The Meaning of Wife (KimXi Fa...

By MiaBacolodDelaFuente

457K 5.1K 1.1K

Isang storyang naglalahad ng damdamin ng isang babaeng minsang nagmahal, minsang nasaktan ngunit patuloy na l... More

The Meaning of Wife (KimXi Fan Fiction)
Prologue
Chapter II - Time Issues
Chapter III - One Step Closer
Chapter IV - Who is Who?
Chapter V - Thank God, It's Friday!
Chapter VI - Trouble is a Friend
Chapter VII - Mélancolie
Chapter VIII - His Property
Chapter IX - Settling Down
Chapter X - Confrontations
Chapter XI - Giving Chances
Chapter XII - Pregnant or Not?
Chapter XIII - Bad to Good
Chapter XIV - His Sweet Side
Chapter XV - Ticket To One's Heart
Chapter XVI - Guilt Reigns
Chapter XVII - Paradise
Chapter XVIII - Hugs and Kisses
Chapter XIX - Hospital
Chapter XX - Secrets
Chapter XXI - Martyrdom
Chapter XXII - Her Sentiments
Chapter XXIII - It Might Be You
Chapter XXIV - The Blessing
Chapter XXV - On Being A Father
Chapter XXVI - One Sweet Day
Chapter XXVII - Tokyo Love
Chapter XXX - Land of the Rising Sun
Chapter XXXI - Picture Perfect
Chapter XXXII - More Than Words
Chapter XXXIII - He Chose Her
Chapter XXXIV - Time Management
Chapter XXXV - Hatred Starts
Chapter XXXVI - Decisions
Chapter XXXVII - A Little Too Late
Chapter XXXVIII - Separate Lives
Chapter XXXIX - Lady In Red
Chapter XL - Business As Usual
Chapter XLI - Motherly Side
Chapter XLII - Real Deal
Chapter XLIII - Ohana
Chapter XLIV - Significance of a Woman to a Man
Chapter XLV - The Meaning of Wife

Chapter I - Math of Investment

16.7K 141 20
By MiaBacolodDelaFuente

November 6, 2012 nu’ng sinimulan kong isulat ang librong ito. Nasa SM ako nu’n. Loner ako, kaya naisip kong bumili ng ballpen at notebook sa National Bookstore para may pagkaabalahan ako. Bayaran kaya ako ng NBS sa libreng advertisement ko? :P

 

New story na naman po. Sana suportahan niyo the way you did nu’ng sa Whirlwind Romance. God bless us all.

 

 

-Mia

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KIM’S POV

 

Last year in college, finally! Dalawang semesters na lang, matatapos na rin ang dileryo ko! Nakakapagod kasing mag-aral. Lalo pa on my part na I’m maintaining my grades as a candidate for Summa Cum Laude. Sa awa ng Diyos, nasa Dean’s List pa rin naman ako. First day of school, maaga akong nagising. Gusto ko kasing maagang pumasok para iwas siksikan. First hour in the morning pa lang, pero I’m already on my way to the university I’m attending.

Oh siya nga pala. Let me introduce myself. I am Kimberly Sue Yap Chiu, 4th year student of University of the East, taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management. It’s my parent’s choice na ito ang kunin kong kurso. Nag-iisang anak ako, so gusto nila, ako ang magpapatakbo ng mga hotels namin pagdating ng panahon. Kung ako ang papipiliin, I wanna take up Medicine, Psychiatric Medicine to be exact. Pero dahil nga I’m the good daughter, sinusunod ko ang lahat ng gusto ng parents ko kasi naniniwala akong they know what’s best for me kahit pa sabihin nating I can’t feel their presence. But that doesn’t mean na wala akong social life. I go to parties, hang out with friends, and every Fridays and Saturdays, I go out and visit the bar. Dahil sa hobby kong pagpunta sa mga bar na ‘yan, nakilala ko ang man of my dreams. Kaya ayun, mas napapadalas ang gimik ko, hoping na magkikita kami ulit.

“Ah, Ma’am Kim. Hija, nandito na tayo.” Si Manong Bert, driver ko. Asawa siya ng super loyal kong yaya, si Nanay Agnes.

Ngayon ko lang napansing nagde-day dreaming na naman pala ako. Eh paano ba naman kasi, ‘di maalis sa isip ko ang aking one and only true love.

“Hija, okay ka lang ba? Ba’t ba natutulala ka na naman diyan?”

 

“Ai anak ng kabayo! Eto na nga po. Bababa na. Salamat ho sa paghatid Mang Bert! Mag-i-ingat ho kayo!”

 

“Ikaw rin hija. Mag-aaral ka ng mabuti.”

 

Oh, ‘di ba? Parang tatay ko lang si Mang Bert. Mula nu’ng pinanganak ako, nandito na siya sa amin nagtatrabaho. Actually, driver na siya ng pamilya namin mula pa nu’ng bata pa si Mommy. Mas mabuti pa nga ‘tong si Mang Bert eh, pinapangaralan ako. Eh ‘yung Mommy at Daddy ko? Ayun, laging nasa ibang bansa for business meetings, conferences and summits. Name it, basta tungkol sa negosyo, go na go sila. Mas mahal pa nga ata nila ang mga negosyo nila kesa sa akin. Ang lagi naman nilang katwiran? “We’re only doing this for you, Kim!”. Well…

Nasaan na kaya ‘yung babaeng ‘yun? Ang tagal ko kasing nagbakasyon sa America. I had my tour, and guess what? Ako lang mag-isa. What’s new, anyway? Lagi namang busy ang mga tao around me. Mas magtataka ako kung may sasama sa aking magbakasyon. Kaya solo flight ang level ko. But it was fun din naman. Let’s go back. Nasaan na kaya si Steph? Steph is my best friend... unfortunately. Lol, kidding! Sabi niya, magkita raw kami sa may gate eh.

“SIS!” Oh, there she is. ‘Di ko pa siya nakikita, alam kong siya na ‘yun. Kaya nilingon ko agad.

“Hey! I missed you bitch!” Yeah, bitch. Normal lang sa amin ‘yang tawagang ‘yan.

“So, kamusta na ang pag-ibig mong pururot?”

 

“What do you mean?” Napataas tuloy ang kilay ko.

“Ano ba naman Kim!? Eh ‘di siyempre ‘yung progress ng paghabol mo sa kilabot ng mga kolehiyala!” Sabay gestures pa na parang kinikilig. May sayad talaga ‘tong si Steph.

Oh, now I get it. She must be talking about the 6’2” guy. Oo, si Alexander Xian Lim – ang man of my dream. He’s rich, famous, tall, smart, talented and everything in between. He’s too perfect, even his flaws make him perfect. At eto pa ha, siya lang naman ang team captain ng basketball team ng warriors. Sa’n ka pa ‘di ba?

‘Ha?! Ah… Eh… Eto, hanggang tingin na lang sa kanya.” I smiled awkwardly.

Bigla niyang hinawakan ang nook o. Para bang may tinatantsya siya kung may lagnat ako.

“Kim, sigurado ka bang wala kang sakit?”

 

“Ha? Sakit? Ang healthy ko kaya at nagpapa-flu shot ako no!”

 

“Promise? Kahit ano?”

 

Ano na naman ba ‘tong trip nitong si Steph? Pagkamalan ba naman daw akong may-sakit. “Wala nga! Ang kulit!”

 

“Promise? Kahit sayad sa utak?”

 

Aba’t! Binatukan ko siya agad-agad! “Hoy Stephanie Dy, sumusobra ka na ha! Ikaw nga ‘tong may sayad eh!”

 

“Hoy Kimberly Chiu, masakit ‘yun  ha!” Hinihimas-himas pa niya ang ulo niya. “Feeling ko talaga eh, may sayad ka. Hello! You’re the rich, famous and most-talked about Kim Chiu! I can’t believe na nagkakaganyan ka sa isang lalakeng halos kasing laki ng isang Kapre! You’re impossible, Kim! Like duh, sis! Ang dami mo namang manliligaw. At ‘di lang basta-bastang manliligaw. Mga bigateng bachelors pa. ‘Di ko maintindihan kung bakit dead na dead ka sa papalicious na ‘yun!”

 

“Eh ayun na nga! He’s papalicious at tsaka isa pa, kakaiba siya. He’s not just the typical guy. Nakakarindi ‘yung mga lalaking laging nakabuntot sa akin” Eh sa totoo naman. Ayoko ng hinahabol ako.

“So you mean, you prefer the hard-to-get type?”

 

Hard-to-get? I don’t think so. Pero ganu’n na rin siguro. Ayoko ‘yung masyadong papansin sa akin. I want some thrill. Oo, masyadong mababaw ang rason ko. But I just can’t hide the fact na siya ‘yung lalakeng gusto kong maging una at huling magpapatibok ng puso ko. Corny yet real. I can’t seem to imagine myself getting hooked with someone else. I want to end up with him. I want to spend the rest of my life with him. Kahit imposibleng mangyari ‘yun, malay natin. Miracles exist. If only fate permits, I’d take all the risk para magkatuluyan lang kami.

