabas ko siya dahil may ginagawa ako! Bukod sa gusto kong mag-aral ng mag isa para makapag concentrate at matapos ito, ayaw ko ring kasama siya sa lamesa lalo at may hindi pa ako maintindihan sa nararamdaman ko! Pinaghalo halo na kaya nang bumuka ang labi ko, hindi ko na mapigilang magtaas na rin ng boses.

"Alam kong hindi ka nagbabasa! Kailan ka ba nag-aral, huh?! Hindi ba't kahit noong tinuturuan kita hindi ka naman nagseseryoso?! Kaya kung pwede lang umalis ka na lang dahil nag-aaral ako-"

"Ang dami mong dahilan! Ang sabihin mo nilalayuan mo ako dahil sa huling sinabi ko sayo!"

Naalala ko 'yong huling picture na sinend niya. Iniisip niyang nilalayuan ko siya dahil sa nakalagay na caption sa picture na iyon? Hindi ko na rin kasi siya na-reply-an pagkatapos no'n. Hindi ko na itinama ang iniisip niya. Nakisakay na lang ako para tumigil na siya.

"Oo! Dahil sa sinabi mo hindi ko na tatanggapin ang offer mo! Nagbago ang isip ko at ayoko palang sa katulad mong basagulero, mabisyo, babaero, at sugarol ibigay iyon! Kung ikaw ang makakakuha ng una ko, pagsisisihan ko lang habambuhay! Mas gugustuhin ko pang sa lalaking matino ito ibigay kaysa sayo!"

Pinagpapasalamat ko na lang na wala nang mag-aaral dito kundi ang librarian na lang na papalapit na sa amin. Ngayon lang yata napansin na sa amin nanggaling ang ingay. Mayabang niyang ipinatong ang isang braso niya sa lamesa na para bang gusto akong lapitan kung wala lang lamesa sa harapan namin. Pagak siyang tumawa kahit wala namang nakakatawa.

"Kanino mo ibibigay? Kay Harry? O baka naman hinihintay mo 'yong pinsan ko dahil nalaman mong dito siya mag aaral?"

Nakangisi ang mga labi niya na kabaligtaran ng lamig na nakapaloob sa mga mata. Pinantayan ko iyon at hindi nagpatalo. Isinara ko ang libro at ipinatong ko roon ang dalawa kong braso. Tinitigan ko siya ng mabuti sa mga mata niya.

"Siguro nga? Kahit sino sa kanila..." binitin ko ang salita bago nagpatuloy. "Huwag lang sayo..." nginitian ko siya na nakapagpalusaw sa ngisi niya. Unti unti iyong nawala at napalitan ng pagiging seryoso.

"Really, Clementine?"

Tumawa ulit siya ngunit sa pagkakataon na ito, kapansin pansin ang pamumula ng mga mata niya. Binalewala ko iyon. Natamaan ko siguro ang ego dahil sa pagtanggi ko at sa sinabi kong mas pipiliin ko na lang na isuko ko ang sarili ko sa pinsan niya kaysa sa kanya.

Tumango ako. "Really, Jax."

Tuluyang nawalan ng emosyon ang anyo niya. Binasa niya ng dila ang kanyang mga labi. Kung matalim ang titig niya sa akin kanina, lalo na ngayon. Isang beses siyang tumango at padarag na tumayo. Dahil sa ginawa niyang pagtayo, nag-ingay ang upuan. Parang nakapagpa-init sa ulo niya ang ginawang ingay nito kaya't bago umalis ay malakas niyang sinipa iyon patumba.

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...