Lascivious Casanova 74

17.7K 523 182
                                    

(LC) Chapter 74

Nadudurog ang tuyong dahon sa aking bawat paghakbang. Wala akong makita at hindi ko alam kung nasaan akong lugar. Kung hindi pa tumama ang balikat ko sa isang puno at nang mahawakan ko iyon, hindi ko malalaman na nasa isang mapunong lugar ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako tumakbo pero hinihingal ako.

"Clementine..." The voice was cold deep and husky. My eyes widened and my hair stood on end. The way that voice speaks my name terrifies me.

Pabalikwas ang naging pag-ikot ko nang maramdaman na may tao na lumapit sa aking likuran. Sa isang pares ng sapatos tumama ang aking mga mata. Unti-unti iyon na umakyat. Unti-unti rin na muling nanlaki ang aking mga mata. Napa-atras ako pagkakita sa pamilyar na lalaking nasa aking harapan. Ang itak na ginamit niya pampatay kay Jace ay hawak niya. Pinapadaanan niya ng kanyang daliri ang talim. Puno iyon ng dugo. Pailalim at matalim ang tingin niya sa akin.

"I love you, Clementine." He uttered those words while raising the corner of his lips. He was like a demon who wanted to deceive me.

I took a deep breath and almost cried. Habang nakatitig sa kanya, pabilis nang pabilis ang paghinga ko. Pabangon din nang pabangon ang mas lumalaking galit ko. Lumipat ang mata ko sa paglitaw ng isang pamilyar din na babae sa kanyang tabi. Mayroon itong hawak na garapon. Binuksan nito iyon at mula roon ay mayroon dinukot sa loob. Tinitigan ko ng mabuti ang garapon. Tinitigan ko rin ang inilabas niya roon.

"S...Shalom..." Nagbagsakan ang mga luha ko nang makitang ang anak ko iyon.

Maliit ito ngunit hugis bata. Ang isang kamay ay itinataas na tila ako'y inaabot at nanghihingi ng saklolo. Nakaikot sa leeg niya ang mga daliri ng babae. Sakal-sakal siya. Humakbang ako palapit subalit hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Animo ako'y baldado at walang magawa. Humikbi ako at lumakas ang pag-iyak habang pinapanuod ang matutulis niyang kuko na bumabaon sa leeg ng aking anak hanggang sa tuluyan siyang madurog sa kamay ng babae at mawalan ng buhay.

"No! Please! Don't kill my baby! Stop!" Humihikbi at paos kong sigaw. Basang-basa ang aking mukha na punong-puno ng luha.

"Clementine!"

"Ember!"

Pagmulat ko'y mabilis akong napaupo. Kahit sa paggising ay nadala ko ang sigaw at iyak ko. Napasiksik ako sa gilid ng kama. Umiiling ako upang patigilin siya. Umiiyak. Sumisigaw. Nagmamakaawa. Tumayo ang taong nasa kama at binuksan ang ilaw. Pagkabaha ng liwanag, hindi ako no'n napakalma. Sa tuwing nananaginip ako. Pakiramdam ko paulit-ulit akong namamatayan ng anak.

"Lumabas ka!" Matinis na sigaw ko kay Diane. Nakatitig siya sa akin at malamlam ang matang pinagmamasdan ang aking itsura.

"But, Em—"

"Just leave me alone! Get out!"

Natigil siya sa tangkang paglapit. Isang bitiw sa malalim na buntonghininga'y pinatay niya ang ilaw at kusa siyang lumabas. Alam niya na ganito ako. Sa tuwing nananaginip ako'y ayokong may nakakakita at humahawak sa akin. Bukod sa nag-aalala ako na maaari ko silang masaktan kung sakaling naging malala ang panaginip ko'y sinasanay ko na ring pakalmahin ng mag-isa ang sarili ko.

Ilang minuto pa bago natigil ang pag-iyak ko sa dilim. Nang matapos ay saka ko binuksan ang ilaw. Nahinto ang kamay ko sa pagbaba mula sa switch nang maagaw ng tingin ko ang kuko ko na mayroon dugo sa aking hinliliit na daliri. Nang balingan ko ang kama ay may kaonting mantsa rin doon ng dugo. Mukhang napahigpit ang kapit ko sa kumot.

Mas maikli at mas kaya ko ang minsanang mga panaginip ngayon. Noo'y kahit gising ako akala ko'y nasa panaginip pa rin ako. Matagal bago ko matanto na nasa reyalidad na ako. Minsa'y naglalakad ako at naghahanap ng mataas na lugar. Tumatayo ako roon at nag-iisip na tumalon. Minsan, naghahanap ng matulis na bagay at sasaktan ang sarili ko o ang tao na makikita kong malapit sa akin. Depende kung ano ang nangyayari at nakikita ko sa panaginip ko bago ako magising. Sa mga pagkakataon na iyon, masuwerte ako na nasa tabi ko si Diane. Masuwerte ako na siya ang nakasama ko sa kwarto.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Место, где живут истории. Откройте их для себя