HE WANTS ME BACK

By ValynGirl1314

21.5K 396 23

STARTED: AUGUST 4 2020 ENDED: DECEMBER 5 2021 More

Author's Note
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 23

339 10 8
By ValynGirl1314

Sharlyn's POV

"Kendall,nakikinig ka ba sakin? Ang sabi ko gusto ni Blake na lumabas kami bukas."

"Mmm," hindi ako makapaniwalang makatingin sa kanya ng iyon lang ang sinagot nya. Nandito kami ngayon sa kwarto ko, gabing-gabi na pero bukas na bukas pa rin ang mga mata namin ni Kendall. Simula kasi ng makauwi ako galing BIS Com ay hindi ako tinigilan ng utak ko na paulit ulit pine-play sa utak ko yung mga katagang sinabi sakin ni Blake sa harap ng kotse nya.

"Yon na yun? Hindi ka man lang magagalit? O kaya naman e magbabantang patayin yung lalaking yun na palagi mo na namang ginagawa?" pangungulit kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga sya bago ako hinarap, hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Alam mo, Beshie sa totoo lang...pinatawad ko na si Blake."

"Paano nangyari yun?"

Tinanggal nya ang pagkakahawak sa mga balikat ko at kamot batok na ngumiti sa'kin.

"Matagal na, simula nung niligtas ka nya sa mga kidnapper. Na-realize ko ng mga oras na yun at natanong ko rin sa sarili ko na, bakit nga ba galit ako sa lalaking 'to? Wala syang ginawang masama sakin, hindi nya ako sinaktan para kamuhian ko sya. Well, let's say na sinaktan nya ang Beshie ko pero wala pa ring dahilan na magalit ako sa kanya dahil na the first place hindi naman ako involve. Tama ba ako,Beshie?"

"H-hindi ko parin maintindihan kung bakit ganun ganun mo nalang sya kabilis patawarin. Ako,ako na kaibigan at halos kapatid mo na rin ang sinaktan nung lalaking yun." Kunot-noong ani ko sa kanya.

"Beshie, makinig ka sa'kin." Hinawakan nya ang kanang kamay ko at pinisil-pisil ito para ipahiwatig na makinig ako sa kanya at wag agad bumuo ng mga konklusyon, ginawa ko naman yun. "Hindi ba kahit ganun kasungit ang Blake ay naging kaibigan ko sya."

"Tapos?"

"Ang gusto ko lang sabihin e, kung ikaw ang pinanigan ko all this year, hindi ba mukhang unfair naman sa part ni Blake na kaibigan ko rin?"

"Anong unfair dun? I'm your bestfriend kaya ako ang kakampihan mo." Pinisil nya ulit ako sa kamay ng medyo tumaas ang boses ko. Bumuntong hininga naman ako para huminahon.

"Kaya nasabi kong unfair kasi imbis na wala akong pinili sa inyong dalawa, imbis na nakinig ako sa part ni Blake edi sana matagal na kayong ayos."

"Anong ibig mong sabihin?"

Biglang natahimik si Kendall ng itanong ko yun at ma-realize na may nasabi syang hindi dapat masabi. Mas lalong akong na-curious dahil sa pananahimik nya.

"Kendall, anong ibig mong sabihin na dapat matagal na kaming ayos ni Blake kung nakinig ka sa part nya?"

"Beshie..."

"Sabihin mo sakin, ano yun?"

"I'm really sorry, Beshie...pero hindi ako ang tamang tao para sabihin 'to sayo. Ang masasabi ko lang may dahilan si Blake kung bakit nya nagawang magloko sayo limang taon na ang nakakalipas. Matutulog na ako."

Naiwan akong tulala at gulong gulo sa huling sinabi sa'kin ni Kendall. Anong dahilan ang sinasabi nya? Dahilan na mas mahal ni Blake si Ate kesa sakin? Dahilang ano? At saka bakit nalang naging gaun bigla si Kendall? Kama-kailan halos patayin na nya si Blake sa galit, tapos ngayon bigla nalang ganito?

May mali talaga dito, hindi ako tanga para hindi mahalata yun. Nung una pinalampas ko lang dahil baka ganun lang talaga, pero dahil sa sinabing yun ni Kendall hindi na pwedeng wala akong gawin.

Dahil sa mga iniisip ko ay nahirapan akong makatulog kaya ang kinalabasan ay naglalakihang eyebugs ang inabot ko.

"Mommy, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Princess ng makita ang itsura ko, natigilan din ang iba katulad ko sa tanong nyang yun.

"Yes, baby marami lang iniisip si Mommy." I pat her head while saying those answer. I can do this, isa ito sa mga inisip at pinagplanuhan ko kagabi kaya kailangang magawa ko 'to ng walang back out useless lang ang puyat ko kapag nagkataon.

