Rules and Rhythm (Cordova Emp...

By CengCrdva

2.9M 51.9K 16.1K

WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in lov... More

Rules And Rhythm
DEDICATION
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 22

44.8K 1.7K 546
By CengCrdva

Chapter Twenty-Two

Hiking



Everything went smooth between Achilles and I. Hindi masyadong tumalab ang pagpapaepal ni Evelyn rito dahil talagang gwardiyado siya sa akin.

Archi doesn't mind. Ni wala itong binanggit na reklamo tungkol sa harapang pambabara ko kay Evelyn. Pumapagitna lang siya kapag alam niyang nanggigigil na ako.

So far ay wala namang sakalang naganap. Nagagawa ko na ring kontrolin ang aking galit kahit paano kaya maswerte pa rin siya.

"He called you again?" tanong nito isang araw habang nasa rooftop kami ng lumang building.

Ilang beses na rin akong nagawi roon kasama siya nitong mga nakaraan dahil talaga ngang mas mapayapa ang lugar at mas nakakapag-aral siya roon kaya sumasama rin ako lalo na kapag gusto ko siyang tulungang mag-memorized at mag-review.

I nodded at his question. Kinuha ko ang telepono ko at walang sabing ibinigay sa kanya para ipabasa ang usapan namin ni Brixton.

We still exchange messages and call each other sometimes pero lahat ng iyon ay simpleng kumustahan lang. He was doing fine at the moment. Ang isa sa kanyang mga Tita ang ngayo'y gumagabay sa kanya at kahit paano ay nakapagpapatuloy na ulit lalo na sa kanyang pag-aaral.

He would still break down sometimes and would call me just to say how much he missed me and how sorry he was for what happened between us, but I never gave him false hope.

Diretsahan kong sinabi sa kanya na may gusto na akong iba at totoong naka-move on na ako sa kanya. Naintindihan niya naman pero hindi ito tumigil sa pag-asa na balang araw ay magkakaroon ulit ng kami.

Mabilis lang na tiningnan ni Achilles ang usapan namin at ibinalik na ang aking telepono.

"Nangumusta lang. He was struggling with some of his subjects and I offered him help, that's it."

Isang mabilis na tango ang isinagot niya sabay balik ng mga mata sa kanyang binabasang libro. Inayos ko ang upo sa kanyang harapan at nangingiting nangalumbaba sa lamesa upang titigan siya.

"Nagseselos ka ba?"

He chuckled nervously at that. Hindi nagawang tumingin sa akin. Napangisi ako.

"Huwag ka ng magselos. Alam mo namang ikaw lang."

"I'm not."

"Sus..." sandali kong itinigil ang pagnguya sa aking bubble gum. "So kung hindi ka nagseselos, okay lang sa 'yo na kausap ko ang ex ko gabi-gabi?"

Marahas ang naging pagbaling niya sa akin.

"Gabi-gabi kayong magkausap?" gulat ngunit inosente pa rin niyang tanong.

"Uh, minsan?"

Muli siyang nagbaba ng tingin. Napansin ko ang mas pagdiin ng sulat niya sa kanyang binder. He has good penmanship. Mas pang-doctor pa nga ang sulat ko kaysa sa kanya na parang pang babae ang sulat sa linis at ganda. Parehas sila ni Lana na maganda kung sumulat. Parang may mga sariling font.

"Okay." he coldly said.

Natawa na ako. "Okay lang nga?"

"If that's what you want."

"Hindi ka nagseselos? Sure na?"

"Hindi. Why would I be jealous? May dahilan ba?"

Of course he's jealous! Sa titig niyang dumiin sa akin ay alam ko na kaagad ang sagot! My baby is jealous of my ex! Mahal na talaga ako...

"Wala. Past is past na nga 'di ba? Isa pa, ikaw na ang mahal ko. He already lost his chance. Huwag ka ng magselos."

Hindi na ito sumagot. Napanguso ako at nagpatuloy na lang rin sa pagbabasa. He was pissed. Alam kong distracted pa rin siya. Kinuha ko ang aking telepono at pinalitan ang kalmadong musika na tumutugtog doon.

Achilles loves music while studying. Kaya ako nakatulog rin dahil gusto niya iyong mga piano covers na nakakakalma.

