Silently In Love (Completed)

By kevayDREAMER

328K 5.7K 798

This story is about love and friendship of high school students. Ashley Shaine Santos----Since First year inl... More

Silently In Love
Chapter 1: Best Friends
Chapter 2: ang sakit. Sobra </3
Chapter 3: since then
Chapter 4: IceCream
Chapter 5: Torpe at Manhid
Chapter 6: Miss Him
Chapter 7: Ghost??
Chapter 8: lub.dub.lub.dub
Chapter 9: Destiny
Chapter 9.5 : Kismet
Chapter 10: Hindi na sana umasa
Chapter 11: beside him
Chapter12: Knight
Chapter 13 Cupid </3
Chapter 14: Weird
Chapter 15: If I cry a thousand tears
Chapter 16: aylabshoochu
Chapter 17: Just a kiss
Chapter17: Just a kiss:baby (PART TWO)
Chapter 18: Under the moonlight
Chapter 19: Inexplicable Feelings
Chapter 20: Last Question
Chapter 21: Give UP?
Chapter 22: Future GIRLFRIEND
Chapter 23: Curiosity Kills
Chapter 24: Okay lang ako
Chapter 25: One thing
Chapter 26: Bahala ka!
Chapter 27: Tired
Chapter 28: Hindi kita iiwan
Chapter 29: Princess and Knight
Chapter 30.5 His Reason
Chapter 31: So close
Chapter 32: Leaving
Chapter 33: Always be yours
Chapter 34: Knight?
Chapter 34.5: Step Yes/No!
Chapter 35: Misunderstood
Chapter 36: don't worry
Chapter 37: Pain
Chapter 38: Christmas Ball
Chapter 39: I'll never go
Chapter 40: Like a Skyscraper
Chapter 41: December 16
Chapter 42: The Prince and the Knight
Chapter 43: The Prince and the Princess
Chapter 44: The Princess and the Knight
Chapter 45: You got me
PART2 SIL Chapter 46: Beginning
Chapter 47: Practice Game
Chapter 48: Student Teacher
Chapter 49: ST-Ashley
Chapter 50: I'm his GIRL
Chapter 51: GAME
Chapter 52: Fieldtrip
Chapter 53: Not a big deal
Chapter 54: Love Bite
Chapter 55: You and Him
Chapter 56: Their Secrets
Chapter 57: With him
Chapter 57.5 First
Chapter 58: Go back
Chapter 59: I exist
Chapter 60: He's back
Chapter 61: Video
Chapter 62: Pygmalion and Galatea
Chapter 63: Love me?
Chapter 64: Memories in the past
Chapter 65: Forever and always
Chapter 66: Heartache
Chapter 67: Please me
Chapter 68: Waiting
Chapter 69: Mine again
Chapter 70: Clingy
Chapter 71: Prom Night
Chapter 72: His Girl
Chapter 73: For real?
Chapter 74: Double Date
Chapter 75: Player
Chapter 76: Gift
Chapter 77: Dream
Chapter 78: Perfect
Chapter 79: Remember
Chapter 80: Task
Chapter 81: Decision
Chapter 82: Plan
Chapter 82: Again
Chapter 83: Do you love me?
Chapter 84: Still
Chapter 85: Three
Chapter 86: Say GoodNight
Chapter 87: Be your everything
Chapter 88: Say something
Chapter 89: End

Chapter 30: His Ex

3.6K 51 15
By kevayDREAMER

I want to dedicate this chapter to her! Thanks for reading! :"">

----------------------------------------------------------------------------------

Ex nya....si Daniel....

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa narinig ko.


Nakatayo lang ako habang nakatitig sa babaeng nasa harap ko...

Ex nya si Daniel....


Si Daniel rin kaya ang dahilan ng pag-iyak nya kanina?....

Akala ko ba wala pa syang nagiging girlfriend? Anong ibig sabihin nito? All this time, niloloko lang ba nya ako?....

Nahulog sa pagkakahawak ko yung Icecream. Pakiramdam ko nanlalambot ang buong katawan ko. Nagbabadya narin ang luha sa mga mata ko.

"Ok ka lang ba?"

Napatingin ako sakanya ng hawakan nya ang mga kamay ko.
Halata sa mukha nyang nag-aalala sya.

Lub.dub.lub.dub.


Daniel....bakit?... Bakit ganito nalang ang tibok ng puso ko pagdating sayo?

Hinila ko ang mga kamay ko para alisin sa pagkakahawak nya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hindi naman pwedeng magalit ako sakanya, ano namang karapatan ko? Hindi naman kami..

Tumango lang ako sa kanya at bahagyang ngumiti..


Ngiting alam kong lalong nagpapasakit sa akin ngayon.

"Jamielle!"

"ARAY KO! masakit yun ah!"

nagulat ako sa ginawa nya. Bigla nya kasing pinitik sa noo yung babae...yung tinawag nyang Jamielle...yung ex nya.


"tss. Ano ba kasing pinagsasabi mo?! Mamaya maniwala yang si Ashley!"

"Ashley? Sya si Ashley?!"

kunot-noo naman akong nakatingin sa kanila. Seriously, ano bang meron sa kanila? Naguguluhan na ako!


"yah! Ate Ashley! Ikaw pala yan! Ang ganda ganda mo pala talaga!"

lumapit sya sa akin at saka yinakap ako ng mahigpit.

"a-ahh.w-wait"

Ano bang nangyayari sa batang ito? Talaga bang naging girlfriend ito ni Daniel? Psh. Baka naman inuumpisahan na nyang maghiganti. Tokwa!

"Ano ka ba?! Wag mo nga syang niyayakap! Ako lang ang pwedeng yumakap sakanya!"

Sapilitan naman nyang hinila yung Jamielle. Pero nagmamaktol naman ito na parang bata. Tengeneng! Paano kaya yung relasyon nila nung sila pa?

"Ayaw! Kapal mo ah! Bakit? Boyfriend ka na ba nya?!"

"Aish! Pcha! Kanina ka pa ah!"

"ATE ASH OH!"

pumunta sya sa may likod ko at ginawa ba naman akong harang kay Daniel.


"ano bang nangyayari sa inyo?"

"yan kasing lalaking yan feeler!bleh!"

"Psh. Sige lang. Humanda ka talaga sa akin. Dahil sayo kaya naghintay ng matagal si Ashley..tara na nga Ash!"

hinila nya ako papunta sakanya.


Dahil sakanya? Eh akala ko ba dahil sa......


"Wag ka dyang sumama kay kuya, ate Ash! Panget yan e!"

hinatak naman nya yung kaliwa kong kamay. So, ngayon tug-of-war naman?!

Pero, WAIT! ano ulit sabi nya?! KUYA???!!

"kuya?"

tanong ko sakanya.

Ngumiti naman sya saka nagpeace sign. Tinignan ko naman si Daniel na nangingiting nakahawak sa may likod ng ulo nya.


"Jamielle po ate. Kapatid po ako ni kuya Daniel. Sorry!"

halos malaglag yung panga ko at lumuwa ang mga mata ko.


Jamielle..Daniel... Jey-mi-yel... Dey-ni-yel... Potapete! Bakit hindi ko napansin yun?! Kaya rin pala familiar yung mukha nya at kilos bata din sya.. Bakit hindi ko agad yun naisip?! Ampots! Aish! May pagdradrama pa akong nalalaman kanina! NAKAKAHIYA!

"Peace tayo ate ah? Love naman kita e! Tara na ate ash!"

humawak sya sa may braso ko, habang ako tulala parin.

"Hoy! Maiwan ka dito! Tandaan mo may kasalanan ka pa sa akin!"

hinawakan naman ako ni Daniel sa kabilang braso para pigilan. Arrrggh! Tug of war again?! Ako ang naiipit sa dalawang ito e!

"nakapunta ka naman ah?!"

"Pero pinaghintay ko sya!"

"bakit hindi ka kasi gumawa ng paraan para makatakas?! Tss."

"eh mahirap makatakas! Hindi ko yun gawain tulad mo!"

"eh anong ginawa mo para makapunta dito?!"

"tumakas! Aish! T*ena! Bahala ka kung gusto mong sumabay!Tara na nga Ash! "

"see? Talo ka na naman sa akin! Bleh!"

natatawa nalang ako sa kanila. Halatang ang sweet nila sa isa't isa. Hahahaha. Naiinis na si Daniel. Pikon pala sya pagdating sa kapatid nya.


Pumunta na kami sa kotse. Pinagbuksan ako ng pinto ni Daniel pero sumakay ako dun sa backseat sa tabi ni Jamiel.

Nagtawanan naman kami ni Jamielle. HAHAHA! makakasundo ko talaga ito. Paano ba naman kasi ang sarap asarin ni Daniel. Ayan oh, disappointed ang mukha. Pfft. Naiinis na yan.

Kinatok nya yung bintana ng kotse kaya binaba ko ito para makausap sya.


"what?"

inosente kong  tanong. Alam ko namang papalipatin nya ako e.


"So, ginawa nyo talaga akong driver? Tss. Dun ka na sa harap umupo Ash"

kitams? Nakakunot-noo pa sya habang sinasabi yun. Ahahaha.kawawa! Sana pala lagi naming kasama yung kapatid nya para naasar ko sya. Ang hirap kasing asarin nyan, ako lagi talo. Psh.

"ayoko! Gusto ko dito. si Jamielle na lang."

"NO WAY!"

"Ayoko!"

napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Yah! Magkapatid nga talaga! Pfft. Pareho ng nakasimangot uh. Ahahaha.


"Ok. Fine. Sabi ko nga, dun na lang ako"

lumipat na ako ng upuan bago pa magpatayan itong magkapatid.
Sumunod narin naman si Daniel.


Hayst. Ayoko ngang umupo dito sa harap kasi...

Lub.dub.lub.dub.


Waaahh! Kinakabahan ako. Yung puso ko, kinikilig na naman.


Tapos...tapos yung.... Seatbelt... *sigh Ito na naman. Kumakampana na naman yung utak ko. Ang hirap hirap na naman magkabit ng seatbelt.


Tatawagin ko sana si Daniel para magpatulong ikabit, kaso nga lang paglingon ko....


Lub.dub.lub.dub.


Napahinto ako at nanlalaki ang mga mata ko ng maramdaman ko yung labi nya sa labi ko.


Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi namin sinasadya. Pareho naming hindi alam kung anong gagawin.

"OHMYGHAAAD! I Didn't see it! I didn't see it!"

"AH!SHT"
naitulak ko sya ng malakas na dahilan ng pagkauntog nya.


WAAAAHH! hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magsosorry ba ako sa pagkakatulak nya? Pero hinalikan nya ako,dapat lang yun! Arrggh! Nakakahiya! Nakakahiya!


"I SWEAR! Hindi ko kayo nagkitang magkiss! OMG! OMG!"

Shetttt! Pulang pula na ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Itong kapatid pa nya talagang pinagsisigawan pa. Aish!


"Jamiel...."


"No,kuya! Wala talaga akong nakita.! Promise---"

"JAMIELLE!!"

Tumaas na yung boses nya. Sign na galit na talaga sya. Kunot-noo nyang tinignan si Jamielle. Natahimik naman ito. Kahit papaano pala kaya nyang patahimikin kapatid nya. Kahit papaano napapasunod nya ito at nagmumukha parin syang kuya kahit gaano pa katigas ang ulo ng kapatid nya.


Tumingin sya sa akin. Malungkot ang mukha nya, na parang gusto nyang magsorry. Pero, agad kong iniwas yung tingin ko. Hindi ko sya kayang tignan nuh! After nung nangyari may mukha ba akong maihaharap?!


Nakaharap lang ako sa bintana buong byahe! Shetttt! Magkakastiff-neck na yata ako! Gusto kong umayos ng upo kaso kinakabahan akong makita sya!

Ito na naman yung feeling na katulad dati...nung kay Vince.


Lub.dub.lub.dub.


Parehong-pareho yung naramdaman ko kanina. Parang umulit nga lang. Bakit ganun?


Sa totoo lang, mahirap kalimutan kung paano ako hinalikan ni Vince. Halos hindi nga ako makatulog nun. Buti na nga lang sembreak nung time na yun, kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko nga sya tinetext, hanggang sa makamove on ako sa pangyayari. Though, everytime na mapapansin ko yung lips nya, hindi ko maiwasang mailang. Eh pano pa kaya kay Daniel? Ang lakas pa naman ng amats nyan! Trip na trip ilapit yung mukha nya. Hindi ba nya alam na nakakatempt yun! Aish!


Hindi ko na natiis. Umupo na ako ng maayos. Nakakangalay kaya yung pwesto ko kanina!


Psh. Syempre, gamit ang peripheral vision ko, napansin kong ngumiti sya sa akin. AHHHHH! Kainis sya! Nagagawa nya pa talaga akong asarin!


Nagsaksak nalang ako ng earphones at ipinikit ang mga mata ko. Kunwari natutulog ako.


Ilang songs din ang napakinggan ko ng maramdaman ko ang pagkalabit nya sa akin. Tinanggal ko yung earphones ko at tinignan sya.


"What?!"

"We're here"

nangingiti nyang sagot. Napatingin naman ako sa likod, pero wala na si Jamielle.. OHMY!! Iniwan nya kami! It's just me and him inside the car. AWKWARD!!!

Dali-dali kong tinanggal yung seatbelt ko. Pero bago ko pa mabuksan yung pinto, hinawakan na nya yung kaliwang kamay ko.


Lub.dub.lub.dub.

"I'm sorry.. Hindi ko talaga sinasadya yung kanina, tutulungan sana kita kaso.."

"ok. Labas na tayo"

pinutol ko na yung sasabihin nya. Ayoko ngang pagusapan yun! Pero hindi nya parin binibitawan ang kamay ko kahit anong gawing hila ko.Napatingin na ako sakanya, at tulad ng inaaasahan titig na naman mga mata nya sakin.

"hindi tayo lalabas dito hanggat hindi mo ako napapatawad.."

"bitawan mo nga ako!"

"Forgive me first..."

"For what? Alam kong hindi mo yun sinasadya. There's nothing to say sorry! Kasalanan ko rin yun."

"but I did! Kung hindi kita pinilit umupo dyan hindi mangyayari yun!"

Ewan ko ba.Parang nakikita ko sakanya si Vince ngayon. Ganito rin nun. Yung tipong akala mo kinuha na nila yung pinakamahalaga sa babae. Pfft. HAHA Pero siguro iginagalang lang nila ako.

"Then, fine! Pinapatawad na kita!"

I smile at him to assure na ok lang talaga. Napangiti rin naman sya.


"bati na talaga tayo?"

"ayaw mo?"

pagtataray ko sakanya. Ang kulit kasi parang bata. Natatawa tuloy ako.


"hindi naman. Baka kasi gusto mong halikan ako ulit para quits na--Aray!"

hinampas ko sya ng malakas. Mga pinagsasabi, aish!

"hahaha! Joke lang. Wait lang, ako na magbubukas ng pinto"

lumabas na sya ng kotse. Ang gentleman talaga ng lalaking ito, kaya Mahal na mahal ko eh. Charot!


"May I hold your hand, my sexy Princess"
kinindatan pa nya ako at inilahad yung kamay nya sa harap ko.


Aish! Wag kang ganyan! kinilig ako!

"Whatever! Dami mong alam!"

iniabot ko nalang din yung kamay ko at lumabas ng sasakyan.


Ang laki pala ng bahay nila. Mas malaki kesa sa amin. At ang daming tao! Shettttt!! Kinabahan tuloy ako lalo.


"wag kang kabahan, andito naman ako."

napatingin ako sakanya. He smile at me, at itinaas pa nya yung mga kamay namin. Napangiti tuloy ako.

 "oh, Daniel! Bakit ang tagal nyo?"

may babaeng sumalubong sa amin. Siguro, mga age 30's sya. Matangkad saka morena, at ang ganda-ganda nya. Parang nakikita ko sakanya si Jamielle. Hindi kaya, mommy na to ni Daniel?


"Traffic po kasi. Uhmm.. Mom, she's the one I've been telling,Ashley....Ash, mom ko"

nanlaki pa ang mga mata ko. What?!! Mommy nga nya. Anong gagawin ko? Bakit hindi man lang sinabi ni Daniel, para hindi ako nabibigla!


Pasimple kong inalis yung kamay ko kay Daniel para makipagshakehands kaso nga lang bigla akong niyakap ng mother nya.


"oh, dear! Nice to meet you! You're so beautiful like what I imagined"

nakakablush naman. Pamilyang bolera yata sila Daniel. Pinapakilig ako.

"a-ahmm..Thank you po. Happy Birthday po pala tita."

Iniabot ko na yung gift ko at sya mismo nagbeso sa akin.

"Thank you! Come here, sweety! Ipapakilala kita sa mga angkan ni Daniel."

hinila ako ng ermat nya kaya nilingon ko si Daniel at hinila rin para samahan ako.


Pakilala lang, pachuva ek-ek na papuri, syempre hindi mawawala yung tuksuin na sagutin ko na si "Future Boyfriend" daw. Hayst. Si Daniel naman, feel na feel yung paghawak ko sa kamay nya. Pasalamat sya, kelangan ko sya ngayon. Psh.


"Mars, mabait talaga yang baby ko at matalino pa! Kaya maswerte yang si Daniel. Naku! Ewan ko ba sa anak ko bakit hanggang bestfriend nalang ang turing!"

Kumakain na kami ngayon. At ito, kasama namin mommy ni Vince na panay kwento about sa akin. Magkababata pala talaga sila ni Daniel. Ako naman, ngumingiti lang. Wala si Vince. Ewan ko kung nasan yun. Pero ok narin siguro, atleast hindi awkward kasi hindi pa yata alam ni tita na hindi kami naguusap ngayon.

"ang hina mo yatang kumain ngayon.."
bulong nya sa akin. Sinimangutan ko naman sya at saka inapakan yung paa nya.

"aww.sht! Joke lang"

mapangasar kasi! Kanina pa yan habang sumasandok ng pagkain, wag muna daw ako magdidiet. Eh kelan ba ako nagdiet?!!


"gusto mong maupakan?"
bulong ko rin sakanya. Nakangiti parin ako para hindi mahalata ng iba.


"niloloko lang kita, ang konti kasi ng kinuha mo.."

"eh nakakahiya kaya.."

"I told you to be yourself.. Wag kang mag-alala, sexy ka parin naman kahit marami ka kung kumain--AHH!"

nahampas ko sya bigla sa braso kaya napatingin ako sa harap namin. Lahat sila nakatingin sa amin. WAAAHH! Tokwa ka Daniel! Pinahamak ang good girl side ko. Ayan, busted na ako sa mother mo. Busted ka narin sa akin!


"Ay sori. Nasira namin moment nyo.Ang sweet nyo kasing dalawa. Naalala ko tuloy nung kabataan namin ng daddy niya. Ganyan din kami sa inyo, nagbubulungan. Yah! Tuloy nyo lang!"

Eh? Akala siguro kinikilig ako kaya hinampas ko si Daniel sa braso. Psh. MOM, ina-under ko po anak nyo. Hahaha!

Nahihiyang ngumiti ako. Feeling ko nga ang pulapula na ng mukha ko.

Tinignan ko naman si Daniel saka sinimangutan pero hindi parin nakuntento sa pang-aasar sa akin, inakbayan pa nya ako. Kaya naman pasimple ko syang kinurot sa may tagiliran.

Napakagat pa sya sa labi nya at tinanggal na yung pagkakaakbay sa akin. Hahahaha! Ano ka ngayon, bleh!


"kuya Daniel! Kuya! Laro na tayo!"

"huy,baby jas ko! Kumakain pa kuya Daniel nyo,maya na yang laro.!"

"iih! I want to play! I want to play with him.!"

hinihila na sya ni Jasper, kapatid ni Vince. Tumingin naman sya akin, asking if ok lang ba. Tumango na lang ako. Mukhang no choice naman dahil hindi sya tatantanan ni Jas.

"I'll be back. Excuse me!"


At ito na nga kinatatakutan ko kaya ayokong magpaiwan. Pagkaalis na pagkaalis palang ni Daniel, lahat na naman ng atensyon na sa akin. Puro tanong lang naman about sa akin. Parang iniinterview tuloy ako dito.

"Ashley, may something na ba sa inyo ni Daniel?"

halos muntik na akong mabulunan. Napainom tuloy ako bigla.

"oh, sorry! Nabigla yata kita sa tanong ko"

"ah, hindi po. Ok lang po. Uhmm..ano po kasi...uhmm..."


Shettt!!! Ano bang isasagot ko? Bakit napunta sa ganun yung tanong?


"nahirapan ka yata sa tanong ko. Hahaha. You don't need to answer, that was too obvious, I think.."


WAAAAHH! may something na nga ba sa amin? Ang alam ko lang kasi mas naging close kami at mas naging brutal ako sakanya. Halata ba?... Na we're both have the same feelings na ako lang ang nakakaalam?


"mars, itanong mo dapat kung may pag-asa ba anak mo.hahaha"

"oh, right! Is he has a chance dear?"


"Yes or No"
lunok! Lunok! *gulp


Of course,MOM! he has! YES na agad!

Ano ba? Sasabihin ko ba? Mamaya nyan lumaki ulo ng lalaki yun! Psh.

"uhmm..ano po...pwede po sa atin na lang po muna? Ayoko pa po kasing malaman nya."

"oh sure dear! So, it's a Yes?"

ngumiti nalang ako at tumango sakanila. Shettt! Kamatis na mukha ko!


"Yah! I'm so excited for both of you! Bakit hindi mo pa kasi sagutin?"

"Hindi naman po sa pinahihirapan ko sya or pinapaasa. Pero gusto ko muna po kasing iprove nya sa akin na mahal nya talaga ako...saka po,hanggang ngayon hindi parin po ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang bilis po kasi"

"ooh,dear! You're such a nice girl for my son. Tama lang yan, wag magmamadali"

"baby, mahal mo rin ba sya since before ka nyang ligawan? Kasi ang pagkakaalam ko, sya lang ang pinayagan mong manligaw"

naiiyak na talaga ako sa mga tanong. Bakit kayo ganyan? Daniel, my gwapong knight! Balik ka na dito! 


"uhmm..parang ganun na nga po"

"yiiiiee! Ang swerte swerte naman talaga ng inaanak ko"

"oo nga mars! Swerte ng anak mo"

"no, he's not lucky. He's blessed to have Ashley in his life..."


napanganga pa ako sa sinabi ng mother nya. OHMY! May pinagmanahan nga yata si Daniel. Pero syempre, napangiti parin ako sa sinabi nya. I'm also blessed to have him.

"ano ba yan ate! Hahaha. Ganyan na ganyan pamangkin ko. Manang mana sayo!"

"osha.ako naman magtatanong. Kanina pa kayo. Ah, iha. Bakit mo sya mahal? Ano nagustuhan mo sa apo ko?"


Eto na naman yung tanong na hindi ko alam kung paano ko sasagutin.

Napatingin ako sakanya na nakikipaglaro sa mga bata.
Bakit nga ba? Masaya lang ako basta makita lang kita. Lalo na yung ganyan, nakangiti ka.

"Until now, I really don't know po kung bakit sya. May kakaiba pong feeling na sakanya ko lang po nararamdaman. Maraming beses narin po nung maisipan kong kalimutan sya, but here I am., I still love him. I love how he smiles at me and touches my hand.. I love how he makes me happy.. How he protects me and being my Knight.. I love how he teases on me and being sweet everytime I get mad.. I love him for being just him.. I love everything about him.."

hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang sinasabi yun. Tinignan ko sila at lahat sila nakangiti sa akin. Si tita Ellaine nagpunas pa ng luha.

"I can feel that you really love him..and I know na ganyan din ang nararamdaman ng apo ko sayo"

"waah! Sana ganyan din magiging girlfriend ni kuya Vince ko, mars"

"She's one in a million."

"pagtyagan mo lang yang apo ko, sobrang pasaway at makulit pero hindi ka nyan sasaktan."

"ehemm..ehemm.."

napatingin kami agad sakanya. Ewan ko ba kung mahihiya ba ako or kakabahan dahil baka narinig or.....

"hahahahaha!"

"tss."


tawa kami ng tawa ng makita sya. May mga icing at icecream kasi sa buhok at saka sa mukha.


"Daniel,anong nangyari sayo anak? Hahahaha!"

"tss. Ang kukulit po kasi ng mga yun. Wait lang nga,maliligo po muna ako. Maiwan ko po muna kayo...Ash,dito ka muna ha?"


Lumapit sya at kinurot ang pisngi ko. Hahampasin ko sana sya kaso agad syang tumakbo. Arrrggh! Hinayupak na lalaking yun! Pinagdidiskitahan na naman pisngi ko.


Balik na naman sa tuksuan at kwentuhan. Nagkwento lang naman sila tita about kay Daniel nung bata sya. Naiimagine ko nga kaya tawa ako ng tawa! For sure super cute nya talaga noon.


30minutes na yata ang lumipas pero wala parin sya. Ang tagal naman maligo nun! Hindi nya siguro matanggal yung nasa buhok nya. Hayst. Kanina pa ako tingin ng tingin sa cellphone ko, baka kasi nagtext na sya.


"Ashley? If you want, pwede mo namang puntahan si Daniel sa room nya. Baka naiinip ka na.."

"ay, hindi na po. Ayos lang po ako dito"

"Puntahan mo na. Para makita mo rin yung kwarto nya. Hindi naman nagsasara ng pinto yun, you can go there..Akyat ka nalang then hanapin mo sa left side room nya."


"oo nga,baby. Baka naiilang ka dito kasi puro mga alam mo na. Hahaha!"

"ah, sige po. Thank you po. Excuse me lang po muna"

Tumayo na ako at pumasok sa bahay nila. Grabe ang laki. Saka maganda. Mayaman pala itong lalaking ito. Wala man lang tao sa loob ng bahay, wala tuloy akong matanungan.

Umakyat na ako at tulad ng sinabi ng ermat nya, sa left side daw. Hindi naman daw nagsasara ng pinto yun kaya panigurado itong kwarto na nakauwang yung pinto.


Habang papalapit ako ay bumibilis ang tibok ng puso. Parang kinakabahan ako.

Hinawakan ko yung doorknob at sinilip yung loob.... Pero laking gulat ko na iba ang nakita ko.


Napaatras ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kagat-kagat ko lang yung labi ko... Sumisikip yung dibdib ko sa nakita ko..



Si Vince.....


Nakita ko syang kahalikan si Jamielle...

*****

to be continued :")

VOTE.COMMENT.FAN! :">

yah! nagmamadali aketch. singit singit lang. sa monday ko nalng ito aayusin saka yung dedic sa monday narin. :D


loveyoudears! :**

thanks sa pagread.

Continue Reading

You'll Also Like

898K 7.8K 13
Asher experienced downfall when his first love died. He shut everyone out of his life. He became addicted to all his vices and he chase death just s...
175M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
3.4M 56.6K 18
"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini. My FOREVER triggered when you smiled a...