"And what is it, Mommy?" inaasahan ko na ang tanong na yun ni Princess kaya kumuha mo na ako ng lakas ng loob at mabagal na bumuntong hininga.

"I'm thinking if the of you three want to know your...father."

Narinig ko ang nagbagsakang kubyertos sa sinabi.

"Honey..." halata sa boses ni Mom ang pag alala ng marinig ang sinabi ko, nginitian ko lang sya para ipahiwatig na ayos lang at nilingon ang tatlo kong mga anak.

"Naisip kasi ni Mommy na napaka-selfish na nya sa part na ayaw nya kayong ipakilala kay Daddy, kaya naisip ni Mommy na kahit papaano man lang ay may kaalaman kayo tungkol sa daddy nyo."

"M-mommy..."

"I can't bare seeing you three clueless about your father anymore. Hindi ba nangako si Mommy na kapag reday na sya dun nya lang kayo ipapakilala kay Daddy?" tumango naman sila. "Naisip kasi ni Mommy na habang nagre-ready sya ay ire-ready nya rin kayo kapag nagkita na kayo ng Daddy."

Lumingon pa ako kay Kendall pero agad din itong umiwas ng tingin, sobrang gulo talaga ng isip ko kagabi. Kung pwede lang maging isang libro ang mga tanong sa isip ko ay nangyari na.

"M-mommy!!" naiiyak na yumakap sakin ang Prinsesa ko sa hindi ko malamang dahilan, ginantihan ko rin naman ito ng yakap.

"What's the problem, my Princess?"

"I-I'm just happy, Mommy because after the long wait of wanting to know my, our D-daddy you finally agree, Mommy." Nagulat ako sa sinagot na yun ng Prinsesa at agad na nilingon sina Jhon at Brayle na agad na napaiwas ng tingin.

Ang tanga mo, Sharlyn! Habang iniisip mo ang sarili mong pagmo-move on hindi mo na naiisip ang nararamdaman ng mga anak mo!! Paano mo nagawa yun?! Habang sila patuloy na iniintindi ang nararamdaman mo ay patuloy naman silang nagpipigil na magtanong para lang sa sarili mong kapakanan.

Kulang na lang ay pukpukin ko ang sarili ko sa katangahan ko. Sinenyasan kong lumapit sina Jhon at Brayle na mabilis namang sumunod at mahigpit silang niyakap. "Patawarin nyo si Mommy at hindi nya man lang inalam ang nararamdaman nyo. Don't worry, hindi na ulit ito mangyayari... lahat ng gusto nyong itanong tungkol sa Daddy nyo ay sasagutin ni Mommy, okay? " ramdam ko naman ang pagtango nila, mabilis na lumandas ang luha ko sa mata bago ko sila bigya ng tagiisang halik sa mga ulo. I'm really sorry...

("Where are you?")

Ganyan ang bungad sa'kin ni Blake sa message nya ng magbukas ako ng cellphone ko. Hindi makapaghintay, tsk tsk.

("Papunta na.")

Pagkatapos kong itipa ang mga salitang iyon ay agad ko ng binalik sa sling back na suot ko ang cellphone. Lumingon ulit ako sa bahay sa huling pagkakataon bago sumakay at pumunta sa napagusapan naming lugar ni Blake.

Hindi naman ako nahirapang hanapin si Blake dahil angat na angat ang karisma nya sa kababaihan. Lumabas ako sa sasakyan at lumapit sa lalaking mukhang kanina pa naiirita at naiinip sa kinatatayuan nya.

"You're 15 minutes late."

"Pasensya ka na may ginawa pa kasi ako sa b-bahay." Tumitig lang sya sa'kin hanggang sa pasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya kaya agad akong napaiwas ng tingin sa kanya pero mukhang mali ang ginawa kong kilos dahil nakita ko ang gulat sa mga mukhang ng mga taong nakakita samin.

'Hindi ba yan si Queen S-I mean Sharlyn, anong ginagawa nya dito at bakit magkasama sila ni Mr.Smith?'

'Oo nga si Sharlyn nga yan, ang ganda nya pala talaga sa personal, nu?'

'Tama ka dyan...pero anong ngang ginagawa nya dito? Tapos magkasama pa sila ni Mr.Smith and tignan mo pa yung mga damit nila, hindi pang-work.'

'Hala,tama ka nga...wag mo sabihing---'

"We need to go." rinig ko ang singhalan ng mga tao nung makita nila ang biglang paghawak ni Blake sa kamay ko.Agad na namula ang magkabila kong pisngi at hindi pilit na binabawi ang kamay ko kay Blake habang nakayuko. Nakakahiya! "Sakay."

"Pero yung sasakyan ko..."

"Ako ng bahala sa sasakyan mo."

"Pero---"

"Take a long time for people to approach us" nagdadalawang isip akong napatingin sa kotse ko, ang tao sa paligid at kay Blake. "Faster."

Bwisit.

Napipilitan akong sumakay sa kotse nya at mabilis naman syang lumiko papuntang driver seat at walang sabing pinaandar ang sasakyan. "We shouldn't met there. " Hmmpp, ang sabihin mo lang ikinahihiya mo ko- wait WHAT?! NO, no wala akong sinasabi---

"Sharlyn!"

"H-huh?"

"I said get my phone in the bag..."

"A-aahh, okay...nasa yung bag mo?"

"Backseat." Mabilis ko namang nakapa yung bag nya, nilagay ko ito sa hita ang itim nyang bag na matagal ko ng hindi nakikita. Nasa kanya pa rin pala 'to...

Hinula ko lang kung saan nya nilagay yung cellphone nya at nagulat ako dahil dun nya pa rin sa secret pocket nilalagay yung cellphone nya. Inilahad ko sa kanya yung cellphone habang nagsasarado ako ng zipper nung bag pero natigil din ng hindi nya 'to kunin. "Huy, akala ko ba---Ayy oo nga pala."

"Tsk."

Bakit ko ba nakalimutang ayaw nya nga palang may hawak syang kung ano kapag nagda-drive? Malay ko bang hanggang ngayon ay ganun pa rin sya.

"Go to may contacts and call Vince."

Hindi naman na ako nagreklamo at tinawagan na si Vince.

"Yes, Mr. Smith?"

"U-umm Vince..."

"Sharlyn?!" halata sa boses nito ang gulat ng ako ang sumagot,buti nalang at sinenyasan ako ni Blake na ilapit sa kanya yung cellphone.

"Go to Reachel flower shop and get Sharlyn's car."

"Aba'y---at bakit naman napunta sa flower shop ang kotse ni Sharlyn? Bakit kayo magkasama? At bakit sa lahat ng pwede mong tawagan, e ako pa? Huh?"

"Tsk, just do what I said."

"Busy ako---"

"MONTEVERDE!"

Ramdam ang pagkapikon sa boses ni Blake na syang ikinatakot ni Vince.

"Ito na, ito na... Ano happy ka na?" may pagkasarkastikong tanong nito kay Blake, Blake just tsked and he himself ended the call.

Ibinalik ko nalang ulit yung cellphone nya sa bag at mas piniling manahimik habang nasa byahe. Pero hindi ko kinaya ang katahimikang namamagitan samin kaya nagtanong na ako. "Saan ang punta natin?"

"We can't come out looking like this." bigla akong napatingin sa damit ko sa sinabi nyang yun, okay naman a. "What I want to say is the scene earlier." Dugtong nito ng makitang hindi ko nagets yung sinabi nya.

Ahh tama sya, hindi nga talaga pwede. Alam na ng lahat ng umiidolo kay Queen S na ako yun. Yung runway kasi kahapon ay napagplanuhan kong magpakilala na, hindi ko naman inaasahan na sobrang rami ko pala talagang taga-hanga dito sa pilipinas, kaya naging instant celebrity ako ng wala sa oras.

Kaya ganun nalang ang reaksyon ng mga tao nung makita nila ako na kasama nga ang iniidolo rin nilang business man na si Blake. Talaga naman o.

"We're here." Hindi pa man ako nakakapag react e, nakalabas na ng sasakyan si Blake kaya wala akong naging choice kung hindi ang lumabas din sa sasakyan. Anong ginagawa namin sa gasoline station?

Mas binilisan ko pa ang lakad at kakalabitin na sana sya ng bigla itong humarap sa'kin kaya halos maduling ako sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Bago pa man ako makapagsalita ng kung ano ay may hinarang na agad sya saking bag. "Wear that."

Lito ko naman itong tinanggap at tinignan ang loob. "Anong gagawin ko dito?" tanong ko ng magpagtantong damit pala yung nasa loob.

"Of course wear it, we can't go around while looking like this. Remember your not a SIMPLE person now." Parang nauubusan ng pasensyang paliwanag nito sakin, naintindihan ko naman ang pinupunto nya kaya hindi na ako nagtanong pa ng kung ano at nagsimula na ngang pumunta sa may cr ng gas station para magpalit. Hindi naman nagtagal ay lumabas na ako ng cubicle, inaayos ko pa ang suot suot kong jacket habang nakatingi sa salaman.

"Nagmukha tuloy akong magnanakaw nito."

