Blade X (Completed) 2016 Vers...

By Ange_Mayao

11K 598 94

Paano kung isang araw, ang buhay mo ay magbago nang dahil sa isang sekreto? Nang dahil sa isang insidente, na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chpater 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Epilogue

Chapter 9

273 19 3
By Ange_Mayao

CHAPTER 9

AZEYA

"SERYOSO ka ba ro'n?" sabi niya na parang may halo pang pagdududa. Kung pwede ko lang ibalibag 'to sa labas, ginawa ko na, e. Kaso may awa pa naman ako kaya hindi ko ginawa.

"Kung ayaw mong maniwala, huwag kang maniwala." Patuloy pa rin ako sa pagmamaneho. Lagi naman akong taga-drive, e.

"Ang alam ko kasi, yung mga gaya niyo, hindi pwedeng mabuntis. Kasi nga 'di ba... hindi kayo... tao..."

"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." Inirapan ko na lang siya. Minsan, hindi rin matikom ang bunganga nitong si Azer, e. Kung anu-ano ang pinagtatanong.

Tumahimik naman siya pagkatapos. Dahil kung hindi, susupalpalin ko lang din siya. Ilang oras pa ang nakalipas at nakarating na kami sa pupuntahan namin. Sa lugar kung saan, hindi ko na dapat puntahan pa.

"Wow!" Hangang-hanga siya habang nakatingin sa gold na gate ng mansyon. Labas pa lang nakakamangha na para sa kaniya. Paano pa yung loob?

"Hi, Ma'am. Sino pong sadya niyo rito?" sabi nung gwardya na nasa labas lang. Kung makatingin ang lagkit. Dukutin ko mata niya, e.

"Marjorie Stevan," simple at malamig kong tugon.

"Naku, Ma'am! Kaaalis lang po, e. Balik na lang kayo." Kinindatan niya pa 'ko. Tukmol na 'to! Malilintikan 'to sa 'kin.

"Papasukin mo kami," saad ko.

"Sorry, Ma'am, pero hindi po kami nagpapapasok ng taga-labas." Sumeryoso na si manyak.

"Sir, kaibigan naman po siya ni Miss Marjorie, e. Sige na, o." Pamimilit ni Azer. At kaibigan? Kailan ko naging kaibigan ang babaeng 'yon?

"Pasensya na talaga. Napag-utusan lang po ako." Lumapit na siya sa 'min.

"Aalis na lang—" Tatalikod na sana si Azer pero pinigilan ko siya. "Azeya?"

"Hindi ako naniniwala sa 'yo. Alam kong nasa loob ang babaeng 'yan. Palalabasin mo siya rito o..." Inilabas ko ang espada ko at itinutok sa leeg niya. Halatang nagulat pa siya sa ginawa ko. "...papatayin kita? Pili ka lang."

"M-ma'am... Napag-utusan lang po talaga 'ko. M-maawa po kayo sa 'kin..."

"Azeya, huwag kang ganyan..." pagpigil sa akin ni Azer. Sampalin ko kaya 'to? Pakialamero.

Bigla naman akong nakarinig ng papalapit na kotse sa 'min at halatang sasagasaan talaga kami. Itinulak ko si manyak na guard at sinipa ko palayo si Azer. Sa bilis ng mga pangyayari, buong lakas kong iniharang ang kamay ko at sa lakas ng impact ng kotse, nayupi ang harapan.

Nakita ko ang nakangising babaeng pinakakinasusuklaman ako nang sobra. Kasama ang alalay niya na assassin din. Si Freeda.

"Azeya! Nice to see you again!" plastik nyang sabi sa 'kin. Sapakin ko kaya 'tong Freedy na 'to?

Lumabas si Marjorie sa kotse. Naka-shades pa at may nakasalpak na sigarilyo sa bibig. She wears her office suit. Meaning, naka-assassin suit siya. Hapit na hapit ang damit na akala mo prostitute. Feeling hot chick.

"Azer! Oh my gee!" Tumakbo si Freedy kay Azer. Nawalan ng malay si mokong. Napalakas ata ang sipa ko.

"Antonio, itapon mo na ang kotseng 'yan. Hindi ko na kailangan," utos niya sa guard na gulat pa rin. Kumilos naman ito at tumayo.

"Ikaw, pumasok ka na sa loob." Iyon lang at tinalikuran na niya ko. Astig din 'to, e. Sarap sabunutan.

PINATULOY niya muna sa kwarto niya si Azer. Wala pa rin kasing malay kaya hihintayin ko muna siyang magkamalay.

Nasa sala kami ngayon at magkaharap kaming dalawa. Wala ni isa sa 'min ang nagsasalita. Ayoko siyang kausapin. Masyado siyang malayo para kausapin ng katulad ko. Naninigarilyo lang siya at nakadekwatro pa kung maupo.

"Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong ni Freeda na kung makatingin, e akala mo siya yung kontrabida sa mga pelikula.

"Kailangan ko ng impormasyon."

"Hah!" Bigla siyang ngumisi. Sabi ko na nga ba't wala akong mapapala sa mga 'to, e. Dapat talaga, hindi na ako pumunta rito.

"Tingin mo, tutulungan kita?" mataray niyang tanong.

"Hindi," malamig kong sabi. Nag-iinit lalo ang ulo ko sa tuwing makikita ko siya. Nakakainis.

"Alam mo naman pala. Bakit naparito ka pa? Nag-aaksaya ka lang ng oras. Umuwi ka na lang sa lugar na pinanggalingan mo," mahaba niyang sabi.

Bumuntong-hininga ako. No choice. Ibababa ko muna ang pride ko. "Oo, alam kong galit ka pa rin sa 'kin, Revolver X. Pero pwede bang isantabi mo muna 'yan? Kahit ngayon lang." Tiningnan niya ko nang walang emosyon. "Kaya ako naparito, hindi bilang si Azaleya na kaaway mo, kun'di si Azaleya na kapatid ni Sephiel na ngayon ay nakahilata sa ospital at hindi pa rin gumigising. Nasasayang na ang oras at hindi ko pa rin makumpleto ang doseng zodiac monsters. Alam mo kung gaano kasakit ang mawalan ng kapatid, Marjorie. Kaya, please... kahit ngayon lang... tulungan mo kami..."

To think na sinabi ko lahat ng iyon nang sincere at hindi man lang niya inintindi ay labis kong ikakamuhi. Alam kong naramdaman na niya ang nararamdaman ko. Ginawa rin niya ang lahat para mailigtas ang kapatid niya noon. Kaya sana naman ay may puso pa siya.

She stood up without saying anything. She walked away just like that. Napapikit na lang ako. Iyon ang sagot niya. At kailangang respetuhin ko yun. Ganoon ang mga assassin. Kung kaaway, kaaway. Wala na 'kong magagawa pa. That's our obligation. To kill and to sacrifice, and not to love.

"Azeya..." Narinig ko ang boses ni Azer mula sa likuran ko. Tumayo na 'ko at naglakad na.

"Nasasayang ang oras. Tara na." Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Alam kong narinig niya kung anuman ang sinabi ko. Pero wala na 'kong enerhiya para makipag-usap sa kaniya.

***

Habang nasa kotse kami, tahimik lang kami. Wala ni isa sa amin ang nagbalak na umimik. Hindi ko alam pero gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihing magiging okay rin si Sephiel. Gusto kong maniwala na hindi pa huli ang lahat. Pero hindi. Iba na ngayon.

"Azaleya..." Bigla siyang nagsalita. Yung buong pangalan ko pa. "I'm sorry..."

I stopped the car. I looked at him. He's crying! Literally! "Hoy! Bakit ka umiiyak?"

"It's just that... wala akong maitulong. I'm worthless. I'm so stupid... A stupid useless human!" Sinasabi niya ang mga 'yon habang pinapahid ang luha niya.

Naaawa ako sa kaniya. Hindi rin niya matanggap. Gaya niya, gusto ko ring umiyak. Pero ayokong ipakita sa kaniya. Ayokong makita ng iba ang mga luha ko. Alam kong may pag-asa pa. Alam ko...

"Ace..." I hugged him. Sa pagkakataong ito, ngayon ko lang siya nakitang ganito. "May magagawa pa tayo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. There's always a chance... Okay?"

"Kung may kapangyarihan lang ako... Kung kaya ko lang iligtas si Seph... Kung kaya ko lang..." He sobbed. Naaawa ako sa kaniya.

Mayamaya ay may malaking bagay na tumalon sa ibabaw ng kotse. Naramdaman ko na lang na parang may kakaiba. Hindi pangkaraniwan ang aura nito. Itinulak ko nang malakas si Azer at tumilapon siya palabas. Iniharang ko ang espada ko sa ibabaw ng ulo ko dahil kamuntik na akong madakma ng malaking kamay ng halimaw.

Malakas kong iniangat ang kamay niya mula sa espada at naramdaman ko na lang na bumagsak siya. Lumabas ako sa kotse na ang daanan ko ay ang butas na gawa ng halimaw sa ibabaw ng kotse.

"Blade X!" Tatlo sila. Tatlong malalaking halimaw. Nasa mga dibdib nila ang tatak ng kanilang pagiging halimaw. Virgo, Pisces, at Taurus.

"Azeya!" sigaw ni Azer. Hawak siya ni Taurus. Nakuha pala siya. Kainis! Bakit ngayon pa?

"Bitiwan mo siya!" sigaw ko.

