Lascivious Casanova 16

33.7K 944 203
                                    

(LC) Chapter 16



Ipinagkibit balikat ko muna iyon. Sa halip na palalain, inilaan ko na lang ang pag-iisip sa mga nadaraanan namin. Nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak niya, napaahon ako. Hindi ito daan papunta sa kanila at hindi rin sa amin.

"Saan tayo pupunta?"

Sinulyapan niya ako at ibinalik din kaagad sa kalsada.

"May pupuntahan lang. Sasaglit lang tayo, tapos uuwi na tayo."

Hinayaan ko siyang magmaneho at hindi na umapila. Malapit lang sa bayan ang pinuntahan namin. Dalawang minuto lang yata, nakarating na kami. Mayroon doon malaking kubo na gawa sa bamboo at nipa. Ang likod nito ay open space at hindi kalayuan ay malaking bahay na bato. Sa loob ng kubo na sa palagay ko'y pahingahan ay mayroon mga nag-iinuman.

"May okasyon?" hindi ko napigilang itanong pagkababa ng sasakyan.

"Birthday ng kapatid ni Peter. Tumatawag ako sayo kanina kasi magpapa-alam akong dadaan muna tayo dito. Hindi mo naman sinasagot."

"Nasa klase ako nang tumawag ka! Paano ko sasagutin?"

Natawa siya at humingi ng pasensya. Inilapat niya ang kanyang kamay sa aking likod upang isama ako palapit sa mga nag-iinuman.

Maraming babae at lalaki subalit nakahiwalay ang mga babae na mukhang nag-iinuman din. Magkaiba yata ang iniinom nila kaya hindi sila sa iisang lamesa.

"Si Jax! May kasamang babae!"

Mabilis ang naging panunukso sa kanya ng mga nakakita sa amin. Hindi nagtagal ay dumating ang iba sa mga kaibigan niya. Kasama niya yata sa sabong kanina dahil saglit na napag-usapan at pinaalam sa kanya kung sino ang nanalo.

"Girlfriend mo, Jax?" babae ang nagtanong sa kanya at mukhang mas matanda sa amin.

Natawa lang si Jax sa tanong nito. Hinila niya ako sa braso at inilapit sa babae.

"Clementine, si Ynah. Ate ni Peter."

Palakaibigan itong ngumiti sa akin. Binigyan niya ng makahulugan na tingin si Jax at nagulat ako nang hablutin niya ako sa pagkakahawak nito. Napabitaw si Jax sa braso ko at ang kapatid ni Peter na si Ynah na ang nakahawak sa akin ngayon.

"Hihiramin ko muna siya! Doon ka muna sa mga lalaki!"

Umiling si Jax at sinubukan akong kunin kaya itinago ako ng Ate ni Peter sa likod niya. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila kaya hindi ako kaagad nakapag-react. Wala rin akong ideya kung bakit nila ako pinag-aagawan.

"Hindi siya pwede. Uuwi na kami. Dumaan lang ako-"

Tumigil si Jax sa pagsasalita nang lingunin ako ng babae. Nagulat pa ako nang lingunin ako nito at panliitan ako ng mga mata na para bang tinatakot ako at kailangan kong sumang ayon sa sasabihin niya.

"Uuwi na kayo? Birthday ko ngayon!"

Umawang ang mga labi ko at napasulyap kay Jax para maghanap ng sagot. Tinanguan niya ako. Nais niya yatang isagot ko na kailangan na naming umalis. Ngumiti ako sa kapatid ni Peter.

"Birthday ko ngayon!" ulit nito habang pinanlalakihan ako ng mga mata. Nakainom na yata.

Napalunok ako. Hindi ako marunong kumausap ng lasing. Nakagat ko ang ibabang labi ko at nagbaba ng tingin sa suot kong relo. Okay lang sigurong manatili ng ilang minuto? Maaga pa naman at...

Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin niya ako hindi pa man ako pumapayag. Dinala niya ako sa lamesa ng mga babae. Sumunod si Jax at hinawakan ako sa braso. Nasa magkabilang braso ko ang kamay nila.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن