Si Author naging EXTRA?!

By Jaedrian_23

941 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... More

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 29: Night
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 32: Harana

16 3 0
By Jaedrian_23

Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, balot na balot rin ako ng kumot. Lamig na lamig parin ako.

"Gising na siya?"

"Hayaan niyo muna magpahinga, pagod yan kagabi."

"Pagod you mean may ginawa sila kagabi—"

"Pwede ba, nag-usap lang sila kagabi."

"Haler sa Kdrama at wattpad naguumpisa lahat sa Let's talk tapos nauuwi sa ano."

"Ang ingay niyo, mamaya magising yan. Lagot tayo sa bebe niyan."

"Pero iba rin, hindi ko akalain iyon."

"Sinabi mo pa, para bang isang himala."

Ano ingay nila...

Wala naman pasok ngayon pero ang aga nilang nagising.

"Speaking of bebe sana all sinundo na ng bebe."

"Hays wala na naman si Kristine."

"Baka naman nagtalk din sila ni Luigi."

"HAHAHA utak mo Raven."

"Bakit? Hays makalabas na nga at makahanap din ng bebe."

"Sama mo ako!"

"Aba ang ate mo Cecil, na landi na."

"Syempre mamaya ako lang walang bebe sa atin. Ayaw ko ng ganon."

"Ikaw princess sasama ka sa amin ni Cecil?"

"Hindi na, pupunta ako ng library."

"Aysus, balita ko nagbabantay ngayon don si Ser Jai. Diba Cecil?"

"Oo nabalitaan ko nga."

"H-Ha? hindi ko alam iyon. M-Magbabasa lang ako don."

"Nako deny pa si Princess eh."

"Kaya nga Raven HAHAH."

"Magsi-alis na nga kayo! Maghanap na kayo ng bebe niyo!"

"Siya siya aalis na kami ni Cecil."

"Bye goodluck pagtitig kay Ser Jai sa library!"

"Imbento ka na naman Raven!"

"Babush!"

"Musang talaga kayo!"

>_<

Sila Raven talaga kahit kailan...

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nang maimulat ko iyon nakarinig ako ng pagsara ng pinto.

Nakaalis na ata silang lahat.

Dahan-dahan akong napa-upo sa higaan ko kahit na ramdam ko parin ang hilo at pananakit ng katawan ko lalo na sa tuhod ko.

"Gising kana,"

0_0

Teka anong....

Dahan-dahan akong napalingon sa gilid ko at...

"Wah!" sigaw ko sa gulat. Madali kong kinuha ang kumot at binalot ko sa katawan ko.

Anong ginagawa niya dito?!

"Good morning." ngiting-ngiti na bati niya sa akin.

"Paano ka nakapasok dito?"

"Bukas ang pinto kaya pumasok na ako."

"Ano?!"

"You heard me, mayroon akong coffee dito. G-Gusto mo?"

"Labas ka!"

"B-Bakit naman?"

"Baka dumating sila Kristine, kung ano pang isipin ng mga iyon. Labas!"

"Eh ano naman, alam naman na nila tungkol sa atin."

Nakaramdam ako ng init sa mukha sa sinabi niyang iyon.

S-Siraulo talaga siya! Anong pinagsasabi niyang 'sa atin?!'

"Basta labas ka don!"

"Ayoko," pagmamatigas niya.

Mukhang lalo lang tumigas ang ulo niya.

"Pinapalabas kita kasi magbibihis ako, sige na labas na don!" nahihiyang paliwanag. Dali-dali naman siyang tumayo at iniwan ako.

Nang masigurong nakalabas na siya nagmamadali akong nagbihis. Matapos kong magbihis lumabas ako at naglakad ng kasama siya.

Dala-dala ko ang kape na dinala niya at sinumulan inumin iyon.

Habang pikit-pikit pa ako sa daan, rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid ko.

"Anong ginagawa dito ni Hendrix?"

"Si Hendrix ba iyon?"

"Look kung sinong kasama niya!"

"Sila na ba?"

Napatigil ako sa paglakad na kinatigil din ni Hendrix sa paglalakad. Nakaramdam kasi ako ng hilo at hindi pa masyadong magaling ang tuhod ko kaya mabagal ako maglakad.

"Are you okay?" tanong niya sa akin at nginitian ko siya bilang tugon.

Nagsimula na muli ako maglakad. Ininom ko ang kape na dala niya at infairness pasok yon sa panlasa ko. Nang makalayo sa girls dormitory umupo kami sa isang bench.

Antok na antok pa ako.

"Masakit pa ba ang sugat mo?"

"Hmm kaunti."

"Patingin nga ako—"

"Sabi ng okay na! Okay na."

Adik ba siya, ang dami-daming tao sa paligid tapos gusto niyang tignan tuhod ko.

"I'm sorry,"

Hays. Sabi ng wag siyang magso-sorry.

"It's okay, bakit nga pala ang aga mong nagising? hindi ka ba inaantok? kasi ako antok pa nga."

"Maaga ako lagi nagigising," paliwanag niya at tumango ako.

Edi siya na maagang nagigising. Basta ako tanghali talaga ako nagigising.

Tahimik ang namutawi sa pagitan namin na kinakailang ko lang.

Ano bang ngini-ngiti ngiti niya jan? nagmumukha siyang baliw.

Sabagay mas gusto kong ganito siya kaysa naman kahapon na halos hindi ko na makontrol. Daig ko pa nagpapa-amo ng tigre o nang isang halimaw.

Hindi ko makakalimutan ang pinaggagawa niya kagabi.

Gusto ko na lang bumalik sa dorm, nanakit talaga ang ulo ko.

"Dre!"

Nako may dumating pang isang sakit sa ulo.

Pinanood kong pumunta sa pwesto namin ang kaibigan ni Hendrix na si Kembert, nagtataka nga ako bakit ngangayon ko na lang siya nakita.

"Nandito ka lang pala, lagi mo na lang ako iniiwan? Bubuhatin mo pa ako ml! Nakakatampo ka na talaga—" natigil siya sa pagsasalita ng mapansin niya ako bahagya pang nanlaki ang mata niya at napanganga sa gulat.

Ang O.A nito.

"Oh ikaw pala, kagabi diba nagpunta sa dorm?"

Agad ko sinuway si Kembert na sapamamagitan ng tingin ko.

Ano ba naman ito, hindi ko na nga iyon sinabi kay Hendrix para hindi na siya maguilty.

"What?" takang tanong ni Hendrix. Kaya naman nagsalita na ako at tumayo.

Mabuti pang magpahinga na lang muna ako.

"Matutulog muna ako, maiwan ko na muna kayo." paalam ko sa kanilang dalawa.

"Ihahatid na kita—"

"Hindi na, kausapin mo na lang ang kaibigan mo."

"But—"

"Sige na bye na, mauna na ako sa inyo."

Nagmamadali akong tinalikuran sila at dahil sa sugat sa tuhod ko, mabagal akong maglakad rinig na rinig ko pa ang pag-uusap nila Hendrix at Kembert ang ingay kasi ni Kembert, lakas-lakas ng boses.

"Teka kayo ba mong babae na yon Hendrix?"

"Isn't it obvious?"

>_<

"Wow, really congrats may girlfriend ka na pala. Kaya pala hindi mo na ako pinapansin."

"Shut up Kembert, ang ingay mo."

"Nakakatampo kasi, tara na magml."

"I don't have a phone."

"Ano?!"

"You heard me,"

"Ha? Bakit anong nangyari sa cellphone mo? nahulog? nabasa? Mayaman ka naman bumili ka na lang ng bago."

"Ang ingay mo,"

"Ito naman namiss lang kita Dre."

"Yuck!"

"Makayuck ka jan, magkayakap nga tayo non matulog."

"Damn it Kembert, manahimik ka nga."

Napapailing na lang ako sa mga narinig ko. Tuluyan ng ako makalayo sa kanila, pabalik na dapat ako sa girls dormitory kaso...

"Jasmine!"

Bigla na lang sumulpot sa akin sina Raven at Cecil.

"Gising kana pala!"

"Sakto papunta kami sa canteen para kumain."

"Sumama kana sa amin!"