Banu ba naman lahat ng kulay ng suot e kulay itim, pati yung mask at sumbrero. Kulang nalang talaga baril magnanakaw na magnanakaw na talaga ang itsura ko. Nag-ayos pa ako sandali bago napagdesisyunang lumabas na ng cr, agad ko rin namang natanaw si Blake na mukhang nagpalit din. Riding in tandem na ang peg namin o kaya grim reaper.

Hindi ko inaasahan sa paglabas pala namin e ganito ang mangyayari. He really full of surprises,tss.

"Naku..."

Hindi pa man napapatay ni Blake ang makina ng sasakyan ay lumabas na ako at tuwang tuwang inilibot ang tingin sa buong lugar. Hindi ko mapigilang kiligin dahil sobrang tagal na simula nung huli akong makapunta sa peryahan.

"Hindi naman halatang masaya ka."

Napalingon ako kay Blake ng iyon ang sabihin nya pero imbis na mainis sa kasarkastikuhan nya ay nakangiti akong napatanong sa kanya. "Paano mo nalamang---"

"May magbubukas ng perya ngayon?" pagtutuloy nya sa tanong ko, tumango tango naman ako. "I know everything." Hindi ko maintindihang sagot nito.

Tatanungin ko pa sana sya ng may mahagip akong tindihan ng hagis barya. Parang biglang nagbalik bigla sakin ang mga alala ko nung mga times na kapag stress na stress ako ay sa peryahan ang punta ko.

"Blake, tara!!"

Wala sa sarili kong nahawakan ang kamay nya at tuwang tuwang hinila sya papunta sa hagis barya. Kung hindi nyo alam kung ano yung tinutukoy ko, ito yung maghahagis ka ng piso sa isang lamesa na puno ng numero. Paswertehanat pagalingan lang talaga sa pagbato ang larong ito. Talagang magiging isang daan ang pera mo kapag magaling ka talaga. Hindi ko alam kung anong tawag nyo sa larong yun pero sakin hagis barya ang tawag ko dun.

Marami ng tao ang nakapaligid dun pero nakuha ko paring makipagsiksikan hindi naman ako nahirapang makapunta sa may harapan. Kakapain ko na sana ang bulsa ko para kumuha ng barya pero dun ko lang narealize na damit na binigay sakin ni Blake ang suot ko at nasa bag ang pera ko.

"B-blake baka---"

"Here." Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ay nagbigay na'to sakin ng baryang nakasupot. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya, napailing iling nalang sya sa reaksyon ko. "I know you will ask for that, so I prepared... Go, play."

Hindi ko napigilang mapangiti dahil alam na alam nya talaga kung anong kailangan ko. "Thank you." Sincere kong sabi dito bago ako tumaligod sa kanya at sinimulang maghagis ng barya. Seryoso ako sa bawat hinahagis kong barya at hindi ko mapigilang mapapadyak sa sahig kapag bukya ang nakukuha ko.

"Kainis naman e." nagigigil kong bulong, ang tagal ko ng hindi naglalaro ng ganito kaya mukha tuloy first time kong maglaro dahil wala talagang pumulunta sa premyo sa bawat hagi ko ng barya. Malapit na ring maubos yung binigay saking supot na barya ni Blake kaya mas lalong akong napipikon. "Isa nalang, kapag hindi pa 'to tumama ayoko na."

Bumwelo na ako para tumira at ng mahagis ko na ay halos maglumapasay ako sa inis. Wala pa rin!!

"Bahala ayoko na." may narinig akong bungisngis sa likod ko kaya napalingon ako, si Blake lang pala halos makalimutan kong kasama ko nga pala sya ang tahimik nya kasi. "Bakit?"

"Tsk, it's nothing."

"Okay...Oh." Sabay abot sa kanya nung mga natirang barya.

"What am I going to do with this?"

"Itago mo nalang masasayang lang yan, wala ako sa momentum ngayon e."

"Not in momentum or, are you really a loser?" nang iinis nitong tanong, inirapan ko nalang sya at hindi na inaway ng may mahagip na naman ang mga mata ko. Mmm mukhang maganda yun ah.

"Tara na, mas maganda itong nakita."

"I think I'm gonna regret this day, tsk"

****
Dreame Acc: ValynGirl1314

Continue Reading

You'll Also Like

71.7K 884 29
Being in love is nice, but it hurts when the person you love, loves someone else. *** Sabrina Faye Ferrer, is a kind of woman with a golden heart. Sh...
6.2K 154 69
Untamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphir...
564K 14.4K 47
Sabi nga nila... Matandang mayaman madaling mamatay... Noon,tinatawanan ko lang ang kasabihan na yan... Pero isang araw..nagulat nalang ako dahil kai...
73.9K 1.5K 35
Matagal ko na syang gusto pero never nya akong napansin, and now im his private nurse at tanging nakakasalamuha nya sa kanyang malungkot na mundo, ma...