Chapter Seven
First Kiss
Nakabusangot ako buong araw hanggang sa panibagong linggo dahil wala pa rin akong mapala kay Achilles. Talagang napapasubo ako sa ginagawa ko pero ayos lang. Bukod sa hindi na ako nabo-boring ay natutuwa pa rin naman ako kahit na puro pambabara lang ang nakukuha kong sagot sa kanya.
Tamad kong binuksan ang chat ni Nicolaus sa akin habang nasa cafeteria at lumiban na naman sa klase. Wala ako sa mood para mag-aral. Wala akong gana buong araw lalo na nang tuluyan akong matalo sa pustahan namin ni Nicolaus.
Kulas:
Thank you in advance Cali. Marami nang malalasing diyan. The best ka.
I sent an annoyed GIF. Sa ilang linggong pananatili ko sa lugar ay bukod kay Lilibeth, si Nicolaus kaagad ang naging close ko. Siya at si Riggwell ang madalas nagre-reply sa akin sa mga katanungan ko sa buhay. Makapal ang mukha ko sa kanila at sa buong angkan nila pero pagdating sa kanilang mga kaibigan ay ilag ako.
Ewan ko. I really don't feel like being attached to a lot of people. I don't want to have many friends. Sapat na sa aking mag-isa at tahimik ang buhay. Isa pa, kapag binalikan ng tino si Daddy at pabalikin ako sa Manila ay ayaw kong may maiwang iisipin rito, pero kung ma-in love naman sa akin si Achilles ay ako na mismo ang magboboluntaryong dito na tumanda. Baka kapag gano'n ay kaibiganin ko lahat ng lokal rito ultimo mga palaboy para isahang attachment na lang.
Nagtipa ulit ako ng reply ng makita ang pag-sent niya naman ng nakangising sticker.
Ako:
Oo na Kulas. Talo na ako, happy ka na?
Kulas:
Stop calling me that grabe ka.
Ako:
Kulas ang madalas tawag sa 'yo ng buong angkan mo at kasapi ako doon kahit natalo ako sa pustahan natin ngayon! Teka, baka naman talagang sinusulsulan mo si Archi para lang makuha 'yong tequila, ha?!
Kulas:
Baliw! Hahaha! Sinabi ko na sa 'yong walang panahon ang isang 'yon sa pakikipag-date. Binalaan na kita pero matigas ka.
I pouted at that. Kahit bigo ako ngayon ay wala pa rin akong balak na sumuko. Tuloy pa rin ang laban at pagwawagayway ng Bataan!
Ako:
Hindi pa tapos ang laban. Nanalo ka ngayon pero nasa akin pa rin ang huling halakhak tandaan mo 'yan.
Kulas:
Sure, sabi mo eh!
Napatuwid ako ng upo ng may maisip. Sa unang pagkakataon ay ginanahan akong mag-reply.
Ako:
Ibibigay ko mamaya 'yung alak. Iinumin mo na ba kaagad?
Kulas:
Oo sana?
Ako:
Kasama mga pinsan mo?
Kulas:
Ang talino mo rin talaga eh.
Ako:
Send me the details kung saan kayo para doon ko mismo dalhin. Thank you Kulas!
Lumawak ang ngisi ko nang thumbs up na lang ang isinagot niya kasabay ng detalye kung saan sila mag-iinom mamaya.
They said we'll have a party near the beach. Biglaan lang raw ang yayaan at sakto naman dahil may maiaambag daw siyang mga alak.
BINABASA MO ANG
Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who lived his life imposing all the law, including the laws of love. - Danary Belcalis Amari De Valenti...