Make Mr Fierce Mine (Adonis S...

By Labxzaza

22.8K 844 11

May isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Authors Note.
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
EPILOGUE
Thankyou notes.

Chapter 6

322 14 0
By Labxzaza


Chapter 6

[ Miguel Pov ]

"Hey are you listening to me miguel?" napukaw ang atensyon ko kay selena ng magtanong siya, Masyado na naman yatang malalim ang naisip ko.

"What did you say again? Sorry may iniisip lang ako.." She pout her lips before she walk towards me.

"Kanina pa pala ako nagsasalita hindi ka man lang nakikinig, Ano bang iniisip mo?"

Umiling lang ako at sumandal sa sofa, Were here in study room sa bahay namin and she almost 1hour staying with me, Ngunit wala naman akong maintindihan sa kinukwento niya dahil unoccupied ang utak ko.

Maybe becauce of her, She always appear in my mind and I can't forget about what happen last night.

"Hey miguel!"

"What?" tanong ko dito, Naupo  siya sa tabi ko.

"Kinukwento ko 'yung nangyari kung bakit pinaputol ko ang buhok ko, But you don't listening, Di 'ba gusto mo ang mahabang buhok?"

"Yeah, I like long hair. Pero bagay naman sayo iyan.." I sincere said, She just smile and comb her hair using a finger.

"Thankyou, But Im still mad. Almost 6months ang pag-aalaga ko saking buhok tapos bigla na lang iiksi! Nakaka-inis talaga ang baklang iyon lalo na 'yong boss niya!" Sumandal ito sa sofa at inis na ginulo ang buhok.

"Saan ka ba nagpa-salon?"

"Collins beauty salon, Maldita ang may-ari 'non pinatulan ba naman ako! Hindi ko talaga makakalimuntan ang itsura niya! She call me ugly and she didn't even scared ng sabihin kong ipapademanda ko siya!." Mahaba nitong saad, Mukhang galit na galit nga siya sa babaeng iyon.

Sabagay, May ganyan namang babae. Nakasalamuha ko pa nga at pilit akong tinatawag na magnanakaw.

Hindi ko lang alam sa sarili ko dahil bigla na lang akong natauhan ng tumugon ako sa halik niya, Siya ang humalik ngunit nakatanggap pa ako ng sampal! I can't explain her attitude, Masyadong mapang-mataas lagi pa siyang namimintas na mekaniko ako! Saan niya ba nakukuha lahat ng sinasabi niya.

"Hey miguel! Out of place ka na naman! Sabihin mo nga sakin sino yang iniisip mo!?" naputol na naman ang pagiisip ko dahil kay selena.

"Wala, Hindi ka pa ba uuwi?" Pagiiba ko ng tanong kaya napanguso ulit siya.

"Lagi muna lang akong tinataboy, Malapit na tuloy akong maniwala kay philip na may girlfriend ka na.."

"What? I dont have girlfriend selena.." Mabilis na sagot ko ngunit parang hindi man lang siya naniwala.

"Hmm, He said to me you and that girl are sharing in one room, At nakilala mo daw ito sa province niyo. Naiingit ako sa kanya dahil 6years na tayong magkakilala hindi pa ako nakakapunta doon."

I Just Sighed and slightly massage my forehead because of what she said, Selena is a good friend to me. She always support my hobbies and decision kaya naging magaan ang loob ko dito sa mahabang taon, But were not inrelationship. Kahit na alam kong may gusto siya sakin ay hindi ko ito niligawan, Kaibigan lang talaga ang turing ko dito.

"Yes is that true, But theres no happen between me and that girl. Kaya wag na natin itong pagusapan, Just go home okay.."

"Okay, But its too early may pupuntahan ka ba?" Tanong niya pa, Tumango lang ako.

"Saan?"

"Hindi ko alam, Kasama ko si vanz."

"Lately lagi muna lang kasama si vanz, Wala ba siyang girlfriend?" tanong niya ulit, Umiling lang ako kaya napangiwi siya.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Masyado ka parin cold. Ngumiti ka naman minsan.." She pressed my nose and give me a smack kiss on my chicks,

"Aalis na ako, Dadaan na lang ako minsan sa restaurant.."

"Okay, Takecare.." Tumayo na ito at lumabas na ng studyroom, Hindi man lang ako nakaramdam ng kakaiba ng halikan niya ako.

