CHAPTER 17

50.8K 1.9K 635
                                    

Chapter Seventeen

Meet You Halfway


Madilim pa nang magising ako pero lumiwanag na lang ang paligid ay nananatili akong nakatulala sa kisame.

I just couldn't believe that I fainted when he called me baby! My cheeks burned again. Nahihiya kong sinapo ang mga iyon at kinurot-kurot pa.

Oh my God! Tinawag pa lang akong baby sa unang pagkakataon ni Achilles ay nahimatay na ako, ano pa kaya kapag sabihin niyang mahal na niya ako? Baka atakihin ako sa puso at mangisay na lang bigla!

"Miss Cali! Gising na po!" rinig kong katok ni Lisa, alam nang kapag ganito ay ginigising na ako dahil hindi ako nagising sa dose kong alarm.

Nagmamadali akong tumayo para sabihing mag-aayos na, pero nanatili akong lutang hanggang sa pagkain ng breakfast.

"Okay lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Lili sa akin.

I nodded and then stared at her blankly. She was there when I fainted. Kung hindi nga raw ako nasalo ni Achilles ay baka napaano ako.

She said Archi was the one who performed first aid. At kahit nang balikan ako ng ulirat ay hindi ako nito iniwan. I still remember how worried he was. Kahit nga sinabi kong ayos na ako ay hindi siya kaagad umuwi. Malinaw sa akin ang lahat ng nangyari pagkatapos kong mahimatay.

"I-I'm fine."

"Sure po? May kailangan ka? Ang sabi ni Achilles kapag hindi raw maganda ang pakiramdam mo ay huwag mo nang piliting pumasok. Ako na lang ang magsasabi sa–"

"Papasok ako, Lili," I cut her off. Ibinalik ko ang atensiyon sa pagkain at saka muling pinilit na kalimutan ang lahat ng hiya. "I'm fine. Kaya kong pumasok."

Patuloy siyang nag-alala pero ipinakita ko maging sa kanyang ina na maayos lang ako. Sa huli ay wala nang nagawa ang mga ito kundi ang hayaan ako sa gustong gawin.

I still haven't texted him to say thank you. Hiyang-hiya kasi ako kagabi sa lahat ng nangyari pero ngayon ay plano kong magpasalamat sa kanya ng personal.

Pagdating sa school ay nakita ko kaagad si Lana sa parking lot. Sakto naman ang pagdating ng magpipinsang Cordova kaya kahit na gusto niyang umalis ay hindi ko siya hinayaang gawin.

I still remember what I did to Seidon yesterday. Hindi ako magso-sorry at kahit na alam kong wala akong karapatang manghimasok sa kung anong mayroon sila ni Lana ay gusto ko pa ring magkaliwanagan silang dalawa.

"Good morning!" masaya kong bati sa mga ito nang makalapit kami sa kanila ni Svetlana.

Agad kaming nagkatinginan ni Achilles pero dahil napansin ko ang pagkawala ng ngiti ni Venus ay sa kanya tumuon ang mga mata ko.

I really can't blame her for hating my friend. She was hurt and her feelings are valid. She needed time and that is okay, but that doesn't mean that I'll let her hate Lana forever.

"You need something?" tanong nito sabay tingin sa katabi ko.

"Yeah, my husband." I interject just to cut her gaze off of her.

Umiling lang si Venus at pagkatapos ay iniwan na kami. Napasunod naman si Riggwell at Nicolaus matapos kaming tipid na ngitian.

Nang mawala ang mga ito ay hinila ko kaagad si Achilles palayo sa dalawa. I wanted them to talk and I also wanted to thank him for what he did to me.

Binitiwan ko lang siya nang mapunta na kami sa kabilang banda ng kanyang sasakyan. Parang bigla akong napaso sa kanyang balat.

"Are you okay now?"

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon