Lascivious Casanova 18

31.9K 918 95
                                    

(LC) Chapter 18





Sa lift ulit kami dumaan pababa. Nakasandal siya sa kabilang gilid malayo sa akin. Walang emosyon ang mukha niyang pinapanuod ang pagbaba ng numero at palagay ko'y galit pa rin. Nakatitig ako sa ginagawa niyang paglalaro sa hawak na susi ng sasakyan. Hindi niya ako sinulyapan kahit nang lumabas siya sa lift at nagtungo sa sasakyan.

Nakikiramdam ako habang nasa biyahe. Tahimik kami sa loob ng sasakyan lalo't gabi na. Pinaglalaruan niya ang ibabang labi niya gamit ang dalawang daliri at mabilis ang patakbo na parang nagmamadaling maihatid ako. May kung anong bumara sa lalamunan ko nang matantong nagalit siya dahil hindi niya ako nagalaw. Kaya sa halip na humingi ng pasensya sa nangyaring pambibitin sa kanya, tumahimik na lang din ako.

Pagkatigil ng sasakyan, bumaba ako na hindi nagpapaalam sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panlalamig sa kaisipan na iyon lang ang habol niya sa akin. Oo at inalok niya ako noon. Subalit sa tuwing naghahalikan kami at kaninang nasa kama niya kami, nawala iyon sa isip ko. Nawaglit sa isip ko na in-offeran niya ako ng sex at iyon lang ang habol niya sa mga babae.

Natigilan ako sa pagsara ng gate nang marinig ko ang pag-andar ng sasakyan niya. Sinundan ko iyon ng tingin at mabilis na nag-init ang mga mata. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko naman siya gusto kaya dapat okay lang sa akin kung iyon lang ang gusto niya. Isa pa, kaya niya lang naman ako inalok dahil napansin niyang masiyado akong curious sa bagay na iyon. Nag-aaral pa kami pero pareho kaming hindi na bata. Magaling siya doon at kuryuso ako. Pareho kaming makikinabang sa isa't isa kung papayag ako.

Pinigilan ko ang nararamdaman at nagpatuloy ako sa pagpasok sa bahay. Tulog na si Nanay ngunit si Tatay ay inabangan yata akong makauwi. Napatayo siya mula sa lumang kahoy namin na sofa pagkapasok ko't pagkasara ko sa pinto ng sala.

"Ginabi ka?" kinabahan ako sa tanong ni tatay.

Piping pinapakalma ko ang sarili at pasimple na nagbaba ng tingin upang sipatin kung maayos ba ang pagkabit ko ng butones sa suot na blouse. Sa unang tingin malalaman kaagad na kay tatay ko nakuha ang morena ngunit makinis kong balat. Mahigit kwarenta pa lang sila ni Nanay at hindi pa ganoon katanda.

"Sorry po. May pinagawa lang po ang Senyora."

Tumango siya at binuksan ang kaldero na may lamang pagkain. Sinisilip niya iyon habang nagsasalita.

"Pinagmasahe ka raw ng Senyora?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko alam na iyon ang dinahilan ng Lola ni Jax. Mabuti na lang at nakatalikod si tatay at hindi niya nakita ang gulat na rumehistro sa akin. Nang humarap siya'y nakuha ko na ulit ang sarili ko.

"Opo, Tay."

Nakokonsensya ako. Pero kung sasabihin ko ang totoong ginawa ko, namin ni Jax, baka masaktan ako ni tatay. Kahit kasi mabait siya, istrikto siya pagdating sa akin. Kung hindi iyon si Senyora, nasisiguro kong hindi siya papayag.

Tumango siya. Tinawagan daw sila nang Senyora pero hindi siya makatulog hangga't hindi ako nakakauwi. Kalaunan, pumasok na siya sa kwarto nila at ibinilin na initin ko ang luto ni Nanay kung sakaling hindi pa ako kumakain.

Pahagis kong ibinaba ang bag sa kama at pabagsak ring naupo. Napatakip ako sa aking mukha at naalala ang mga ginawa namin ni Jax sa araw na ito. Hindi sadyang nakagat ko ang aking ibabang labi nang maalala ang pakiramdam ng labi niya. Napapikit ako ng mariin dahil hanggang ngayon ramdam ko ang magaspang na palad niya sa aking dibdib at ibabang katawan.

Naisara ko ng mabuti ang mga hita at impit na umungol dahil sa kahihiyan. Nakita niya ang katawan ko. Ikinukumpara kaya niya ako ngayon sa mga naging babae niya? Base kay Maya at Miss Abadiano, tipo niya ang makikinis at mapuputing babae. Makinis nga ako pero hindi ako kaputian.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now