CHAPTER 20

52.1K 1.9K 772
                                    

Chapter Twenty

Cullasaga


"Tangina ang boring ng walang kaaway," frustrated kong sabi na napapabuntong-hininga pa. "Nangangati na 'tong kamay kong manapok ng pokpok!" inis kong dagdag.

Hindi ko na naman mapigilan ang bunganga ko at si Lana na naman ang sumasalo ng lahat ng iyon.

"Ayaw mo ba ng tahimik? Okay nga 'tong walang nanggugulo sa atin, 'di ba?" inosente niyang tanong.

Mas lalo akong nairita lalo na't hindi na ako tinantanan nang isiping pupunta si Achilles sa cheap na birthday party ng haliparot na Evelyn na 'yon! I really hate that girl!

"Boring. Napakatumal ng buhay ko dito, Svetlana." Madrama kong inilagay ang isang kamay sa mga mata para takpan matapos pumikit.

"Bakit? Kung nasa Manila ka, anong ginagawa mo ngayon?"

"Ano sa tingin mo?"

"Nagma-mall?"

I laughed at that. Seriously? Mukha bang trip ko ang ma-malling?

"That's so lame! Why would you think that?"

"Hindi ba? Hindi ka ba mahilig mag-shopping?"

Rumolyo ang mga mata ko.

"Shopping is better outside the country. Isa pa, masyadong boring ang activity na 'yon! I'm not a fan!" Hindi mapakali akong umahon sa pagkakahiga at hinarap siya.

"I need something new! I want more thrill in life! An adventure, gets mo ba? Mababaliw na ako sa lugar na 'to!"

Walang ideya itong umiling sa akin. Naiinis lang kasi talaga ako at kailangan kong makahinga dahil kung hindi ay baka sumabog na naman ako bigla! I did not sent any text to Achilles because I was still pissed that he was going to that stupid party. At ang nakakairita ay hindi ko naman siya pwedeng pigilan doon! I know he have the right to be there because they were friends and I am still not his girlfriend, but my ego was hurting so bad!

"Anong gusto mong gawin?"

"You've been in this place longer than me. Bukod sa beach ano pang meron sa lugar na 'to?"

Nang makita ko ang pag-iisip niya ay nabuhay ang pag-asa sa puso ko.

"Alam kong may naiisip ka, where is it?"

Nahihiya itong napayuko. "Hindi ko alam kung paanong pumunta doon."

"Saan?"

"Sa falls. Cullasaga ang pangalan."

I think I've heard that place somewhere, but I am quite not sure. Tinawagan ko si Lisa pero hindi niya alam ang lugar. Mabuti na lang at alam ng aking driver kaya hindi naging mahirap ang pagpunta namin doon.

I prepared everything for our little excursion. Maging ang mga susuotin namin ay ako na ang naghanda. I loaded my luggage with alcohol and bought foods for her. Hindi ko binilang ang alak na naroon pero siguradong malulunod kaming dalawa o kahit ako dahil mukha namang hindi ito sanay uminom.

"This is beautiful, Lana..." hindi makapaniwala kong sambit habang nakatingala at pinapanuod ang paglaglag ng tubig galing sa itaas ng falls.

I've never been to a place like this. Masyadong tahimik at payapa na tila sa isang movie lang nag-e-exist. It was so beautiful. The water was pristine and the rock formations were astonishing!

"I know..."

"How did you know about this place? Eh kahit ang maid kong matagal na rito hindi alam ang lugar na 'to."

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon