Meeting The Devil's Son

Oleh Coffeehoelic

35.9K 2.2K 20

Sa hindi inaasahang pangyayari, ay pagtatagpuin ang dalawang taong hindi mapagkakasundo. Ngunit malalim pala... Lebih Banyak

NOTICE
NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
NOTICE

Chapter 10

562 32 1
Oleh Coffeehoelic

Bella's PoV

Pagkatapos ng mahabang habulan ay naabutan ko din s'ya at nacorner.

"Peste ka, pinagod mo pa ako." Sabi ko at hihingal-hingal na humawak sa may tuhod ko. S'ya naman ay nakasalampak sa lapag dahil nabato ko s'ya sa may paa n'ya kanina dahilan para bumagal s'yang tumakbo.

"Long time no see, Bella." Sabi n'ya kaya naman napairap ako. Classic.

"Huwag n'yo akong simulan." Sabi ko bago naupo sa harapan n'ya. Kita sa mata n'ya ang takot at ang pag-ngisi pero hindi mo maintindihan kung ano ang ilalabas na ekpresyon sa mukha n'ya. Mukha s'yang tanga.

"Wala naman kaming ginagawa ah? Gusto lang naman naming makita ang dati naming kaibigan." Sabi n'ya at tsaka natawa.

"Gago ka ba? Kailan ko kayo naging kaibigan ha?" Tanong ko at pinaningkitan s'ya ng mata. Tsk, napapagod na ako tapos pinaghabol pa ako ng gagong 'to. Bangasan ko kaya 'to?

"Dati. Bago ka tumiwalag at mangtraydor." Sabi n'ya. Bakas ang galit sa mga mata n'ya pero chill lang ang itsura n'ya, umayos s'ya ng upo at tsaka naglabas ng balisong at tsaka 'to pinaglaruan. Saan n'ya naman napulot 'yang katarantaduhang 'yan? Ako pa talaga ang nang-traydor ha?

[Flashback]

"Bella, ano bang ginagawa mo?!" Gigil na sigaw ni Blake.

Binigyan ko lang sila ng malamig na tingin pati na din sina Swarsen kasama ang mga bata n'yang sina Perez at madami pang iba. Ayoko na nito. Ayoko na ng ganito.

Hawak ko ang balisong habang nakaturo 'yon kay Swarsen na prenteng nakatayo, pilit n'yang itinatago ang takot na gustong kumawala sa sistema n'ya dahil ano mang oras ay pwede s'yang bawian ng buhay ng dahil sa'kin.

"Bella, itigil mo--"

"Manahimik ka. " Madiin na asik ko kay Blake dahilan para tablan din s'ya ng takot.

Ang lahat ay nakikiramdam lang at halatang handa na silang sumugod sa hudyat lang ni Swarsen.

"Gago ka Swarsen... Pinagkatiwalaan ko kayo pero pati kamag-anak ko, pinatos mo! Akala ko ba walang talo-talo ha?" Nauubusan na ng boses na sigaw ko. Tangina, kung hindi ko naabutan si tita ay baka totoong pinaglalamayan na s'ya ngayon. "Sumagot ka!"

"Trabaho lang." Nakangising sagot n'ya pagkatapos tumikhim.

"Trabaho?" Nagtatakang tanong ko sakan'ya.

P-papa'nong trabaho?

Si El Diavolo ang nag-utos patayin si tita...

Ibig-sabihin...

"Tangina ka!" Hindi ko napigilan ang galit ko at binunot ang baril ko na nakaipit sa pantalon ko bago s'ya pinaputukan pati na din ang mga nag tangkang sumugod sa'kin.

Lumapit ako kay Swarsen na naghihingalo na sa semento matapos kong makipagbuno sa mga tauhan n'ya. "'Sing demonyo mo 'yong amo mo, gago." Sabi ko sa katawan ni Swarsen na naliligo na sa sarili nitong dugo bago s'ya binaril ulit.

Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko ang mga matang nakatingin sakin kaya dumura ako bago itinago ang baril ko.

"Walang makakalabas sa nakita n'yo, nagkakaliwanagan ba tayo?" Tanong ko bago sila iniwan.

At sa paglabas ko sa pintuang 'yon ay ang opisyal na pag laya ko mula sa grupo nila.

