CHAPTER 15

49.8K 2K 944
                                    

Chapter Fifteen

Mrs. Cordova


We immediately hit it off. Kahit pa nagkaroon kami ni Achilles nang hindi pagkakaunawaan at ramdam ko ang paglayo niya sa akin dahil sa pagiging malapit ko kay Svetlana ay hindi ko iyon hininto.

I like the girl. She was like a lost sheep that needed saving. I defended her knowing that she was bad for me. Hindi pa humuhupa ang sarili kong issue sa mga kampon ng demonyo pero nagdagdag na naman ako ng panibagong pasanin.

I saw how disappointed he was of me again, but I gave him valid reasons. Kahit na hindi ko pa lubusang kilala si Svetlana ay patuloy ko siyang ipinagtanggol.

I did not want to become like one of these fools. Bullying comes in a lot of forms and not stepping up for someone was one of it. I don't want that. I've already experienced being bullied and hated and it wasn't a nice feeling.  Naranasan ko na iyon at ayaw ko nang maranasan pa niya lalo na't alam kong hindi niya iyon deserve.

As long as I can, I'll step in no matter what simply because I don't want her to feel what I've felt. I don't want her to suffer like what I did because she wouldn't handle it. Kaya kong sumalo ng galit sa kanya. For fucks sake I am a De Valentin, and I'll give these bitches some reason not to fuck with her. Kargo ko si Svetlana at kahit si Achilles ay hindi iyon mababago.

"Achilles Arquin Santistevan Cordova! Will you marry me!" malakas kong sigaw dahilan para magulantang ang lahat sa akin!

Agad kong hinila si Lana palapit sa magpinsan. Iritado pa rin siya sa akin at mas ramdam ko iyon ngayon lalo na't kasama ko si Lana. He's avoiding me, but he can't escape me now.

"What now, Belcalis?" Masungit niyang tanong nang magharap na kami.

Nicolaus was being silent. Alam kong pati siya ay hindi palagay sa pagsama ko sa babae bilang respeto na lang kay Seidon at sa kanilang buong crew.

I shifted my eyes back to Achilles. Mas lalong naglaro ang ngisi sa labi ko nang magdikit ang kanyang mga kilay.

"Didn't you hear me propose? Baby, it's a good day to get married," inginuso ko ang marriage booth sa isang dako ng field. "I know college students are too old for that shit, but it's your chance. Pagkakataon mo nang panagutan ako."

"What are you talking about?"

"Ayaw mo?"

Sinulyapan niya ng mabilis si Lana bago ako sagutin.

"I don't want that, Belcalis."

"Bakit? Gusto mo bang sa totoong simbahan ako pakasalan?" Nakangisi kong sabi.

Natawa si Nicolaus pero agad huminto dahil mukhang nauupos na naman ang pasensiya ng kanyang pinsan. Tumikhim ito para matigil sa pag-ngisi. Iniwasan niyang magkatitigan kami dahil baka parehas na lang kaming humalakhak.

Nico doesn't hate Lana. Iyon nga lang, kahit na wala siyang sama ng loob sa babae ay gusto niya pa ring umiwas para hindi na masaktan pa ang mga pinsang mas mabigat ang naging pagtanggap sa mga nangyari.

"Fine, pakasalan mo ako tapos hindi ako makikipag-away ng isang linggo."

"I don't care anymore, Belcalis—"

"Tatantanan kita ng isang buong linggo, pakasalan mo lang ako. No hard feelings." Pigil at harang ko rito nang akmang lalagpasan na kami.

Doon nawala ang pagkunot ng kanyang noo.

"Isang buwan."

"Kaya mo ba?" Nakangisi kong tanong imbes na sang-ayunan siya kaagad.

"Isang taon."

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon