Lascivious Casanova 11

29.8K 731 147
                                    

(LC) Chapter 11



"Bakit kayo magkasama? Sinundan ka niya?"

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Irene na magtanong kahapon dahil umuwi na ako pagkatapos mabuksan ang pinto ng banyo. Akala ko makakaligtas na ako sa tanong. May kasunod pala ngayong araw ang pang uusisa niya.

"Kanina ka pa niya sinagot na nakulong sila. Hindi ka pa rin tapos sa pagtatanong?" si Cathy.

Inabot niya sa akin ang gagamitin na gloves at safety boots. Maaga kaming narito dahil sa meeting at napagkasunduan na tumulong na sa paglilinis ng mga nabahang kwarto ngayon.

"Bakit nga doon kayo nakulong? Sinundan ka niya? Anong pinag-usapan niyo?"

Sumimangot si Cathy at bumaling kay Irene.

"Gusto mo yata ikaw ang nakulong kasama ni Jax! Hindi ka na natapos sa katatanong-"

"Bakit ba ikaw ang panay sagot? Si Clementine ka ba?"

Napailing ako habang nakikinig kay Irene at Cathy na nagtatalo. Umupo ako sa isang bato na malinis at nagsimulang isuot ang mga inabot ni Cathy sa akin. Kailangan ito dahil maputik ang mga kwarto na lilinisin namin.

"Just ask her if she likes Jax! Iyon naman talaga ang gusto mong itanong! Pinapahaba mo pa!"

Tumahimik si Irene. Alam kong nakatingin siya sa akin ngunit hindi ako nag-angat ng tingin at inabala ang sarili sa pag-check ng safety boots.

"W-wala naman siyang gusto kay Jax."

Nasa boses ni Irene na hindi sigurado sa sinabi niya subalit takot akong diretsuhin. Maraming banyo sa itaas kaya kahit sino siguro magtataka kung bakit sa unang palapag kami nakulong. Si Irene ang pinaka apektado lalo't alam namin na may gusto nga ito kay Jax. Hindi siya mapigil at mas gugustuhin pa yata na siya ang nakulong sa banyo kasama ang crush niya. Hindi ako nagre-react. Tumabi sa akin si Cathy at ginaya ako sa pagsuot ng boots.

"Obviously, she doesn't like him! She's smart! Alam niya kung sino ang dapat niyang magustuhan sa hindi! Mataas ang pangarap ni Clementine! Alam niya kung ano ang kahihinatnan niya kung magkakagusto siya sa ganoong klase ng lalaki!"

Pinigilan kong matigilan sa sinabi ni Cathy. Hindi ko sila nililingon ngunit nagsisimula na akong magsisi kung bakit ako pumayag na magpahalik kay Jax kahapon. Mabuti na lang at dumating sila kaya't hindi natuloy.

Ngayon ko napag-isip isip na nagpauto ako kay Jax. Hahalikan niya ako at kung tumugon ako ay may gusto raw ako sa kanya. Hindi ba't parehong pabor iyon sa kanya, tumugon man ako o hindi?

Sang ayon ako kay Cathy. Sa lahat ng estudyante rito'y ako ang nakakaalam ng mga ginagawa ni Jax. Tama siya na walang kahihinatnan dahil puno ng yabang si Jax sa katawan at kabastusan. Sa ngayon ang nararamdaman ko dapat ay nandidiri sa kanya. Sa mga naaktuhan kong nakakapanindig balahibong gawain niya'y dapat iwasan ko siya.

"Gusto mo bang sabihin na hindi ako matalino dahil may gusto ako kay Jax?!"

Padabog na naupo si Irene. Bahagya akong sumandal sa puno na malapit sa bato na inuupuan namin para hindi ako maipit sa sigawan nila.

"He's a playboy! Mga tanga na lang ang mai-in love sa gano'ng lalaki-"

"Kung magsalita ka parang hindi na siya pwedeng magbago ha?! At puro lang iyon chismis! May nakita ka bang kasama niyang babae?!"

Nasa magkabilang gilid ko sila. Pinaggigitnaan nila ako. Parang mga anghel at demonyo na nagsasalitan sa pagbulong sa magkabila kong tainga. Si Irene sa kanan na ipinagtatanggol si Jax. Sa kaliwa ay si Cathy na mukhang may galit sa mga babaero.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon