HE WANTS ME BACK

By ValynGirl1314

23.8K 401 23

STARTED: AUGUST 4 2020 ENDED: DECEMBER 5 2021 More

Author's Note
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 26

334 8 1
By ValynGirl1314

SHARLYN’S POV

 

“Happy Birthday,Mom”

 

“O my---ginulat mo naman ako,Honey.” Natawa nalang ako sa sinabi niyang yun. Busy kasi siya sa paghahanda ng mga plato para sa umagahan. Hindi naman ganun kabongga ang celebration namin dahil mas prefer ni Mom na kaming malalapit lang sa kanya ang magkakasama ngayong kaarawan niya.

“I love you, Mom.”

 

“I love you too, Honey.” Niyakap ko siya patalikod at pinatong ang baba sa balikat niya.

“Ang mga apo ko?”

 

“Ayon nagpapaganda’t gwapo pa para sayo.” Natatawa kong sagot. Nagtatalo pa nga sina Jhon at Princess na dapat daw kulay red ang suotin nila para ang ibig sabihin ay,love.

“Ganun ba, ang mga apo ko talagang yon. O siya bumitaw ka na dahil maghahanda pa ako.” Bumitaw naman ako at tinulungan siya sa paghahanda. “Nasaan na nga ba si Kendall, anong ba daw siya darating?”

 

“Malapit na daw sila hinihintay lang nila si Keifer kilala mo naman po ang isang iyon. Ang bagal bagal kumilos.”

 

“Siya ba hindi mo iimbitahan?” May pang-aasar na tanong sa akin ni Mom.

“Si Mom naman, alam niyo naman po ang sagot ko sa tanong niyong yan.”

 

“Ilang taon na rin, wala ka ba talagang planong ipakilala ang mga bata sa kanya?”

Dahan dahan kong ibinaba ang mga platong hawak ko at lumapit ulit kay Mom. Niyakap at ipinatong ko ulit ang baba ko sa balikat niya katulad ng ginawa ko kanina.

“Wag na po nating pag-usapan siya,Mom. At saka alam niyo naman pong nag-uunti unti na ako, ayoko namang kamuhian ako ng mga bata pagdating ng panahon.” Mahina kong sambit. “Kaarawan niyo ngayon kaya dapat happy happy lang… Aakyatin ko lang ang mga bata,dahil nagtatagal na sila. Ikaw nang bahala dito, Mom.”

 

Bumitaw na ako at nagsimulang maglakad. Ng medyo makalayo ay huminto ako at nilingon si Mom na bumalik na ulit sa paghahanda. Malapit na po, malapit na malapit na. Kahit hindi pa ganun kalinaw para sa’kin yung mga sinabi ni Blake. At naguguluhan pa rin ako sa mga kinikilos niya. Hindi nun mapipigilan ang nagawa kong desisyon na ipakilala ang mga bata sa kanya. Panahon, konting panahon pa.

“HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY…HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!”

 

“Thank you, thank you.”

 

“Make a wish,Mom.” Tumingin siya sa akin, kinuha niya ang dalawa kong kamay at mahigpit itong hinawakan.

“Hiling ko na mapatawad mo kami.” Mahina niyang sabi habang unti unting pumikit para humiling. Natigilan ako at iniisip kong totoo ba yung narinig ko.

“Beshie, yung regalo mo?” nabalik lang ako ng itanong iyon ni Kendall.

“N-nasa sala,kukunin ko lang.” pasimple kong hinila ang kamay ko kay Mom nang mag blow na siya ng candle at lapitan ng mga bata.

Pagkapunta ko sa sala ay kinuha ko ang gift ko at babalik na sanang kusina ng mapahinto ako ng maalala yung sinabi ni Mom.

“Totoo kaya yong nari---” hindi ko na natuloy ang tanong ko sa sarili ng marinig kong may nagdoorbell. May inaasahan pa ba kaming bisita?

Kunot noo akong lumabas at lumapit sa gate. Patuloy pa rin ang pagdoorbell kaya binuksan ko na kaagad yung gate. Para naman akong binuhusan ng isang baldeng yelo sa pagkakaestatwa ko. A-anong…

“Hi,sister.”

 

“A-ate Shane…”   

 

“Oh,bakit parang shock na shock ka,sis? Hindi ba sayo sinabi nila Mom na darating ako?”

Sila Mom? “Well, hayaan mo na. Nasaan na ba si Mom, oh my it’s been years nung nagcelebrate ng birthday ni Mom kasama ako. Well it doesn’t matter anymore dahil sinigurado kong babawi ako sa gift ko sa kanya…So, what are we waiting for? Let’s go.”

 

Wala na akong nagawa ng pumasok siya sa gate, may bitbit din siya na sa palagay ko ay regalo niya kay Mom. Ganun karami? Sabi nga niya babawi siya.

Nang makapasok ay naabutan ko siyang binabati si Mom. Niyakap niya rin si Dad at parang may binulong pa. Isinawalang bahala ko nalang iyon. At lumapit kay Beshie, mamaya ko nalang ibibigay yung regalo ko.

“This is my gift for you, Mom. I know you will like it very much.”

 

“Thank you,Shane.”

 

“Your welcome, Mom…” tumalikod na siya kay Mom at inilibot ang tingin sa lamesa, tumigil ito sa katabi kong si Beshie. Nagkatitigan silang dalawa ng ilang segundo at hindi nakawala sa paningin ko ang pagngisi ni Ate Shane kay Beshie bago niya ulit inilbot ang tingin. Hanggang sa tumama ito sa mga bata na kaharap lang namin. Oh no---

“Sila na ba ang mga cute kong pamangkin? Omo—ang cute cute naman nila.” Akma pa niyang kukurutin ang pisngi ni Princess ng makalapit siya rito pero agad na tumakbo ang anak ko papunta sa’kin. At parang takot na takot na yumakap sa akin. Sinundan din siya ni Jhon.

“Who is she,Mommy?”

 

“She’s you---”

 

“I’m your beautiful tita, Tita Shane, your mom’s older sister.” Pagputol nito sa sasabihin ko. Mas lalo namang isinubsob ng dalawa ang mga mukha sa tiyan ko. “Don’t be scared, hindi naman ako nangangain ng mga bata. Hello! Omo—how sweet of you naman. What’s your name?”

Parang kinikilig na sambit ni Ate Shane ng magkano sa kanya si Brayle. Nagulat ako sa asal na yun ni Brayle dahil kadalasan tinitigan niya lang yung taong bago niya lang nakita na parang pinag aaralan, pagkatapos ay iiwas ng tingin pero mukhang iba ata ang mood ng anak ko ngayon.

“Brayle.”

 

“What a beautiful name. Here, my gift for you.” At inabot nito yung kulay pulang regalong dala niya. Tumango naman si Brayle dito at bumalik sa upuan. Ramdam ko naman ang dahan dahang pagbitaw ng dalawa sa likod ko ng masaksihan yun.

At tulad nga ng inaasahan ko tuluyan na silang umalis sa likod ko at dahan dahang lumapit kay Ate Shane.

“Anong kailangan mo,Ate?” yan kaagad ang tanong ko sa kanya ng madala ko siya sa garden. Kanina ko pa pinipigilan tanungin siya dahil baka nakatira ng mood sa hapag.

“What are you talking about, sis?” natatawa nitong balik na tanong sa’kin.

“Ate naman, wag mo na akong lokohin. Alam kong hindi lang dahil sa birthday ni Mom kaya pumunta ka rito. Dahil ba sa mga anak ko?”

 

“You know,Sis. Hindi masamang matulog, kulang ka siguro sa tulog at napaparanoid ka na. Pumunta ako dito to celebrate Mom’s birthday.” Napapailing nalang ako habang nakatingin sa kanya.

“Alam kong alam mo na anak sila ni Blake. Hindi imposibleng sabihin mo ito sa kanya. At kung balak mo yon,please…hindi ko kayang mawalan ng anak.” Wala akong pakealam kung mukha na akong desperada sa lagay kong ‘to. Mahirap malaman ang laman ng utak ng Ate ko. Mahirap siyang basahin.

Bigla namang nawala yung ngiti at sa isang iglap naging seryoso ang kanyang ekspresyon.

“Hindi mo matatakbuhan ang katutuhanang anak sila ni Blake. Na darating ang araw na malalaman niya ang lahat lahat. At wala kang magagawa kung kunin niya sayo ang mga bata,dahil ilang taon mo siyang tinanggalan ng karapatan.” Para naman akong maiiyak sa sinabi niyang yon.

“P-pwede mo naman siyang bigyan ng anak, t-tutal kayo naman. Baka mawalan lang ng oras sayo si Blake kapag nagkataon… At saka… hindi pa ako handa.” Ito na mga ba ang ikinatatakot ko.

“Imposible yang sinasabi mo.”

 

“P-paanong imposible?” Siguradong may nangyari na sa kanila ng limang taon na yun.

“Marami ka pang hindi nalalaman sa mundong ito, Sharlyn. At mas maganda ng ganun. May mga bagay na akala mo totoo, yun pala hindi. May mga taong malapit sayo pero walang koneksyon sa nakaraan mo. May mga taong nakilala mo ngayon pero matagal na palang dapat na kasama mo.” Natulala ako sa sinabing iyon ni Ate. Ano ba yung mga pinagsasabi niya? “Sa isang katulad mo, mahirap kang saktan. Hindi mo pa kailangan malaman ang mga bagay bagay…hindi pa ngayon ang oras.”

 

“What do yo---”

 

“Mommy!” hindi ko na natuloy ang tatanungin ko ng tawagin ako ni Jhon. Sabay kaming napalingon sa kanya ni Ate Shane. Tumatakbo itong lumapit sa’min.

“Jhon?”

 

“Mommy,did you see Princess?”

 

“No,why?”

 

“I can’t find her. We’re just playing hide and seek. I already look for her inside the house, but still no Princess.” Kita sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman agad ko siyang pinantayan at hinawakan sa balikat para pakalmahin.

“Relax, Jhon baka nandiyan lang si bunso. Natanong mo na ba ang mga tao sa loob kung nakita nila si Princess?” tumango naman ito sa sagot. “Okay,just go inside. And mommy will look for her, okay?”

 

“Okay.”

 

“Very good.” Nag-aalinlangan pa itong tumalikod sa’min kaya sinenyasan ko siyang pumasok na. Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at hinarap si Ate. “Hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi mo,Ate. At wala na rin akong balak alamin. Kaya kung pupwede lang kung may balak kang sabihin sa kanya itong nalalaman mo o hindi, wala akong pakealam. Hinahanda ko na ang sarili ko sa mga bagay na ganito, alam kong may mali ako pero ginawa ko yun para rin maprotektahan ang mga anak ko…I have to go, kailangan ko pang hanapin ang anak ko.”

Tumalikod na ako sa kanya pero bago yun hindi nakaligtas sa akin ang pagpurma ng ngiti sa mga labi ni Ate na ikinatigil ko. Nilingon ko siya pero naglalakad na ito pabalik sa loob ng bahay kaya napailing nalang ako. Baka guni guni ko lang yon.

“Princess, Princess…anak lumabas ka na.” mahina kong pagtawag dito. Tinignan ko pa ang mga halamang madadaanan ko pero Wala. Nilibot ko na ang buong hardin pero Wala akong Princess na nakita.

Napahinto ako ng tumapat ako sa gate. Nakasimangot ito na mukhang bata ang lumabas. Kinutuban naman ako kaya agad akong lumabas.

“Prin---cess…”

Biglang nawala ang lakas ng katawan ko at napaatras sa nasasaksihan ko ngayon. Bakit?

“What’s your work po? “

 

“I’m the owner of Smith Company.”

 

“You mean, CEO?!”

 

“Yes.”

 

“Wahhh, your like my father. According to Mom, my daddy’s work is CEO.”

 

“Really, what company?”

 

“I didn’t know po, e. Dahil hindi pa namin nakikita ang daddy namin.” Kitang kita ko dito sa kinatatayuan ko, kung paanong yumuko ang ulo ni Princess habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi ko naman mapigilang masaktan. “But still, I know mommy have her own reason. And me and my kuya's are willing to wait.. Ikaw mister anong ginagawa niyo dito? “

 

“Princess.” Bago pa makasagot si Blake ay inagaw ko na ang pansin ng anak ko. Dahan-dahan namang lumingon ito sa akin kasabay si Blake.

“Mommy!!” masaya itong lumapit sa akin at niyakap ang binti ko. Ipinatong ko naman ang kamay sa ulo niya at pinilit ang sariling ngumiti.

“A-anong ginagawa mo dito,baby?” kahit alam ko na ang sagot, nagtanong pa rin para ipakitang hindi ako apektado. Pero sino mga ba ang niloloko ko? Kung pwede nga lang itigil ang oras ay baka ginawa ko na.

Doble---hindi triple ang kabit ng puso ko dahil sa mga posibilidad na mangyari. Hindi rin naman bobo si Blake para hindi agad makahalata. Unang tingin mo pa lang kay Princess, masasabi mo ng anak ko siya.

“I’m talking to Mister. His so handsome and kind too.” Kita sa mata niya ang saya habang sinasabi iyon.

“Really…Umm baby, pwedeng p-pumasok ka muna sa loob. Your kuya Jhon is looking for you.”

 

“Okay, Mommy.” Umalis na ito sa pagkakayakap sa akin at naglakad na, pero nasa gate na siya ng huminto ito lumingon sa likuran ko at tumakbo. Hindi ko inaasahan iyon kaya Hindi ko napigilan si Princess ng bigla nyang yakapin sa hita si Blake, katulad ng ginawa niya sa akin kanina.

Kita rin sa mukha ni Blake ang pagkagulat sa ginawa ni Princess. Mabilis rin naman iyon at bumitaw na si Princess sa kanya.

“Yakap para hindi na po kayo malungkot. Bye bye, see you next time Mister Handsome.”

Literal na natulala ako ng marinig ko ang sinabing iyon ng anak ko. Bumalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang pagsarado ng gate, na ibig sabihin ay nakapasok na sa loob si Princess. Hindi ko man lang nahalata.

Duon lang pumasok sa isip ko na kaharap ko ngayon ang kaninang pinaguusapan lang namin ni Ate Shane. Kung minamalas ka nga naman. Ramdam ko ang mga tingin niya sa’kin na tagos hanggang buto ko.

Bakit ngayon? Bakit ngayon pa kung kailan hinahanda ko pa ang sarili ko?

****
Dreams Account: ValynGirl1314

Continue Reading

You'll Also Like

78.4K 955 29
Being in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. Sh...
10.8K 602 30
Winter Claque tirelessly searched for his missing love, Leona, for six long months. When he finally found her, she denied being Leona and insisted sh...
241K 3.6K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
6.1K 57 23
An Heiress falls for her Bodyguard. Copyright © 2020 August