Unang Halik

By frezbae

331K 21.6K 3.4K

A mangyan who experienced the cruelty of the world. Many do not like them because of her ancestral tribe. A s... More

Guidance
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
Kabanata 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 59

KABANATA 20

5.3K 393 36
By frezbae

Masaya ang mga alaala ko sa Maynila. Marami kaming nabili ni Frosto para kina lolo at lola. Halos dagsain ako araw araw ng mga kapwa ko mangyan para tanungin ako kung ano ang mukha ng lugar na iyon at kung masaya ba ako doon.

"Maraming guwapo siguro doon hano?" tanong ng nanay ni Ating. Binigay ko kay Ating ang tsinelas na binili ni Frosto sa Maynila.

Kinuha iyon ni Ating bago sinuot at tumakbo.

Ngumiti ako sa nanay ni Ating. "Kung guwapo po ang pag uusapan ay marami ho."

"Pero Sol!" Niyuyog ni Aling Tina ang balikat ko. "Ang guwapooo...guwapo..guwapo noong si Presko! Hay! Grabe! Ang katawan..napaka maskulado pa! Kahit ilang taon na iyon kumpara sayo ay huwag mo na pakawalan!"

Halos mamula ako sa sinabi ng nanay ni Ating. Ang pagkakaalam ko kasi ay 28 na si Frosto. Basta.

Masaya ako dahil may kaibigan akong nakilala sa Maynila. Binigyan niya rin ako ng numero niya kung sakali raw na kailangan ko ng tulong niya.

Napaka bait ni Genevive. Maganda at sopistikada. Papakilala niya raw sakin ang anak niya na si Jewel.

Sana nga makabalik ako ulit ng Maynila pero nahihiya naman akong humingi ng pabor kay Frosto.

Ang dami dami na niyang naitulong sa amin. Ang bigas na binigay nila at de lata noon ay tinitipid ng aming mga katribo.

Pinaalam niya rin sa akin na magiging busy na siya sa trabaho ng ihatid niya ako. At alam halos lahat ng katribo namin na nanliligaw siya sa akin.

~~~

Lumipas ang maraming buwan at patapos na ang huling taon ko sa high school. Isang buwan nalang at graduation na namin.

Nakailang sahod narin ako sa pagiging janitres ng eskwelahan. Nairaos ko rin noon ang pagiging muse ko sa room kahit na pinagtatawanan ako ng iba.

"Soledad!"

"Oh?" nilingon ko si Jenessa. Umirap siya at nilapag ang walis sa sahig.

"Mauna na ako ah."

Hindi ko rin inaasahan na isang araw ay naging ganito na kami ni Jenessa. Nakita ko siyang papalit palit ng boyfriend pero sa huli makikita ko siyang umiiyak dahil kay Axel.

Nakita ko lang siya noon na umiiyak sa banyo. Nagsuka siya. Halos ako kinabahan rin ng malaman ko na hindi sadya na buntis siya.

Hinding hindi ko iyon makakalimutan dahil buo na ang desisyon niyang tumigil para sa anak niya pero nakunan siya.

Isang buwan siyang excuse at hindi nalaman ng mama at papa niya na nabuntis siya. Ang mama at papa niya ay mayroong lote sa isang palengke at halos doon na manatili at si Jenessa ay naiwan sa kanilang bahay kasama ang isang katulong nila. Simple lang rin ang bahay nila at hindi ko masasabing mayaman sila pero nabibili niya ang gusto niya.

Siya yung tipong palaban ang mukha at   marunong sa mga lalaki.

"Nandiyan ba si Axel sa labas?" tanong ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wala. Nga pala.. kumurba lalo ang katawan mo at nagkalaman ka konti. Iba nga naman kapag nililibre palagi sa mamahaling restaurant." umirap siya sakin at iniwan na ako.

Uminit ng husto ang aking pisngi. Totoo ang mga sinabi niya.

Basta ako masaya ako. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa buhay na binigay niya. Nagkailaw narin ang lahat ng bahay sa lugar namin. Masayang masaya ang aming mga katribo!


Isa lang iyan sa mga bagay na nagbago sa amin sa nagdaan na halos walong buwan simula noong umpisa ng klase at nakilala ko noon si Frosto.

Papalapit na rin ang aking kaarawan.

Ako nalang natira sa eswkelahan at ako rin ang naatasan na magsara ng pintuan at naiwan sakin ang susi. Nakagawian ko na tuwing umaga ay maaga akong pumapasok.

Lumabas na ako ng eskwelahan matapos kong maglinis ng room. Biyernes ngayon at bukas ay sabado. Hindi ko alam kung lalabas kami ni Frosto lalo na at wala naman siyang sinabi sa akin.

Umuwi ako sa bahay at nadatnan ko si lolo na malakas na umuubo.

Nilagay ko ang bag ko sa papag at nilapitan si lolo.

"Sol! Andiyan kana pala! Kumain kana diyan. Baka  nagutom ka sa paglalakad." nakita kong kakatapos lang maglinis ni lola ng mga isda.

"Sige lola. Ang ubo ni lolo lumalala na po ah no?"

"S-Sol...kaya ko na ito. Malakas parin naman ako." si lolo at umayos ng upo. Kahit na sabihin namin na puro gulay ang kinakain ni lolo ay payat parin siya hanggang ngayon.

Natatakot ako. Natatakot ako na dumating sa punto na mawawala sila lolo at lola sa akin. Paano na ako?

"La, pagsara ng klase magtatrabaho muna ako sa palengke la."

Tumingin si lola sa akin. Maging siya ay payat at matanda narin. Walang araw na hindi ko sila iniisip. Walang araw na hindi ako nakakaramdam ng takot.

"Sol, pero-"

"La...pakiusap." nilingon ko si lola at parang maiiyak na ako sa walang humpay na ubo ni lolo. Halos di ko na nagawa ang aking mga assignments kakaalaga kay lolo.

Tumigil ang ubo niya alas nuwebe ng gabi at nakatitig lamang ako sa ballpen ko na nasa mesa. Nilingon ko ang kwarto kung saan natutulog si lola at lolo. Hindi na umubo pang muli ng initan ko ng oregano si lolo at pinainom sa kanya.


Babalik na sana ako sa pagkakaupo ngunit may kumatok sa aming pintuan. Kumalabog ang puso ko at mabilis na binuksan ang pintuan. Bumungad sakin si Frosto na may dalang mga pagkain at bulaklak.

"Miss me?" nakangisi niyang tanong sakin. Nilapitan ko siya at tiningala.

"O-Oo." nahihiya kong pag amin at bumaba ang tingin ko sa bulaklak niya. Napakabango.

Kinuha ko iyon at tuluyan na kaming pumasok. Ilang beses na siyang bumisita sa akin tuwing gabi. Kaya nasanay na ako na may kakatok mga ganitong oras.

"You should sleep early. Ayos lang sakin kung tulog kana ganitong oras."

"Uh, nag aaral pa kasi ako para sa huling exam ngayong taon."

Humalukipkip siya sa gilid ng pintuan.

"Hmm..puwede ba kitang makausap sa labas kung ganon? Gusto sana kitang ipagpaalam kina lola mo."

"Tulog na kasi sila. Uhm..puwede naman."

Hinawakan niya ang pintuan para makalabas ako. Hinawakan ko ang aking mahabang buhok ng lumabas ako. Buti nalang may sleeve ang aking bestida kaya hindi masyadong malamig. Si Frosto naman ay naka puting polo at pantalon.

Naglakad lakad kaming dalawa habang hawak ko ang burger na dala niya kanina. Inalok ko iyon sa kanya ngunit ayaw niya.

Huminto kami sa puno ng Acacia.

"How's your study?" tanong niya.

"Maayos naman. Ikaw? Kamusta ang trabaho mo?"

Natahimik siya at lumapit pa sa akin. Doon ko nalaman na amoy alak siya. Tumingin ako sa kanya ng makita ko sa ilalim na nagbanggaan ang dulo ng tsinelas ko at sapatos niya.

"Fine." tinitigan niya ako. Unti unti niyang hinaplos ang aking mukha. "Soledad...I am afraid. My life is complicated."

Kinagat ko ang aking labi.

"M-May problema ba?" nag aalalang tanong ko. Malamlam ang titig niya sa akin.

"Pero pangako ko sa oras na sinagot mo na ako ipaglalaban kita. Kung anuman ang hindi mo magustuhan tungkol sa buhay ko na malalaman mo palang ay sabihin mo na sakin. Pero hindi ko kayang bitawan ka Sol kung iiwan mo ako. Maiintindihan ko. M-May mga obligasyon ako."

Lasing na yata si Frosto pero pilit ko iniintindi ang mga sinasabi niya.

"Frosto..siguro kung sasagutin kita ibig sabihin nun ay iintindihin ko ang mga bagay na kasama sa iyong obligasyon. M-Magiging girlfriend mo ako hindi dahil bibigyan kita ng panibagong obligasyon. G-Ganito lang ako pero tutulong ako. Kaya ako nag aaral ng mabuti."

Umawang ang labi niya at bumaba ang titig niya sa aking labi. Nakahilig na ako sa puno at halos maglapat na ang ilong naming dalawa.

"Binabaliw mo ako lalo Soledad. Bakit? Bakit ang bait mo? I'm a bad man and you know that!" angil niya. Mukhang lasing nga siya.

Pero imbes na kabahan ay hinawakan ko ang panga niya at ngumisi ako.

"Hmmm.. sige ka! Di kita sasagutin kung magiging bad man ka parin."

Pumikit siya ng mariin at muling dumilat.

Halos mapasinghap ako ng halikan niya ang gilid ng aking labi ng dahan dahan. Halos mapugto ang aking hininga.

"I love you... I love you so much Sol."

Tinitigan niya ako ulit at unti unti akong ngumisi sa kanya habang natutulala na naman siya sa mukha ko.

"Damn beautiful.."

"I-I love you too Frosto. S-Sinasagot na kita."

Umawang ang labi niya at pa salit salit na tinitigan ang mga mata ko.

Ngumiti siya at kinintalan ako ng halik sa noo.

"Atlast.." bulong niya habang nakahalik sa aking noo. "You are only mine. Hinding hindi kita papakawalan. Hindi rin kita papakawalan kahit na iwan mo ako. Sol." may lungkot sa boses niya sa huling sinabi.

"Hindi. Promise." binaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at dinama ang kabog ng aking puso.

Hindi ito ang unang beses na nagyakapan kaming dalawa pero ito ang unang beses na mas naging triple ang kabog ng puso ko. Dahil  sa sinagot ko na siya bilang boyfriend ko sa edad ko. Alam ko na rerespetuhin ako ni Frosto at napatunayan na niya iyon.

Gusto ko siya at sana hindi ako magkakamali sa pagsunod sa tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

878K 30.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
205K 11.4K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
37.7K 3.2K 46
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...