CHAPTER 4

60.6K 2K 908
                                    

Chapter Four

Unibersidad De Buenavista


Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom. Sa pagbaba ko ay sakto namang tapos na silang magluto. Pinabayaan nila akong kumain ng payapa sa hardin.

I don't feel like eating alone in the dining room. Hindi lang dahil malungkot na mag-isang kumain, kundi tingin ko rin ay ilang taon nang hindi iyon nagamit. I don't want to dine with my dead relatives. This house had a lot of history. Bago man ang halos lahat ng mga kagamitan ay alam kong sinubok na ng panahon ang bahay at kalupaang ito. Their spirits were probably still roaming around the property. I'm sure of it.

Tahimik akong kumain habang tanaw ang mga bulubundukin sa hindi kalayuan. The view gave me peace. It's a really peaceful town.

I never really asked my father about his life, his work or anything. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan kami nakapag-usap ng matino. I bet I was still young when that happened or maybe it never happened at all. I am basically a stranger to my father and to my own ancestral town.

Pagkatapos kumain ay nilibot ko ng mag-isa ang buong kabahayan. It was bigger than I thought. May sariling swimming pool, library, office, and even movie room. Sa likurang bahagi ay naroon ang malawak na farm. Doon ko nakita ang ilang mga kambing na ipinapastol sa malayo.

Ang sabi ni Lita kanina ay mayroong niyugan at ilang ektarya ng maisan sa lugar namin at ang lahat raw ng ito ay produkto ng pagsusumikap ng Don Anthonius De Valentin.

My great-great grandfather was famous here. Maging si Daddy ay kilala rin kahit na sa Manila ito naka-destino at matagal nang hindi nakakabisita sa lugar.

Napangiti ako ng makita ang ilang mga tauhang nangangabayo. I never tried horseback riding, but I'm interested. Parang masaya iyon. Napangiwi ako at agad na naipilig ang ulo.

Am I really being intrigue by this town now? I should be bored, right? It's a boring town. I mean, do they even have night life here?

Inalis ko ang tingin sa mga nakikita at naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Sa mga sumunod na araw ay gano'n pa rin ang ginawa ko at halos mabaliw na ako lalo na sa tuwing nakakausap ko si Orie na ang buhay ay masayang-masaya sa Manila.

"I missed you so much, Cali! Sobrang nabigla ang lahat dahil hindi ka na lang pumasok pagkatapos ng nangyari! You didn't even told me about it! Hindi ko in-expect na agad-agad kang ipapatapon ni Tito sa lugar na 'yan! Kung hindi ko pa nakita si Kuya Sage sa party kagabi ay hindi ko pa malalaman! Ni hindi ko matawagan ang cell phone mo."

Napanguso ako. Ilang araw iyong low batt at talagang iniwasan ko ring makibalita kaya nakapatay. Aside from familiarizing myself of this new town, I'm also thinking of ways how to get out of here.

Kahit na may mga bagay na nagpapa-kuryoso sa akin sa matumal na probinsiyang ito ay hindi ko pa rin gustong manatili rito. At mas lalo ko iyong nararamdaman ngayong kausap ko si Orie sa kabilang linya!

"Alam mo bang sa akin ka palaging hinahanap ng boyfriend mo?!"

"I don't have a boyfriend, Orie."

"Oh, you guys had a formal break up? Nag-usap na kayo?"

Napairap ako sa kawalan.

"We're done the moment he inserted his penis to another woman's vagina. Hindi ko na kailangan pang klaruhin sa kanya 'yon dahil siya na ang pumili ng kahihinatnan ng relasyon namin. He cheated on me," natawa ako ng sarkastiko, naiirita pa rin talaga kapag naiisip ko 'yon. "The audacity of him, Orie."

Rules and Rhythm (Cordova Empire Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon