Make Mr Fierce Mine (Adonis S...

By Labxzaza

22.1K 842 11

May isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Authors Note.
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
EPILOGUE
Thankyou notes.

Chapter 27

275 10 0
By Labxzaza

Chapter 27

Luna Pov.

KINABUKASAN..

Pagmulat ko ay agad ako'ng lumingon sa'king tabi, Nagtataka ako ng makitang wala na akong katabi. Kung sabagay ano pa bang bago?

Lagi naman siyang maagang nagigising kesa sa'kin.

Bumangon na ako para makaligo, Hindi ko na rin gaanong nararamdaman ang sugat sa labi habang nilalakad ang banyo. Pasalamat na lang ako dahil ganito lang ang naitamo ng jasper na iyon sakin, Kung hindi lang dumating si miguel malamang isa na akong maruming babae ngayon.

Dumiretso ako sa banyo dala ang malinis na towel, agad na akong naligo at halos ilang minuto lang ang itinagal ko ng lumabas ako. Isinuot ko lang muli ang bigay ni tita elizabeth na pulang bestida.

Pagbaba ay agad akong nagtungo sa kusina para tingnan kung may pagkain na, gumuhit  ang simpleng ngiti saking labi ng makitang may nakatakip doon. Nakuha niya pa akong ipagluto bago umalis, Pero saan nga ba siya nagpunta? Naalala ko pa ang sinabi niya kagabi na aalis kami ngayon.

Naghanda na ako ng sariling plato bago hilain ang upuan, Baka may inasikaso muna siya bago umalis.

Kumuha ako ng kanin at naglagay na rin ng ulam, mabilis lang ang pagkain ko at agad na rin iyon hinugasan. Nilagay ko na sa ref ang natirang pagkain bago magtungo sa sala, pansin ko ang panlalabo ng salaming mesa kaya lumapit ako doon. Napupuno na pala iyon ng alikabok maging ang mga ibang gamit kaya naisipan ko ng maglinis habang wala pa si miguel, Sa sobrang busy nito hindi niya na maharap ang paglilinis sa bahay. Bakit kasi hindi na lang siya kumuha ng maid kahit isa lang.

Para hindi niya na rin iniisip ang mga gawaing bahay.

Matapos maglinis ay pagod akong sumandal sa sofa at itinindig ang ulo sa sandalan. Pumikit ako saglit at hinayaang matuyo ang pawis sa katawan.

"Did you clean the house?" napamulat ako ng marinig ang baritonong boses ni miguel, nag-angat ako ng tingin at nakitang nakaduwang siya sakin. Agad akong tumayo at nagkamot ng ulo.

"Ah oo, Wala naman akong ginagawa  kaya naglinis muna ako habang hinihintay kita." bumuntong hininga siya bago libutin ang paningin sa paligid, kalaunan ay bumalik rin iyon sa mata ko.

"Kumain ka na?"

"Hmm." tumango ako "Ikaw kumain ka na ba?" tumango rin siya bago tumalikod sa'kin.

"Magpahinga ka muna bago tayo umalis." sinundan ko siya ng tingin habang papalakad ito patungo ng hagdan, huminto rin siya ng hindi ako sumagot.

"Tara." anas niya ng lingunin ako.

"Ha, Saan?" takang tanong ko,

"Sa taas." kaswal niyang sagot "Get rest before we go."

"I'm not tired" agarang turan ko "And besides kakagising ko lang."

Natawa siya at napapailing na humarap sakin. "Ang aga ha." ani niya pa sa pagitan ng pag ngisi.

Hindi ako agad nakasagot dahil nanatili akong tulala sa labi niyang nakangiti, Thanks god at bumalik na ang dating miguel.

Sa wakas hindi na siya galit.

Napawi ang ngisi niya kaya napapahiya akong  nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo naman ako kagaya na parang alarm kung magising.." nasabi ko sa bandang huli bago maunang maglakad patungo sa kwarto.

MEDYO mainit na sa labas  ng lumabas kami, Hindi na ako nagpahinga dahil hindi naman talaga ako pagod. Si miguel lang ang hinintay ko dahil inasikaso niya pa ang mga dadalhing damit.

"Hindi natin sasakyan ang kotse.?" tanong ko dahil tumawag lang siya ng taxi.

"Hindi, nagpa-book ako ng flight.." sagot nito at may kinuha sa likuran ng kotse niya.

"Paano mo nakuha 'yan?" takang tanong ko nang makita ang mga gamit ko'ng sinilid kahapon.

"Kinuha ko." simpleng sagot niya at dumiretso sa taxi para ipasok ang mga gamit namin, madali siyang tinulungan ng driver na tila nagmamadali.

"Nakapasok ka sa bahay? Naabutan mo ba ang may-ari?" sunod-sunod na tanong ko ng maisara niya ang pintuan sa likuran.

"Don't bother yourself about that, ang importante nakuha ko." nalukot ang mukha ko dahil sa sagot niya.

"Sungit." asik ko ng makasakay kami sa taxi.

Hindi na siya umimik kaya nanatiling  tahimik ang buong biyahe. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa airport. Napapatingin pa ako sa kanya ngunit masyado siyang seryoso hangga sa makasakay kami ng eroplano.

"May problema ba?" tanong ko, kapwa kami nakasandal sa upuan habang nakatingin sa   harapan.

Naramdaman ko ang paglingon niya kaya lumingon din ako, napalunok pa ako dahil sa lapit niya pala sakin.

"Wala, may iniisip lang ako.." sagot niya at nanatiling nakatangin sakin.

"A-about what?" curious na tanong ko.

"About don fabio, Hes sick and he wants me to manage the whole farm."

"Uh? Iyong buong hacienda?"

"Yeah." sagot niya at muling tumingin sa harapan.

"Wala ba siyang anak?"

"He have one, But he died 5years ago." napatango ako at nanatiling nakatitig sa kanya. "At dahil si daddy ang caretaker noon gusto niyang muli kaming bumalik." Tumingin na ako sa harapan at hindi na nagtanong pa.

Kaya pala malalim ang iniisip niya dahil doon, Kung mananatili siya sa probinsya hindi niya na maaasikaso ang restaurant niya. Pero nasa kanya naman iyon kung anong desisyon niya.

PAPALUBOG na ang araw ng makarating kami sa probinsya, Sakay ng tricycle ay tinatahak namin ang sementadong lugar.

Hindi pamilyar sa'kin ang daan dahil hindi naman ito ang dinaan namin nila vivian noon. Maayos ito kumpara sa mabato at maputik na daan.

"MIGUEL!" Sinalubong kami ng dalawa niyang pinsan na pamilyar sakin, napatingin sila sa gawi ko kaya tipid akong ngumiti.

"Kilala kita ha." anas pa ng isa habang nakaturo sakin, May ngising nang-aasar naman ang isa habang nakatingin kay miguel.

"Di'ba ikaw yung kaibigan ni giovanni, nakitulog kayo noon dito."

"Oo, A-ako nga.." nahihiyang sagot ko dahil naalala ko pa ang unang punta dito.

"Bakit magkasama kayo ni miguel?" hindi ako nakasagot dahil hinila na ako ni miguel at dinala sa likuran niya.

"Can you stop asking her." naiiritang suway nito sa pinsan bago maunang maglakad papasok.

Napalingon pa ako sa dalawa na agad nakasunod habang dala ang mga gamit namin.

Kahit pinsan niya pinagsusungitan nito, pero parang wala naman sa dalawa. mukhang sanay na sila sa ugali ni miguel.

"Ginabi na kayo, Gusto niyo bang kumain?" binawi ko ang kamay ng marinig ang boses ng tita niya.

Kahit isang araw lang naman akong nagpunta dito hindi ko makakalimutan ang mga nakasama ko noon, Sariwa parin sakin ang lahat.

Napatingin ito sa'kin kaya ngumiti ako, buti hindi siya nagtataka na may kasama ang pamangkin niya. Alam na niya yatang darating kami.

"Pakainin muna ang asawa mo miguel." literal na nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.

What the h*ll, Did she say asawa?

Saan niya napulot iyon.

"Anong sabi niyo tita?" tanong ni miguel dahil maging siya ay nagulat.

"Pakainin muna kako ang asawa mo, Wala pa si dante at eliza nasa bahay pa ni don fabio." tumalikod na ito samin at naglakad patungo sa isang pasilyo.

D*mn, inulit niya pa ang salitang asawa.

"Asawa pala kita." nilingon ko ito ng masamang tingin ngunit ang walang hiya ay ngumisi lang bago sumunod sa tita niya.

Nang-aasar na siya ha.

"Hindi mo nabanggit na nag-asawa ka na pala, kung hindi lang sinabi ni eliza hindi ko malalaman." dinig ko pang wika ng tita niya ng sumunod ako.

"Sinabi iyon ni mommy?" humugot ako ng upuan habang nakikinig sa kanila, hindi ko man lang maitanggi dahil nakakaramdam ako ng kahihiyan ngayon.

Pag dating talaga sa pamilya ni miguel nahihiya ako, Ewan ko ba dahil iyon ang nararamdaman ko.

"Sinong mag-asawa? Kayong dalawa mag-asawa na?" biglang pumasok ang dalawa nitong pinsan at halatang narinig nila ang pinag-uusapan ng dalawang magtiyahin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ng maupo sila sa harapan ko, kita ko sa gilid ng aking mata ang pag-upo rin ni miguel.

"Yes, we are." walang gatol na sagot ni miguel kaya nilingon ko siya ng gulat na reaksyon, Gusto ko siyang murahin at sabihing girlfriend niya palang ako. Ano bang sinasabi niya, bakit kailangan pa nitong sakyan ang sinabi ni tita elizabeth.

"Wow, I didn't expect that."

"Me too." namamanghang ani ng dalawa kaya yumuko na lang ako.

Ako rin, hindi ko inakala na may asawa na ako sa isip niyo. Sa isip ko na lang minumura si miguel habang sumasandok na ito ng kanin. Nilagyan niya na rin ang aking plato kaya ako na lang ang sumandok sa ulam.

Buti na lang at hindi gulay ang pagkain dahil nagugutom na ako.

Natapos kami sa pagkain na halos sila lang ang nag-uusap, nakikitawa at sumasagot lang ako tuwing kakausapin nila ako. Hindi naman ako bastos para umakto ng iba kahit na naiirita na ako sa ngisi ni miguel t'wing nabubuksan ang pag-aasawa namin na hindi ko alam kung paano nagsimula. Kung hindi lang siya gwapo kanina ko pa tinapakan ang paa niya sa ilalim.

"Where's my room?" tanong ko ng kami na lang dalawa sa hapag, nagpahuli talaga ako dahil nahihiya akong mag feel at home dito.

Kung sa bahay pa sana nila miguel magiging kumportable ako.

"Why? Are you sleepy?"

"No, I just want to take a bath."

Tumango ito at tumayo, "Follow me, wife." anas niya na diniinan pa ang salitang 'wife' ngumisi ito ng makita ang reaksyon ko bago maglakad papunta sa hagdan.

"Feeling mo rin 'no." asik ko habang pasunod paakyat sa taas, dinig ko lang ang pagtawa niya ng mahina at hindi man lang sumagot. dire-diretso lang ito sa paglalakad at nilalagpasan ang mga kwartong nadadaanan namin, huminto siya sa isang pinto at binuksan iyon.

"This is your room right?" taas kilay na tanong ko.

"Yeah, diyan ka muna matulog." prente niyang sagot habang nakapamulsa, "Hindi naman kita tatabihan, pero kung gusto mo edi dito nar---."

I cut him off. "No, Wala naman tayo sa bahay niyo." pumasok na ako at doon ko nakita ang maleta ko at isang travell bag.

Ramdam ko ang pagpasok niya ngunit hindi ko siya nilingon.

"Bahay rin namin ito, bakit bawal na bang magtabi tayo?" Sinulyapan ko siya, nakaupo na ito sa kama at nakatingin sa'kin.

"Magkatabi na tayo kagabi, namumuro ka na." binuksan ko ang maleta at naghanap ng pamalit, narinig ko na naman ang tawa niya kaya muli akong tumingin dito.

"Anong nakakatawa!" singhal ko.

"Wala." iling niyang sagot "Ilang araw tayong hindi magka-ayos kaya tumabi ako sa'yo kagabi." nag-iwas ako ng tingin at muling inabala ang sarili sa paghahanap ng damit.

Kasalanan ko kaya hindi kami mag-kaayos ng ilang araw, Masyado niya yatang dinibdib ang narinig kay vivian kaya iniwasan niya ako.

"Sorry ulit.." anas ko ng makaharap sa kanya, lumamlam ang mata niya at sumilay ulit ang ngiti sa labi. Napaka-gwapo talaga ng nilalang na'to.

"It's okay, Let's forget about it."

"Hindi ka na talaga galit sa'kin?" naniniguradong tanong ko pa.

"Hindi naman ako nagalit sa'yo."

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sagot niya "But you always rejecting me that day, what's that for if your not mad?" nag-iwas ito ng tingin at lumunok ng isang beses.

"Nothing I'm just confuse." sagot niya nanatiling nakatingin sa ibang bagay.

"Confuse?" nalilitong anas ko, humarap ito sa'kin at seryoso na naman ang mga titig niya.

"Yeah, I'm confuse about your real feelings. I don't know if you really like me or not." napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya, pinagdududahan niya ang feelings ko? Hindi naman kami hahantong sa ganito kung wala talaga akong nararamdaman sa kanya.

"I like you that's true, I really mean it once I said that walang halong biro."

Tumango siya ng dalawang beses "Wag na natin itong pag-usapan." anas niya bago tumayo.

Napaiwas na lang ako ng tingin bago kumuha ng damit at hindi ko na tiningnan iyon dahil basta ko na lang itong isinabit sa kamay ko.

"Maliligo muna ako."

"Okay, Babalik ako mamaya dito."

Nilingon ko siya bago maglakad patungong banyo "Bakit ka pa babalik?"

"Bawal ba?" pabatong tanong niya pabalik, napasimangot ako dahil doon. Tinatanong ko siya tapos tatanungin niya rin ako ang hirap talagang kausap nito.

"H-hindi naman, nagtatanong lang."

"I see." anas niya at nakapamulsang tumayo "Asawa naman kita kaya walang problemang bumalik." ngumisi ito matapos sabihin iyon.

"At talagang pinanindigan mo 'yan ha!" nanlalaking matang wika ko.

"Asawa naman talaga kita."

"GIRLFRIEND." mabilis na pagtatama ko.

Hindi mawala ang ngisi niya.

"But I consider you as a wife now."

___








Continue Reading

You'll Also Like

5K 100 23
Dala ang poot at pagkamuhi, gagawin ni Veronica ang lahat makuha lang ang inaasam na hustisya para sa pagkamatay ng kanyang ina. Isang dignidad ang...
2.9M 77K 34
He was known to be the his brother's total opposite, if his older brother Dagis was cold in appearance, his was warm jolly, blah blah blah, name it. ...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
83.8K 2.4K 23
Pierre Corrins (4) He lost all his control whenever she's around and he's not blind to see that he is falling for the trap because he is now stuck wi...