Chapter Three
Buenavista
I am wasted. My body was numb from alcohol, mj, pain, anger and fucking disappointment.
Nanlalata kong inangat ang hawak kong bote ng tequila. Orie was passed out on the lounger. Hindi ko na alam kung ilang oras siyang humihilik doon.
Pagkatapos naming umalis sa bahay ni Brix ay dumiretso kami rito sa kanila. Good thing her parents were currently out of the country. That gave us an opportunity to get more wasted... or should I say, get myself more hammered.
Matapos kong kunin ang ilang mga bote ng alak ng Daddy niya ay naabutan ko na siyang tulog. Hindi na kinaya ang kalasingan sa party pa lang. Imbes na huminto at yayain na lang siyang matulog ay nagpatuloy ang walwal ko.
I let her sleep while I silently chug the bottles of expensive tequila.
My phone was blowing up. Siguro dahil sa mga nangyari sa party kanina o 'di kaya naman ay galing na sa pamilya ko ang mga mensahe. Maybe they knew that I was missing.
Mapait akong napangiti. Bumuntong-hininga at pagod na ipinikit ang mga mata.
Nakakapagod rin pala ang ganito. I've never felt this way. Parang ilang milya ang tinakbo ko para mapagod ng ganito hindi lang ang katawan ko, maging ang utak at puso ko rin. I don't want to fight anyone now. I don't want to resist anymore. I just want to let myself feel tired.
Bago ko pa muling iangat ang alak ay nakita ko na ang pagkukumahog ng mga kasambahay nila Orie palapit sa amin.
I already knew what's up. Bago pa ako makatayo ay nakita ko na ang kapatid kong malaki ang mga hakbang palapit sa akin kasama ang aking mga useless bodyguards.
Muli akong napabuntong hininga pagkatapos ay tuluyan nang binitiwan ang hawak kong bote. Agad nagising si Orie sa tapik ng kanyang yaya.
"Belcalis!" umugong ang baritonong boses ni Kuya Sage.
Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata na handa akong tupukin ngayon dahil sa pagtakas ko.
Kung wala nga lang ang mga kasambahay at ang kaibigan ko ay baka siya na mismo ang kumaladkad sa akin paalis sa bahay na iyon.
It's almost sunrise. Marami siyang sinabi sa galit na boses pero wala na akong gusto pang intindihin. Mabilis kong itinaas ang dalawa kong kamay at sumusuko na sa lahat.
"You don't have to force me to go home. Uuwi ako, Kuya."
Nahinto siya, the disappointment in his eyes were still visible. Napayuko ako. There's nothing I can do to get him on my side. Sa pagkakataong ito ay talagang nawalan na ako ng kakampi at naiintindihan ko naman.
Inilahad ko nang magkadikit ang aking mga kamay sa harapan niya. That stopped him from talking again.
"Cuff me or whatever. Do whatever you want. I don't fucking care anymore."
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa kanyang bibig at agad na hinawakan ang aking palapulsuhan.
Isang tango lang ang iginawad niya sa kaibigan ko. Nagpasalamat naman siya sa mga kasambahay bago kami tuluyang lumayo.
I did not even had a chance to say goodbye to Orie. Totoong nawalan na ako ng pakialam sa lahat. Siguro ay dahil sa alak at lahat ng mga nangyari, pero baka rin gusto ko na lang talagang sumuko ngayon. I don't want to fight now. Gusto ko na lang magpahinga. I'm tired. I'm just so damn tired...
Daddy scolded me as usual. I smell like alcohol and cigarette and that made him so mad.
"You're leaving now, Belcalis! Ngayong araw rin ay pupunta ka na sa Buenavista at doon mo itutuloy ang pag-aaral mo!" his voice thundered on the four corners of his office.
BINABASA MO ANG
Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A rebel and savage girl who loves to break all the rules--falls in love with an innocent and religious man who lived his life imposing all the law, including the laws of love. - Danary Belcalis Amari De Valenti...