Ilang beses na niya itong ginawa, Minsan pag nalalasing ito ay bigla na lang niya akong hinahalikan sa labi, But I didn't feel anything hindi kagaya ni luna, There's something about her na hindi ko maexplain.

Lumabas na ako sa studyroom at nagtungo saking kwarto para kumuha ng masusuot na damit, Ngayon kami pupunta sa bahay nila luna kaya medyo kinakabahan ako dahil makikita ko na naman siya.

Hindi ko alam bakit nakakaramdam ako ng kaba,  Ngayon lang ako haharap sa ganitong bagay para mag explain, Magexplain sa bagay na hindi ko naman ginawa. Ewan ko ba bakit ako pumayag napaka-imposible talaga.

Naglakad na ako patungo sa banyo para makaligo na dahil mamaya lang ay nandito na ang dalawa, Si vanz at Neil lang ang kasama namin dahil ayaw sumama ni zeke dahil nga wala naman itong nakasama sa tatlo.

Matapos maligo ay bumaba na ako para kumuha ng maiinom, Naabutan ko naman si daddy doon na halatang kakauwi lang.

"May lakad ka?" Tanong nito, nagsalin muna ako ng tubig sa baso bago sumagot.

"Yeah, May kakausapin lang. Sino palang naiwan sa restaurant?"

"Si chef hulyo, Titingnan ko sana ang mommy mo kaso wala pala siya dito.." Napatingin pa ako sa wrist watch ko at nakitang alas'onse na, Baka nasa casino na ito at nagsusugal.

She so adick in gambling, Simula lumipat kami dito at nakilala niya ang mga kaibigan niya ay hindi muna talaga siya maabutan ng bahay.

"Alam mo naman dad kung nasaan siya ngayon, Masyado na itong nalulong sa casino.."

"Oo nga, Kaya sana pag nag asawa ka mag hanap ka ng hindi marunong sumugal, Look at me Im so stressfull lagi na lang walang laman ang Atm niya."  napamasahe na lang ako sa noo dahil sa narinig, Hindi na ako magtataka kung pati bahay ay isangla niya dahil lang sa sugal.

"Pero paano ka nga pala makakapag asawa kung hindi ka man lang nagkaka-nobyo, Your 26 now miguel wala ka pang pinapakilala sakin.."

"Darating din ako doon dad, Hindi naman nagmamadali ang pag aasawa.." sagot ko, natawa naman siya.

"Its that not what I want, Lumilipas ang panahon at tumatanda na ako I want a grandchild miguel.." napailing na lang ako sa narinig, hindi ko alam kung bakit wala akong hilig sa mga babae.

I'll never been inlove with someone else, Even crush or Puppy love. Gusto ko lang makapag aral dahil lumaki akong hindi marangya ang buhay namin, Sakto lang naman ngunit dumating yung panahon na kailangan ko pang tumira kay Don fabio. Ang nagmamay-ari ng hacienda sa probinsya, Medyo nagkaproblema kami sa financial kaya siya na ang nag-paaral sakin sa pre school.

"Just try it miguel, I like selena for you. Why dont you court her? "

"Kaibigan ko lang siya dad, Dont worry mag-aasawa rin ako pag dumating na ang tamang babae para sakin.."

Napangiti lang ito sa sinabi ko, kaya muli akong tumingin sa relo, Bakit ang tagal naman nilang dumating? I dont know the address dahil hindi ibinigay ni luna sakin, Si Vanz lang ang nakakaalam.

"Kumusta pala yung regular costumer natin? Kailan ang birthday party ng anak niya?"  sunod sunod na tanong ni daddy kaya naupo muna ako.

"Next month pa daw ang birthday niya, Kaya hindi pa ako gaanong busy.."

"Nakita muna ba ang anak ni sir'villamor?" muli nitong tanong, Umiling naman ako.

"Nope, She's staying in france base sa sinabi niya noong last meet namin. Baka next week kasama na siya sa free tasting ng food for buffet.."

"Oh okay, Kakailangin mo pala ng maraming server dahil malaki ang event na ito.."

"Yes dad, Dont worry everything is settled.." tumango na ito kaya naisipan ko ng tumayo.

Sa labas ko na lang sila hihintayin, Masyado silang mabagal.

"Lalabas na ako dad, Mag message na lang kayo if kailangan ako sa restaurant."

"No its okay, Kasama ko naman si chef hulyo ingat ka.." Tinanguan ko na lang siya at naglakad na patungo sa labas, Hangga ngayon ay nakakaramdam parin ako ng kaba, Hindi ko alam kung sa parents ba ni luna o sa kanya mismo.

I sigh heavy before open the door of my car, Maybe Im just nervous because this is my first time to encounter a parents who worried about her daughter. I can't believe this, Why Im need to explain! F*ck.

Sumandal ako sa upuan ng kotse habang hinihintay sila vanz, Dapat maging kalmado ka lang hindi pweding magmukha kang kinakabahan. Napapaisip tuloy ako kung kaugali ba ni luna ang mommy niya, Sasakit yata ang ulo ko kung may old version pa na isang luna.

Napayuko na lang ako sa manubela at pumikit saglit, I need to relax.

__

[ Luna Pov ]

Kanina pa salubong ang kilay ko habang nakatayo sa veranda ng aking kwarto, Nandito rin si antonette at vivian na hindi narin maipinta ang mukha. Bakit ang tagal naman nila! Mga leche sila, Wala pa yatang balak sumipot!

"Hindi sumasagot e." Napalingon pa ako kay antonette dahil kanina niya pa tinatawagan si neil ngunit ni minsan ay hindi namin siya nakausap.

"What about giovanni?" tanong ko kay vivian, pinakita niya naman ang screen ng cellphone at katulad din siya ni antonette na tumatawag kay vanz.

"Baka natraffic lang, Wag ka ng masyadong mag panic.." anas pa ni antonette, sh*t how can I sit here and relax kung kada minuto nagtatanong si mommy kung malapit na ba sila.

Nakakahiya narin sa parents nitong dalawa, dahil kanina pa sila naghihintay dito.

Beeeeeeepppp.
Beeeeeeeppppp.

Mabilis kaming napatayo at agad nagtungo sa veranda, Nakahinga naman ako ng maayos ng makita ang dalawang kotse na nakapark sa harapan. Bumaba si neil doon kaya nag-unahan na kaming magtungo sa baba.

Finally they here! Akala ko iinjanin nila kami, Thanks god at may awa pa sila samin.

"Nandito na sila mommy, pagbubuksan lang namin sila.." ani ko, kunot noo naman itong tumango kaya tumakbo na kami palabas.

"Bakit ang tagal niyo?! kanina pa sila nandito.." agad na asik ko sa kanila, Napalingon pa ako kay miguel na wala na naman reaksyon kaya nilapitan ko siya.

"Hoy." tumingin ito sakin na hindi man lang ginagalaw ang ulo niya, tanging mata lang ginalaw nito na para bang may stiff neck. D*mn bakit ganyan kaya ang lalakeng ito.

"Pag kinakausap ka ni mommy hindi dapat ganyan ang mukha, Did you know how to smile? Kahit konti lang?"

"Diba sasabihin ko lang na walang namagitan sa'tin?"

"Yeah exactly, Kaya dapat puro oo lang ang sasabihin mo. Ayusin mo ang pagsagot, And dont mention about your work its that clear?!"  Iniwas lang nito ang tingin sakin at bored na namulsa.

Wala man lang siyang sasabihin?

"Let's go luna, para matapos na ito.." saad ni antonette, tumango ako at sinenyasan ang tatlo na sumunod.

Agad napatingin ang parents nila vivian at antonette samin dahil nakaharap silang nakaupo sa sala, Ang parents ko naman ay nakatalikod kaya nakakaramdam na ako ng kaba.

Bakit ba kasi kailangan pa nilang kausapin ang tatlo, Sila vivian naman ang may ginawang kababalaghan pati ako nadamay pa. Mayayari talaga ako pag nalaman nilang mekaniko ang nakasama ko baka ipatapon nila ulit ako sa france, D*mn.

"Martinez?" Napa-angat ako ng tingin ng magsalita ang magulang ni antonette, Sinong martinez?

"Goodafternoon Sir'javier.."  Napalingon ako kay giovanni ng sumagot ito, Isa siyang martinez?

What the h*ck,

Kinabahan naman ako ng tumayo sila daddy at mommy kaya napayuko ulit ako, Nasa gilid lang namin yung tatlo dahil hindi pa kami nauupo hangga't hindi nila sinasabi.

"Chef Sandoval, Bakit nandito ka?" biglang tanong ni dad, Sandoval? Chef? Apelyedo ni miguel yun ha.

"Nice to see you again sir'villamor and Mam'miranda.." pagbati ni miguel, nalilito naman akong tumingin sakanya.

What the meaning  of this? Kilala niya ang magulang ko?

"Im glad na kayo pala ang nakasama ng mga anak namin, have a seat.." anas ni mommy, nakangiti na ito ngunit nanatili parin kaming tulala ni antonette at vivian.

So, Kilala nga nila ang mga ito.

Naupo naman ang tatlo sa mahabang sofa kaharap ang parents nila antonette, Kaya tumabi narin kami dito. Sila mam and dad ay nasa magkabilaang sofa.

Hindi talaga ako makapaniwala ngayon dahil kapwa nakangiti na ang mga magulang namin na kanina lang ay parang sasabak na sa gerahan, Sino ba talaga ang tatlong ito? Artista ba sila, bakit hindi ko sila kilala.

"Sorry for disturbing your day mga hijo, Hindi kasi nila agad sinabi na kayo pala ang nakasama nila." paumanhin ni daddy, hindi ko alam kung ngumiti ba sila o ano dahil nasa dulo ako ng sofa at nakasandal.

"Its okay sir, Wala naman problema iyon.." sagot ni vanz, Wala bang balak sumagot ang dalawa? Bakit tanging si vanz lang ang sumasagot.

"Okay kampante na kami, Ahm sino pala ang nakasama ni luna sa inyo?" dagdag na tanong ni dad kaya napaayos ako ng upo. Nilingon ko pa si miguel na nasa gitna nila giovanni.

"Me sir'villamor Sorry for what happen, we share room that night nagkulangan kasi ng kwarto. Pero natulog ako sa sofa.." pageexplain pa ni miguel, sinulyapan ko naman si mommy na nasa harapan ko.

Hindi man lang naalis ang ngiti niya, Kilala niya na ba talaga si miguel? But how?

"No its okay, Wala naman masama kung magshare kayo ng kwarto, nasa right age na kayo and I like you to my daughter luna." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni daddy, Wtf. binubugaw niya ba ako sa magnanakaw na 'to?!

"Yes chef miguel, Napaaga naman ang pagkikita niyo. Isasama ko pa lang sana siya next week para sa birthday preparation niya.."

D*mn, Chef miguel?
So its mean tama si antonette, Chef nga siya pero bakit hindi niya man lang sinabi sakin? Napaka-yabang niya talaga, Gusto niya yata pasuspense pa ang buhay niya!

"Hindi ko po alam na si luna pala ang anak niyo mam miranda, napaka-layo po kasi ng ugali niya sa inyo ni sir villamor.."

"WHAT DO YOU MEAN TO SAY?!!" Hindi ko na napigilan sumigaw dahil sa narinig, Ano ba ang ugali ko? At sino siya para sirain ako sa harap ng parents ko. Hindi ba siya aware na nandito ako!

"Nieves.." naitikom ko naman ang bibig ng makatanggap ng masamang tingin kay mommy, Leche ka miguel pinapahiya mo ako.

"Ganyan lang talaga ang anak ni rumualdo right hon?" sabat naman ng parents ni vivian.

"Yes, Baka dahil only child siya." tugon ng mommy niya.

"Only child karin miguel diba?" pagtatanong pa ni dad, Only child din siya?

"Yes sir.."

"Dont be profesional miguel, just call me tito its okay." darn, tito? Nahihibang na yata si daddy.

Nakita ko lang ang pagtango ni miguel kaya napairap ako, Ang sarap niya talagang batuhin ng sandals nakakainis siya.

"Btw martinez, Kumusta na ang pinatrabaho ko sayo?" pagtatanong pa ng parents ni antonette.

"On going na ang construction sir javier, Maybe two months finishing na ito.." sagot ni giovanni, Engr. pala siya base sa sinabi ni vivian. Itong si neil kaya ano naman posisyon niya?

"Oh thats good, Mabilis talaga pag sayo ako nagsisign ng kontrata.."

"Malaki naman ang binabayad niyo sir.."

Ngumiti lang ang daddy ni antonette kaya tumikhim si dad kaya napabaling kami dito.

"Lunch na pala, Dito na lang kayo kumain magpapaluto ako.." saad nito, tsk bakit dito pa? nakakawalang gana kung kasabay ang magnanakaw na yan.

Akala niya ba bibilib na ako sa kanya? Pinahiya niya ako! hindi niya man lang sinabi na chef siya.

"Yeah its okay, May chef naman tayo dito.." Masiglang sagot ng mommy ni antonette.

"Ow, Oo nga pala chef miguel. Do you want to cook for us?" tanong pa ni mommy.

"Sure, No problem.." mabilis na sagot nito kaya umarko lang ang gilid ng labi ko, Napaka-yabang talaga.

"Okay, Luna guide him in the kitchen.."

"WHAT?!"

"Nieves! Umayos ka!.." bulyaw na naman sakin ni mommy kaya padabog akong tumayo at nilingon si miguel.

"Hurry up!" asik ko at nagpauna ng maglakad sa kusina, dinig ko pa ang paghihingi ng paumanhin ni daddy sa inasal ko.

Tsk, Special ba yan? Bakit ganyan ang trato nila kay miguel, Ninakaw niya kaya ang cellphone ko.

Nakita ko naman ang pagpasok nito sa kusina habang ako ay nakasandal lang sa sink at salubong ang kilay na tiningnan siya.

"Prepare meat and chicken.." saad lang nito kaya napataas ako ng kilay, Uutusan ba naman ako.

"Bakit hindi ikaw?!" singhal ko, kinuha naman niya ang apron at sinuot bago lumingon sakin.

"This is not my house, kaya hindi ko alam kung nasaan ang mga stock.."

Napairap na lang ako at nagtungo sa freezer upang ilabas ang baboy at manok, padabog ko namang nilapag iyon sa lamesa.

"Get some vegetables.."

"Na naman?! Mag utos ka na lang isa isa pa!" reklamo ko, kinuha lang niya ang karne at muling tumingin sakin.

"Okay, Give me carrots, red'pepper , patatas , Selery, onion g--"

"Wait wait, D*mn hindi ko matandaan lahat!" pagpuputol ko sa sasabihin niya, Leche sya!

"Follow me! Ikaw ang kumuha!" dagdag ko pa, Nagtungo ako sa ref at binuksan iyon, Ramdam ko naman ang presensya niya saking likuran kaya tumabi ako.

Tahimik lang itong nagtingin sa ref at kumuha ng mga pag sangkap sa lulutuin niya, Ano naman kaya ang ihahanda nito? Masarap kaya siyang magluto?

Bumalik na ulit siya sa lamesa at nilapag ang mga kinuha niya, Salubong naman ang kilay kong naupo sa harapan nito habang hinihiwa niya ang karne.

Kaya pala hindi man lang siya naapektuhan sa mga sinasabi ko noon dahil may ipagmamalaki pala siyang trabaho, Pinagtatawanan niya siguro ako dahil hindi ko man lang alam na chef siya. Pero bakit kinuha niya ang cellphone ko?

Nag angat naman siya ng tingin kaya napaiwas ako at tumingin sa ibang bagay.

"Slice that.." anas nito inusog niya sakin ang patatas at carrots kaya napatayo ako.

"I dont know how to slice this!." nakakunot noong  saad ko, kinuha ko pa ang kutsilyo at tiningnan ito. "Baka iba ang mabalatan ko."

"Tsk, Use this hindi yan.." may inabot siya sakin na halatang pagbalat, Padabog ko iyon kinuha at yamot na binalat ang patatas.

"D*mn, bakit ayaw?! Wala naman kwenta itong binigay mo!" reklamo ko pa dahil hindi man lang nababalatan ang papatas.

Napabuntong hininga naman ito at lumapit sakin,

"Baligtad kasi ang pag gamit mo." anas nito, napasinghap na lang ako ng maramdaman siya saking likuran.

Hinawakan niya ang isang kamay ko na may hawak na slicer habang ang isa nitong kamay ay nakasuporta sa patatas,

"Pababa dapat ang pagbalat kung saan ang talim, Magbalat na lang hindi mo pa alam.."

