Lascivious Casanova 63

16.6K 533 259
                                    

(LC) Chapter 63




Blangko ang tingin ko sa daan habang naglalakad. Gusto kong tawagan si Jax. Pero paano ko gagawin iyon gayong Mama niya ang dahilan kung bakit ako tulala. Alam kong ayaw ng Mama niya sa kanya. Alam ko rin na mahal niya ang magulang niya kahit ganoon ang turing sa kanya at gusto niyang maambunan siya ng mga ito ng atensyon at pagmamahal. Kaya paano ko sasabihin sa kanya na galit ako sa Mama niya. Sa babaeng nagluwal sa kanya. At tatay ko ang dahilan kung bakit hiniling ng nanay niya na sana hindi siya ipinanganak.

Walang kinalaman si Jax sa kung sino ang magugustuhan ng Mama niya. Pero sa ngayon parang hindi ko siya kayang makita. Kasi parang ang gulo. Nalilito na ako sa gagawin ko kahit na mahal ko siya. Hindi pa kami nagtatagal ang dami nang problema. Hindi pa natatapos ang isa, may kasunod na. Maisip ko lang siya pakiramdam ko maging ako'y nagtataksil kay nanay dahil konektado si Jax sa babae na dahilan kung bakit naglayas siya. Nakita ko ang sakit sa mata niya bago siya umalis. Kung nasaktan ako sa nasaksihan kanina alam kong sampong ulit ang nararamdaman ni nanay ngayon. Hindi ko na matimbang kung kaninong nararamdaman ba ang mas importante sa akin. Kay Jax ba o kay nanay? Sa kanila na lang ang importante. Inisantabi ko na ang nararamdaman ko.

Hindi ko alam noon ang pinagtatalunan nila at kung bakit siya ganoon kagalit at ganoon umiyak. Ngayong umiiyak ako, ngayon ko lang iyon lubusang naintindihan. Sabi ko madali lang silang maaayos. Ngayon hindi ko na alam kung maaayos pa ba. Ni hindi ko alam kung uuwi pa ba si tatay. Pagkatapos kong makita ang halikan at yakapan nila. Hindi ko na rin yata gustong makita pa siya. Pakiramdam ko kung uuwi man siya, isa sa mga araw na ito aalis din siya at sasama sa babae na iyon. Ano pang silbi ng pagbalik kung aalis din naman.

"Naliligo ka ba sa ulan o naabutan ka lang ng ulan?"

Mahinang tawa ang narinig ko sa aking gilid. Sa lalim ng iniisip hindi ko namalayang may nakahintong sasakyan sa tabi ko. Nakabukas ang bintana nito at pinapanuod akong nasa ulanan. Paatras ang andar niya at mukhang kanina pa ako sinusundan. Nagkatinginan kami. Kumilos siya nang tumigil ako. Nagkukumahog siyang may inabot sa backseat. Pagkababa niya, natanto ko na payong ang kinuha niya nang buksan niya iyon. Nasa tabi ko na siya't sinisilong ako sa hawak niyang payong.

"Saan ka nanggaling? Bakit naglalakad ka sa ulan? Sana nagpatila ka muna?"

Hinarap ko siya. Napatingala ako. Napatitig ako sa kanyang mukha. Tanaw na tanaw ko kung gaano kahaba ang mga pilik niya at kung gaano katangos ang kanyang ilong sa ganito kalapit na distansya. May kaonting tubig na tumulo mula sa buhok pababa sa noo at pisngi niya. Kaonti siyang nabasa nang lumabas. Nang matitigan niya ako, umawang ang labi niya. Salitan ang tingin niya sa aking mga mata at mukhang napansin niyang namumugto na.

Biglang nag-init ang mga mata ko dahil kahit sa malayo o malapit malaki talaga ang pagkakahawig nila. Ang kinaibahan lang, mabigat ang dugo ko kay Jax noong una. Samantalang sa kanya unang araw pa lang, magaan na ang loob ko. Siguro, dahil sa magkaibang pagkakataon ko rin naman silang nakilala kaya't magkaiba rin ang naramdaman ko sa kanila. Kumurap siya at ibinigay sa akin ang mas malaking parte ng payong.

"Are... are you crying?"

"Jace..."

Nanginig ang boses ko dahil sa lamig at dahilan na rin na gusto kong maiyak. Kung sino pa ang hindi ko gaanong kakilala siya pa ang tutulong sa akin. Siya pa ang nandito. Siya pa ang gusto kong iyakan. Kung sino ang kailangan ko, iyon pa ang wala rito. Iyon pa ang hindi pwedeng nandito.

"What... what happened?" He sounds confused and worried for a moment. Kalaunan, naging panik.

Nakataas na ang isang kamay niya na walang hawak na payong at tila gustong hawakan ang pisngi ko. Para akong nakahanap ng comfort sa katauhan niya dahil may nakahanap sa akin habang hindi ko alam kung saan ako pupunta. He's here. He appeared and sheltered me from the crying sky.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now