CHAPTER 25

79.8K 1.9K 307
                                    

Chapter Twenty-Five

That's What I like

"Of course, I'll accompany you." sagot ni Achilles sa kabilang linya ilang linggo pagkatapos ng hiking namin.

"Are you sure? Hindi ka busy?"

"I'll make time. I'm happy to hear that. Sasamahan kita."

"Oh, kalma! Nai-in love ka na naman, eh!" parehas kaming natawa dahil sa sinabi ko.

"You're really fond of children, huh?"

Wala sa sariling tumango ako sa screen. Sa pagbaba kasi namin sa Mt. Padayon ay may mga nadaanan kaming tatlong batang magkakapatid na pababa rin. Ang sabi ay mga ulila na sila at pupunta sa kapatagan upang manghingi, mamalimos ng pagkain.

Ang mga tour guide ay kilala na ang mga bata. Ang sabi ay nasunog ang tinitirhan ng mga ito at nasawi ang kanilang mga magulang. Wala ring mga kamag-anak ang mga ito sa malapit at dahil walang makukuhaan ng pagkain sa bundok ay bumababa ang mga ito para mamalimos.

Dalagita ang panganay at bitbit nito ang wala pang isang taon na bunsong kapatid habang hatak naman sa isang kamay ang isa pa. Nang makita ko ang mga ito ay hindi ko na nagawang pigilan ang sarili kong akayin ang dalawang taong gulang na kapatid na wala pang suot na tsinelas.

Everyone was shocked because of what I did. Lalo na si Evelyn na parang biglang lumiit ang tingin lalo sa akin dahil sa madungis na batang karga ko. Kahit na wala naman akong obligasyon sa mga ito ay hindi ko na inalis ang atensiyon sa kanila.

I interviewed Lesly while I carried his brother Luke down the mountain. Kakaunti na lang ang tubig namin at tiniis ko ang uhaw para ibigay sa kanila ang tubig kong natitira, tuluyan nang nawalan ng pakialam kay Eve at sa lahat.

Archi helped me after he realized my intentions. Kahit na marami siyang dala ay ito na ang umakay sa bata pababa para hindi ako mahirapan. Kapag kasi pinapababa nila Eve ay parang napupunit ang puso ko lalo na't nakayapak lang ito kaya hindi ko talaga binitiwan. I'm glad to accept his help. I honestly admired him more because of that.

Ngayong araw, matapos kong matanggap ang aking allowance ay gusto kong kausapin ang nag-iisang orphanage sa lugar para sa mga bata. They needed help and I have the means so I did not hesitate doing it.

"Hindi ba dapat normal na lang iyon lalo na sa kalagayan nila?" I answered him.

"You have a point, pero hindi gaya mong mag-isip ang lahat. May mga taong hanggang awa lang pero wala namang ginagawang pagtulong kahit na mayroon silang kakayanan."

Hindi ko naiwasang malungkot doon. He was right. Some people are just selfish. Eve for example. I'm not hating her because she likes Achilles, but because her actions was needed to be addressed.

Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako pandirihan lalo na't nadumihan ang damit ko dahil sa madungis na si Luke. I insisted our group to stopped by the river. Kahit paano ay nakapaglinis ang magkakapatid.

Pagkatapos ng klase ay doon kaagad kami dumiretso ni Achilles. Nanatiling convoy lang ang mga tauhan ni Daddy.

Nagpapasalamat akong sinamahan niya ako at sinabi ko sa kanya ang plano kahit na balak ko na lang sana iyong sarilinin dahil alam kong mahirap rin talaga iyong paniwalaan pagdating sa akin. Bukod sa perang dala ko, nakatulong rin ang presensiya niya para mapabilis ang lahat. The orphanage even promised us to expect action as soon as possible. Nagpresinta ang mga itong sila na ang susundo sa magkakapatid upang kupkupin.

"Sabihin mo na lang na nag-date tayo. Basta don't tell anyone about this." sabi ko sabay kagat sa hawak na burger.

Sa orphanage kami nagtagal kanina. I checked the facility. Maraming bata roon dahil iyon lang ang nag-iisang bahay ampunan sa lugar at talagang maging ang mga karatig lugar ay sa kanila rin umaasa. Wala na ngang space pero dahil sa pera ay hindi naging madali at maayos ang lahat. They already got in touch with the local government before we left the place.

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon