Si Author naging EXTRA?!

By Jaedrian_23

980 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... More

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 33: Pretty Boy

25 1 2
By Jaedrian_23


"Okay ka lang ba Jasmine? Kanina ka pa hindi mapakali sa phone mo." nag-aalalang tanong sa akin ni Cecil na nagbibihis ngayon dahil nasabi nga ni Kristine kagabi may pupuntahan daw ito kasama si Princess.

"Ayos lang ako hehe." hindi sure na sabi ko. Paano ba naman kasi kanina pa akong umaga nakahawak sa phone ko at hindi ko alam ang gagawin ko kung paano ko kakausapin si Hendrix.

Kinapalan ko na nga mukha ko, maaga akong nagising para lang katukin ang kwarto ni Merlyn at kunin ang cellphone number ng saltik na yon. Ngayon naman... Hindi ko alam kung ite-text ko ba o tatawagan ang saltik na yon. Higit sa lahat hindi ko alam ang sasabihin ko, parang ang dating kasi ako pa nagpu-push ng date na ito.

At bilang babae nakakahiya yon sa part ko.

Baka talagang lalo pa umasa akin si Hendrix.

Ano bang gagawin ko?!

Nasakit na ang ulo ko kakaisip pa kanina, nauna na si Kristine nagalmusal at syempre kasama si Luigi. Si Raven ayon halos hindi na nga makatulog kagabi, siya ang unang nagising sa amin at siya pa talaga pumunta sa dorm nila Carl, hindi naman halata na inlove na inlove siya kay Carl no?

"Jas, mauuna na kami ni Princess. Mahuli pa kami sayang din yong scholar kay mandanas." paalam sa akin ni Cecil at tinanunguan ko sila bilang tugon. 

"Kaya nga pang bili ko narin yong ng books, sige babye na Jasmine!"

Ayon na nga umalis na sila naiwan na ako mag-isa. Napatingin ako sa phone ko at huminga ng maluwag, nagsimula na akong magtype sa cellphone.

To: Saltik

Goodmorning, si Jasmine ito, gusto ko lang tanungin kung nakauwi kana.

Wah! Kahit saan talaga tignan ang pangit tignan. Para ako pa may gustong magdate kaming dalawa. Eh sa totoo lang ayaw ko naman, ginagawa ko lang ito kasi nangako akong babantayan ko siya at sisikapin na paamuin.

Madali kong binura ang message na ginawa ko at nagtype ng panibago.

To: Saltik

Hi..

Napapikit ako at saka sinend.

Tapos na rin.

Bumagsak ako ng kama pakiramdam pagod na pagod ako. Sabagay kanina pa ako nagiisip. Napabangon agad ako ng tumunog ang phone ko, kabado pa ako na binuksan iyon.

Wow nagreply agad siya.

From: Saltik

Who the fuck is this?

0_0

Aba! Minura niya ako?!

Naiinis ako muling nagtype sa phone para magsend ng message, gusto ko pa nga sana siya murahin kaso baka lalo lang hindi siya magpakita sa akin.

To: Saltik

Ako si Jasmine.

Wala pang minuto ng sinend ko ang message ko ng biglang tumunog ang cellphone ko at kabado ako ng makitang tumatawag siya.

Bakit naman siya tumatawag?! 

I don't have choice kundi sagutin ang tawag.

"Stop joking around, telk me who you really are? Where do you find my number?" bungad na pagsasalita niya sa akin at halata rin na seryoso na seryoso siya.

"Stupid of me, why am i talking to stranger—"

"H-Hendrix," ilang na sabi ko at bigla na lang namutawi ang katahimikan.

Tamang hinala rin ang lalaki na ito.

"So it's really you," tila hindi makapaniwala na sabi niya. Narinig ko pa ang pagtawa niya.

>_<

Saltik talaga.

Inaakala niya bang niloloko siya.

"Oo, gusto ko lang—"

"Missed me?"

"Ulol!"

Feeling nito.

"Then why did you call if you don't missed me? I can tell, you miss me." nagiinit lang ang ulo ko

Kapal talaga ng mukha. Mukhang maling desisyon na sinagot ko ang tawag pero anong magagawa ko nasagot ko na. Hays.

"Don't i'm on my way to school right now."

0_0

Pauwi na siya.... PERFECT!

"Ahm kasi...gusto ko talang sabihin na tungkol sa date,"

"Yeah our date—"

"Pakinggan mo muna ako!" nakakainis talaga ang hendrix na ito hindi muna ako patapusin magsalita.

"Go ahead,"

"Nagpapasama kasi si Kristine, i mean nagyaya siya ng ano...double date. Hendrix nakapayag na ako eh, alam mo naman hindi mahindian ang kaibigan ko." natatarantang paliwanag ko.

Sana pumayag siya. Well ayoko rin naman na kami lang dalawa. Balak ko ngang indianin siya.

"Okay,"

"Anong ibig mong sabihin okay?"

"Pumapayag ako sa gusto mo,"

Literal na napatayo ako sa kama sa sobrang saya.

Pumayag siya! Pumayag siya! Yes!

"Talaga?"

"Yeah,"

"Thank you Hendrix!"

Wah! Buong akala ko talaga mahihirapan ako sa pagpapayag ko sa kaniya. I'm so happy!

"Sige sige na ibaba ko na to, magkita na lang tayo sa gate, babye!" nagmamadali na sabi ko at binaba ang tawag. Sakto naman ang pagdating ni Kristine at sinabihan na nito ako na magasikaso.

Nauna siyang maligo sa aming dalawa, sa tagal niyang maligo nakaidlip pa ako. Matapos niya maligo, ako naman sumunod.

Pagkalabas ko ng banyo halos matulala ako ng makitang bihis na bihis na si Kristine, may pa ribbon clip pa siya nalalaman, nakasuot din siya ng white dress na fitted sa kaniya at below the knee ang haba. Isama mo pa ang perfect na make-up niya na hindi naman kakapalan pero dahil don lumitaw ang ganda niya. Hindi ko mapigilan hindi humanga sa ganda niya. Mamaya lang tinamaan pa siya ng sikat ng araw, sa mata ko para siya star na nangniningning ngayon.

Wow.

"Jasmine, hurry up. Tulungan kita mag-ayos." masayang alok niya sa akin. Hindi naman ako makatanggi, kasi paano ko ba naman matatanggahin ang bida sa novela ko at higit sa lahat sa ganda niya, mapapa-oo ka na lang.

Nagsimula ako magbihis, pinili ko ang maong at hoodie.

"Tara na!" anyaya ko sa kaniya. Exited ako, hindi dahil makakasama ko si Hendrix. Kundi sa mangyayari sa date nila Kristine at Luigi.

Makikita ko mismo ang mga character kong naglalandian. Iniisip ko palang kinikilig na ako.

"Jasmine, it's a date not just gala you know."

"Ha bakit? may mali ba sa suot ko? ayos naman ah."

Taka ako ng makitang napapailing siyang tinignan ako. Mamaya lang tumayo siya at may hinalukay sa mga damit niya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Ayos naman ako ah. Sinuot ko pa nga iyong ribbon na binili ko ng kasama si Franz.

"Here, suotin mo ito." imik ni Kristine sa akin at nilahad ang nakatuping dress. Napakaayos ng pagkakatupi non.

"Hindi bagay sa akin yan,"

"Hindi mo pa nga nasusubukan, sige na itry mo na. I'm sure bagay yan sayo. Medyo malaki yan sa akin i'm sure kakasya sayo yan."

Okay na eh. Kailangan pa talagang sabihin na malaki.

Bumalik ako ng banyo para sukatin ang red dress na pinapahiram ni Kristine.

Pagbibigyan ko na lang siya.

Nang masukat ko na lumabas na ako ng banyo at nahiya ako ng makitang gulat na gulat siya.

Siguro nasaisip nito para akong baboy na pinasuot ng dress.

"Bagay sayo!"

Bola..

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at ganon na lang ang gulat ko ng makitang tama lang sa akin yong dress.

Nakalimutan ko, bumalik nga rin pala ang katawan ko sa pagiging bata. Kaya naman hindi ako ganon kalaki kaya kakasya itong dress sa akin.

"It's perfect! Now gawin na natin ang make-up mo, don't worry alam kong hindi ka hiyang sa make-up. Then ayusin din natin yang buhok mo."

Talaga bang ganito pagnakikipagdate?
Kaloka... Daig pa ang kwarto namin ngayon na isang parlor.

Sa daming kasing alam ni Kristine. Hinayaan ko na lang siya, total alam kong balang araw maging alaala na lang ang lahat ng ito. Susulitin ko na, susulitin ko ang bawat araw na meron ako.

May nalalaman pa siyang lugay sa buhok ko inalis niya rin ang ribbon na binili ko at pinalitan yon ng isang headband.

Halos isang oras ang tinagal bago kami tuluyan natapos at nagreretouch pa nga siya ngayon. Inanyayahan niya ako pumunta sa salamin at pinakita ang hitsura ko.

"See? ganyan dapat ang ayos mo, kung makikipagdate ka. Ikaw rin baka malingat si Hendrix sa iba."

>_<

Eh ano naman kung malingat iyon?! Isa pa wala naman akong nararamdaman sa Hendrix na yon kundi galit at awa.

"Hehe," pilit na tawa ko. Sinuot ko ang eyeglass ko. Hindi ko kayang mabuhay kung wala akong eyeglass.

Pinahiram niya rin ako ng bag, na teterno sa suot ko. Maski siya meron. Nang makalabas na kami sa dorm grabe ang hiya ko lalo na sa mga taong nakatingin sa amin ngayon.

Hindi ako sanay ng ganito.

"Be confindent, Jasmine." bulong sa akin ni Kristine. Buti na lang nakaflatshoes ako, si Kristine lang nagtakong sa amin.

Naglakad na kami papuntang gate ng BSU. Doon kasi ang tagpuan namin, malayo pa lang nakikita ko na si Luigi sa malayuan. Nakapaangas nito kahit nakaupo lang naman siya!

Wah! Ang gwapo gwapo ni Luigi!

Napalingon ako kay Kristine na hindi matago ang saya ngayon.

Bagay na bagay silang dalawa.

Nang makarating kami sa pwesto ni Luigi. Gulat itong hinarap kami ni Kristine, well kung titignan simple lang suot namin ni Kristine pero kay kristine para isa ba itong model, kahit siguro basahan suotin siya magmumukha parin siyang maganda unlike me na halatang napilitan lang magsuot ng ganito.

"Hi Luigi," masayang bati ko dito.

"Oh ikaw si ano diba?" gulat na tanong niya sa akin habang nakaturo pa, hindi ko tuloy maiwasan mahiya at makaramdam ng kilig.

"Oo,"

"You really look different today."

"T-Thank you."

Hanu ba yan, ano bang meaning ng different today na yan? Mukha ba akong alien o baka naman nagagandahan siya sa akin.

Enebe kinikilig ako.

"Ako nag-ayos sa kaniya." proud na sabi ni Kristine sa boyfriend niya.

"Really? your really good at anything. I'm envy you," sweet na sabi ni Luigi. Mukhang nagpapacute pa kay Kristine ngayon. Hinawi pa nito ang buhok ni Kristine dahil sobrang hangin nagugulo ang buhok namin ngayon.

Asan ang hustisya! Maglandian ba naman sa harap ko. Well kakakilig silang dalawa!

Sana all!

"Envy ka jan, binobola mo na naman ako." kapabebe din pala nito ni Kristine.

"Oh he's here."

Tila na napantig ang tainga ko sa sinabi ni Luigi. Madali akong napalingon sa likod ko at doon ko nakita ang bagot na bagot na itsura ni Hendrix na naglakakad papalapit sa amin.

Nagtama ang mata namin at kita ako nagbago ang ekspresyon niya. Hindi na niya inalis ang tingin sa akin, hanggang sa makalapit siya sa akin.

Nabigla pa ako sa paghila nito sa akin papalayo kay Luigi.

>_<

Ano bang problema niya?

Nagbago ang atmosphere lalo na sa pagdating ni Hendrix. Kinabahan ako ng makitang nagpapalitan ng masama na tingin si Hendrix at Luigi.

Sabi na mangyayari ito eh.

"Kumpleto na tayo! Tara na." pagbasag ko sa katahimikan.

"T-Tama ka," ilang na sabi ni Kristine batid ko alam niya ang sitwasyon kaya naman hinatak niya na si Luigi at nauna na silang maglakad. Naiwan tuloy kami ni Hendrix na kina-awkward.

"Tsk," singhal niya it means badtrip siya.

"Hendrix, sasamahan lang naman natin sila." paliwanag ko. Kasi mukhang uurong na si Hendrix sa usapan namin. Hindi ko nga malaman bakit galit na galit siya kay Luigi, wala naman ginagawang masama sa kaniya yong tao.

"Damn it."

"Sige na tara na, sundan na natin sila."

"I change my mind."

0_0

Anong ibig niyang sabihin? Ngayon pa talaga siya nagbago ng isip?

"Dito na lang tayo sa school."

Ano ba naman yan, gusto kong maggala at akala ko ba magda-date kami? dito lang sa school? Ngayon alam ko na bakit wala pa siyang jowa. Napakaboring niyang tao.

"Kung ayaw mo hindi na kita pipilitin, makikithirdwheel na lang ako kali Kristine at Luigi." imik ko at tinalikuran siya.

Sayang naman ang effort ni Kristine. Magpapalibre na lang ako sa kanila. Di bale ng thirdwheel atleast libre naman ako sa lahat.

Masaya akong naglakad para sundan sila Kristine at Luigi. Nakita ko sila naghihintay sa labas kaya naman pinuntahan ko sila.

"Pasensya na kayo kasi..."

Paano ko ba i-explain sa kanila na hindi na sasama si Hendrix? Bwisit talaga ang saltik na yon kahit kailan. Sakit siya sa ulo ko.

"It's fine, kumpleto na tayo." masayang sabi ni Kristine.

Kumpleto anong ibig niyang sabihin?

Nabigla na lang ako may humawak sa balikat ko kaya naman nagmamadali ako nag-angat ng tingin at gulat na makita si Hendrix na seryoso parin ang itsura.

Oh nagbago na naman isip niya?

"Pasok lang kayo sa kotse ko." imik ni Luigi. Nagsimula na kami pumasok sa kotse niya, kami ni Hendrix sa likod ng kotse at sila Kristine sa harapan.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Minsan nililingon ko si Hendrix para tignan ang ginagawa niya.

>_<

Ml? Aba nakabili na ng bagong phone ang loko.

Talagang hanggang dito ba naman uso ang ML?

Naalala ko tuloy sa real world kung gaano kaadik ang kapatid kong lalaki sa paglalaro ng ML. Well i'm not player kaya wala akong naiintindihan sa pinaggagawa nila.

"An enemy has been slain,"

"Victory!"

Nice talaga, ang sarap kasama ni Hendrix. Ang sarap niyang sapukin. Hindi man lang makiramdam sa paligid talagang nakafull volume pa ang sound niya.

Papansin talaga kahit kailan.

"Nandito na tayo!" exited na sabi ni Kristine. Nagsipagbabaan na kami sa kotse at...

>_<

"Seriously? mall again?" bored na sabi ni Hendrix. Agad ko siyang siniko sa tagiliran para bantaan siya na wag ng magsalita ng kung ano-ano.

Pero maski ako nanlulumo sa lugar na pinuntahan namin. Buong akala ko kasi talagang makakapaggala ako kasi date eh. Dapat sa special na lugar, ronantic place. I guess teenager lang pala sila kaya naman mall lang kaya nila.

"What do you mean mall again?" takang tanong ni Luigi kay Hendrix.

"Kagagaling lang namin—agsgshdh." madali kong tinakpan ang bibig ni Hendrix.

Jusko naman bakit ba ang daldal niya. Wala akong sinabi kali kristine patungkol sa pagpunta namin sa mall kasi ayoko ng masyadong issue.

Sinamaan ako ng tingin ni Hendrix at hindi ako nagpatalo sinamaan ko din siya ng tingin.

Dapat pala hindi na lang siya sumama.

"Hehe, i guess mauna na kami ni Luigi pumasok sa mall. Ang init-init kasi dito. Hintayin na lang namin kayo sa loob." naiilang na imik ni Kristine at hinila si Luigi. Gaya ng sinabi niya nauna na nga sila.

Nang makasigurong nakaalis na sila inalis ko ang kamay ko sa bibig ni Hendrix.

Yuck!

"Pwede ba, magbehave ka naman o wag ka na lang magsalita." inis na pagsasalita ko sa kaniya.

"Tsk,"

"Kung gusto mo talaga akong makasama, makisama karin sa tao sa paligid ko."

Aba naman, adjust-adjust din paminsan-minsan.

"Damn it, Fine."

Kailangan talaga may pamura pa?

"Siguraduhin mo yang fine mo ha,"

"Oo na,"

Napahinga na ako ng maluwag. Nauna akong naglakad sa kaniya at kita ko naman sinundan niya ako.

Sana talaga magbehave siya hanggang mamaya. Mas maganda hanggang makauwi kami.

Dumeretso kami sa greenwich para kumain. Pinakamaganda pa treat kami ni Luigi, nong una nakikipagtalo pa si Hendrix na siya na magbabayad pero sa huli napaki-usapan ko siya na wag ng maging pabebe pa.

"Nabusog ba kayo?" masayang tanong ni Luigi. Nagmamadali akong tumango, sobrang saya ko at talagang marami akong nakain. Napatingin ako sa kasama ko na wala man lang kaemosyon-emosyon.

Naglalakad na kami ngayon para magikot-ikot at magpababa ng kinain.

"Nga pala pasensya na kayo, sa mall ang napili naming place. Kasi actually first time namin pumunta dito ng magkasama."

"Talaga?" gulat na tanong ko.

"Oo Jasmine, i'm sure kayo rin ni Hendrix first time niyo rin dito ng magkasama pumunta."

"Not—" pinutol ko na ang sasabihin ni Hendrix.

Talagang hindi siya nakikinig sabi ng wag ng iimik.

"Oo!"

"I see, let's enjoy in this place." nakangiting sabi ni Luigi.

Nagpatuloy kaming maglakad, hindi ko maiwasan kiligin ng makitang nagholding hands sila habang naglalakad.

Omg! Ang sweet!

Nagtaka ako ng matigil sa paglakad sila Kristine. Sinundan ko ang tingin nito at doon ko nakita nakatingin siya sa isang eye optical shop.

"Jas? Gusto mo ba magcontact lense? I mean mas bagay sayo walang salamin."

"Nako hindi na," agad na tanggi ko.  Mas kumportable ako pagsalamin gamit ko, isa pa antukin ako mamaya lalo lang ako mabulag sa contact lense at higit sa lahat wala naman akong pera pambili.

"Okay,"

"Saan ba talaga tayo pupunta?" singit ni Hendrix sa usapan, kita talaga sa hitsura nito bagot na bagot na siya. 

Hays.

"Ahm well—"

"Hendrix?!"

Lahat kami nagulat sa taong tumawag kay Hendrix at sabay-sabay napalingon sa likod namin at mas kinagulat ko pa ng makita si kembert kasama si Rica.

"F*ck sabi na eh ikaw yan!" tuwang-tuwa na sabi ni Kembert at naglakad papalapit sa amin syempre kasama si Rica.

Ano ba ito? Bakit magkasama si Kembert at si Rica?

0_0

Omg don't tell me.

"Oh ikaw pala, mario. Magkakasama kayong lahat,"

>_<

Mario? Talagang magkaibigan nga sila ni Hendrix.

"Ano ito dre? Talaga bang pinagpalit mo na? Talagang kali Mario pa?"

"T*ngina umayos ka nga." naiilang na sabi ni Hendrix.

"How could you do this to me?"

"Hey hey, enough kembert." saway ni Hendrix.

Jusko po. Nagdrama pa talaga ang dalawa na ito sa harap namin.

Napatingin ako kay Rica na nakababa ang tingin ngayon. Mamaya lang nagtama ang mata naming dalawa. Iimik sana ako pero naunahan ako ni Kristine.

"Are you guys dating?"

Literal na nanlaki ang mata lahat namin sa tanong ni Kristine. Nakangiti pa siya ng itanong iyon kay Rica at Kembert.

Grabe naman ito si Kristine, chismosa mode na naman siya ngayon.

Namalayan na lang namin nakaakbay si Kembert kay Rica at proud na proud kung makangiti.

"Ano ba kayo, tinatanong ba yan. Hindi niyo ba nakikitw ang chemistry naming dalawa? and to answer your question. Kami ng dalawa."

Woah. Sila ng dalawa... How come?

"Good for you," imik ni Hendrix kaya madali ko siyang nilingon. Kita ko nga sa mukha niya ngayon na masaya siya para sa kaibigan niya.

"Congrats sa inyong dalawa." pagcongrats ni Kristine.

"Congrats!" bati ko din. Syempre magpapahuli ba ako.

"S-Salamat sa inyo," naiilang parin na sabi ni Rica at kinabahan ako ng magsimula itong lumapit sa akin.

"Total nandito na rin naman kayo, gusto ko masaksihan niyo ito."

Anong...

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga kasalanan ko sayo."

Ano ba yan... Talagang dito pa sa gitna ng mall kami nagkita-kita.

"O-Okay lang, i mean okay na, huwag na nating alahanin ang mga nangyari noon." sinikap kong ngumiti para mawala ang guilt niya. Kita kasi sa mukha niya na malungkot siya.

"Buti naman aware ka sa pinaggagawa mo sa kaibigan ko," si kristine. Ngayon seryoso na siya..

"Sorry, Sorry talaga..." sa sitwasyon na yon nakita ko ang sinsiro ni Rica. Kaya naman lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

Dapat masaya ang araw na ito.

"Okay na, napatawad na kita."

"S-Salamat..." kita ko ang pangingilid ng luha niya at sa wakas nakita ko na siyang ngumiti sa akin.

Deserve niya rin sumaya, lahat kami deserve namin maging masaya.

"Whoa okay gumagawa na tayo ng eksena dito. Baka gusto niyo naman gumalaw." pagbasag ni Kembert sa kadramahan namin. Natawa tuloy kaming lahat.

"Bakit hindi na lang tayo magsama-sama lahat?" suggest ni Kembert. "Papunta kami ngayon sa karaoke bar, gusto niyo sumama?" anyaya ni Kembert sa aming lahat.

0_0

Totoo ba ito nakarinig ako ng bar?!  Omg! Gusto ko! Gusto ko! Nakakaboring dito sa mall. Gusto ko talagang maggala!

"Well it sounds fun," tango-tango imik ni Luigi.

"Matagal na rin ng makapunta ako ng bar," si Kristine.

Napatingin ako kay Hendrix. Pinanlakihan ko siya ng mata para naman makisakay siya sa gusto ng lahat.

"Kung nasaan si Jasmine, doon ako."

Literal na napangiti ako ng todo sa sinabi niya. Ibig lang sabihin non, tuloy na kami sa karaoke bar!

"Ano Jasmine? Anong desisyon mo?" tanong ni Rica. Agaran akong tumango sa sobrang exited.

"Tara na!" energetic ko na sabi at lahat sila tinawanan ako.

Omg bar here i come!

-
-
-
-
-
-

>_<

Ano ito?!

"Juice lang ang drinks niyo mga girls, kami lang pwede uminom." paalala sa amin ni Kembert. Seryoso kong pinagmasdana ng sinerve sa aming tatlong mango juice.

Ano naman ba ito?! Nagpunta pa kami sa bar?! Tapos juice lang iinumin namin? Nagpakalayo-layo pa kami ng biyahe tapos...arghhh edi sana nagtimpla na lang ako ng TANG diba? mas mura-mura pa yon!

"Hmm masarap,"

"Talagang masarap yan. The best ang juice dito." paguusap ni Kristine at Rica. Kanina sa kotse sila ang naguusap, pinagusapan nila si Kristal at hinayaan ko lang silang dalawa. Gusto ko rin magain ni Rica ang trust ni Kristine.

"Ang sarap talaga!" Puri ni Kristine bakas nga sa mukha niya nageenjoy siya sa inumin niya.

Hindi ko parin maiwasan manlumo. Lalo na nakikita ko sila Luigu, Hendrix, Kembert na sarap na sarap sa pag-inom ng beer.

Bakit naman ang unfair?

Buong buhay ko never ako nagbar, uminom, naglakwatsya. Tapos dito pagbabawalan pa ako gawin lahat yon. Tsk.

Ang unfair talaga!

"Jas, tikman mo masarap talaga siya." alok sa akin ni Kristine. Wala akong choice kundi kunin ang juice ko at inumin yon.

0_0

Masarap nga!

"Ano? Kamusta ang lasa?"

"Well, masarap."

Napainom pa ako ulit, kakaiba ito sa mga natikman ko non sobrang sarap ng juice na ito.

Nalibot ko ang tingin ko sa buong paligid namin, nandito kami sa isang kwarto at tanging ilaw lang namin yong dim light pero kulat violet. May dalawa din couch na magkaharapan. Kaming tatlo nila Rica at Kristine magkakasama sa isang couch syempre ang mga boys magkakasama.

Bale ganto ang pwesto namin at sa gitna namin may lamesang maliit at sa harap namin may T.V kung saan ayon na ang videoke. Ang mas masaya pa may dalawang mic.

Hendrix, Luigi, Kembert
kristine, Jasmine, Rica.

"Huwag kayong masyadong iinom ha." paalala ni Kristine at tinawanan lang siya ng lalaking kasama namin.

"Don't worry, sa aming tatlo si Hendrix lang naman malakas uminom."

Eh? Malakas uminom si Hendrix? Sabagay may koleksyon siya ng mga wine at iba't-ibang alak. Ano pa ba asahan ko.

Sana all kasi nakakainom.

Wah! Gusto ko talagang uminom!

"Oh sino unang kakanta?" tanong ni Kembert. Agad na nagtaas ng kamay si Rica. Namalayan ko na lang nasa kaniya pala yong book song kaya panigurado kanina pa siya nakapili.

Infairness kay Rica, maganda siya. Natalbugan niya pa nga si Kristine ngayon. Napakaperfect ng hulma ng katawan niya.

Let's see sa gandang babae niya, ano kayang kakantahin niya? Sabi nila kalakip sa personalidad ng tao ang pagpili ng kakantahin nila.

"Ang tagal naman niyan!" reklamo ni Kembert kakasimula palang namin. Mukhang lasing na siya.  Napatingin ako sa lamesa at ganon na lang gulat ko ng makitang nakatatlong beer na siya, si Luigi pangatlo na ang iinom niya, si Hendrix.... Pangapat naman.

Ano gang lalakas uminom ng mga ito.

"Ayan na!" exited na sabi ni Kristine dahil lumabas narin ang kakantahin ni Rica. Halos lumuwa ang mata ko ng makita sa screen ang kakantahin niya. 

"Pftt—" pagpipigil ko ng tawa. Alam kong hindi lang ako nagulat maski si Kristine nakanganga ngayon.

Paano ba naman kasi, ang kakantahin niya ay Nosi balasi by Sampaguita.

Sino ba naman matinong babae ang pipili kantahin yon? sa harap ng boyfriend niya?

"Let's Party Party!" sigaw ni Rica at talagang tumayo pa siya at nagtatalon sa saya, daig niya pa nakainom.

"Wag mong pansinin ang naninira sa'yo, Basta't alam mo lang tama ang ginagawa mo,"

Napapanganga na lang ako sa intense ng boses ni Rica at napasapo na lang din ako sa noo ng tumayo si Kembert makipagsabayan pa kay Rica. Parehas silang hyper dalawa. Tawang-tawa nga si Luigi at Kristine sa magjowa ng hyper ngayon.

"Wag mong isipin 'wag mong dibdibin, Kung papatulan mo'y lalo ka lang aasarin."

"Whoa!" sigaw ni Kembert sa mic na nagecho sa kwarto na kinabibilangan namin.

"Nosi, nosi ba lasi
Sino, sino ba sila
Nosi, nosi ba lasi
Sino, sino ba sila." pagduet nilang dalawa.

>_<

Bagay nga silang dalawa. Ang hyper.... Hindi ko akalain na ganito si Rica.

"Lasing na ata kaibigan mo," rinig kong pagkausap ni Luigi kay Hendrix.

"Minamaliit mo ba si Kembert?"

"Hindi, naastigan nga ako sa kaniya." natatawang sabi ni Luigi dito at uminom ng alak.

Shit ito na naman tayo. Natatakam na naman ako sa alak. Pinanood ko pa ang paglunok ni Luigi sa alak niya na talaga nga naman....

"Ah," daing ko ng may magbato sa akin ng mani sa noo. Nakasimangot kong tinignan si Hendrix at...

Bakit ba ang sama ng tingin niya sa akin? Wala naman akong ginagawang masama ah.

Tsk lasing na ba siya? Aish. Bahala siya sa buhay niya, umuwi siya mag-isa niya mamaya.

"Nosi, nosi ba lasi
Sino, sino ba sila."

Sa wakas naman natapos na sila.

Kapwa hingal na hingal sila Kembert at Rica.

"Sino next? Mamaya na ako kakanta, masyadong mataas agad pinili nitong girlfriend ko." habol hininga na sabi ni Kembert. Hingal na hingal na nga tapos nagawa pang lumaklak ng beer.

>_<

Pag ako talaga hindi nakapagtiis lalabas ako at iinom ako mag-isa.

"Ako, kakanta ako." lahat kami napatingin kay Luigi.

Omg! Nakanta din siya? Halaaa gusto ko marinig boses niya!

"Ako muna," this napalingon kami kay Hendrix.

"I said ako,"

"No, gusto ko ring kumanta." giit ni Hendrix.

"Wait for your turn,"

"Bakit ako maghihintay, ako naman mauuna."

"Sabi ng ako!"

"Pagsinabi kong—"

"Hep!" saway ko sa kanilang dalawa.

Pagkanta na lang pag-aawayan pa?

"Ganito na lang magbato-bato pik kayong dalawa."

"What?!" sabay nilang sabi. I mean sigaw sa akin.

"Gawin niyo na lang sinabi ko, isang beses lang to kaya galingan niyo. Dali na!"

Kita ko pang nagkatinginan ng masama ang dalawa.

"Bato Bato pik!" imik ko. Napabuntong hininga si Hendrix dahil sa pagkatalo niya. Bato kasi siya tapos papel naman si Luigi.

"I win,"

"Tsk," singhal ni Hendrix. Wala siyang choice ngayon kundi ang lumaklak ng alak sa sulok.

"Nakanta pala si Luigi," hindi makapaniwalang sabi ni Rica.

"Well ngayon ko palang siya makikita kumanta." nahihiyang sabi ni Kristine.

Omg... Naeexite din ako marinig ang boses ni Luigi. Sure akong kasing gwapo niya rin ang boses niya.

Inasar namin si Kristine ng makita sa screen ang napiling kanta ni Luigi.

Back at one by Brian Mcknight.

Shit fave kong kanta to eh!

"It's undeniable
That we should be together
It's unbelievable
How I used to say, that I'd fall never
The basis is need to know
If you don't know just how I feel
Then let me show you now that I'm, for real
If all things in time, time will reveal, yeah~"

Uwah ramdam ko kilig na nararamdaman ni Kristine ngayon halos kasi tunawin na siya ni Luigi sa tingin niya dito ngayon.

Hindi ko akalain na ganito kasweet ang boses ni Luigi. Malumanay, ibang-iba kay Hendrix. Sobrang smooth lang niyw kumanta....

"One, you're like a dream come true. Two, just wanna be with you
Three, girl, It's plain to see
That you're the only one for me, and Four, repeat steps one through three. Five, make you fall in love with me, If ever I believe my work is done, Then I'll start back at one
yeah." sinsirong pagkanta nito talagang may nalalaman pang pagpikit.

Napatingin ako kay Kristine na sobrang ng pulang-pula ng mukha. Tila ba nakatulala na lang ito sa nobyo niyang kumakanta.

Ano bayan napaligiran ako ng magjojowang sobrang sweet.

Sana all talaga.

"Say farewell to the dark of night
I see the comin' of the sun
I feel like a little child, whose life has just begun. You came and breathed new life
Into this lonely heart of mine
You threw out the lifeline
Just in the nick of time~"

Yong mataas na linya sa huli, ginawang mababa ni luigi pero sobrang ganda parin ng pagkakanta niya.

Aw, i'm sure kahit sino maiinlove sa boses niya.

"One, you're like a dream come true. Two, just wanna be with you
Three, girl, It's plain to see
That you're the only one for me, and four, repeat steps one through three. Five, make you fall in love with me. If ever I believe my work is done, Then I'll start back at one."

Nang matapos siyang kumanta nagpalakpakan kami nila Rica at Kembert kasi napakaheart warming ng kanta niya. Hindi na napigilan tumayo ni Kristine at pumunta kay Luigi para yakapin ito.

"I love you,"

"I love you too."

Wah nagiinit ng mukha sa sobrang kilig sa kanila.

"Wow singerist ka pala Mario! May katapat na pala itong si Hendrix sa kantahan eh."

"Agree ako,"

Hay pagtulungan ba naman si Hendrix. Itong Kembert at Rica na ito.

Napatingin ako kay Hendrix natahimik ngayon. Palagay ko lasing na siya kasi naman tulala na siya sa boteng hawak niya. Ikaw ba naman makapitong beer na.

>_<

Masaya akong makitang masaya sila Kristine at Luigi sa date nila. Bonus na rin na kasama namin sina Kembert at Rica.

Nagpatuloy ang pagkanta sa kwarto namin, hanggang sa hapon na. Pansin na naming mga babae na medyo nalalasing na ang lalaking kasama namin. Nakailang order na rin sila Kristine at Rica ng juice.

"Kakanta ako!" masiglang sabi ni Kristine.

"Sige, support kita!" proud na sigaw ni Luigi.

Nabobored na ako. Nabubuhayan lang kasi ako kapag si Rica ang kumakanta dahil puro rock song kanta niya. Tapos si kristine tabaligtaran puro pampatulog na kanta.

"Baby love, my baby love, I need you oh how I need you
But all you do is treat me bad
Break my heart and leave me sad
Tell me what did I do wrong to make you stay away so long~"

>_<

Bakit naman ganyan napili niyang kanta? at bakit kung makaasta siya lasing siya?

"Jas," tawag sa akin ni Rica kaya naman nag-nilingon ko siya.

"Bakit naman pangbroken hearted kinakanta niya?" pagtatanong nito sa akin.

"Aba kinamalayan ko?"

Ang lakas-lakas niya g questionin ang kinakanta ni kristine, eh siya kanina pa nakanta daig pa niya may kaaway.

"Baby love, i love you." lasing naimik ni Luigi kay Kristine.

EDI WOW!

"Nahihilo na ako..." imik ni Kristine. Napapahilot pa ito sa sintido niya.

Nahihilo pero juice lang naman ininom namin ah.

"I forgot to say, yong juice natin may kasama ring alcohol pero mild lang yon."

Eh?! Wala naman ako nalasan na alcohol. Isa pa, hindi ko pa nga nauubos ang juice ko kasi naman gusto beer, alak! Hindi itong juice na'to.

"No wonder, nahihilo ako." imik ni Kristine.

Ano ba naman ito? gusto ko na lang umuwi. Nabobored na ako.

"Tell me why, Ain't nothin' but a heartache. Tell me why
Ain't nothin' but a mistake, Tell me why, I never wanna hear you say
I want it that way~" kanta ni Kembert at may nalalaman pang paggiling.

"Lunes, nang tayo'y magkakilala
Martes, nang tayo'y muling nagkita
Miyerkules, nagtapat ka ng 'yong pag-ibig. Huwebes ay inibig din kita, Biyernes ay puno ng pagmamahalan. Mga puso natin ay sadyang nag-aawitan. Sabado, tayo'y biglang nagkatampuhan At pagsapit ng linggo, Giliw ako'y iyong iniwan~" maramdaming pagkanta ni Rica at duet pa talaga sila ni Kristine ngayon.

>_<

Mukhang naapektuhan na sila ng juice na may kasamang alak.

Ano ba naman ito? Kailan ba ito matatapos.

Nahihiya na ako sa pinaggagawa nila.

"O kay bilis ng iyong pagdating
Pag-alis mo'y sadyang kay bilis din
Ang pagsinta mo na sadyang kay sarap. Sa isang iglap lang nawala ring lahat~"

Sa wakas natapos na rin sila kumanta.

"Baby love ko yan!"

"Proud boyfie here!"

Hanep. Suportado talaga sila ng mga boyfriend nila.

Taka ako ng kinuha ni Hendrix ang mic. Siguro kakanta siya. Kanina pa siya tahimik eh.

"All day starin' at the ceilin' makin'
Friends with shadows on my wall
All night hearing voices tellin' me
That I should get some sleep
Because tomorrow might be good for somethin,"

Wow, ngayon ko lang siya narinig kumanta ng english. Bagay pala sa boses niya....

"Hold on, feelin' like I'm headed for a breakdown, And I don't know why~"

As expected. Magaling talaga siyang kumanta.

"But I'm not crazy, I'm just a little unwell, I know, right now you can't tell, But stay a while and maybe then you'll see. A different side of me~"

Napakahusay niyang kumanta.

Nakafocus lang talaga ang mata niya sa screen ngayon kaya naman pwede-pwede ko siyang tignan at pagmasdan.

"I'm not crazy, I'm just a little impaired I know, right now you don't care. But soon enough you're gonna think of me And how I used to be~" pagpapatuloy niya sa pagkanta.

May kakaiba talaga sa kaniya kapag naririnig at nakikita ko siyang kumakanta.

"me, I'm talkin' to myself in public, dodging glances on the train
And I know, I know they've all been talkin' about me
I can hear them whisper, and it makes me think
There must be somethin' wrong with me
Out of all the hours thinkin', somehow I've lost my mind~"

Bagay na bagay sa kaniya yong kantang napili niya. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako yong lyrics kasi ng kanta....

Parang base sa nararanasan at pinagdadaanan niya ngayon.

"But I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know, right now you can't tell
But stay a while and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know, right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be~"

Not crazy? Siguro hindi naman siya ganon kabaliw. Kulang lang siya sa pansin, pagmamahal at higit sa lahat kaibigan.

Kailangan niya ng tao sa paligid niya.

I see, he's just unwell.

"I've been talkin' in my sleep
Pretty soon they'll come to get me
Yeah, they're takin' me away
I'm not crazy, I'm just a little unwell
I know, right now you can't tell
But stay a while and maybe then you'll see
A different side of me
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know, right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be yeah~"

"Kaibigan ko yan!" halos mapatalon ako sa biglaang pagsigaw ni Kembert. Nangingilid pa ang luha nito habang proud na proud na nakatingin kay Hendrix.

Kaibigan....

"Well, I'm just a little unwell
How I used to be
How I used to be
I'm just a little unwell~" natapos ni Hendrix ang kanta na sobrang solid. I mean para siya yong original na kumanta.

Proud akong pinalakpakan siya.

I'm super proud! Saltik ko yan!

I mean si Boy saltik yan!

"Proud na proud ah," nang-aasar na bulong sa akin ni Kristine. Mabilis tuloy akong napaiwas ng tingin kay Hendrix.

Pikit-pikit na nga mata niya, ang cute pala ni Kristine malasing.

Muli ko siyang tinignan at nakitang binaba niya na ang mic sa lamesa namin.

"Oh sino na sunod na kakanta?" pagtatanong ni Kembert.

"Oh jas hindi ka pa nakanta, kanta na! Madaya ka!" maktol ni Kristine sa akin.

Nako po, wala ako sa mood kumanta ngayon!

Mabilis akong umiling. "Hindi na, gusto niyo bang bumagyo?"

"Maganda nga yon! Mawawalan na tayo ng pasok HAHA."

raulo itong Kembert na ito.

"Kanta kana!" pamimilit sa akin ni Rica. Parehas na sila ng lagay ni Kristine ngayon.

Ako na lang ata matino sa amin lahat.

"Kakanta na yan!"

"Go Jasmine!"

"Kakanta na yan, kakanta na yan!"

Cheer nila sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi kunin ang song book at humanap ng kanta.

Ano bang pwedeng kantahin?

Ayoko talagang kumanta, kundi lang mapilit sila Kristine at Rica.

Nagulat ako ng humablot ng song book sa akin at si Rica yon,

"B-Bakit?"

"Namimili ka pa, pwede naman iramble natin ang kanta," magulong imik nito. Naintindihan ko lang ang lahat ng makitang kinuha niya ang remote at yong mismong videoke ang namili ng kanta sa akin. Naipikit ko ang mata ko dahil sa kaba.

Lord please lang, wag yong biritan mapili. Baka mangyari talaga ang sinabi kong babagyo pagnagkataon. Isa pa ayokong mapahiya sa harap nila....

Lord please!

"Ayan na!" sigaw ni Kristine. Kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at takang-taka tinignan ang kantang kakantahin ko ngayon..

P-Pretty boy?

"Bagay yan sayo jasmine!" exited na sabi ni Kristine. Nagsimula ng ang panimulang instrumental.

Hindi ko alam kung paano siya kantahin, pero napakinggan ko na siya noon.

"Nakanaks Pretty boy, Hendrix Pretty boy daw oh yiee." panggagatong ni kembert lalo lang tuloy ako nahihiyang kumanta ngayon.

Bwiset na Kembert!

Huminga ako ng malalim bago magstart kumanta.

"I lie awake at night,
See things in black and white
I've only got you inside my mind
You know you have made me blind." nahihiyang pagkanta ko.

Ano ba naman ito, love song ba to?

"Nice naman Hendrix, ganda ng boses ni Jasmine."

Kingina hindi talaga ako titigilan ng Kembert na'to huhu. Ramdam ko na pagiinit ng mukha ko sa hiya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Pero ngatal ako sa paghawak ng mic at sa pagkanta.

"I lie awake and pray
That you will look my way
I have all this longing in my heart
I knew it right from the start~

Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too~"

"Hendrix, pretty boy ka pala ah! Tell me you love me too daw oh!"

Sinamaan ko ng tingin si Kembert, grabe hiyang-hiya na ako. Napadako na lang ang tingin ko kay Hendrix, agad na nagtama ang mata namin at....

Bakit naman ngiting-ngiti siya jan?

"Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you."

Ano ba naman ito... Bakit ganito lyrics nito?

Bahala na nga. Tatapusin ko na lang ang kanta na'to.

"I used to write your name
And put it in a frame
And sometime I think I hear you call
Right from my bedroom wall."

Ang O. A ng lyrics. Nakakainis.

Isa pa ito naiilang akong kumanta lalo na alam kong nakatingin siya. Kahit nakaiwas na ako ng tingin sa kaniya kitang-kita ko parin siya sa kasulok-sulokan ng mata ko.

"You stay a little while
And touch me with your smile
And what can I say to make you mine
To reach out for you in time~"

"Ayan na Ayan na!"

"Manahimik ka nga kembert! Mas kinikilig ka pa kaysa kay Hendrix eh." saway ni Kristine dito.

"Oh my pretty pretty boy I love you
Like I never ever loved no one before you
Pretty pretty boy of mine
Just tell me you love me too~" pagpapatuloy ko ng kanta. Habang tumatagal, nakakasanay ko na siyang kantahin lalo na paulit-ulit lang ang lyrics.

"Oh my pretty pretty boy
I need you
Oh my pretty pretty boy I do
Let me inside
Make me stay right beside you."

Nakahinga ako ng maluwag ng maginstrumental ang kanta. Panay puri sa akin nila Kristine na lalo kong kinahiya at kinailang pero dahil din sa puri nila nagkaroon ako ng confidence.

"Oh pretty boy....just tell me love me too~" masaya kong pagkanta. Syempre hindi ko hahayaan na masira ang pagkanta ko.

"Oh my pretty—" natigil ako sa pagkanta ng may hindi ako inaasahan na sasabay sa akin na labis kong kinagulat. Madali kong nilingon si Hendrix at nakatingin din siya sa akin.

///0_0///

Anong....

"Oh my pretty pretty girl I love you
Like I never ever loved no one before you~"

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya ngayon. Lalo na ang seryoso ng mga mata niya habang nakatingin sa akin at kumakanta.

"Pretty pretty girl of mine
Just tell me you love me too~"

Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at pagbilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Anong bang.... Pinagsasabi niya? Ano bang pinaggagawa niya?

Pinalitan niya yong lyrics....

"Oh my pretty pretty girl
I need you,"

Bakit ba hindi ko na maalis ang tingin ko sa kaniya.

"Oh my pretty pretty girl I do
Let me inside
Make me stay right beside you~" kahit sa huli hindi niya parin tinanggal ang tingin niya sa akin. Kaya naman ako na ang umiwas ng tingin sa amin.

Bakit... Bakit naiilang ako ng ganito? Whoa ang init!

Madali akong tumayo at nagpaalam na lalabas. Nang makalabas ako doon lang ako nakahinga ng maluwag. Madali akong pumunta sa may banyo at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Hala!

Bakit naman ang putla putla ko!

Naghugas na lang ako ng kamay ng mahimasmasan.

'Pretty pretty girl of mine
Just tell me you love me too~' pagecho sa tainga ko. Mabilis kong tinakpan ang tainga ko pero useless yon kasi bumabalik ang ala-ala ko lalo na yong mukha niyang nakanta.

Ano bang nangyayari sa akin?

Lumabas ako ng banyo at pumunta sa lugar kung saan nagoorder ng beer. Nag-order ako ng isa...

Maganda talaga uminom, kapag ganito ang sitwasyon.

Pagkabigay palang sa akin ng beer ininom ko na, as in lagok.

Nang maramdaman ko na ayos na ako, bumalik ako sa kwarto namin. Naabutan kong nakatayo si Hendrix mukhang paalis.

"Ano ka ba naman Jasmine, pupuntahan ka na dapat ni Hendrix. Ang tagal mo eh," reklamo ni Kembert.

Napatingin tuloy ako sa kaniya na nakasimangot na siya ngayon.

Tama yan! Mas gusto kong nakasimangot siya kaysa yong kanina! Iba talaga yong tingin niya, parang inaakit ako.

"Akala namin hinimatay kana sa kilig,"

///>_<///

Ako hihimatayin?! Sa kilig? Never!

"Aalis na tayo."

0_0

"Yeah, may pupuntahan pa kami ni Kembert sorry guys. Need na namin mauna." paalam ni Rica at alalay niya ngayon si Kembert.

Hindi ako makapaniwala ng makitang wala man lang akong makitaan ng kalasingan kay Luigi at maski itong saltik na ito. Mukhang si Kembert lang tinamaan sa kanila.

Gaya ng sinabi nila naglakad na kami paalis ng bar. Nakarating kami sa labas, nauna ng magpaalam sina Rica at Kembert. Hanggang sa naiwan na kaming apat.

Sa wakas naman makakauwi na.

"Paano ba yan mauna na kami sa inyo," imik ni Luigi at tumawa lang si Kristine na parang kinikilig.

Anong ibig niyang sabihin?

Kinabahan ako bigla.

"Anong—" pagsasalita ko at nabigla ako ng tinakpan ni Hendrix ang bibig ko.

"Sige na mauna na kayo,"

"Bye Jasmine, huwag magpapagabi!" sabi ni Kristine.

What the hell... Ano ba kasing nangyayari?

"Goodbye and goodluck." paalam ni Luigi na kinakaba ko ng husto.

Nangm maglakad paalis sila Kristine at Luigi. Nagpumiglas ako kay Hendrix pero mabilis lang nitong nakuha ang kamay ko at pinigilan umalis.

Kainaman na, wala naman ito sa usapan. Bakit naman iniwan nila kami?

Wala tuloy akong magawa kundi tignan ang kasama ko ng nakasimangot.

"Why?"

"Why why ka pa jan?" inis na sabi ko at binawi ang kamay ko sa kaniya. Madali ko rin inikot ang mata ko sa paligid.

Wah... Bakit naman ganito? sa dami-dami ng makakasama ko ito pang saltik na ito.

Hindi pa nga kumakalma ang puso ko. Tapos... Wah! Help!

"Hindi ba dapat masaya ka?"

"B-Bakit naman ako magiging masaya?"

"This is your plan right? Paglapitin si Mario at Kristine?"

"Luigi kasi yon!" pagtama ko sa kaniya.

Paano niya nalaman? Wala naman ako sinabi sa kaniya ah.

"Tsk, whatever.."

May napapansin ako sa kaniya. Bakit siya ngiting-ngiti jan?