Ngumisi ang halimaw na si Taurus. "Hindi pa 'ko nahihibang para pakawalan ang lalaking ito. Isa pa, bakit kailangan kong gawin 'yon? Isa siya sa amin. Sa 'min siya!" Sinuntok niya ang lupa at nahati ito.

Tumalon ako mula sa kotse dahil kung hindi'y malalaglag ako sa ilalim ng lupa gaya ng kotse. Sumugod si Pisces at nagbuga siya ng tubig. Iniwasan ko ang mga tubig na 'yon at pinilit kong sugatan siya. Pero nahaharang ng tubig niya ang espada ko. At nang matamaan ako ng tubig niya, halos mapaso ako. Mainit iyon. Kumukulo kumbaga.

Sinugod naman ako ni Virgo. May dala siyang karit. Isang malaking karit. "Magbabayad ka!" Buong lakas niyang inihampas sa 'kin ang karit. Buti na lang at nakailag ako.

AZER'S POV

HINDI ko maintindihan kung anuman ang sinabi ng halimaw na may sungay na 'to kay Azeya pero kailangan kong tulungan si Azeya. Pinipilit kong kumawala sa kaniya pero ang higpit ng hawak niya.

Pumikit ako. Kailangan kong makita si Leo. Kailangan ko siyang tawagin. Kailangan siya ni Azeya.

"Leo..." tawag ko sa kaniya sa isip ko. "Kailangan ka ni Azeya, Leo. Tulungan mo siya..."

"Pumikit ka lang..." sagot niya.

Nakaramdam ako ng init sa buong katawan ko. Nagsimula sa ulo pababa sa paa. Ito ba ang kapangyarihan ni Leo? Ang lakas niya. Sana may ganito rin akong kapangyarihan.

"The moon, the planets, and the sun,

The water, the air, the earth, and the fire,

Beneath your wings I could fly,

To steal your loneliness and collide."

Teka... Kumakanta ba siya? Nakakarinig ako ng mga kumakanta. Bakit kaya? Marunong kumanta si Leo?

"All your worries will vanish,

As our soul mated to be one as wished.

The light of my fire was onto you,

To adopt your body that is you."

Pamilyar itong kanta na 'to. Hindi siya ordinary song. Pakiramdam ko, nakanta ko na 'to dati pa. Hindi ko lang maalala kung kailan. Sumabay ako sa pagkanta niya.

"This is the beginning of our quest,

I'll let you spend eterninty as we met.

Our souls together will form a core,

Through dust till dawn we are formed!"

Nagmulat ako ng mga mata pagkatapos at nakita ko silang lahat na nakatingin sa 'kin at parang gulat na gulat. Lalo na si Azeya. Parang hindi niya inaasahan ang nakikita niya ngayon. Alam kong si Leo na ang nakikita nila.

Itinaas ko ang kamay ko. At lumitaw ang isang malaking espada. Hindi siya mabigat kahit na ang laki niya. Iwinasiwas ko yun na naging dahilan upang maglabas iyon ng asul na usok.

Wala na kong inaksayang oras at sinugod ko ang mga halimaw. Nanlaban din sila. Halos hindi sila makapaniwalang sinusugod ko sila. Siguro dahil nakikita nila 'ko bilang Leo.

Nahiwa ko ang isang kamay ni Virgo, dahilan upang mapahiyaw siya sa sakit. Yung Taurus naman ay pinipigilan akong huwag patayin ang isa sa kanila pero hindi ko siya pinansin. Sa halip, siniko ko siya ng ubod ng lakas at napaupo siya nang wala sa oras. Yung Pisces naman, tinadyakan ko siya nang susugurin niya 'ko. Aba! Hindi pa rin sila natatalo.

Gumamit na ng spell si Virgo. Kumakanta rin siya! Pero kakaiba. Hindi katulad ng kanta ni Leo. Mas maitim ang melodiya niyon. Mas malakas. Itinaas niya ang kanyang kamay sa ere at nakita ko ang malaking liwanag na nabuo bilang explosive ball. Dali-dali akong umalis sa pwesto ko. Pero sinundan ako ng mga liwanag na mula sa kamay niya.

Si Taurus naman ay naglabas ng matatalim na liwanag na hugis kidlat. Sa isang kumpas ng kaniyang kamay, nagpuntahan sa direksyon ko ang mga liwanag. Pero umilag ako. Ayoko pang mamatay, e!

Nang maglabas ng pana si Pisces, si Azeya naman ang pinuntirya niya. Mabilis ko siyang kinarga palayo sa kinatatayuan niya na ngayon ay natamaan ng arrow mula sa pana ni Pisces. Pero sa pagtatangka kong iyon, hindi pa rin sila tumigil. Hanggang matamaan ako sa balikat ng isa sa mga liwanag nila.

Nagtungo kami ni Azeya sa isang gubat. Doon, inilapag ko siya sa isang malaking puno. Hinawakan ko ang isang balikat ko na natamaan ng isa sa mga liwanag. Dumugo iyon at sobrang hapdi talaga.

Napatingin ako kay Azeya. Natulala siya sa 'kin nang makita niya 'ko. Ni hindi siya nagsasalita. Para bang gulat na gulat siya sa 'kin. Kung sa bagay... si Leo nga pala ang nakikita niya at hindi ako.

"May problema—" Napatakip ako ng bibig ko. Bakit parang naramdaman kong ako mismo ang nagsalita? Ako nga ba talaga?

"Azer..." Sa wakas ay nagsalita na rin siya. Pero bakit Azer pa rin ang tawag niya sa 'kin?

"K-kamukha ko na ba si Leo?" tanong ko. Kasi naman, tinawag niya ang pangalan ko.

"Ikaw 'yan, Azer..." aniya saka kumunot ang noo niya. "Naging isa na kayo ni Leo ngayon. Sumanib na siya sa 'yo..."

"Sumanib? Ano siya, espirito? Joke time ba, Azeya?" Bigla akong nakaramdam ng takot. Kung sumanib nga siya, ibig sabihin... halimaw na rin ako!

"Pumayag kang makipag-isa sa kaniya, Azer. Dahil sa spell na binanggit niya kanina." Tumayo siya at hinawakan nang mabuti ang kanyang espada. "Hindi na 'ko magtataka kung mapapatay ka ng mga kauri ko."

"Naguguluhan ako! Paanong naging spell ang kanta ni Leo? Isa pa... Paano kami naging isa? Ano yun? Fusion?"

Tiningnan niya 'ko. "Awit ng pag-iisa ang kinanta niya. Sa 'yo, isa 'yong awit. Ngunit sa 'min, isa 'yong spell." Bumwelo siya at iniharang ang sword niya sa harap naming dalawa. "Mula sa araw na 'to, hindi ka na tao, Azer."

Napabuka ako ng bibig. Hindi ko lubos na maintindihan ang lahat. Halimaw na 'ko? Paano na ang pamilya ko? Ang best friend ko? At paano ko makukumpleto ang dugo ng 12 zodiac monsters kung isa na ako sa kanila?

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kailangan kong puksain ang mga kauri ko. Kailangan kong makuha ang dugo nila. Iyon na muna sa ngayon ang iisipin ko. Tumayo na ako't hinawakan ang sword ko.

"Azeya!" sigaw ng isang babae. Nakasuot siya ng isang maid uniform at pabagsak na papunta sa 'min. Inilagay niya ang kamay niya sa mukha niya at may liwanag na lumabas. 'Tapos ay lumabas ang maskara niya na parang pusa at buhok na puti. Itinapat niya ang kamay niya sa direksyon ko't may lumitaw na mga tela sa likod niya at pilit akong inatake. Nahihiwa ko ang mga 'yon gamit ang sword ko. Pero tuloy-tuloy pa rin siya.

"Huwag! Hindi siya kalaban, Alice!" Humarang sa tapat ko si Azeya saka iniharang ang sword niya.

"Hindi kalaban? Pero si Leo 'yan!" Nakatapak na sa sanga ng puno ang paa niya, samantalang kami ni Azeya ay nakatingala sa kaniya mula sa ibaba. Nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog at malakas na sigaw.

"Saka na 'ko magpapaliwanag. Tara na!" Sumunod ako sa kaniya patakbo sa lugar kung saan may pagsabog na naganap.

Naabutan namin ang katulad ni Azeya na si Marjorie na binabaril si Taurus. Si Lady Fox Freeda naman ay nagpapahabol kay Virgo. At isang babae na may malaking sasakyan na pang-world war ang inaatake ng kanyon si Pisces. May iba pa na hindi ko kilala. May babaeng maikli ang buhok na may dala-dalang isang rifle at may babae pa na naka-short lang na may dalang karit. May dalawang may dalang libro't binabasahan ang mga zodiac monsters. Para namang nabibingi ang mga ito. At may babae na pamilyar! May dala siyang pana. Si Ann! Hindi ako maaaring magkamali!

Teka! Araw ba ng mga kababaihan ngayon? Bakit hindi ako na-inform? Ang dami nila! Mga nasa sampu siguro sila. Oo, tama, sampu!

"Mga kapwa ko assassin. Tsk. Nagsisugod pa..." bulong ni Azeya.

Patay ako nito!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." πŸ–‡ COMPLETED Date Starte...
10.3M 474K 74
β—€ SEMIDEUS SAGA #03 β—’ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
33.6K 1.2K 88
"Siguro nakaligtas ako sa islang iyon para harapin ang panibagong hamon na ito!! D-Dapat ba hiniling kong ako nalang? K-Kasi mukhang mas mabuting mam...