Lascivious Casanova 50

22.1K 591 161
                                    

(LC) Chapter 50

CHAPTER 50 AND 51
PUBLISHED NOW

-----Miss IYA-----



Pagkabalik sa front desk tapos nang malinisan ang kwarto kaya't mabilis na kaming naasikaso. The woman smiled at us as she watched us approach the front desk. She greeted us in a polite manner and handed the key card to Jax.

Ako na ang nagpasalamat sa babae dahil kahit nakausap ko na si Jax, tahimik pa rin siya. I will describe him as a hot tempered, reckless, and impulsive man. Kung may nakapag-painit sa ulo niya, walang salita, bugbugan agad ang solusyon niya.

Nabawasan man iyon mula nang maging kami, hindi pa rin maiiwasan iyon lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Nakakakulo naman kasi talaga ng dugo ang nangyari kanina. They are cheating and playing unfairly, they don't play fair. Even though Jax's quiet the whole time and looks fine, I know that inside him he's still angry.

"Masiyado itong malaki para sa ating dalawa, Jax," puna ko pagkahakbang papasok sa kwarto ng hotel na nakuha niya.

Malawak ang living room. Ilang hakbang ay ang dining area. Mula rito ay masisilip na mayroon doon kagamitan na pang-kusina. Salamin ang isang bahagi ng dingding. Bahagyang nakahawi ang mga kurtina. Sa labas ay matatanaw ang malaking balkonahe. Sa kabila naman ay ang saradong pintuan ng kwarto. Alam ko na malaki nga, nabanggit iyon kanina sa front desk. Gusto ko lang magsimula ng pag uusapan.

"Magkano ang bayad sa isang araw dito?" Tanong ko ulit, tinatansya kung magsasalita na siya.

Alam kong narinig niya ako ngunit walang naging sagot mula sa kanya. Nanguna siya sa sala. Binaba niya roon ang bag. Nakaharap ang likod niya sa akin. Sobrang tahimik niya. Kahit narinig niya ang komento ko, wala siyang imik. Halos mabingi ako sa katahimikan lalo't kulob sa kwarto ng hotel. Hindi ako gumalaw at pinagmasdan siya ng maigi. Taas baba ang balikat niya tanda ng paulit ulit niyang pagbuntong hininga.

Pagkatapos niyang ibaba sa center table ang mga bag, umikot siya at pabagsak na naupo sa malaking couch. Isinandal niya ang kanyang likod at ipinatong ang likod ng kanyang ulo sa sandalan. Nakabagsak ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid. Pumikit siya at nasa itsurang pagod na pagod. Hindi pagod sa biyahe ngunit pagod sa nangyari bago kami umakyat dito.

Dahan dahan, lumapit ako. Mabagal kong hinubad ang aking suot na backpack. Itinabi  ko iyon sa mga bag na nasa center table. Lumapit ako sa kanya. Sa halip na sa tabi niya ako maupo, sinakyan ko siya at pasaklalay na umupo sa ibabaw niya. Nilapit ko ang katawan ko sa kanya at yumakap sa kanyang batok. Ang aking mukha ay ibinaon ko sa kanyang leeg. Ang magkabilang hita ko ay nasa magkabilang gilid niya.

"Okay ka lang?" Mahinang tanong ko.

Pumikit ako. Inamoy ko siya sa leeg at nagsumiksik sa kanyang katawan. Malalim siyang huminga. Kahit pumatong ako sa kanya, hindi gumalaw ang mga kamay niya para hawakan ako. Nanatili siyang nakapikit. Pagkaraa'y huminga na naman ng malalim.

"I won't be okay until after the game. Masama sa loob ko na binabastos ang girlfriend ko pero hindi ko maipagtanggol..."

Lumabi ako. I knew this was the reason he was quiet. Apak na apak ang pride niya lalo na bilang kasintahan ko. In recent days I have never seen him angry but those jerks triggered his anger. Tama lang na inilayo ko siya sa ganoong sitwasyon, hindi lang dahil mayroong laro kung hindi dahil girlfriend niya ako. Ayoko siyang masaktan. Ayoko siyang makasakit. Ayoko siyang makitang nakikipag away lalo na kung ako ang dahilan.

"Jax..." Ang isang kamay ko ay minasahe ang kanyang batok. Iniisip na kahit sa ganitong paraan mabawasan ko ang sama ng loob niya.

"I know... I know... Naiintindihan ko... Hindi ako gagawa ng gulo sa laro... Nagagalit lang ako dahil bakit kailangan ka pa nilang idamay? Kahit murahin o duraan nila ako hindi ako magagalit pero bakit kailangan pang bastusin ka?"

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now