I may sound pathetic but who cares? Kaso nga lang, may problema. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko siya. Dahil siguro hindi kami magkakilala. Yeah, I’m entitled as the supermodel. Everyone knows me. Girls in school wish they were me. Nasa akin ang spotlight ng modeling industry. But these facts don’t help me with my major concern in life. Behind the era of fame, I’m still not satisfied with the life that I have right now.  I feel incomplete kasi pakiramdam ko, hindi mabigay ng mga taong mahal ko ang atensyon nila sa akin ng buo.

“Hard-to-get? Huh! Not so, sis. Hindi lang talaga kasi kami close ni Xian.” Naisip ko, kelan kaya kami magiging close? Pero bakit ganu’n? Hindi ba ako interesting for him? Doesn’t he find me attractive?

Napabuntong-hininga ako. The thought na hindi kami o pwedeng maging kami makes me weak. Kaya heto, para akong tangang naglalakad. Paakyat ako sa 3rd floor. Minor subject lang ang unang klase ko. Kung pwede nga lang, ‘wag ko na ‘tong pasukan eh. Alam ko namang makaka-cope up pa rin ako kahit mag-absent ako. ‘Di bale na nga. Papasok na lang ako total may klase rin naman si Steph. AB – Political Science kasi ang course niya. Samantalang ako, BS – BA.

Heto na naman ‘tong problema ko ‘pag first day of class, wala na naman akong mauupuan. Kung meron man, panigurado ‘di ko kakilala ang katabi ko. Mathematics of Investment ang subject ko ngayon.

Pagpasok ko sa room, saktong may dalawang bakanteng upuan sa bandang likod. Bale, in-occupy ko na lang ‘yung seat sa pinakadulo para may pagitan kami ng kaklase ko. ‘Di ko rin naman siya kakilala kaya okay na rin ‘tong one-seat apart kami.

Nagsisimula ng magsalita ‘yung professor. As usual, magpapakilala siya then idi-discuss niya ‘yung grading systems niya. Ako naman, nakatingin lang sa kawalan. I’m not interested and isa pa, ‘di pa naman kami nagfo-formal lessons.

Napansin kong nagsimulang magtilian ang mga babae kong classmates. Ano bang meron? Kung sino mang Poncio Pilato ang nandyan, wala akong pakialam.

“You’re 15 minutes late. Get inside.”

 

“I’m so sorry Ma’am.”

 

“It’s okay Mr. Lim. You may occupy the seat next to Ms. Chiu”

 

OH MY GOD! As in OMG!

Tama ba ang narinig ko? Mr. Lim?

Dahan-dahan kong nilingon ang lalakeng nasa may table ni Prof. At hindi nga ako binigo ng mga mata ko. Siya nga! Si Alexander Xian Lim of BS – Dentistry! My one and only, ultimate, super-ever bonggang crush! Pag sinuswerte ka nga naman! Akala ko, mamalasin na naman ang unang araw ko. Pero tignan mo nga naman. Classmate ko ‘yung ‘man of my dreams’ ko, plus seatmate ko pa siya!

“Ehem… Is anybody seated here?” Naku, boses pa lang, ulam na! Natameme ako du’n ah! Pero siyempre, hindi ko gaanong pinahalata.

“Nobody. You may take it.” Straight face kong sinabi. Ayoko namang makahalata siya na nagpapa-cute ako ‘no. Kahit sabihin pa nating head over heels ako sa kanya, I still have my reputation to take good care of. Baka mamaya, ma-chismis pa ‘to. Alam mo naman sa industry, all eyes are on you.

May pagkasuplado nga talaga ‘tong lalakeng ito. Ni hindi man lang nag-thank you. Bastusan, ganu’n? Aba! Kung hindi lang ‘to pogi, baka tinarayan ko na ‘to. Hindi man lang nga ako nginitian. Bahala siya. Basta ako, masaya na magkatabi kami.

Ang daming pinagsasasabi ng professor namin. Kesyo ganito, kesyo ganyan. Haii nako.

“Okay class. Since I’m not the kind of teacher na more on lectures, I want you to have a pair. Simple lang gagawin ninyo. You will have a project by pair.” Hala! First day na first day, project agad? As in agad-agad?! “The one seated next to you would be your pair. Kaya I’m giving you 20 minutes to discuss your project. Instructions are written on the board.” Tinignan ko si Xian. Nakikinig nga siya pero halatang-halata naman na bored na bored siya sa mga pinapagawa nitong gurang naming prof.

 

So ibigsabihin, si Xian ang ka-partner ko? Akalain mong may magandang idudulot din pala ‘yung project ni Tanda?!

Ang project, ganito: Binigyan niya kami ng problem sets. Ang gagawin lang is, a-answer-an namin ito at i-co-compile sa isang clear book. Random topics ito. Merong tungkol sa simple and compound interest, compound discounts, amortization, general/deferred/perpetuity/ordinary annuities, depreciation, etc. Ang deadline? Naku, next week na agad. May limang problem sets. Bawat isang problem set contains three problems.

I think, madali lang naman sagutan ‘tong mga ‘to. May libro naman siyang sinuggest na hiramin. Nandu’n daw ang lahat ng formula na kakailanganin namin. At isa pa, ‘di ako mahihirapan sa partner ko. Matalino ‘tong si Xian. Dati nga, naka-top 1 siya sa dean’s list eh. Hanep, ‘di ba?

Pareho kaming nakikiramdaman kung sino ang dapat ang unang magsalita.

“Uhmm…” Sabay kaming nagsalita. Masyado naman ata kaming meant-to-be, lakas ng mental telepathy namin sa isa’t isa eh.

“Sige, mauna ka na.” Sabi ko sa kanya.

“Next week na ito ipapasa, as what is written on the board. I have this plan that maybe we should start doing it today. Dahil kung sa weekends pa natin gagawin, I’m telling you, ‘di ako available. Busy ang team namin sa practice. We’re preparing for UAAP.” Walang kaemo-emosyon niyang sabi. Ang suplado talaga. Palibhasa, sikat. Kaya ganyan.

“Okay. No problem with me. Saan ba natin ‘to gagawin?” Patay-malisya kong tanong. Pero ang totoo, gusto kong isagot niya na ‘let’s have a dinner tonight, du’n na rin natin gawin’ o ‘di kaya’y ‘let’s do it at my place. Sabay na lang tayong umuwi mamaya…’. Oo na, malandi na kung malandi. Bakit ba? Masama bang kahit minsan, maging ilusyonada? Porket ba maganda, bawal ng mag-hysterical?

“How about at my place?” BOOM! See! Parang kakampi ko ata ang tadhana ngayon. Oh, sinong ilusyonada ngayon? Nagdilang-anghel na naman ang utak ko. Naku, thank You talaga Lord! Kumu-quota ata ako ngayon.

“Saan ba ang sa inyo?” Feeling ko, umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Feeling ko, ang pula-pula ko na.

“Wait for me at the parking lot. 6:30 sharp. Ayokong nag-aantay. Don’t be late.” Mukhang may practice pa ata kaya matatagalan ang pag-aantay ko. Pero ‘di bale na. Kahit hanggang alas otso ako mag-antay, wala akong pakialam!

“Okay.” Sa sobrang starstrucked ko, ‘yun lang ang nasagot ko. Shemay lang! Tsk. Malala na ata ‘tong paghanga ko sa supladong ‘to. Pati dila ko, tila umuurong.

Biglang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Dali-dali siyang tumayo, gaya na rin ng iba kong mga kaklase. Sayang. Tuwing MWF ko lang siya makakausap. ‘Di bale, araw-araw naman kaming magkikita dahil sa project namin. Parang ang sarap ngang mag-demand ng more projects pa.

Tinignan ko siya habang naglakad papalayo. Tumayo na rin ako. At nu’ng akmang lalabas ako ng classroom, bigla siyang tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. Kinagulat ko naman ito. Naglakad siya pabalik sa kung saan ako nakatayo.

“Kim, right? Kim Chiu?” Tanong niya, tumango lang ako. “Paano kita mako-contact kung wala akong number mo?”

Nagkibit-balikat lang ako. “Here…” Inabot niya ang iPhone 5 niya sa akin. “Save your digits.”





----At dahil magnu-New Year mamaya, eto, pampabuenas ko sa inyo. Wee. First chapter ng TMOW. I hope nagustuhan niyo. Let me know what's on your mind. Send me some feedbacks kung nagustuhan niyo ba o hindi. Salamat. Happy New Year and God bless us all!


Follow on Twitter: @kimxi_gensan

Follow me on Twitter and on IG: @miadelafuente



-Mia

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 52 11
UPDATE: Dream come true. Bucket list checked. Ang nobelang ito ay nai-publish na ng Precious Hearts Romance (PHR) may ilang taon na rin ang nakaraan...
194K 3.4K 26
Kailangan ko ba talagang pakibagayan sya...pero parang Hindi namn fair sa akin.kasi kahit namn Hindi ko gawin ang gusto nila ipagpipilita pa rin nila...
880K 5.6K 50
When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart. Please visit and like th...
1M 6.4K 56
What will happen after 10 years of not seeing and being together with your best friend? Will the love you feel towards him/her grow or will it stay t...