CHAPTER 9

47.9K 1.6K 568
                                    

Chapter Nine

Laters Baby

Just like that, I became the most hated person in Universidad de Buenavista. I was labeled as bully. Turned out, kapatid pala ng kasalukuyang Presidente ng student council ang babaeng siniraan ko ng salamin.

I wanted to defend myself, but then I didn't really have the energy for that. I've lost my interest explaining myself to people. If they will hate me, then so be it. Iyon na ang paniniwala ko't pinaninindigan ngayon.

I wasn't born to please anybody anyway. Besides, people will still believe what they wanted to believe even if it wasn't the truth. Ears could hear and minds could process, but it takes courage to swallow it down to our hearts and grasp for the truth especially if it was a bitter one.

Hindi lahat ng may tainga ay nakikinig at hindi lahat ng nakikinig ay nakaiintindi. It was just a waste of time.

Sa mga sumunod na linggo ay talagang gumulo ang tahimik kong buhay. People really tested my patience. Hindi sila umuubra kapag nasa labas ng silid dahil alam nilang may mga bantay ako pero kapag nasa loob ay talagang harapan ang mga parinig lalo ng mga kaklase ko.

They also called me malandi. Gaya ng tawag ng mga babaeng nabira ko sa comfort room. I swear to God, kapag nag-krus lang ang mga landas namin ay hindi ako magdadalawang-isip na talagang pagsasapakin silang mga hayop sila.

Inis kong sinipa ang upuan na hinarang ng isang lalaki sa aking harapan. I removed my earpods irritatedly and then stared at him like a hawk.

"Putang ina ka, anong problema mo?!" singhal ko.

It has been a week full of bullying and I'm now so sick of it! Hindi ako lumalaban sa nga nakaraan dahil ayaw kong madagdagan pa lalo ang dahilan para iwasan ako ni Achilles pero itong mga anak ng hinayupak na 'to ay talagang hindi ako tinitigilan!

Muli kong sinipa ng malakas ang upuan nang hindi niya nagawang sumagot. Napangiwi siya ng tumama iyon sa kanyang tuhod.

Agad akong lumapit at wala nang sabing sinapak siya sa mukha. Sa gulat ay natumba siya sa sahig pero hindi ako tumigil. Itinukod ko ang tuhod sa kanyang tiyan at pwersahang hinaklit ang kwelyo na kanyang damit!

Other boys cheered for me. Ang mga babae naman ay lalong nairita at nagalit sa akin pero wala namang nagtangkang umawat o kahit lumapit.

"Hindi porket lalaki, hindi na kita papatulan! Tangina mo kung may bayag ako mas malaki pa 'yon sa 'yo kaya tigilan mo ako dahil ang pangit ng hilatsa ng mukha mo!" ubos na ang pasensiya kong singhal sabay tulak palayo at alis sa ibabaw niya.

Inayos ko ang tindig. Huminga ako nang malalim at sinamaan nang tingin ang mga nilalang na minadaling Diyos gawin. Hindi lang hitsura ang ni-rush kundi lalo pati ang mga panloob! Nakakawalang gana lalo!

"Ano?! Sino pang may gustong sabihin, huh?! Bukod sa malandi ano pa? Putang ina niyo akala niyo masasaktan ako sa mga salita niyo?! Fuck you kayong lahat kung gano'n! Mga walang kwentang nilalang!"

Mabigat ang mga paa kong naglakad patungo sa dulo ng silid. Sa unang pagkakataon ay tumahimik ang lahat. Kahit na may gustong magsalita ay walang nagtangka. Hiniling ko na sana mayroon dahil nag-iinit pa ako pero dumating na lang ang professor namin na tahimik ang lahat.

Kahit na sandaling natahimik ang buhay ko, hindi naman iyon naging parehas sa paglabas ko ng silid.

Sa mga sumunod na klase ay iba't-ibang pangit na mukha pa ang nakasalamuha ko. Ang ilan ay galit pa rin sa akin na akala mo ay nagawan ko sila ng masama samantalang ang iba ay nagre-recruit lang yata para kagalitan ako. Mga bored rin siguro sa buhay, letse.

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon