Unang Halik

By frezbae

332K 21.6K 3.4K

A mangyan who experienced the cruelty of the world. Many do not like them because of her ancestral tribe. A s... More

Guidance
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
Kabanata 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 59

Kabanata 25

5.1K 363 35
By frezbae


Hindi ako makatulog ng maayos ng malaman ko iyon. Halo halo ang aking nararamdaman para kay Frosto.

Noon ay nagkagusto siya sa naging nobya ng kanyang kambal. Hindi na ako mag iisip kung bakit sila nagkaroon ng anak. Itinago 'raw iyon ng babae at pinaako sa kambal niya na siyang gusto ng babae ngunit ang totoo pala ay sa kanya iyon ayon na rin sa DNA test.


Galit 'raw siya sa ina ng bata dahil sinungaling ito. Muntikan paraw nito noon ipaampon ang bata pero mabuti nalang at nalaman niya ng maaga. Hindi na niya iyon pinangalanan pa.


"Ayaw kong' may itago ako sayo at sa huli ay magalit ka sakin Sol. Araw araw ako nag iisip kung paano ko ito sasabihin sayo dahil baka mawala ka sakin. But I swear... Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. I love you." nagsusumamo ang boses niya ng sabihin niya iyon sakin kanina.




Malamig na ngayong gabi at nakapatay na ang buong ilaw ng bahay. Nakahiga ako sa sahig ng aking kwarto. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot na nakabalot sa aking katawan.


Ang puso ko ay malakas ang kabog. Sa kabila ng mga nalaman ko, isa lang ang namayani sakin...Ang Pagmamahal.


Tsaka ko na iisipin kung paano ako mag aadjust sa anak ni Frosto. Gusto ko naman ng mga bata. Dito sa baryo namin ay halos kalaro ko ang mga bata. Sana nga lang magustuhan ako ng anak ni Frosto kahit alam ko na mahirap talaga ito.





Hindi ko namalayan na umiiyak na ako kung hindi ko lang naramdaman na basa na pala ang unan.


Pinunasan ko ang luha gamit ang aking palad at inayos ang aking buhok.

"Mahal na mahal kita Frosto." garalgal ang aking boses. Dinama ko ang tibok ng aking puso. Ang batang puso kong' natuto ng magmahal.




~~~



Handa na ako para sa eskwelahan. Umupo ako sa upuang kahoy at nakitang lumapit si lolo sa akin. Mukha siyang problemado at nanghihina na.


"Lo, ininom nyo' ba ang vitamins niyo?"

Nilapag niya ang kamote at gatas sa harapan ko.

"Oo apo. Mawawala rin itong ubo ko. Huwag kang mag alala. Mahirap lang talaga walang magawa dito apo."



"Lo..huwag ka nang magtrabaho." ngumisi ako. "Kasi magka college nako! Mag woworking student ako Lo!"



Tumawa si lolo at ginulo ang aking buhok kaya napasinghap ako.

"Lolo naman! Sinuklay koto ng ilang beses!"


"Woo! Itong si Sol talaga di porke may iniirog na ay-"


"Lo! Hindi ah!"


"Sol! Andito na ang kasintahan mo! Sinusundo ka!"

Nagulat ako sa sigaw ng aming kapit bahay. Nagkatinginan kami ni lolo at malamlam siyang ngumiti sakin at tumango. Si lola naman ay naglalaba sa suki niya kaya wala siya dito ngayong oras.




Lumabas kami ng bahay ni lolo. Hawak ko ang bag ko ng maabotan ko si Frosto na nakahalukipkip habang kausap ang mga lalaking mangyan. Ngumisi siya at tumango bago nagtagpo ang aming mga mata.



Ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa amin ni lolo kaya nilingon ko si lolo at nagpaalam na.


"Mag iingat kayo." si lolo, sanay na sa tuwing sinusundo ako ni Frosto para ihatid sa eskwelahan.



"Salamat Lo." nilibot ni Frosto ang tingin sa bahay namin na tila ba nag aalala para sa amin.



"Ihahatid kopo ang apo niyo at babalik ako dito. May gusto po akong sabihin."


Kinabahan ako. Kinausap ako tungkol dito ni Frosto kagabi na gusto niyang sabihin ang tungkol sa anak niya kina lolo at lola. Ayaw niyang sa huli niya pa raw sasabihin. Ang rason kung bakit sinabi niya sa akin agad ay dahil totoo siya sa kanyang nararamdaman sakin at ayaw niyang masira kami dahil doon.




Tinungo na namin ang sasakyan ni Frosto na nakaparking sa malaking puno malapit sa palayan.

"I will talk to your grandparents Sol. It's okay for me if they get mad."


Umiling ako at pumasok sa kotse ng buksan niya para sa akin. Nanatili siya doon nakatayo at nakatitig sakin.

"Mabait sila lolo at lola. Hindi iyon magagalit. Maiintindihan nila ang sitwasyon mo-"

Hindi ko na matuloy tuloy ang mga sasabihin ko dahil sa paghalik niya sa aking noo. Nang mawalay ang labi niya ay nakita ko ang apat na taong papadaan sa amin.

Sa malayo ay nakita kong papalapit sila Dominador Septimo. May mga kasama siya at nakita na niya agad kami ni Frosto.


Suminghap ako. "T-Tayo na?"


Nangunot ang noo ni Frosto at tinitigan si Don.

"Hindi ko inaasahan na makita dito ang anak ng isang kaibigan! Frosto Grey!"


Umigting ang panga ni Frosto at seryosong tumango.

Pa balik balik ang tingin samin ni Don. Umiwas ako dahil nahihiya narin.

"Mr. Septimo. I'm picking up my girlfriend."


"Oh!" tumawa si Don. "May boyfriend na pala ang pinakamaganda dito."


Ramdam ko na hindi gusto ni Frosto ang presensya ni Don. Sinara niya ang pintuan ng kotse at hinarap si Don. May sinabi siya doon at umalis rin naman siya agad.


Tahimik lang ako sa loob ng kotse hanggang sa biyahe namin.

"Frost.. Balak ko kasing mag audition bilang freelance model pag mag college na ako. May alam ka ba?"


Nakatigil na ang kotse sa labas ng aming skwelahan.

Ngumuso siya at hinaplos ang aking pisngi.

"You don't have to work."

"Huh?"

"Be a mother to my daughter, instead." ngumisi siya kaya tumawa ako.

Umiinit ng husto ang aking pisngi sa pagiging bolero niya sakin. Sinabihan niya rin ako na wala na akong dapat na alahanin sa prom dahil magpapatahi na raw kami bukas ng gown ko. Sasabihan ko si lola na hindi na siya maghanap pa sa ukay ukay ng gown para sakin.



Walang araw na hindi rin siya nag tetext sakin. Hindi ko talaga aakalain na ganito pala ang feeling na inlove. Bawat araw ay naeexcite ako magising at basahin ang mga messages niya.

Araw araw niya rin ako hinahalikan. Iyon ang hindi ko kinakaya araw araw o kapag nagkikita lang kami kasi hindi ko akalain na ganon siya kapusok humalik.


Hindi ko talaga akalain na nahahalikan na ang labi ko.



Hindi na ako nasundo sa ekwelahan ni Frosto. Naiintindihan ko iyon at hindi ko dapat pilitin na sakin lang dapat ang buong oras niya dahil alam ko na abala siya sa trabaho. Nagiging inspirasyon ko siya sa pag aaral ko. Sayang ang pagkakataon na ito at mga tulong niya sakin na gusto kong suklian kapag ako ay nagkatrabaho na.




Sumakay ako ng traysikel ng makita na naman ang text ni Frosto sakin.


"Ayokong maglakad ka. Sumakay ka ng jeep o taxi please. I'm so frustrated right now.. Naiisip ko na naglalakad kalang. This works sucks."
Text niya sakin.


Ngumisi ako at bumaba na sa traysikel. Ayos na ako sa traysikel tsaka hindi naman kalayuan.



Pagbaba ko mula sa highway ay nakita ko na palabas si Don Septimo galing sa aming baryo. Nakita ko sa malayo na si lolo ay pabalik sa bahay namin.



"M-Maganda hapon ho Don Septimo." bati ko sa kanya.


Ngumisi ang matanda sakin hawak ang kanyang tungkod.

"Mas maganda kapa sa hapon aking Soledad."


Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya at yumuko ako para umalis na ngunit hinawakan niya ang braso ko.


Ayoko talaga ng presensya niya.

"Manang mana ka sa ina mo Sol. Inosenteng inosente at gusto ko iyon."


Napalunok ako at nanalalamig na tumakbo patungo sa aming baryo. Nanginginig ang aking kalamnan sa takot.

Continue Reading

You'll Also Like

132K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
242K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.