Chapter Eighteen
The Past
"Bakit ngayon ka lang sumagot, ha? Kanina pa ako tumatawag, Cali!" nauubusan nang pasensiyang bungad sa akin ni Orie nang sagutin ko ang pang labing-limang tawag niya.
Katatapos lang ng klase ko ngayong araw. I always put my phone on silent now because I don't want any distractions. Hindi rin naman tumatawag si Achilles sa akin o nagti-text kapag alam niyang nasa klase ako kaya wala akong hinihintay.
"What is it?"
"Naka-silent na naman ba ang phone mo?"
"Oh, may problema ka do'n? Nag-aaral ako ng mabuti Orianabel at katatapos lang ng klase ko. Ano ba 'yon? Nakakasira ka ng pag-aaral, makonsensiya ka naman."
Bahagya siyang nahinto at natawa sa kabilang linya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga mapaniwalaan ang pagbabagong buhay ko.
I told her that I'm really studying now. Noong una ay sinabi niyang gusto ko lang ma-impress si Achilles kaya ko ginagawa iyon at magsasawa rin ako pero ilang linggo na ang lumipas ay naninindigan pa rin ako kaya baliw na baliw siya sa akin ngayon.
"Ang lakas talaga ng trip mo! Anyway, wala gusto ko lang ibalita na naaksidente ang mga magulang ni Brix," bahagya siyang nahinto. Ang puso ko ay tinubuan kaagad ng matinding kaba, but I felt it fall when she continued. "Both were dead on arrival just this morning."
Natigil ako sa paglalakad at lutang na napatabi sa pasilyo. Parang bigla akong pinagpawisan ng malamig sa narinig.
Oo nga't masalimuot ang naging paghihiwalay naming dalawa ni Brixton, but I wouldn't wish something like that to him. I like his parents, too. They're nice and cool. Bago pa naging kami ng opisyal ay magiliw na ang pakikitungo ng mga ito sa akin. They're the one who really spoiled me with material things especially when he introduced me as his girlfriend.
Minsan nga ay nagtatampo na si Brix dahil mas mahal pa raw ako ng mga ito kaysa sa kanya. Mababait silang tunay kaya kahit na matagal na rin simula ng huli kaming nag-usap ng mga ito ay para pa rin akong nawalan.
"W-What exactly happened?" napasandal ako sa dingding habang mahigpit ang kapit sa aking telepono.
I may seemed heartless, but I do still have feelings. Nalulungkot ako at naluluha sa nalaman.
Brixton was an only child and even though he will surely inherit everything, he wasn't still capable of that responsibility. Ni hindi ko makita kung paano niya tatanggapin ang pagkawala ng kanyang mga magulang.
Orie told me what she knew. It was a plain crash. Patungo raw ng Cebu ang mga ito para sa mabilisang business meeting pero nagkaroon ng aberya sa ere. They were nice people and they were friends with almost everyone. Walang na-issue sa mga ito ni minsan kaya totoong aksidente ang lahat.
"I feel bad for him."
"He didn't go to school today. Ang sabi ng mga kasambahay ay nakakulong lang raw sa kwarto."
Sa kabila ng mga sakit na naramdaman ko sa pagtatapos ng relasyon namin ay nakaramdam pa rin ako ng awa sa kanya.
"Have you tried calling him?"
"No. Matagal ko nang hindi nakakausap 'yon dahil sinabi ko na ring wala na siyang mapapala sa aking impormasyon tungkol sa 'yo. He remained single though, and I don't think he has anyone right now. Maging ang mga kaibigan niya ay hindi rin niya hinaharap."
I heave a sighed. Umangat ang aking kamay sa aking batok at tumingala habang nakapikit at minamasahe iyon.
I know Brixton more than everyone. Oo nga't popular siya at maraming kaibigan, hindi naman siya iyong lalaking showy at mahilig magkwento sa totoo niyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who lived his life imposing all the law, including the laws of love. - Danary Belcalis Amari De Valenti...