Chapter Twenty-Four
Perfect
My pulse continued raising. Mabuti na nga lang at wala naman kaming history ng sakit sa puso dahil kung mayroon ay baka inatake na ako at namatay doon.
Nang matapos ang mahabang kwentuhan at lumalim na ang gabi ay nagpasya nang magpahinga ang lahat.
Hinatid ako ni Achilles sa aking tent. I am okay with sleeping alone. Walang problema doon, pero nang akmang aalis na siya para pumunta sa sariling tent ay hindi ko napigilan ang sariling hawakan ang kanyang kamay at pigilan.
"M-Matutulog ka na ba?"
Natigil siya't napapihit pabalik sa harapan ko.
"Maaga pa tayo bukas. If you want to see the sunrise, matulog ka na ngayon para hindi ka mapuyat."
Tumango ako pero hindi pa rin nagawang bitiwan ang kanyang kamay.
"D-Doon ka talaga matutulog?" I asked the obvious question. Nagdikit ang mga kilay niya. "Uh, I mean, baka gusto mong dito na lang matulog?"
"Cali–"
"Promise hindi kita pagsasamantalahan!" agad kong itinaas ang mga kamay ko. "Ang tahimik kasi tsaka first time ko kung sakaling matulog ng mag-isa sa tent at sa ibabaw pa ng bundok."
"Gusto mo palipatin ko si Angel?"
"Ayaw mo bang ikaw na lang?"
I see him swallowed hard at that, "I... Uh..."
"I won't bite, Archi. I-I mean, hindi pa..."
Napangisi ako at agad na nag-peace sign dahil sa mga sinabi. Napakamot siya sa kanyang kilay.
"I'll behave. Gusto ko lang ng may kasama pero kung ayaw mo, okay lang."
"Alright," he said.
Bumagsak ang balikat ko sa naging sagot niya. Nang umatras siya ay wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob matapos mag goodnight, pero hindi pa man ako nakakaayos sa loob ay muli ko nang narinig ang mga yapak niya pabalik!
Nagkukumahog kong hinawi ang pintuan ng tent. Yumuko siya at ipinakita ang mga dalang gamit.
"Kinuha ko lang. Are you sure you want me there?"
Nilawakan ko ang pinto para papasukin siya.
"One million percent sure."
Wala sa plano ang lahat. Ang totoo ay ayaw ko rin siyang narito dahil nababaliw ang puso ko, pero hindi pa ako inaantok at baka mas lalo akong mabuang kapag tumulala ako buong magdamag. I don't think I'll have the energy for tomorrow's long journey if that happens.
Matagal kaming nagpakiramdaman. His tent has windows. Ito pa nga ang pinakamalaki sa lahat ng tent na dala namin dahil gusto niya na maging komportable ako. Sakto lang sa height niya ang tent. It was really his.
"Matutulog ka na ba?" tanong ko nang hindi na makatiis matapos naming mahiga.
Mula sa bintana ay dinudungaw ko ang maliliwanag na bituin sa kalangitan. Sa kanyang gawi ay alam kong gano'n rin siya. Tahimik na ang lahat. Ang iba ay tiyak na tulog na dahil sa pagod.
"Nagpapaantok. Ikaw? Hindi ka pa inaantok?" He answered.
"Masyado pang maaga. Hindi ako sanay na matulog ng wala pang alas-dies."
Naramdaman ko ang kanyang paggalaw. Nang lingunin ko siya ay napasinghap ako nang makitang nakatitig na pala ito sa akin.
"Gusto mong patulugin kita?" marahan niyang tanong na nagpataas ng kilay ko.
BINABASA MO ANG
Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who lived his life imposing all the law, including the laws of love. - Danary Belcalis Amari De Valenti...