Lascivious Casanova 64

18.4K 672 635
                                    

(LC) Chapter 64





"Pagkasabi ko na naroon ka sa bahay ni Jace lumayas na! Sinigaw ko na nagpatila ka lang ng ulan! Hindi yata narinig! Sumakay na kasi sa sasakyan, e!"

Si Jax ang tinutukoy niya. Nakwento ko na sa kanya ang nangyari. Nagpunta raw ito sa kanila at nagtanong tungkol sa akin kaya umagang umaga nadatnan niya kami ni Jace na natutulog. Naihatid na ako rito ni Jace kina Irene. Nakakahiya na pero nag-insists siya. Wala rin kasing masasakyan doon.

At least kahit papaano ginamot ko naman ang sugat niya bago umalis. Patigil tigil nga lang ako dahil natutulala. Kaya sa huli, siya na rin ang nagpatuloy na maggamot sa sarili niya. Humingi ako ng dispensa at ni hindi ko na nalinis ang bahay niya sa ginawang gulo ni Jax. Nagkalat doon ang bubog at pagkain. Nakapagpalit na rin ako ng damit ni Irene. Napatingin si Irene sa kisame. Nag-isip siya bago siya tumagilid ng higa at hinarap ako.

"Teka nga! Doon ka natulog? Ang sabi mo ihahatid ka niya! Hindi kayo natuloy?" Pagkatanong niya, siya rin ang sumagot sa tanong niya. "Ahhh... sobrang lakas kasi ng ulan? Nakatulog ka sa kahihintay na tumila? Nakatulog din ako, e!"

Bumuntong hininga ako. Bumangon ako. Umupo ako sa higaan ni Irene at niyakap ang tuhod ko. Nakasandal ako sa headboard. Tumihaya si Irene at pagkatapos ay dumapa. Nagpangalumbaba siya habang nakadapa at tiningnan ako. Diretso ang tingin ko sa paanan niya. Wala kaming pasok kaya't pwede kaming magkulong sa kwarto.

"Naguguluhan ako, Irene. Sobrang lungkot ko at naguguluhan ako," nakapalibot na ang luha sa mga mata ko. Tumingala ako. Ginagalaw galaw ko ang mga mata ko at kinurap para bumalik iyon sa loob.

"Hoy! Huwag kang umiyak! Hindi ako nagparaya para lang umiyak ka!"

Umalon ang boses niya. Nakikisimpatya ang tingin niya nang yukuin ko siya. Halos bumaliktad ang ibabang labi niya. Namamasa na ang kanyang pilikmata. Lumunok ako. Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan. Mataman ko siyang tiningnan. Nakita ko siya kung paano siya magmukhang nababaliw kay Jax. Nakita ko siyang mag-assume. Nakita ko siyang magkagusto kay Jax. Pero bakit parang iba ang epekto sa akin. Mas masakit. Para akong pinapatay. Parang nabawasan ang buhay ko.

"Nagustuhan mo si Jax pero hindi ka nagalit sa akin. Nagustuhan mo lang ba siya pero hindi mo siya mahal? Paano mo naiwasan na mahalin siya? Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamahal para sayo? What is love? What is the meaning of love? Is it avoidable? Pwede ba itong maiwasan? Kaya bang mapigilan? Maaari bang pahintuin? Wala bang nagsasabi na tama na hanggang diyan ka lang kung sosobra ka diyan masasaktan ka na? Wala bang warning? Kung kulay pula ba o berde? Kung magpapatuloy ba o hindi?"

Ang dami kong tanong. Naguguluhan ako. Ang dami ko pang hindi alam sa pinasok ko. Wala akong alam sa pakikipagrelasyon. Hindi ko alam kung kailan ako lalaban at hindi ko alam kung kailan ako titigil. Hindi ko alam kung sapat ba na dahilan na mahal mo ang isang tao para hindi ka sumuko kahit pagod ka na. Hindi ko alam kung kailan ba dapat magpahinga.

"Ano ba, Clementine!"

Ngumawa siya. Nauna pa siyang umiyak sa akin. O siguro hindi ko lang naramdaman na naunang nabasa ang pisngi ko. Sinabayan niya ako sa pag-iyak.

"Bakit sa akin ang bilis, Irene? Bakit ang bilis kong nahulog sa kanya? Bakit ang bilis ko siyang minahal? Ang bilis kong nagtiwala! Kahit marami akong naririnig nagtiwala ako sa kanya! Sa kanya lang ako naniwala kasi mahal ko siya!"

Habang nagsasalita ako nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko. My chest tightened and my eyes switched like a tears fountain. Hindi pa bumabagsak ang naunang luha may kasunod na. Panay tulo nito sa yakap yakap kong tuhod at kung iipunin ko'y makakapuno ako ng isang baso sa walang hinto na pagbagsak nito.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now