May dumi ba ako sa mukha?

O baka naman pinagtatawanan niya ako dahil sa pangangatal ko kumanta ko kanina.

"A-Ano bang ngini-ngiti mo jan, mukha kang asong nauulol." pagkausap ko sa kaniya at kinabahan ako ng lalong lumawak ang ngisi sa mukha niya.

Napapaano ba siya? Nakakailang yong ngiti niya!

Sapukin ko kaya siya ng matauhan?

"From now on, i want you to call me pretty boy." ngiting-ngiti na imik niya na kinagulantang ko ng husto.

0_0

What?! P-Pretty boy?

Ayon yong kanta kanina...

"Ano bang pinagsasabi mo? umayos ka nga." ilan beses ko ba siyang dapat pagsabihan.

"No, i like it. I want you to call me pretty boy, from now on i'm your one and only pretty boy."

Parang siyang lasing, ang saya-saya niya. Apekto ba ito ng alak sa kaniya?

"Say it, call me pretty boy now."

Aba inuutusan niya ba ako? Sinasaltik na naman ba siya? Wah! Jusko bakit ba kasi ako iniwan ni Kristine.

"Hendrix mabuti pa umuwi na tayo,  lasing kana eh." mahinahon na paliwanag ko. Hinawakan ko siya sa braso pero ganon na lang gulat ko ng iwasiwas niya yon dahil para mabitawan ko siya.

Ano bang problema niya?

"Hindi ako ang pretty boy mo no?" suspetsa niya pa. Wala akong magawa kundi mapasapo sa noo.

Ano bang gagawin ko dito?

"Ano ka ba naman kanta lang yon, walang meaning yon. Halika na!" anyaya ko sa kaniya pero nagmamatigas siya. Ayaw niyang gumalaw.

Kung kaya ko lang siya buhatin, binuhat ko na siya.

"Sino ba?" tanong niya sa akin na kinanoot ko ng noo. Seryoso at may halong galit na siyang nakatingin sa akin ngayon.

"Anong bang pinagsasabi mo?"

"Sino? Yong bakla ba?"

"Ano bang pinagsasabi mong bakla? Tara na umuwi na tayo."

"Yong baklang binigyan mo ng love letter,"

Baklang binibigyan ng love letter? Wala naman akong natatandaan....

0-0

Teka tinutukoy niya ba si RM? Yong crush ni Cecil?

"Wala akong gusto don, tara na umuwi na tayo. Lasing ka."

"Believe me i'm not drunk."

"Eh kung ano-ano na kasing nalabas sa bibig mo." maktol ko.

Hindi daw lasing. Tsk.

"I just want you to know who is your special someone? Is it that gay? o baka naman yong Mario na yon, siya ang pretty boy mo?" seryosong tanong niya.

>_<

Gusto ko ng sumabog at magsalita ng masasamang words.

Ano bang pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya?

"Wala akong—"

"I'm Jealous, ako lang dapat ang pretty boy mo. Sa akin ka lang." kita ko sa mata niya ang pakiki-usap. Pagmamakaawa.

Hendrix...

Dugdugdug

Ang puso ko....

Ni-ready ko ang kamay ko at hinampas ko ng kamay ko ang magkabilang pisngi ko para matauhan.

Ganon na lang gulat ko ng tinalikuran niya ako. Naglakad siya papalayo sa akin ng wala man lang paalam.

"Hendrix!" pagtawag ko sa kaniya pero hindi niya aki pinansin.

Hinabol ko siya pero malayo na agwat namin.

Arghhh pahihirapan niya pa talaga ako?

"Hendrix!"

"Hoy Hendrix!"

"Saan ka ba pupunta? Hoy!"

"Hendrix naman eh! Tumigil ka nga sa paglalakad!"

"Hendrix!"

Nakakailan na akong tawag sa kaniya pero wala parin dedma parin siya. Napapamura na lang sa isip ko.

Ano bang tumatakbo sa isip niya?!

"Hendrix!"

Anak ng tinapa naman oh. Famous lang? Hindi namamansin?

"Hendrix!"

Saktong liko namin doon ko lang napagtanto na nasa plaza na kami ng Batangas. Hindi ko mapigilan mapanganga sa bilib at humanga talaga kasi...wala itong pinagkaiba sa plaza ng batangas, gayang-gaya lahat.

Wow, ang astig.

Bago ko pa makalimutan ang pakay ko, hinanap ng mata ko si Hendrix. Nakita ko siya nakatayo, tumigil na siya sa paglalakad.

Wala akong sinayang na oras madali ko siyang pinuntahan.

Buti naman, sa wakas naman naabutan ko na siya.

"Hendrix, " pagtawag ko sa kaniya at hindi niya ako pinansin.

Jusko naman. Huwag mong sabihin seryoso siya na pinagseselosan niya yong RM? Pati na si Luigi?

Napakaseloso naman niya kung ganon. Tsk.

"Hendrix, umuwi na tayo." mahinahong anyaya ko. Naiyukom ko lang ang kamay ko sa inis ng hindi niya na naman ako pinansin.

Nong oras na yon doon ko naalala ang sinabi niya kani-kanina lang sa akin.

'From now on, i want you to call me pretty boy.'

>_<

Arghh i hate this idea pero eto lang nakikita kong paraan para pansinin niya ako.

"P-Pretty boy," ilang na sabi ko at wala pang minuto nilingon niya na ako na kinagulat ko. Nakita ko na naman ang masaya niyang mukha.

"Say it again,"

Pinagtritripan niya ba ako?

"Pretty boy, happy kana?" inis ng sabi ko sa kaniya. Kasi naman naiinis na talaga ako sa kaniya, hindi ko na alam kung lasing ba siya o pinagtritripan lang ako.

Ganon na lang ang taka ko ng nawala ang ngiti sa mukha niya at...

"Hendrix," gulat na tawag ko sa kaniya kasi hindi ko inaasahan na babagsak siya sa akin. Buti na lang naitayo ko kaagad siya naging maagap ako.

Anong nangyayari sa kaniya?

"N-Nahihilo ako," nahihirapang pagsasalita niya. Nilibot ko ang tingin ko at sakto nakakita ako ng bakanteng upuan. Inalalayan ko siya papunta don at pinaupo.

"Talagang mahihilo ka, maglakad ka ba naman ng malayo, lasing ka pa naman."

"I'm not drunk,"

>_<

Aysus hindi daw lasing. Siya na mismo nagsabi nahihilo siya.

"I'm just.... Nahihilo."

Wala na talaga siyang binigay sa akin kundi sakit ng ulo mula pa nong una akong mapadpad sa lugar na ito.

"Jan ka lang kukuha kita tubig," imik ko at aalis sana ako kaso pinigilan niya ako. Sapilitan pang pinaupo sa upuan.

"Dito ka lang, wag kang aalis."

Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa kaniya.

I don't have choice kundi umupo ng kasama siya, siguro hintayin ko na lang na mawala hilo niya, mahirap na baka sa biyahe masuka siya kaya kailangan talaga mawala hilo niya.

"Bakit ang bilis mong magpatawad?" biglaang tanong niya kaya naman nilingon ko siya at nakitang seryosong nakatingin sa akin.

"Kanina... napatawad mo na si Rica? After what she did to you, dahil lang nagsorry siya pinatawad mo na agad...you're really something," mata sa mata niyang sabi sa akin.

Anong ibig niyang sabihin sa you're something?

At tungkol naman kay Rica, sa totoo lang hindi ko pa napapatawad ng husto. Pero... Alam ko naman sa sarili ko ako yong may mali. In the first place kundi ako pumasok sa story na'to edi sana hindi nagulo ang mga nangyari.

"Ayaw ko na kasi ng gulo, away, lungkot. Ayoko ng makaranas non gusto maging masaya lang. Isa pa, gusto enjoyin yong bawat moment na nandito ako. Ayoko ng stress, sakit sa ulo, masyado na akong maraming nailuha nong nagdaang araw. Ayaw ko ng maranasan yon. Nangako ako sa sarili ko na susulitin ko ang bawat meron ako." mahabang sagot ko sa kaniya. Wala akong pake kung nakikinig ba siya o hindi.

Ang mahalaga nasagot ko ang tanong niya.

Nginitian ko siya ng pilit kasi naman bigla na lang siyang nanahimik. Kahit na tignan ko ang mata niya wala akong mabasa kung anong nasa isip niya.

"Your one of the kind,"

0_0

Ano daw?

"H-Ha?" takang tanong ko.

"I said...nevermind." natatawa niyang sabi sa akin ngayon.

Tsk. Uulitin lang eh, hindi pa magawa.

Mamaya lang umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa malayo.

"How about Franz? did you forgive him already?"

Si Franz...

"Hmm oo," sagot ko pero syempre nandon ang pagaalinlangan ko.

"D-Do you like him?"

Literal na nabigla ako sa tinanong niya kaya hindi ako nakasagot agad.

Bakit naman niya natanong? Hays ano ba naman ito.

Gusto ko ba si Franz? hmm Oo, kaso....gusto ko makilala at mahanap niya muna ang sarili niya.

Ayon ang importante sa character ni Franz, masyado siyang nabubulag sa galit at higit sa lahat inggit.

"I see," imik niya na kinataka ko kasi wala naman akong sinabi pero mukhang sa sarili niya alam niya na ang sasabihin ko.

Bahala siya isipin niya na ang gusto niyang isipin.

"Umuwi na tayo," pagyaya ko sa kaniya. Baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

"Mamaya, nahihilo pa ako."

"Okay fine."

As if naman na kaya ko na lang siya iwanan dito. Mabuti pang samahan ko na lang siya.

"Nga pala,"

"Ano yon?"

"Nakalimutan kong sabihin na...."

"Na alin? Pabitin ka pa," maktol ko.

"Ang ganda mo ngayon araw na'to."

Anong...

Lasing talaga siya. Kumpirmado na.

"Thank you sa effort,"

"Tsk, huwag kang assuming. Nag-ayos ako hindi para sayo, inayusan lang ako ni Kristine."

"Still, thank you."

Ano ba naman yan, puro naman siya thank you ngayon. Hindi ko alam na ganito pala kalala kapag may kasama kang lasing tapos kung ano pang pinagsasabi.

"Gusto mo gumala diba?"

"O-Oo,"

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo kaya naman napatayo na rin ako.

"Tara," hindi pa ako nakaka-oo mabilis niya ng hinablot kamay ko at naglakad na kami paalis, ni-hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon.

"Teka akala ko ba nahihilo ka,"

"Nawala na ang hilo ko."

"Saan tayo pupunta?" pagtatanong ko at doon niya ko hinarap.

"Ngayon palang magsisimula ang date natin."

0_0

Namalayan ko na lang nagpapahila na ako sa kaniya, pumunta kami sa mga tiyangge, mga tindahan ng damit or kung ano-ano pa.

"Mamili ka na ng bibilhin mo," nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ako makapaniwala na dadalhin niya ako sa lugar na ganito pero eto naman talaga ang gusto kong puntahan.

Masaya akong tumango.

Pumasok kami sa loob at bumungad sa amin ang maraming tao. Madali kong nilingon ang kasama ko na bakas sa mukha niya ang gulat at takot.

Sigurado ako, hindi siya sanay sa lugar na ganito.

Papasok pa lang kami ng may makasalubong kaming isang lalaki na maraming dala. Nabigla na lang ako ng mabilis akong hapitin ni Hendrix papalapit sa kaniya para hindi tamaan ng dala ni manong.

Hendrix...

"Ayos ka lang?" tanong niya at tumango bilang tugon. Nagsimula-simula na kami maglakad. Una kong pinuntahan bilihan ng damit.

Namimili ako ng damit at higit sa lahat blazer hanap ko, sobrang lamig kasi sa school lalo na kapag gabi. Si Hendrix naman daig pa ang isang bodyguard, lagi lang siya nakabuntot sa akin kahit saan ako magpunta.

Next stop, bilihan ng mga panali sa buhok.

"Bagay to sayo,"

Kunot noo akong humarap kay Hendrix, ganon na lang bilis nito ng maikabit niya na agad sa akin ang isang clip. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

>_<

"Bakit bagay naman sayo HAHA."

kahit kailan talaga... Paano ba naman yong clip na inipit niya sa akin, yong design is yong nguso ng baboy.

"Hehe," pilit ngiti ko. Akmang tatanggalin ko ang ipit kasi pinigilan niya ako.

"Don't,"

Hays lakas talaga ng trip niya.

Humakbang siya papalapit ulit sa akin na kinakaba ko, may kinabit muli siya sa buhok ko. Gaya kanina tinignan ko iyon at parehas lang yon sa clip na kinabit niya kanina.

"Perfect," imik niya sa sarili niya at talagang proud pa siya sa sarili niya.

Natapos kami sa pamimili at pumunta na kami sa favorite part ko. Ang pagkain!

"Tikman mo! Masarap naman." pamimilit ko sa kaniya sa pagkain ng kwek-kwek.

"Hindi na," tanggi niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan magtampo, pag siya sinasaltik hinahayaan ko siya, i mean pinagbibigyan ko siya gawin ang gusto niya pero ako hindi niya mapagbigyan.

"Buti pa si Franz, hindi maarte sa pagkain."

"Tsk,"

"Sige na ito, ah kainin mo na." pilit ko ulit sa kaniya. Nagtuhog ako sa stick ng kwek-kwek, sinawsaw ko sa sauce at nilahad yon sa kaniya. "Kainin mo na! Ah," pagsubo ko sa kaniya at sa wakas kumain na siya. Nakasimangot pa siya akin habang ngumunguya.

Hahaha nakaganti din.

Gusto pa subuan, tsk ang arte talaga ng lalaki na ito. Marami pa talaga siyang kailangan baguhin sa sarili niya.

"Masarap diba?"

"P-Pwede na,"

"Aysus ubusin mo to ah."

"What?"

"Sige na ubusin mo na." kinuha niya ang stick sa akin at hindi ko mapigilan mapangiti lalo na nakikita kong napipilitan lang siyang kumain. Ang cute niya hahaha.

Kung kanina siya itong may hila sa akin, ako na itong humihila sa kaniya.
Nakakita kasi ako ng ice cream naalala ko nilibre niya ako ng ice cream sa mall kaya naisipan kong siya naman ang ilibre ko.

"Manong dalawang ice cream," pagorder ko. Napatingin ako kay Hendrix na sinusuri pa ang pinagbibilhan namin ngayon.

"Heto,"

"Eto bayad, Thank you manong."

Masaya akong naglakad papuntang pwesto ni Hendrix at binigay ang isang ice cream sa kaniya.

"Thank you,"

"Welcome, nilibre mo ako non kaya naman nilibre kita ngayon." pagpapaalala ko sa kaniya sa nangyari sa mall at nginitian niya na lang ako.

Naglibot-libot kami habang nangangain ng ice cream. Kakaunti lang naman napamili ko, karamihan window shopping lang. Sa huli bumalik kami sa plaza at umupo sa dati naming inupuan.

"Woah, maggagabi na." masayang imik ko. Masaya ako kasi nakapamili ako at kahit papaano masaya ako sa naging araw ko ng kasama si Hendrix.

"Mamaya na tayo umuwi,"

"Okay, napagod ba ang paa mo kakalakad?" pang-aasar ko sa kaniya at nginusuan niya ako na kinatawa ko.

"Thank you Hendrix,"

"I told you call me pretty boy,"

"Sira ka, seryoso ka ba?"

"I'm serious,"

Hays ayos na eh.

"Nababaliw kana, pati ba naman kanta pagtritripan mo?"

"I am not. Don't you even know about endearment?"

Ano daw? Ment lang naintindihan ko sa sinabi niya. May nalalaman pa siyang buntong hininga sa akin.

"Nevermind," may halos inis na sabi niya.

"Nawala na ba ang hilo mo?" pagbabago ko ng usapan.

"Tingin mo ba masasamahan kita mamili kung nahihilo ako?"

"Sabi ko nga wala ka ng nararamdaman, i mean hindi ka na nahihilo."

Tinatanong lang naman siya eh. Masama ba maging concern? Para siya pa itong may ayaw. Arte talaga.

"Okay lang ako,"

"Sabi mo eh." imik ko. Nandon kami sa pwesto na yon ng bigla na lang siya nanahimik. Seryoso lang siya nakatingin sa akin na kinailang ko. Naiyukom ko ang kamao ko sa kaba ng umusog siya papalapit sa akin.

Ano bang ginagawa niya?

"Hendrix—"

"Shh," pagpapatahimik niya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko ng nilapit niya ang mukha niya sa akin, handa na ako akong tulakin siya sana papalayo kaso nagsalita siya.

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi nila," seryosong sabi niya at kita ko rin ang sinsiro sa mata nito ngayon.

"Anong sinasabi mo jan?"

"Para sa akin mas bagay, mas maganda sayo pag nakasalamin ka." mata sa mata niyang sabi sa akin. Wala akong naiimik ng oras na yon sa sobrang bigla dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko na lang bumilis ang kabog ng dibdib ko at nag-init ang nararamdaman ko.

Kaya ng matauhan mabilis akong nag-iwas ng tingin. Nagmamadali rin akong tumayo.

"Jan ka lang muna, magbabanyo lang ako." mabilis na paalam ko sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pa magsalita umalis na ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi naman kasi talaga ako nac-cr. Gusto ko lang pakalmahin ang sarili ko.

Ano bang nangyayari sa'kin. Kanina pa ako nagkakaganito.

Nababaliw na ata ako.

Naihampas ko muli ang magkabilang pisngi ko gamit ng kamay ko dahil ayon lang nakikita kong paraan para matauhan ako.

Ako ata itong lasing sa aming dalawa.

Bakit naman kasi siya naimik ng ganon? Natural lang para sa aming malabong mata, mga taong nakasalamin na maoverwhelm kapag sinabihan ng ganon.

Nagstay pa ako ng ilang minuto sa kinalalagyan bago ko siya muling binalikan. Naabutan ko siyang nakapikit na parang natutulog, mamaya lang minulat niya ang mata niya na bakas ang kaba at takot na kinabahala ko.

Anong nangyayari sa kaniya?

"Hendrix—" nagulat na lang ako ng yakapin ako nito bigla.

Ano bang ginagawa niya?

"Hoy Hendrix," tawag ko sa kaniya, nakakailang na kaya ang daming tao sa paligid.

"Tinakot mo ako, akala ko, iniwan mo na ako."

0_0

Tsk. Hindi naman ako ganon kasama para iwan lang siya.

Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin at thankful ako lumayo siya.

"Hindi naman ako ganon, n-nandito nga ako para yayain kang umuwi,  tara na." yakad ko sa kaniya. Kinuha ko na ang pinamili ko kaso mabilis niya yong inagaw sa akin.

"Ako na magdadala," wala naman so  nagawa kundi mapangiti, napapansin ko kasi na bumabait na siya.

Salamat naman hindi na siya sinasaltik. Di tulad kanina, sana ganito na lang siya palagi.

Naglakad kami papuntang sakayan, gabi na rin kaya naman need na talagang umuwi. Nakakita kami ng taxi, gusto ko sana magjeep na lang total malapit lang naman school namin pwede ngang tricycle makamura pa pero napakaarte kasi ng kasama ko may taxi-taxi pang nalalaman.

Taxi... Kung titignan wala naman talagang ganito sa tunay na mundo.

Sabagay ang imposible, nagiging posible sa wattpad.

Speaking of posible...

Sina Kristine at Luigi kaya? Nakauwi na? Ano kayang ginagawa ng dalawang yon?

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa nakarating kami sa BSU. Buti na lang hindi kami pinagalitan ng guard.
Nakahinga ako ng maluwag dahil naglalakad na kami pabalik sa girls dorm.

"Ang saya mo,"

Nilingon ko siya, napapansin ko lagi niya na lang napapasin na masaya ako.

"Hmm, kahit papaano kasi nagagawa ko na yong dapat kong gawin." salita ko. Tinutukoy yong pagtama ng mga mali ko. Marami pa akong dapat gawin, babawi pa ako kali Cecil.

"Anong dapat gawin?"

"Sikretong malupet!"

>_< - Siya

^_^ - Ako

Taka ako ng biglang lumapit siya sa akin at suminghot na para bang may inaamoy.

"Uminom ka?" suspetsa na kinakaba ko.

May lahi ba siyang aso? Teka amoy na amoy ba?

Inamoy ko ang sarili ko at doon ko lang nalaman na bakas nga yong amoy ng ininom ko kanina. Seryosong-seryoso siya makatingin sa akin ngayon animoy nagagalit.

"A-Anong uminom? n-nagjuice lang ako kanina, kita mo naman yon diba? n-naamoy mo lang sarili mo!" pagpapalusot ko.

Sana umeffective.

"Tsk," singhal niya.

"Isa pa," imik ko ulit.

Ano bang pwede kong idahilan?

"Isa pa, kanina niyakap mo ako! Malamang napasa sa akin ang amoy mo. Lasing ka talaga kanina, dapat kapag lasing ka hindi ka nadikit sa tao tsk tsk. Napapasa mo talaga ang amoy ng alak sa kanila." mahabang paliwanag ko, hindi ko nga alam sa sarili ko bakit kailangan kong magpaliwanag. Parang big deal ang paginom ng isang boteng alak ah.

Kung makaasta siya daig niya pa tatay ko.

Kita ko na inamoy niya ang sarili niya kaya naman umakto akong tinakpan ang ilong ko.

"Bakit ka nagtatakip ng ilong,"

"Amoy alak ka kasi, mabaho ka!" asar ko sa kaniya, nauna na ako maglakad sa kaniya kasi naman hindi ko mapigilan matawa dahil sa epic ng mukha niya. Gulat na gulat sinabihan lang ng mabaho.

"Hoy!"

"Bumalik ka dito!"

Bahala siya jan, mauna na ako.

Nagulat na lang ako may yumakap sa likod ko, mabilis ko siyang nilingon at nakita ang nakangising si Hendrix.

"Ano bang ginagawa mo? Lumayo ka nga sa akin, mamaya may makakita pa sa atin dito, kung ano pang isipin nila," natataranta na sabi ko.

"Eh ano naman, wala akong pake sasabihin nila, dapat ganon ka din."

"Madali lang sabihin yan sayo, sa akin hindi."

"Tsk, just don't mind them."

Palibhasa hindi siya ang napapahiya.

"Hendrix naman,"

"Hindi kita papakawalan, hanggat di mo ako tinatawag na pretty boy, sabi ko sayo ayon ang itawag mo sa akin."

>_<

Pretty boy, mas bagay sa kaniya saltik boy.

"Layo na," pagpapalayo ko sa kaniya pero matigas talaga ang ulo niya lalo niya lang ako niyakap ng mahigpit na kinailang ko ng husto. Kahit pagpupumiglas ko ayaw niya talaga lumayo.

Ano ba namam ito, para naman siyang bata.

"Oo na sasabihin ko na!" pagsuko ko. Madami siyang lumayo sa akin at hinarap ako.

Nakakailang yong ngiti niya. Para siyang sinasaltik.

"Alis na, pretty boy. Magkaniya-kaniya na tayo. Bumalik kana sa dorm mo." pantataboy ko sa kaniya at loko tinawanan lang ako.

Jusko naman paano ko ba pababalikin itong lalaki na ito. Gusto ko ng humiga sa kama.

"Tignan mo may spaceship!" biglaang sabi niya at tinuro ang langit. Dahil uto-uto ako madali kong sinundan ang tinuro niya.

"Asan wala naman—"

Literal na naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko na lang may dumampi sa pisngi ko. Madali siyang lumayo sa akin samantalang ako nanlalaki ang mata sa gulat.

What the hell....

"Goodnight, pretty girl." ngiting-ngiting sabi niya at iniwan akong tulala. Mamaya lang natauhan ako kaso malayo na siya sa akin.

Siraulo yon, nakailang ng chansing yon sa akin!

Napapailing lang ako napabalik sa dorm, naabutan ko sina Cecil, Raven at Princess natulog na. Si Kristine nagbabasa ng libro.

"Ngayon ka lang nakauwi?"

"Ah kasi...." shit ano bang idadahilan ko.

"Mukhang nagenjoy ka,"

"H-Ha? Pinagsasabi mo?"

"I mean ang dami mo kasing dala,"

Napatingin ako sa hawak kong plastik. Akala ko naman kasi kung anong tinutukoy niya.

"Ikaw kamusta kayo ni Luigi?"

"Hmm sobrang saya, nagpunta kami sa isang resort, actually ayon pala yong surprise niya sa akin. Doon kami nagdinner, sobrang hindi ko inexpect yon." halata sa kaniya na kilig na kilig siya. Habang nanaginip siya ng gising i mean binabalikan ang ginawa nila ni Luigi. Nagbihis na ako at diretso pumunta ng kama.

"Wow ang cute naman ng clip mo," masayang sabi ni Kristine. Noong una hindi ko siya gets pero bigla bumalik sa isipan ko yong clip na nilagay sa akin ni Hendrix.

Madali kong kinapa ang buhok ko at kinuha ang dalawang clip at pinagmasdan yon.

"Binili mo ba yan? bagay sayo,"

Bagay sa akin?

Muli kong binalik ang tingin ko sa clip at ngayon ko lang siya nahawakan sa totoo lang at cute naman siya.

"Sige jasmine, tulog na ako. Goodnight."

"Goodnight." imik ko sa kaniya.

Habang tulog silang lahat, ako naman itong hindi makatulog. Pumunta ako sa lamesa at as usual lagi ko itong ginagawa sa araw-araw na lumilipas nagsusulat ako sa diary ko.

Sinulat ko lang yong nangyari kanina at nang matapos ako magsulat. Kinuha ko muli ang clip na binigay sa akin ni Hendrix. Napapatawa na lang ako ng maalala lahat ng pinagagaw namin, lalo na pinagagagawa niya.

Naginit ang mukha ko ng maalala yong, yong ginawa niya bago umalis. Isa pa...

'Para sa akin mas bagay, mas maganda sayo pag nakasalamin ka.'

'Goodnight, pretty girl.'

Ang Hendrix na yon talaga, wala ng mas cri-cringe pa sa kaniya. Hindi ko alam kung nanadya ba siyang magpakilig o hindi lang talaga aware sa sinasabi niya.

Pilit ko man pigilan ang sarili ko mapangiti hindi ko magawa.

"Nababaliw na ata ako," bulong ko sa sarili ko.

Bago pa ako tuluyang mabaliw, pumwesto na ako sa kama ko at natulog.

-

-

-

-

-

-

-

-

"Mauna na kami Jasmine, habol ka ha!" imik nila Kristine kasi naman late na akong nagising. Sinabi ko sa kanila mauna na sila at hahabol na lang ako sa klase namin.

Nakaalis na sila, ako nagbibihis palang. Nagmamadali kong inayos ang gamit ko at nagtatakbo pa ako sa dorm ngayon.

Kainis naman, bakit kasi sa dami-dami pang lugar sa school pa ako bumalik.

Automatikong napahinto ako sa pagtakbo sa naisip ko.

Tama, hindi ko naman talaga kailangan mag-aral. Babalik naman ako sa real world ko, hays tama dapat chill lang ako dito.

Isa pa Grades is just a number char. Papasok parin ako.

This time kalmado na lang ako naglakad. Wala ng studyante sa labas kaya free akong maglakad-lakad. Habang naglalakad bigla na lang tumunog ang phone ko sinyales na may text. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko.

From: Saltik

Sa rooftop, bilis.

Literal na napanganga ako sa text na nareceieve ko mula sa kaniya.

May klase kami tapos hindi siya aattend?! at kung makautos siya jan. Nalaki na rin ang ulo non talaga, patay siya sa akin kapag nagkita kami makakatikim siya ng sapok na malupit!

Pero... Wala rin ako sa mood pumasok. Mabuti pa ngang tumambay na lang sa rooftop.

Akmang lalakas na sana ako kaso automatikong napatigil ako sa paglalakad ng bigla na lang may kung anong bagay na bumagsak rinig na rinig ko ang kalabog non nagecho pa sa paligid ko.

Dahan-dahan kong nilingon ang likuran ko at agad kong natakip ang bibig ko lalo ng makita ang pamilyar na tao na walang malay ngayon sa sahig dikalayuan sa akin.

Nangilid ang luha ko sa takot at kaba. Hindi ko na rin maiwasan mag-alala.

0_0

Anong nangyayari?

Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa kaniya at hindi ko mapigilan magpanic at mag-alala ng husto. Hinawakan ko ang mukha nito at marahang tinapik para gisingin at magkamalay siya.

"F-Franz...." hindi makapaniwalang sabi ko.

Franz, please gumising ka.

"Franz, Franz, Franz." paulit-ulit na tawag ko sa kaniya. Paulit-ulit ko ring tinapik ang mukha niya pero hindi parin siya nagkakamalay.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Tulong! Tulong!" paghingi ko ng tulong sa paligid ko. Madaling nagsilapitan ang ilang studyante dahil sa sigaw ko lahat sila bakas ang pagtataka.

Naiiyak na ako sa nerbyos ngayon. Sobrang putla ng mukha niya,  maging katawan.

Franz, Ano bang nangyayari sayo?

-----------------------------------------------------------

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...