"A-ayoko na nga!" binaba ko ang hawak na patatas kaya napabitaw ito, bakit kailangan niya pang gawin iyon! Sh*t bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

Umiling lang siya at kusa ng binalatan ang mga patatas at carrots, nilapag niya ulit iyon sa harapan ko bago umikot at kunin ang nahiwa niyang karne.

"Siguro naman marunong ka ng maghiwa, Gawin  mong anim ang isa.."

Bakit ba ang lakas ng loob niyang utusan ako! Nakalimutan niya yatang nasa bahay namin siya.

"Bakit hindi na lang ikaw?!"

"Para mas mabilis tayong matapos, Wag ka ng magreklamo.." tinalikuran niya na ako at sinalang na niya ang manok at karne, mukhang dalawang putahe pa ang lulutuin niya.

Paano niya gagawin iyon? E ito lang naman ang kinuha niyang sangkap, Chef ba talaga siya.

Kinuha ko na lang ang kutsilyo at hiniwa ang carrots at patatas, sinunod ko ang ginawa niya ngunit napangiwi ako ng makitang ang panget ng pagkakahiwa. D*mn this is my first time to do kitchen work kahit itlog yata hindi ko alam lutuin, masusunog lang yun panigurado.

Isang patatas na lang ang hiniwa ko ngunit mamalasin ka nga naman dahil nasugatan pa ako sa kutsilyo kaya halos maitapon ko iyon kung saan.

"Bakit hindi ka kasi nag-iingat!" biglang sulpot ni miguel saking likuran at kinuha ang aking daliri na may kaonting sugat.

Nagulat naman ako sa ginawa niya ng bigla niya itong sipsipin at parang kinuryente ang aking katawan ng maramdaman ang labi niya saking daliri.

"What the f*ck miguel!" biglang agaw ko saking kamay, tiningnan ko iyon ngunit wala ng dugo.

"Para tumigil sa pagdudugo, Maupo ka na nga lang baka masugatan ka na naman." naglakad na ito pabalik sa ginagawa niya na parang walang nangyari.

Naiwan na lang akong pakurap kurap na nakatingin dito, Ganyan ba talaga ang attitude niya para siyang robot!

Pabagsak akong naupo sa upuan at tiningnan ang aking daliri na may kaonting hiwa, Chef nga siya dahil alam na alam niya ang gagawin pag nahiwa ka sa kamay. Pero bakit hindi niya man lang sinabi sakin?

"Why dont you tell me about your real work Mr'fierce?" tanong ko dito habang pinapanuod siyang magluto.

"Bakit ko naman sasabihin?" sagot nito, napataas naman akong kilay.

"Wala, Para alam ko lang bawal ba?!"

"Ano ba kita?" napamaang na lang ako sa sagot niya, Sh*t batuhin ko kaya siya ng patatas!

"Ang yabang mo!"

"Hindi ako mayabang, Masyado ka kasing arogante at matapobre kaya bakit ko pa sasabihin sayo? Baka isipin mo pa na pinagmamalaki ko ang estado ko sa buhay.." kalmado nitong anas ngunit pakiramdam ko ay ininsulto niya ako sa pagtawag na arogante.

"Im not arrogant! Naiinis lang ako sayo noon dahil ninakaw mo ang cellphone ko! tapos ipagkakaila mo pa! Ginawa mo akong sinungaling!"

"Hindi ko nga ninakaw iyon, Sa akin cellphone ang pinulot ko."

"I dont believe you! Wala ka naman ebidensya!" singhal ko pa, napahilamos na lang ito sa mukha bago sumagot.

"Okay, I'll try to find some evidence para tumigil ka na. Kaya pwedi ba tumahimik ka muna kahit saglit lang.."

"Magsasali--."

"Kunin mo ang asukal.." putol nito sa sasabihin ko at tumalikod na sakin, nilagay niya na lahat ng sangkap sa niluluto niya kaya padabog akong tumayo.

Lakas talagang makautos.

Binuklat ko ang cabinet sa taas at naghanap ng asukal, Bakit kailangan niya ng asukal para saan ito?

"Anong gagawin mo dito?" tanong ko pa ng makuha ang asukal,

"Lagyan mo ng dalawang kutsara ang adobo." sagot lang nito habang hinahalo ang isang niluluto niya,

Kumuha na lang ako ng kutsara at nilagyan iyon, tiningnan ko pa siya habang pinapatay nito ang rice cooker, Ang bilis niya naman makapagluto siguro kung ako ang gagawa nito ay aabot ako ng maghapon.

