Chapter Fourteen
Queen Of Rivers
"Slap me, Nicolaus." nababaliw kong sabi rito habang nasa tambayan kami.
Halos mailuwa niya ang kinakain dahil sa narinig sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay.
"Sige na! Kahit malakas keri lang! I swear!"
"Baliw ka talaga! I won't do that, Belcalis. Kahit suhulan mo ako ng ilang bote ng tequila hindi kita sasampalin para lang mapalapit ka lalo sa pinsan ko. That's so wrong in so many levels!"
Napanguso ako. I scrunches my nose when he shake his head again, disagreeing with my plans.
"Fine." masama ang loob kong sabi.
Ang totoo, ayaw ko naman talaga pero dahil baka doon mas maging malapit pa kami ni Achilles ay pwede na rin.
He missed me. I bit my lip when I remember our interaction. Na-miss niya rin ako! Baka sa susunod talaga, matuloy na ang kasal! Thank you in advance agad heaven and earth!
"Lakas ng tama mo. Buti na lang wala tayong pustahan kundi talo ako."
Mas lalong lumawak ang ngisi ko. Ipinagpatuloy ko ang pagkain habang inaalala ang mga nangyari ng araw na 'yon.
Achilles didn't just save me, he also did everything he could to punish the man that harassed me. Bukod rin doon, muli niya akong niyayang kumain. Kahit na tingin ko naaawa lang siya sa akin ay pinatos ko na rin bilang marupokpok rin ako.
I really missed him. Na-miss kong kulitin siya dahil talagang sobrang boring ng buhay ko kapag lumilipas ang araw na hindi ko siya nagugulo.
I know I annoyed him so much, but I couldn't stop. Mababaliw ako sa lugar na 'to kapag tinigilan ko siya. Kahit masyadong mabilis, he became the reason why I stopped questioning my family about throwing me to this place.
Maging si Kuya Sage ay nahihibang dahil sa ilang beses naming pag-uusap ay walang bakas doon na gusto ko pang umuwi. He was aware of my troubles, but since he was immune of that kahit nasa Maynila pa ako ay hindi na lang rin nag-aaksaya ng panahong pagsabihan pa ako.
Sa panibagong araw bago ang nalalapit na intramurals ay naging abala ang lahat at kahit paano'y tumahimik rin ang buhay ko.
I didn't signed up for any sports or joined any activity, but I had a plan to support Achilles to his games. Maglalaro siya ng volleyball at chess. Lahat ng oras no'n ay pinaghandaan ko na. I might ditch more class when it happens, but it's okay. I want him to know how supportive girlfriend I can be.
"Why?" Tumaas ang isang kilay niya matapos kong tanungin ang oras ng laban niya sa chess.
We're at the cafeteria. Sinundan ko siya nang makita ko habang palabas ng building. Actually, malayo pa naman ang mga laban niya pero gusto ko na talagang maghanda.
"Gusto ko lang malaman. I don't play chess and I don't know how everything works, but I don't mind watching you play. Gusto kong manuod."
Ibinalik niya ang mga mata sa binabasang libro at ibinalik ang mga kamay sa chips na nasa gilid. Napanguso ako nang hindi siya sumagot.
"Fine kung ayaw mong sabihin. Malalaman ko rin naman kapag malapit na."
He still did not respond. Busy siya sa pag-aaral kahit na bakante at sanay na rin ako sa gano'n. Kahit nga ang pagiging masungit niya, pero ayos lang. Sapat na sa aking makasama siya kahit sa kaunting oras.
"Wala ka bang ibang dapat gawin o pag-aralan lalo na sa susunod mong klase?" Tanong niya nang hindi ko itigil ang panunuod sa kanya.
I like watching him do his thing. It was really a turn on for me and I don't know why. Kaunting kibot niya ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Gano'n ako kabaliw.
BINABASA MO ANG
Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who lived his life imposing all the law, including the laws of love. - Danary Belcalis Amari De Valenti...