Nangunot ang noo niya sa aking ginawa. Lumawak lang ang aking ngiti at hinintay ang unang mga lyrics ng kantang pinatugtog.

Muli akong nangalumbaba sa kanyang harapan at sinabayan ang pagpasok ng lyrics.

"Tanong mo sa akin sino ang aking mahal. Tanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal..."

Mas lalong nagdikit ang mga kilay niya. Mas ganado at damang-dama ko namang sinundan ang Brownman Revival sa kantang, 'Ikaw lang ang aking mahal'.

"Ikaw lang ang aking mahal... Ang pag-ibig mo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamdaman..."

Pinigilan niyang mapangisi at umiling na lang bago nagbaba ng tingin matapos kong kindatan. Napahalakhak na ako at hindi na naituloy ang kinakanta dahil namumula na naman siya.

"Ikaw lang talaga Achilles. Solid akong magmahal at wala kang magiging kahati habang-buhay, pangako."

That made his tongue play inside his cheeks. Tumutusok iyon upang pigilan ang pagkatuwa sa akin.

Bago pa kami walang matutunan ay tinigilan ko na siya at tinulungan na lang na mag-review.

Sa mga sumunod na buwan ay mas naging malapit kami. There were times that we would be contented just by hanging out together. Madalas ay naso-solo ko siya dahil may kanya-kanyang agenda ang kanyang mga pinsan. Kapag nagkakasama kaming lahat ay talagang grabehan ang ginagawang pang-aasar sa akin nila Riggwell at Nicolaus, pero dahil makapal ang mukha ko ay gustong-gusto ko iyon at ni hindi nahiya kailanman.

The churchmates decided to go hiking on the second week. Sakto naman na wala kaming masyadong ginagawa at ritwal na nila iyon. Naawa naman akong huwag siyang pasamahin at ayaw ko namang ikulong na lang ang mundo niya sa akin kahit na wala pa kaming relasyon kaya napagdesisyunan naming sumama.

Riggwell will go with us, too. Naboburyo na kasi sa buhay kaya sasama dahil baka raw kapag hindi siya nakaalis ay sulutin niya si Nicolaus kay Zab. Simula kasi ng maging abala rin ito sa babae ay talagang minsan na lang rin sila kung magsama. Kung noon ay parang sila ang kambal dahil hindi mapaghiwalay, ngayong mayroon ng Zabryna ay nawalan na itong oras sa kanya.

Lumundag ang puso ko nang matanaw ang building ng mga Cordova. Madilim pa at alam kong nag-aayos pa lang ang mga ito pero gusto kong mauna bilang ako naman ang sobrang excited na napilitan lang.

I never tried hiking. Ito ang unang beses at kahit na ang sabi ay difficult level ang aakyatin naming bundok ay handa ako. I'm always up for challenge and Achilles will be with me the whole time kaya wala akong dapat na ipag-alala.

Nagpaalam ako kay Lili. Sa pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ni Achilles at tinulungan sa mga gamit ko. It was an overnight hiking. Marami akong dalang gamit at mga pagkain pero parang gusto kong malula sa mas maraming dala ni Achilles at Riggwell.

Nag-aayos pa lang sila. Tig-iisang tent ang dala nila. Archi said I don't need to bring one dahil para sa akin ang dala niya at ang dala naman ni Riggs ay sa kanilang dalawa.

Tinulungan ko silang mag-ayos. Seidon cooked our breakfast. Si Vivi ay tulog pa habang si Nico naman ay naalimpungatan at pinanunuod kami.

"Ilagay mo na lang ang iba mong gamit sa bag ko." suhestiyon ko dahil hindi pa kami umaalis ay parang nabibigatan na ako sa dami ng dala niya.

Ibinigay ko sa kanya ang aking bag pero imbes na sundin ang aking sinabi ay binawasan niya pa ng laman iyon at inilagay sa kanyang bag bago isinarang muli.

"Paghahatian na lang ang pagbitbit ng ibang pagkain paakyat," aniya.

Lutang akong napatayo nang kunin niya ang aking kamay at hilahin palapit sa kanya. Pinihit niya ako patalikod at pagkatapos ay isinukbit ang aking bag sa aking likod.

"Mabigat pa ba? Sabihin mo para mabawasan ko pa. Marami pang space sa akin."

Lumipad kaagad ang mga mata ko sa naging pagngisi ni Riggwell at Nicolaus na handa na naman akong alaskahin pero hindi ko sila pinansin.

"M-magaan na nga eh," pumihit ulit ako paharap sa kanya. Bahagya akong natigil ng ilang segundo sa kanyang lapit.

He smells great. Basa pa ang kanyang buhok at parang napakasarap yakapin!

"Marami nang laman 'yong sa 'yo. Ilipat mo na lang sa akin."

My breath hitched when instead of following what I said, he just snaked his hands on my waist to hug me! Doon na nagsumigaw ang puso ko kasabay nang hiyawan ng kanyang mga pinsan!

"Putang ina, kaunting respeto naman sa single at tigang Achilles!" hiyaw ni Riggwell pero natawa lang ito.

Yayakapin ko na sana ang katawan niya pabalik pero nalaglag na lang ang panga ko nang iangat niya ang suot kong bag sa aking likuran. Dinama lang ulit iyon at siniguro kung kaya ko nga ang bigat! Hindi naman kasi siya makaikot dahil puno ng gamit ang sahig!

"Okay na 'to?" he asked again.

Lutang ko siyang tiningala. Sa pagbaba ng tingin niya't akmang paglayo sa akin ay hindi ko na napigilan ang sarili kong ilingkis ang mga kamay sa kanyang napakabangong katawan!

"Mas okay 'to..." nahihibang kong sambit habang niyayakap siya ng mahigpit at mas ibinabaon ang mukha sa kanyang malapad na dibdib. "Okay na okay ako rito, Archi..."

His chest vibrated when he chuckled nervously.

"At isa na naman pong Cordova ang nabihag ng mahiwagang pag-ibig!" si Riggs ulit.

"Hindi ko kinakaya! Kinikilig ako tangina!" si Nicolaus naman.

"Gago, itulog mo na lang 'yan ulit." si Seidon. Siya lang ang hindi kayang sabayan ang mga pinsan dahil alam nitong naiilang si Achilles sa gano'n.

"Apakayabang naman no'n palibhasa may niyayakap rin tuwing madaling araw, eh!"

"Shut up." Seidon chuckled behind the counter.

Lumawak ang ngisi ko nang makita si Nicolaus at Riggwell na tuwang-tuwang, pero nang mapunta ang titig ni Riggs kay Nico at naalala na siya na lang ang walang love life ay inirapan niya ito.

"Gago matulog ka na nga do'n! Wala ka namang ambag rito!"

Lumakas ang halakhak ni Nicolaus. Hinayaan ko silang mag-asaran habang yakap si Achilles. Hinayaan rin ako nitong yakapin siya. He even hug me back for a few seconds.

"Marami pa tayong aayusin. Kumain ka na muna ng breakfast. Tapos na 'yan si Ino magluto."

Kumawala ako sa kanya. Kinuha niya ang aking bag at sinunod siya sa utos. Hinayaan ko sila ni Riggs na ayusin ang lahat. Sinaluhan naman ako ni Seidon na kumain kahit na mukhang wala pa siyang tulog.

"Ayaw mong sumama?"

"Hindi na. Marami akong gagawin ngayon."

"Tulad ng? Does it involved Lana?" I teased.

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Sa kanyang pagngisi ay nakumpirma ko iyon.

Madalian lang na nag-almusal ang dalawa. Si Ino ang naghatid sa amin sa meeting point. Naroon na ang lahat sa aming pagdating. Ang mga pagkaing dala ko ay ipinadala ni Achilles sa ibang wala masyadong dala kaya mas nabawasan ang bigat ng kanilang bitbit ni Riggwell.

Agad tumaas ang kilay ko nang makita ang paglapit ni Evelyn kay Archi at bahagyang paghaplos sa kanyang braso.

"Kumain ka na ba? May ginawang suman si Mama, gusto mo?"

"Kumain na pero sige."

Lumawak ang ngiti ni Eve at nagkukumahog na hinalughog ang kanyang kagamitan habang nagfi-fill up kami nila Riggwell sa form.

Dumiin ang bawat sulat ko roon lalo na nang marinig ang hagikhik ng babae. Hindi ko na sila binalingan dahil ang bilis ko na namang mairita.

"Oh, baka mapunit 'yang papel, Cali. Easyhan mo lang." bulong ni Riggwell sa tabi ko.

Bumuntong-hininga lang ako bilang sagot kaya natawa siya.

"Chi! Fill up ka muna baka sumabog mukha mo, eh! Sayang gwapo ka pa naman!" anito't baling sa pinsan.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sinulyapan niya ako upang ituro sa lalaki. Maya-maya ay naramdaman ko na ang paglapit ni Achilles sa amin. Pasimple akong napairap nang makita ang sumang dala niya, pero hindi ko na iyon naitago ng sunod na mahagip ng mga mata ko ang papalapit na Evelyn dala ang malawak at nakakairita niyang ngisi.

Nalaglag ang panga ko nang hawiin niya ako para lang tabihan si Achilles!

"Archi, isulat mo na rin ang pangalan ko gaya ng dati, ha? Ako na lang ang pipirma."

I swear to God, hindi pa nagsisimula ang activity namin ay naiisip ko na kung paano siya ihuhulog sa bangin! Por Diyos por santo, patawarin ninyo ako!

Imbes na mademonyo ay lumayo ako ng kaunti at sa ibang mga kaibigan na lang lumapit. Mabuti at nalibang ako kay Robertino at Horan kaya sandaling nabawasan ang iritasyon ko hindi pa man sumisikat ang araw.

"Lord we thank you for this day. Thank you for giving us the opportunity to be with our friends and create another wonderful moment. We thank you for everything, oh God. Gabayan niyo po kami sa aming pag-akyat. Send your angels to guide us. Nawa po ay maging maayos ang lahat. We lift everything up to you, God. We praise and glorify you. In Jesus name we pray..."

"Amen." sabay-sabay naming sabi matapos mag lead ni Achilles ng prayer bago namin simulan ang aktibidad.

Kahit na ilang beses ko na siyang nawi-witnessed na ganito dahil siya naman palagi ang nagboboluntaryong ipagdasal ang grupo ay hindi nauubos ang paghanga ko sa kanya.

Nothing beats a man who serves and loves God, and Achilles made my standards even higher. Ibang-iba na talaga ngayon ang mga gusto ko sa buhay.

Dose kaming lahat na aakyat. Anim na mga babaeng alagad ni Evelyn, ako at ang limang lalaki. Mababait naman ang mga babae kung tutuusin at masaya ring kasama pero alam kong kapag may isasakripisyo sa grupo ay ako ang una nilang iaalay kaya sa mga lalaki ako tumabi.

Nauna ang mga babae sa paglalakad. Nasa gitna naman ako, si Riggwell, si Achilles at ang hitad na si Evelyn habang ang mga lalaki ay nasa likuran.

Mayroon kaming kasamang dalawang tour guide. Kahit kasi bihasa na ang mga ito at palagi nang umaakyat sa Mt. Padayon ay kailangan pa rin ng kasamang mas alam ang lugar. It was all for safety purposes.

Nagpatuloy ang magagaang kwentuhan. Hindi rin pwedeng mag-ingay masyado bilang respeto sa ibang mga mountaineers kahit na wala naman sa mga oras na iyon. I read all the basic etiquette about hiking and I followed it even if this was just my first time, unlike Evelyn who was trying to prove a point.

Kahit na hindi naman masyadong nakakatawa ang mga sinasabi ni Archi ay kung makatawa siya'y akala mo'y kinikiliti ang bagay sa gitna ng mga hita! Sa tuwing binabalingan naman ako ng lalaki ay agad siyang magsasalita ng malakas para hindi iyon matuloy.

Naiiling na lang kami ni Riggwell dahil alam na naming dakila talaga siyang papansin at epal.

"Chill ka lang." hindi nawala ang paalalang iyon ni Riggs.

It was tiring as hell, but it felt surreal when I got the glimpse of the rising sun. It was the first time that I've witnessed such beauty. Hindi pa kami masyadong nasa itaas pero elevated na ang trail na tinatahak namin at kumakaway na ang magandang pasikat na araw.

Nahinto ako sandali para kunan iyon ng mga litrato. Ako ang nahuli dahil talagang hindi ko matantanan. Mabuti na lang at naroon si Riggwell na very supportive na kahit yata dumapa ay gagawin niya makunan lang ako ng magandang anggulo!

"Pwede ka ng maging photographer." masaya kong puri habang tinitignan ang mga kinuha niyang litrato.

"Photogenic ka lang rin at mabilis kunan ng litrato kaya maayos agad." siniko niya ako ng makita ang paghinto ni Achilles para hintayin kami.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Evelyn was almost thirty steps ahead of us. Bilang bihasa na siya at unang beses ko pa lang ay ilang beses kong nakitang gusto niya akong tawanan lalo na ng may madaanan kaming malalaking bato na medyo madulas pa dahil sa tagaktak ng ulan kaninang madaling araw.

Kitang-kita ko ang pagpapasikat nito nang lumaon at humirap na ang trail.

"Archi, bilis! Baka abutan tayo ng gabi at hindi na natin makita ang sunset sa peak kapag mabagal tayo!" sigaw niyang nagpataas sa kilay ko.

Alam kong ako ang pinatatamaan niya. Kung hindi nga lang talaga ako nagpipigil ng galit dahil ayaw kong mag-away kami ni Achilles ay baka sinugod ko na siya at inginudngod sa mga batong tinutuntungan niya.

Binilisan ko ang kilos. Nakasabay naman ako at medyo nakaabot, pero ng makarating kami sa trail na kailangang gamitan ng lubid dahil matarik at may ilang putik pa ay nahinto na ako. Parang gusto ko nang sumuko hindi dahil sa pagod kundi dahil sa presensiya ng kakambal ni satanas na panay ang dikit kay Achilles at pasaring naman sa akin.

Bida-bida itong nanguna roon at walang hirap na nakaalpas. Umangat ang gilid ng labi niya na tila ipinagmamayabang na basic lang iyon sa kanya.

Putang ina wala akong pakialam at hindi ako na-impressed! Kamukha mo si Tarzan!

Bumagal ang pace namin dahil sa pag-level up ng trail. Evelyn started shouting at us. Pinauna ko ang mga nasa likuran ko at nagpahuli na lang dahil ayaw kong matengga kaming lahat sa ibaba. Hindi iyon napansin ni Achilles. Siya sana ang susundan ko samantalang si Riggs naman ay nauna na dahil kukunan ako ng picture kaya gano'n na lang ang paglaglag ng panga niya nang makita akong nahuli sa ibaba.

Nilapitan siya ni Eve at agad na hinawakan sa braso.

"Tara na, Archi! Nandito na 'yong magandang spot halika mag-picture tayo!" malaki ang ngisi niyang sabi rito sabay hila sa lalaki, pero hindi pa man ito lubusang nakakahakbang ay agad nang nalaglag ang panga niya matapos nitong hawiin ang kanyang kamay.

Nagulat rin ako at hindi iyon inasahan lalo pa't bahagyang napaatras ang babae sa lakas.

"Mauna ka na, Eve. Bababa ulit ako para alalayan si Cali. Susunod kami." aniyang dahilan nang paglipad ng tingin sa akin.

Awtomatiko naman akong napahalukipkip at pipikit-pikit siyang dinilaan upang asarin.

Ano ka ngayon, Tarzan?! Mamatay ka na lang sa inggit!

~~~~~~~~~~~~

What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. 🙂

Follow all my social media accounts if you want to be updated.

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Continue Reading

You'll Also Like

37.3K 842 25
ZODIAC SIGN SERIES MATURE CONTENT (R-18) Keira Lilivene Saravillo. An Aries. A friendly, kind, and very generous woman. Every one know her as a good...
4.1M 11.8K 5
WARNING: MATURE/SENSITIVE CONTENT [ SPG | R18 ] A depressed teenager who always dreamed of becoming normal--discovers her worth through courageous fo...
1.1M 17.4K 29
~~my entry to the friends-to-lovers- trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish ( sprinkled with Hiligaynon and Akeanon dialogues) ...
98.5K 1.2K 16
WARNING: MATURE CONTENT [SPG | R18] #RozovskyHeirsSeries12