Chapter Twenty-One
Mama
He really did not attended Eve's party.
Sumakto rin ang pagtanggi niya sa marami niyang gawain sa school kaya hindi na niya kailangang magpaliwanag sa babae. I was the happiest especially when I saw the cheap and boring photos of that girl's birthday party.
Ilang beses naparolyo ang mga mata ko sa drama nito sa cell group namin dahil sa hindi pagpunta ni Achilles. I didn't really have the energy to mingle with them, but I was pissed when I read her new chat.
Evelyn:
Hinanap ka ni Mama at Papa, Archi. Nakakatampo ka talaga.
Achilles:
I'm sorry. Sobrang naging busy lang talaga ako. Pasensiya na.
Evelyn:
Nagtatampo talaga ako sa 'yo, Archi. 😞
Kiel:
Uy bumawi ka naman Archi! Sobrang lungkot ni Eve no'ng birthday niya. Kulang tayo. Hinahanap ka rin nila Ate Rochelle. Sayang talaga.
Celestine:
Oo nga Archi! Hinintay ka pati ng mga kapatid niya. Wawa naman si Eve.
Evelyn:
Tampo ako. 😩
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-type ng message sa unang pagkakataon. Achilles is currently studying. Hindi ko ito ginugulo dahil nga nag-aaral at alam naman ng lahat na hindi ito nagpapaistorbo kapag gano'n kaya hindi na ako nakatiis.
Ako:
Drama mo naman, Evelyn! Bakit last birthday mo na ba 'yon?
Napangisi ako ng makita siyang typing. Nadedemonyo na naman ako. Tanginang haliparot 'to.
Evelyn:
Sorry. Hindi ikaw ang kausap ko kundi si Achilles.
Hindi ko napigilang matawa. Kung nasa harapan ko lang siya ay hahalakhak talaga ako sa mukha niya lalo na't alam kong ako ang dahilan kung bakit hindi pumunta si Archi. But still, I won't reveal that to anyone. Baka sunugin niya ako kapag nagkita kami ulit.
I replied again.
Ako:
Busy si Achilles nag-aaral kaya ako na lang ang sasagot para sa kanya para matigil na rin 'yang pag-iinaso mo. Huwag ka nang magtampo. Alam mo dapat masanay ka na kasi baka next year mas lalong hindi siya makapunta. He's our future doctor. Of course, mas uunahin niya ang mas IMPORTANTENG bagay kaysa sa 'yo, gets mo?
I can feel her rage even though we're miles apart. Simula nga ng dumating ako ay lumabas na ang totoong kulay niya. Minsan nga ay harap-harapan na niya akong iniirapan dahil iritang-irita talaga sa akin. I doubt she's been like that when I wasn't around. Feeling ko ay santa ito sa lahat lalo na kay Achilles noong wala pa ako.
Sa tagal ng pagta-type niya ang na-bored na ako. Nahimatay na yata sa galit sa akin. Magta-type pa sana ako para mas lalo siyang asarin pero hindi ko nagawa sa pagdating ng chat ni Achilles. Namilog kaagad ang mga mata ko lalo na't kapag nag-aaral ito ay madalas hindi talaga hinahawakan ang telepono.
Achilles:
Cali, please be nice. Hayaan mo na lang.
Napairap ako. I was defending him, but he also got a point. Inis akong napabuntong-hininga.
Ako:
Gusto lang kitang ipagtanggol. Alam kong napakabait mo at hindi titigil ang mga 'yon kapag hindi ka bumawi. Babae ako Achilles kaya alam ko na ang nasa utak ng mga 'yon.
BINABASA MO ANG
Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who lived his life imposing all the law, including the laws of love. - Danary Belcalis Amari De Valenti...