[End of Flashback]

"Pwede maging bobo pero h'wag mong araw-arawin, Perez. Alam nating dalawa na pinatay ni Swarsen ang tita ko, h'wag kang tatanga-tanga kapag ako kausap mo, maliwanag ba? "Sabi ko at tsaka tumayo. "At fyi lang naman 'no? Hindi ko kayo naging kaibigan, h'wag kang feeling close." Dagdag ko pa bago s'ya tinalikuran, pero buti nalang at lintik sa bilis ng reflex ko at napailag ako ng bigla n'ya akong batuhin ng balisong kaya naman hinarap ko s'ya at tinignan ng masama. Kung hindi ako nakailag ay maaaring tumama 'yon sa bungo ko. Hayop to ah.

"Wala akong balak gantihan kayo sa mga walang kwentang pang-aasar n'yo sa'kin. Kaya pwede ba, huwag na kayong mag-aksaya ng oras." Sabi ko habang nakakunot ang noo.

Totoo naman eh. Wala akong balak gumanti o gumawa ng kahit anong gulo. Pwera doon sa lalaking parang abnormal na hindi ko naman ginagalaw ay parang ulol na sumusugod. Bakit ba napakaraming siraulo sa mundo?

"Bumalik ka na kasi sa'min." Sabi n'ya at tsaka ngumiti ng nakakaloko. Natawa naman ako dahil nawawala na ata ang utak ng isang 'to.

Ipinakita ko sakan'ya ang kamao ko at tsaka sinabing-- "Eto, gusto n'yo?" Sabi ko at naglakad na papalayo.

Pero sadyang naghahanap ata ng sakit sa katawan ang isang 'to kaya bigla s'yang sumugod at pinaulanan ako ng suntok at sipa. Lahat ng 'yon ay nailagan at nasangga ko. Psh, ang bagal n'ya padin.

"Wala ka pading pinagbago. Bobo ka padin makipaglaban" Sabi ko at ako naman ang umatake. Lahat ng suntok at sipa ko ay hindi n'ya maiwasan kaya papaatras kami ng papatras hanggang sa mapasandal s'ya sa pader.

Bigla n'ya naman akong itinulak dahilan para ako ang mapaatras ng bahagya ng biglang may dumating na tatlo pang lalaki at sabay-sabay na umatake. Talaga bang walang araw na hindi ako mapapaaway?!

Sipa dito, suntok doon. Balibag dito, tadyak doon. Lundag sa kaliwa, takbo sa kanan. Natamaan ako pero hindi ko naman 'yon iniinda dahil hindi naman gano'n kalala, mga daplis-daplis lang ng suntok at sipa. At pagkatapos ng mahigit bente minutos ay nakahiga na silang tatlo sa malamig na semento. Huwag kayong mag-alala, mga buhay pa 'yang mga 'yan. Nakatulog lang dahil sa lakas ng pagsuntok ko sa mga batok nila.

Tumingin naman ako kay Perez at nakita s'yang nakatingin sa'kin at iiling iling habang nakangiti. Gago.

"Tigilan n'yo ako Perez. Hindi ako nakikipagbiruan sain'yo. Ayokong bumalik at hinding hindi na ako babalik sa grupo n'yo." Sabi ko bago naglakad papalayo.

Pagbalik ko sa parking lot ng school ay naabutan ko doon ang nakatulalang si Joaquin habang 'yong Lucas at Marcus naman ay nag-uusap. Anong ginagawa nila dito? Gabi na ah. Kanina pang 6:30pm sila naglabasan diba?

"Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong ko sakanila.

Sabay-sabay naman silang napalingon sa gawi ko pero bago pa ako maglakad papunta sa motor ko ay napatingin ako sa kaliwang parte ng kalsada kung saan madilim at walang nagbabantay na mga security guard, at laking gulat ko ng makita ko ang grupo ng lalaking nakatayo at animo nag aabang. Aba't talaga namang nagpadala pa ng mga tao n'ya.

Walang ni isang sumagot sakanila kaya naman kinuha ko ang bag ko at ipinatong 'yon sa motor ko.

"Umuwi na kayo."

"Ano pang itina-tanga tanga n'yo d'yan? Magsi-uwi na kayo." Sabi ko at tsaka binunot ang cellphone ko bago naglakad papalayo sakanila. Mabilisan kong idinial ang number ni Von dahil malamang sa malamang ay may alam s'ya dito.

~Ring-Ring~

["He--"]

"Von, andito ang mga bata ni Perez." Sabi ko at tsaka tumingin sa kaliwa't kanan. Kung tutuusin ay kaya kong patumbahin ang mga 'to pero andito pa ang mga lalaking 'to. Ayoko din naman dungisan ang pangalan ng eskwelahang ito kapag nakita nila sa umaga ang mga nagkalat na katawan ng tao na tulog sa kalsada at ayoko ding dungisan ang pangalan ko. Nasa katinuan pa naman ako kaya hindi ko gagawin 'yon dahil wala ako sa teritoryo ko.

Hindi ko naman pwedeng iwan nalang silang basta dahil ako din ang malilintikan dahil ako ang huling nakasama nila. Alam kong nagkalat ang cctv dito sa labas ng school pero imposibleng makita kung may mangyayari dahil masyadong madilim sa parteng 'yon at masyado nang malayo. At ayokong gumawa ng kahit anong hakbang laban sakanila dahil ayoko nga ng gulo, ulet ulet?

["Gandang bungad naman n'yan, Bella, ni ha ni ho wala."] Sabi n'ya kaya naman napairap ako. Nakita kong lumabas sa dilim ang ilan sa mga lalaki at kitang kita ng mga mata kong may mga hawak silang pamalo. Wengya naman!

"Anong ginagawa ng bata nila Perez dito?" Tanong ko. Nauubusan na ako ng pasensya sa lalaking 'to. Tangina, dapat talaga pinatulog ko na 'yon para hindi nakatawag ng back-up eh.

["Chill Bella. I'll just talk to him. Alam kong ayaw mo ng gulo pero pfft, it's just weird that you called me just to tell me that Perez's group is about to attack you."] He said before chuckling.

Nakita kong dumadami ang nagtatangkang lumapit at ang tatlong pugo naman ay papalapit na sa'kin kaya naman hininaan ko ang boses ko.

"Very funny. I gotta go. Remind me to kill you when you arrive." I said.

["About that--"] Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin n'ya at pinatay ko na ang linya dahil malapit na ang tatlong pugo sa'kin.

----

Pagkatapos ng mahabang pamimilit ay umalis na din kami sa parking lot. Walang nakakapasok sa subdivision kaya naman nakapasok kami ng matiwasay doon. Nauuna ang sasakyan ni Marcus, sumunod si Lucas at hulihan si Joaquin. Ako naman ang nakabuntot sakanilang tatlo, malamang sa malamang ay hindi na susunod 'yong mga 'yon unless gusto na nilang makita si satanas.

Nagsihinto na sila sa sari-sarili nilang bahay kaya naman umuwi na rin ako para magpahinga. Nakakapagod.

Pagkauwi ay naligo lang ako at nahiga sa kama. Agad din naman akong dinalaw ng antok..

K I N A B U K A S A N

Alas sais ng umaga ng magising ako. Naligo at nagawa ko na din ang mga takdang aralin na ibinigay sa'min kahapon. Kagabi kasi ay ni hindi ko na nagawang kumain at gawin ang mga dapat kong tapusin dahil sa sobrang antok kaya naman ngayon umaga, nagluto ako ng itlog, bacon, tuyo at nagsangag din ako ng kanin para makabawi sa gutom ko. Oo, ang takaw ko, manahimik ka.

Pagkatapos kong magsipilyo ay inilagay ko ang ilang pares ng baggy shirt para sa sayaw sa duffel bag ko at tsaka hinayaang nakalugay ang buhok ko. Nagsuot ako ng simpleng baggy jeans at t-shirt.

Magaling na sana ang sugat ko ngayon kung hindi nadali ng nadali kahapon pero dahil nga andaming pumisil ay sariwa padin at nagdudugo. Nilagyan ko na din 'yon ng panibagong benda at hindi na nag-abalang maglagay ng concealer sa mga pasa ko dahil hindi naman halata at wala din naman akong pakialam kung may makapansin pa.

Lumabas na ako ng apartment ko dala ang bag at duffel bag at tsaka inilock ang pinto. Lulan ng Cruiser motorcycle ko ay nagpunta muna ako sa malapit na coffee shop sa school. Kailangan ko ng kape para magising lalo ang diwa ko dahil inaantok padin ako. Letche kasi.

"Welcome to Cafe Grande ma'am. May i take your order?" The cashier asked.

"Americano, grande." I said. Tumalikod ako at nakita ko naman ang bata sa labas na nakatingin sa'kin kaya humarap ulit ako sa doon sa cashier. "Pakidagdagan 'tong cheese bread." Sabi ko at tsaka kinuha ang isang balot cheese bread bago tumalikod pero--

"Teka lang po ma'am, hindi pa po bayad--"

"Here's my payment." Sabi ko bago ibigay ang 1 thousand before turning my back at lumabas. Anong akala n'ya, itatakas ko 'yong isang balot ng tinapay? Walastek na trust issues 'yan. Linapitan ko naman ang bata tsaka iniabot sakan'ya ang tinapay na binili ko.

"Hala! Thank you ate! Hindi pa po kasi kami kumakain ng mga kapatid ko eh." Sabi n'ya at tsaka tumungo. Kaya kinuha ko ang wallet ko at tsaka inabutan s'ya ng dalawang daan, dahil 'yon nalang naman ang natitirang pera sa wallet ko. Broke tingz.

"Hala, hala! Salamat po ate!" Sabi n'ya kaya naman napangiti ako. I gave him a pat before walking inside.

"Here's your coffee ma'am, and your change." Kinuha ko naman 'yon at tsaka naupo sa pinakadulo. Kumuha din ako ng sigarilyo at sininduhan 'yon. 6:30am palang naman kaya may oras pa ako.

Habang umiinom ng kape ay narinig ko ang pagtunog ng bell sa pinto pero napako ang tingin ko sa labas ng coffee shop na 'to. Habang humihit-hit ng sigarilyo ay nakatingin ako sa kung saan, para kasing ay tao na nakamasid sa'kin eh medyo madilim pa sa labas kaya naman hindi ko maaninag kung sino ang nasa labas.

Hihit-hit palang sana ulit ako sa sigarilyo ko ng biglang may kumuha sa kamay ko ng n'yon kaya agad na nabaling ang tingin ko sa kung sino man 'tong siraulong 'to.

Nangunot naman ang noo ko ng makita ko sina Joaquin kasama ang kambal at 'yong Lucas. Nagkatitigan lang kaming lahat kasi ang weird nila makatingin sa'kin, para bang alien ako sa paningin nila.

"Bakit ka naninigarilyo?" Tanong ni Joaquin.

Anong pake naman n'ya do'n? "Bakit ka nangingialam?" Tanong ko naman pabalik. Inis kong kinuha ang kape ko tsaka uminom nalang. Ni hindi ko pa nga nakakalahati 'yon! Tsk!

"Hindi mo ba alam na masama sa katawan ng tao ang sigarilyo?" Tanong n'ya ulit kaya naman tinignan ko s'ya. Anong akala n'ya sa'kin, bobo?

"Hindi mo din ba alam na masama mangialam sa ibang tao?" Tanong ko ulit pabalik. Narinig ko namang tumawa yung kambal pero agad ding huminto ng tignan ko silang dalawa. Laging nakatawa 'tong kambal tukong 'to, ansaya pagbuhulin.

"Bakit ang aga mo pala Jesty?" Tanong no'ng Lucas. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay at hindi na sinagot pa.

Inubos ko na ang kape ko at tsaka tumayo. Kinuha ko ang gamit ko bago sila harapin.

"Ang tanga, ampota." Bulong ko bago lumabas. I wore my helmet before riding my motorcycle. Ipinark ko 'yon sa parking lot ng school at tsaka naglakad papasok sa loob. Deretso lang ang tingin habang naglalakad at wala ni isang tinitignan kahit na halos lahat ng madaanan ko ay ako ang pinag-uusapan. Kailan ba mawawalan ng mga marites sa mundo?

Malapit na ako sa building kung saan ang classroom ko nang biglang may humablot ng buhok ko. Shit!

***

Lucas's PoV

It's 6:25am ng makarating ang lahat sa parking lot. Wala kaming nakitang motor kaya naman medyo nanlumo ako. Bakit wala pa s'ya?

"Bro, punta muna tayo sa coffee shop." Sabi Marco. Coffee sounds nice.

"Tara, tara. Inaatok pa ako eh." Sabi naman ni Marcus habang humihikab at nag-i-uunat pa.

Sumang-ayon din naman si Joaquin kaya sabay-sabay kaming naglakad papunta doon at sabay-sabay din kaming napahinto sa nakita namin.