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay naluto narin ang dalawang putahe na niluto niya, Nagluto ito ng adobo at kaldereta na mukhang masarap dahil amoy na amoy ko iyon habang sineserve ng dalawang maid.

Nakaupo na kami sa dining area at kanya kanyang serve ang mga maid samin, Napapasulyap pa ako kay miguel na hindi man lang kinakabahan, katabi namin ang parents namin habang silang tatlo ay magkatabi saming harapan.

Kumuha ako sa caldereta at pinigilan kong matawa dahil sa pagkakahiwa ng patatas, Napatingin muli ako kay miguel ng kumuha siya sa adobo kaya naisipan ko rin sumandok doon upang tikman kung masarap ito dahil sa asukal na timpla kanina.

Hinalo ko iyon sa kanin at agad ng tinikman, Ngunit halos maduwal ako sa lasa nito at mabilis na tinakpan ang bibig. Napatingin pa ako kay miguel ng mag iba rin ang reaksyon niya.

Sh*t bakit ang alat!

Tumakbo ako patungong kusina at agad dumiretso sa lababo para ilabas ang nasa bibig ko, Bakit sobrang alat naman ng adobo niya!

"Luna!" nagulat ako sa biglaang pagtawag ni miguel at nakita itong galit na galit sa likuran ko, Anong problema niya?

"Why did you do this luna?!" galit parin ang reaksyon niya ng magtanong ito, anong ginawa ko?

"What? Napapano ka?!"

"Ganyan ba talaga ang ugali mo?! Sirain muna lahat wag lang ang pagkaing niluto ko!" napaiwas naman ako ng sumigaw siya, Sh*t anong sinira ang niluto niya?

"Sinadya mo ito luna, Bakit asin ang nilagay mo sa adobo?!"

"What? I didn't put salt, promise.." usal ko pa ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito kaya kinuha ko ang lalagyan ng asukal kanina at binuksan iyon.

"Ito ang nilagay ko miguel.."

"Iodized yan luna." sagot nito, tiningnan ko pa ang hawak ko at agad tinikman.

Napangiwi naman ako ng makumpirmang asin nga ito, F*ck hindi ko alam! Dalawang kutsara pa naman ang nilagay ko.

"Believed me miguel, I didn't know na salt ito promise.."

"Hindi ako naniniwala." anas niya na may malamig na tingin sakin.

"You did this because you have a purpose to ruin my image to your parents, Hindi ko naman hinihingi na magustuhan nila ako dahil noon pa man ay mabait na sila sakin. Pero hindi ako makapaniwala na kaya mong gawin ito, ganyan ba kasama ang ugali mo.."

"B-but miguel, hind---"

"Shut up!!" sigaw nito kaya napayuko na lang ako, d*mn hindi ko naman talaga alam na asin iyon.

Napatingin pa ako sa pinto ng pumasok sila vivian ngunit tumigil din sila ng makitang galit na galit si miguel.

"Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung sinisira ang niluluto ko luna, tandaan mo yan. I dont want to see your face again.." tumalikod na ito na hindi man lang hinihintay ang sasabihin ko.

Agad naman lumapit sakin si antonette at vivian kaya napayuko akong muli, Wala akong motibong sirain ang niluto niya. Hindi ko naman gagawin iyon kahit na galit ako dito.

Pero sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita, Paano ko pa lilinisin ang pangalan ko kung ayaw niya na akong makita.

F*ck, Marunong pala siyang magalit.

_____

To be Continued.

Hello readers, Continue lang ang pagsupport sa story na ito. Tanghali na akong nakapag update dahil busy ako kanina, pero thankyou sa mga naghintay ng ud.

Leave a feedback if you love the story.❤️❤️




Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
98.3K 3.1K 46
Si Shin ay naghahangad na mahalin 'din siya pabalik ng kan'yang asawa, hanggang saan niya makakaya? Started April 11,2021 Finish June 8,2021 Highest...
38K 1.1K 20
WHEN THE COLDHEARTED BEAST AWAKEN SEQUEL.. MIA AND GIO LOVE STORY!! 《Siguro hindi sya ang babaeng nakatadhana sa akin.. Siguro..may dahilan ang kapal...
50.7K 1.2K 53
Dahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan...