Lascivious Casanova 38

29K 788 325
                                    

(LC) Chapter 38



Pagkapasok sa cottage, sa akin siya tumabi. Naramdaman ko ang braso niya sa sandalan ng upuan ko. Hindi ko na pinatanggal kasi halatang mainit pa rin ang ulo. Kung sasawayin, baka mas mapainit ko pa.

Ako na lang ang nag-adjust. Iwas na iwas akong mapasandal. Kung sasandal kasi ako, lalabas na nakaakbay siya sa akin. Nasa dulo man kami at nahaharangan ang kamay niya, inaalala ko pa rin na baka may makapansin.

Kumakain na ang mga kagrupo namin pero si Coach Roiland natanaw kong nasa kabilang cottage. May kausap itong lalaki roon na kaedaran niya at mukhang katulad niyang guro rin. Sa ibang school siguro dahil hindi ko kilala ang mukha.

"Saan ka nakatingin?" Pagalit na bulong ng katabi ko.

Lumipat siya sa kabilang side ko upang bakuran ako. Sa laki ng katawan niya, naharangan niya si Coach Roiland sa paningin ko. Hinarap ko siya. Nasa akin ang matatalim na mga mata niya. Halos magdikit na ang kanyang makakapal na kilay dahil sa matinding pagkunot noo. Nang-aakusa na agad ang tingin wala pa man akong sagot.

"Kanino pa ba? Kay Coach!"

"Kay Coach ba talaga o doon sa lalaki kanina?"

Tunog nagtitimpi ang boses niya. Tumingin siya sa labi ko at may tinanggal doon na kanin. Nagpapaligsahan ang masama naming tingin ngunit hindi mapigilang mapalundag ng puso ko sa pagdampi ng daliri niya sa ibaba kong labi.

"Sinong lalaki? Yung kausap ba ni Coach?"

Naibaba ko ang pinggan na kinalalagyan ng pagkain ko. Puro seafood iyon at karne, kakaonti lang ang kanin. Hindi kumain si Jax. Nakabantay lang yata sa akin kaya kung anu ano ang napapansin na tinitingnan ko.

"Why are you staring at that man you talked to earlier? Nakita ko kayong magkausap kanina! Anong pinag-usapan niyo?"

"Sino nga kasi?!"

Mahinahon ang pagtatanong ko kanina. Lumakas lang ang boses ko dahil hindi ko maintindihan kung sinong lalaki ang tinutukoy niya. Pinanliitan niya ako ng mata. Nasa tingin niyang hindi siya naniniwalang hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Nagmamaang maangan ka pa! Nakatitig ka nga! Nakausap mo lang nagwapuhan ka na?"

Naguluhan ako. Kulang na lang magtanong ng 'huh?' mag-isa ang mukha ko sa kanya. Marahas ang pagkakasara ng panga niya. Wala akong maisip kung bakit bigla na naman siyang nagagalit.

Nagsisimula na akong mainis. Kung hindi umahon ang inis ko mapapatitig ako sa kanya magdamag dahil ang gwapo niya kahit lukot ang mukha at problemado. Kaya lang naiirita ako sa paraan ng pagtingin niya na akala mo palagi akong may ginagawang masama! Feeling ko tuloy may nagawa ako kahit hindi ko alam kung ano iyon!

Binalikan ko ng tingin si Coach at sinubukan alamin kung anong pinagmumulan ng galit ni Jax. Saka ko lang napansin na ang cottage na iyon ay ang parehong cottage na itinuro sa akin ng lalaking kausap ko kanina.

Katabi ito ng kausap ni Coach Roiland. Nakatitig sa akin ang lalaki at dahil nasa kabilang tabi ko si Jax kanina hindi niya nakikita ang mata ko, iniisip niyang nakikipagtitigan ako roon sa lalaki dahil doon nakaharap ang mukha ko!

"Tangina naman... Sa harapan ko pa talaga, Clementine?" Namumula ang mga mata niya sa galit. Likas na siyang palamura. Pero parang gusto kong tampalin ang bibig niya ngayon.

Sinulyapan niya 'yong lalaki at saka ako. Nahuli niya ngayon na nakatingin ako roon! Parang pinatunayan ko na rin na totoo ang akusa niya na nakikipagtitigan ako! Iritadong iritado na lalo ang itsura niya. Kaonti na lang parang sasabog na. Napanganga ako. Biglang sumakit ang ulo ko kay Jax. Nilapag ko ang pagkain sa lamesa. Walang nakakapansin na nag-uusap kami dahil kumakain silang lahat. Hinarap ko si Jax na aburido ang itsura at tila nadagdagan ng sampong taon ang edad.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now