Lascivious Casanova 37

25.7K 658 249
                                    

(LC) Chapter 37



Hindi ko sineryoso ang isinigaw ni Jax. Pagkalabas namin ni Irene sa banyo, humupa na ang tuksuhan.

"Sino kaya 'yong sinasabi niyang girlfriend niya? Totoo kaya iyon?"

Nakasuot si Irene ng kulay itim na two piece. May patong iyon na itim na cover up. Ako, naka-maikling short lang at manipis na itim na sando. Hindi naman panget ang katawan ko. Hindi lang talaga ako sanay mag-swim suit kahit tabing dagat lang naman ang lugar namin.

"Nagbibiruan lang siguro sila. O baka naman nagyayabang lang sa mga ka-team niya si Jax?" Sagot ko na lang kay Irene.

Dahil sa tingin ko nagbibiruan lang talaga sila. Gusto niya lang siguro na iparinig sa akin at asarin ako. Nakaabang kaagad ang mga mata ni Jax. Kalahating paa pa lang ang naihahakbang ko papasok sa cottage nasalo ko na ang tingin niya. Bumaba ang mata niya sa nakalabas kong hita. Kumunot ang kanyang noo.

Nag-iwas ako ng tingin at sa kabilang side ako naupo. Kung sa dati ko kasing upuan kailangan ko pang daanan si Jax at Coach Roiland. Kung iikot ako, mga ka-team niya namang lalaki ang madaraanan ko. Naisip din siguro iyon ni Irene kaya parehas kaming sa tapat ng pinto na upuan naglapag ng gamit.

"Ang aga namang alak niyan!" Si Irene na pinuna ang naabutan namin sa cottage.

Nag-iinuman na ang mga grupo ni Jax. Naisama pa nila ang mga lalaking kasama namin sa cheering. Ang mga babae, nasa tubig na at nagsisiligo.

"Tagay muna bago ligo! Tapos tagay ulit!" Si Jigs iyon na sinang-ayunan ng iba.

Puro talaga kalokohan ang mga kagrupo ni Jax. Wala pa man ang game, kinakabahan na tuloy ako. Kung hindi si Jax ang mapaaway, baka isa sa mga ito. Kunsabagay, kung nasa field si Jax kaya niyang i-handle ang buong team niya. Kaya malaki rin ang tiwala ni Coach sa kanya. Kapag siya kasi ang nagsalita hindi pwedeng hindi nila susundin.

"Hindi ako umiinom..."

Napabaling kami ni Irene kay Jax nang bigla na lang itong magsalita. Nakatingin siya sa akin. Tumikhim siya at nag-iwas nang makitang nakatingin sa kanya si Irene.

"Okay lang Jax! Uminom ka lang! Hindi kita pagbabawalan!"

Nagtawanan sila maliban kay Peter na nakasimangot at kay Jax na napailing lamang. Umangat ang gilid ng labi ko. Patago akong pinanliitan ng mata ni Jax nang mahuli niya akong nangingiti.

Habang nag-iinuman, nag-uusap usap sila. Nag-iinom silang lahat. Si Jax at Coach Roiland lang ang hindi. Bukod sa celebration ito para sa pagpayag ni Jax. Huling araw na rin siguro ito ng pagrerelax nila dahil ayon sa narinig ko'y gigisahin sila sa magkasunod na dalawang linggo na practice.

Binuksan ko ang shoulder bag. Hinahanap ko roon ang panali ko sa aking buhok. Sa bulsa ng bag ko nahanap iyon. Isasara ko na sana ulit ang zipper ng bag kung hindi ko lang nakitang umilaw ang cellphone ni Jax na nasa loob. Awtomatikong napatingin ako sa kanya. Kabababa niya lang sa gamit niyang cellphone. Nang magkatinginan kami, nagbaba ako ng tingin at binasa ang message niya.

Jax:

Masiyadong maikli ang short mo.

Umasim ang mukha ko. Pinansin niya pa talaga! Kumpara naman sa mga kasama naming mga babae rito na naka-swim suit! Hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Alam ko naman kasing nakakunot ang noo niya. Nagtipa ako ng reply.

Me:

Ngayon lang ito Jax. Kung pagbabawalan mo akong mag-short, mags-swim suit ako!

Naabutan ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi muna siya nagreply. Nagtagal muna ang tingin niya sa hita ko at sa akin. Naghahamon akong nagtaas ng kilay. Umawang ang labi niya at nagbuga ng hangin. Tumingin siya sa cellphone niya. Nagtipa siya ng reply.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now