Lascivious Casanova 62

21.3K 656 216
                                    

(LC) Chapter 62







"Pauwi ang Mama mo ngayong araw?"

Nakasandal na siya sa malaking puno. Nasa harapan niya ako. Magkaharap kami na nagyayakapan. Sarado ang lahat ng bahay. Tulog na ang lahat. Kami na lang ang gising. Malayo rito ang sasakyan niya. Nilakad niya raw mula roon para hindi makadistorbo sa mga natutulog ang tunog ng sasakyan. Para kaming mga teenager na nagtagpo sa dilim sa disoras ng gabi.

"Hmm..."

Nagtaas baba ang ulo niya para sa isang tango. Inayos niya ang neckline ng suot ko na pantulog dahil lumalabas ang kalahati sa hubad ko na dibdib. Niyuko ko iyon nang maalala na hindi ako nakapagsuot nang bra dahil sa pagmamadali. Nakabakat ang tayung-tayo at bilugan na dibdib ko pero hindi bakat ang tuktok nito dahil maliit lang naman iyon. Nasasagi iyon ng daliri ni Jax ngunit walang pagbabalak sa kilos niya. Talagang narito lang siya para makita ako at walang ibang dahilan. Inaangat niya lang ang nalalaglag na damit ko upang matakpan ang balat ko at hindi malamigan. Nang makuntento'y tiningnan niya ako sa mga mata.

"Saan mo narinig?"

"Sa mga kaklase ko..."

Tinitigan niya ako. Tumigas ang mata niya bago lumamlam. Kahit nasa dilim ay nagkakakitaan kami dahil nasanay na sa dilim ang mga mata namin matapos magyakapan ng ilang minuto.

"What did you hear? Are they talking about us?" Nalulukot ang noo niya habang nagtatanong.

Tumango ako. "Lahat naman tayo ang pinag-uusapan-"

"Don't listen to any of them. I don't want you to consider breaking up with me just because of what you hear from them."

Panay ang buntong hininga niya habang nakatitig sa akin. Nag-aalala yata na baka mas makinig ako sa mga kaklase at kamag-aral namin kaysa sa kanya.

"Don't miss school tomorrow. I talked to school about your position-"

Maagap akong umiling. Hindi pa siya tapos naintindihan ko na. Ako ang gumawa ng eksena. Ako ang dapat na kakausap sa kanila. Hindi ko iyon ginawa dahil alam ko na kakapalan na ng mukha iyon. Papahabain ko lang at mas pag-uusapan pa. Sa huli, alam ko rin naman na may mali ako.

"Hindi na kailangan, Jax. Patapos na rin naman ako. May papalit din naman sa akin pagka-graduate. Napaaga lang pero doon din naman ang tungo no'n."

"I know that! But they are being biased and unreasonable! You cried-"

Umiling ako. Masama ang tingin niya. Mukhang naalala niya na mugto ang mga mata ko na lumabas sa silid noon.

"Hayaan mo na iyon. Umiyak ako dahil nabigla rin ako pero isang araw ko lang naman iyon na dinamdam. Mali talaga ang ginawa ko at tama lang naman din ang naging desisyon nila. Kung hindi nila ako inalis, ako ang kusa na magq-quit. May nagawa ako at hindi tama na manatili pa ako sa posisyon na iyon pagkatapos ng ginawa ko."

"I heard they approach you first! They attacked you first with their words! Kung hindi ka nila unang nilapitan hindi mo gagawin iyon!"

Mariin na mababa ang boses niya. Tahimik na at kung sisigaw siya'y makakabulahaw iyon ng mga kapitbahay. Bumigat ang hininga niya. Laban siya sa nangyari. Kahit ang mga kaibigan ko nalungkot. Mas lalo pa siguro siya at sa palagay ko'y iniisip niya rin na siya ang pinag-ugatan ng nangyari kaya ganito na lang siya kung maka-react.

"Hindi iyon ang kung sino ang nauna, Jax. Hindi iyon paligsahan. I know the rules and regulations. Kami ang nagpatupad ng iba roon. Kami ang naglagay. Kasama iyon sa sinumpaan namin bago lumagak sa posisyon. Kailangan namin maging mahinahon upang maiwasan ang gulo. Kumpara sa ibang estudyante mas malaki ang maaaring maging parusa sa amin dahil kami ang nagpatupad noon pero kami rin ang naunang sumuway. They removed me from the position because I didn’t do what I was supposed to do as a leader. Kung hindi mahalaga sa akin ang pag-aaral baka nga lumipat na rin ako sa ibang school o nag-drop."

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now