Si Jesty ay na lumabas ng coffee shop at iniabot ang isang balot ng tinapay sa batang palaboy. Tapos kumuha pa s'ya ng pera sa wallet n'ya at iniabot 'yon sa bata. Ang bait n'ya naman. I wish i have a sister like her.

"Psh! Pakitang tao!" Sabi ni Joaquin na nakabusangot nanaman ang mukha. Wala sa mood 'yan kanina pa kaya gan'yan at nakakunot ang noo simula ng dumating.

Pumasok na kami sa loob at agad naman namin s'yang nakita sa pinakadulong upuan at...naninigarilyo?

Nakatingin s'ya sa labas at animong may sinisilip kaya naman hindi n'ya siguro kami napansing lumapit. Para kasi s'yang nakatulala eh.

Agad inagaw ni Joaquin ang sigarilyo sa kamay n'ya kaya naman kitang kita sa mukha n'ya ang galit at pagkabigla. Pfft.

"Bakit ka naninigarilyo?" Tanong ni Joaquin. Ano naman sakan'ya kung naninigarilyo 'tong si Jesty? Hmmm..

"Bakit ka nangingialam?" Pabalik na tanong ni Jesty sakan'ya. Ampotek.

"Hindi mo ba alam na masama sa katawan ng tao ang sigarilyo?" Joaquin asked her again. Concerned?

"Hindi mo din ba alam na masama mangialam sa ibang tao?" Tanong ulit ni Jesty. Natawa naman bigla ang kambal kaya naman tinignan sila ni Jesty kaya agad silang napatigil dalawa. Ni hindi n'ya manlang ako tinignan, tsk.

"Bakit ang aga mo pala Jesty?" Tanong ko naman. Tumaas lang ang kilay n'ya at hindi sumagot. Tsk.

Para kaming tanga dito na nakatayo at tinitignan s'ya sa ginagawa n'ya hanggang sa inubos n'ya na ang natitirang kape n'ya bago tumayo at kinuha ang gamit. Humarap s'ya samin at tsaka bumulong ng "Ang tanga, ampota." bago lumabas at sumakay sa motor n'ya.

What the hell? What does she mean?

"What was that?" Marcus asked. Nauna s'yang umupo naman sa inuupuan kanina ni Jesty kaya naman agad s'yang itinulak ni Joaquin papunta sa inilalagyan ng gamit kanina at do'n pinaupo. Si Joaquin naman ang naupo sa inuupuan ni Jesty, tabi kami ni Marco.

"The usual please." Sabi ni Joaquin sa waiter before looking at the cigarette on his fingers. Hindi pa pala n'ya itinatapon 'yon?

"Engot no'n, hindi n'ya ba alam na masama sa katawan ang sigarilyo? Napaka-bobo." Sabi n'ya at tsaka 'yon itinapon.

---

Pagkatapos namin sa coffee shop ay agad naman na din kaming bumalik sa school at ang naabutan namin ay ang gulo sa gitna ng quadrangle. Madaming estudyante ang nakapalibot kaya naman hindi namin makita kung ano ba ang pinag-kakaguluhan nila.

"Shit, anong meron?" Tanong ni Marco.

"Alam kong gwapo ako pero hindi ako chismoso dude kaya hindi ko din alam." Sabat ni Marcus.

Ni hindi napapansin ng mga estudyanteng 'to ang presensya namin kasi sobrang busy sila pagkaguluhan at panoodin ang nasa gitna ng kumpulan na 'to.

"Omg, kawawa naman s'ya."

"Yeah, just look at her."

"She looks like a basang sisiw na."

"I wanna see how Joaquin will react pag nakita n'ya ang target n'yang gan'yan, for sure matutuwa 'yon--"

"Magsitabi nga kayo!" Sigaw ni Joaquin. Agad namang nahawi ang daan at halos malaglag ang panga namin sa nakita ng mga mata namin.

Si Jesty!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

78.3K 117 1
Take it off! Take it off! Take it off! Sabi ng mga lalaki habang nagsasayaw ako dito sa gitna ng bar!Oo bar! Umiiyak nako sa gitna habang kumikimbot...
302K 9.9K 113
[FIN] Simpleng babaeng 4'M, maharot, maharot, maharot at maharot! Nagbakakasakaling makahanap ng trabaho sa Maynila ang kanyang last choice, at kung...
2M 41.3K 78
The world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya...
25.9K 2.3K 33
~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's...