Hindi pa ako nakakaimik madali na nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinila kasama nila.

Hays. Gusto ko lang naman matulog bakit ayaw nila akong patulugin?! 

Pumasok kami sa canteen at nagorder ng tatlong slice cake si Raven at tatlong kape.

"Ito Jas, magkape ka, mukhang antok ka pa kasi."

Kakainom ko lang ng kape, kape na naman.

Hindi ako tumanggi mahirap na baka masaktan ko pa damdamin ni Raven. Binigyan din nila ako ng slice cake, sobrang bait nila sa akin panay ang libre.

At gusto ko yon. Tatanggi ba naman ako ng libre?

"Nga pala, kamusta kana? magaling na ba ang tuhod mo?" nagaalalang tanong sa akin ni Cecil.

"Ano ka ba naman Cecil, isang araw lang nakakalipas tapos sasabihin mo kung magaling na tuhod niya, malamang hindi."

Hehe ito talagang si Raven. Napa-prangka.

"Nagtatanong lang naman,"

"Okay, kumain na nga tayo. I'm sure okay lang yan si Jas, nandyan naman si Hendrix, hindi siya non pababayaan."

0_0

Luh.

"Kumain na nga tayo," ilang na sabi ko.

"Sana all kasi may bebe, si Kristine kasama na naman si Luigi."

"For sure makakahanap din tayo ng bebe Raven. Chill ka lang."

"Sana nga Cecil."

Oo nga pala, tutulungan ko pa ang dalawa na ito para makaamin sa taong gusto nila.

May gagawin pa ako....

At sisiguraduhin ko bago ako umalis sa lugar na ito, masaya silang lahat.

Kahit yon lang makakampante na ako.

"Jas, napuwing kaba? Bakit nagtutubig yang mata mo?" tanong ni Raven kaya naman dali-dali kong hinawakan ang mata ko.

Hindi ko alam na naiiyak na pala ako.

"O-Oo napuwing lang ako, wala kayong dapat ipagalala."

"Sure ka?"

"Oo."

Natapos kaming kumain at nauna akong magpaalam sa kanila na babalik sa dorm. Sumang-ayon naman agad sila kaya heto ako ngayon pabalik na sa dorm.

Kailangan kong bumuo ng plano, kung paano ko matutulungan sina Raven, Cecil, Princess, Kristine at iba pang tauhan ko dito sa story.

Hindi ko na alam kung ilang araw na lang natitira sa akin. Tingin ko aabutin pa naman ako ng dalawang buwan dito.

Magagawa ko pa ang dapat kong gawin.

Pabalik na ako ng dorm ng makita ang pamilyar na tao sa akin.

0_0

Wow chance ko na ito!

"Carl!" sigaw ko at agad naman napalingon siya sa akin.

Teka anong ginagawa niya dito malapit sa girls dormitory?

Naglakad ako palapit sa kaniya at walang ano-ano na hinila siya napag-isipan kong pumunta sa library para doon siya kausapin.

Uunahin ko si Raven total nandito naman na sa harap ko si Carl.

"B-Bakit? May problema ba?"

"Wala naman, gusto lang kita makausap ng tayo lang dalawa." agad na nanlaki ang mata niya na para bang may binabalak akong masama sa kaniya o kakainin ko siya.

Duwag naman nito.

"Carl, may gusto ka kay Raven diba? sa kaibigan ko." direktang tanong ko na kinalaki pa husto ng mata niya.

Huli ka balbon!

"A-Ano bang pinagsasabi mo?"

Aysus magde-deny pa siya.

"Ito tandaan mo Carl, bibigyan kita ng 24hrs para umamin sa kaibigan kong si Raven kapag hindi mo iyon ginawa...."

"Kapag hindi ko iyon nagawa?"

"Ako mismo ang aamin kay Raven para sayo,"

"Jasmine, wala naman ganyanan. Sa totoo lang yan, Oo gusto ko si Raven pero...kailangan ko ng oras. Wala akong lakas na loob na umamin sa kaniya ngayon o bukas."

Ang drama naman ng lalaki na ito.

"Sige na, wag ng magalinlangan pa kasi... nasisiguro ko sayo hindi ka niya irereject."

"H-Ha? anong ibig kong sabihin?"

"Basta!"

Ayaw kong pangunahan si Raven na magsabi ng nararamdaman niya para sa taong gusto niya.

"Natatakot talaga ako..."

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para pakalmahin siya. Ngayon palang para na siyang natatae o mahihimatay sa kaba at taranta.

"Magtiwala ka sa akin, umamin ka na sa kaniya."

"Jasmine—"

"Wala ka naman dapat ikatakot." pagpapaintindi ko sa kaniya.

Patay na patay nga sa kaniya si Raven..

Ganon na lang ang pagtataka ko ng manlaki ang mata niya at parang gulat na gulat siya.

Ano ba naman ito? may lalaki pa palang ganito katakot umamin sa taong gusto nila. Bakit ba hindi niya na lang tularan si Hendrix.

Hays.

"M-Mauna na ako, babye!" nagtatakbo na sabi nito sa akin, akmang tatakbo ako para pigilan siya pero may humawak sa hood ng jacket na suot ko kaya naman napatigil ako sa plano kong paghabol.

Inis kong nilingon ang taong pumigil sa akin at agad kong natakpan ang bibig ko sa gulat ng makita si Hendrix.

At... napakaseryoso ng ekspresyon niya.

"Magpapahinga? sa library?" bakas sa boses niya ang inis.

Wah! Anong sasabihin ko?

"Ano kasi..."

"No need to explain, narinig ko lahat pinag-usapan niyo ng lalaking duwag na yon."

0_0

Ano daw? so it means kanina pa siya nakasunod sa akin?

"G-Gusto ko naman talaga magpahinga,"

"Just say it."

"H-Ha?" takang tanong ko.

"Ayaw mo ako makasama."

0_0

Bakit naman niya iniisip iyon? Well tama siya pero...

"Mali ka," sagot ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at napadako ang tingin niya sa tuhod ko.

Ano bang ginagawa niya. Naiilang ako.

Nagulat na lang ako ng hilahin ako nito palabas ng library. Binitawan niya ang kamay ko at naglakad kami ng sabay.

Saan naman kaya kami pupunta?

Ang ginawa ko lang ay sundan siya. Mahirap na baka sumpungin na naman.

Tumigil kami sa...sa Clinic!

"Ipagamot natin yang sugat mo,"

Ah dadalhin niya lang ako sa clinic.

Pumasok kami doon at nakasalubong namin ang nagbabantay, inaassist kami sa isang higaan.

"Dito ka ineng,"

"Okay po."

Mamaya lang kinuha nito ang first aid kit at kinuha ang kanang paa ko para tignan ang tuhod ko na may sugat.

Napalingon ako sa isang kama kung saan nandon si Hendrix na nakaupo at nanonood gamutin ang sugat ko. Napaiwas din ako ng tingin lalo na kinakausap ako ng isang nurse.

"Hmm saan mo ba nakuha ang sugat nito?"

Muli akong napalingon sa pwesto ni Hendrix.

Ito lang naman ang lalaki na ito ang may dahilan kung bakit ako may sugat.

"Nadapa po ako," pagpapaliwanag ko.

"I see, may pagkamalalim ang sugat mo magiiwan ito ng peklat. Next time mag-iingat kana."

"Hehe opo."

Ilang minuto lang ang tinagal at natapos ng linisan at gamutin ang sugat ko. Binalutan niya rin ito ng gasa.

Masayang tinignan kami ng nurse.

"Mag-iingat na ha,"

"Opo!"

Naglakad lakad na muli kami ni Hendrix.

Ano ba naman ito bakit ba ilang na ilang ako sa kaniya?

Siguro dahil ito sa nangyari kagabi.

Napapailing na lang ako.

"Jasmine!"

0_0

Ang boses na yon...

Nakita kong nagtatakbo palapit sa akin si Merlyn bakas na masaya ito kaso nagbago lahat ng mapadako ang tingin niya sa kasama ko.

"Ahh... Sige maiwan ko na kayo!" takbo muli nito palayo sa amin.

Teka ano yon? Bakit hindi siya lumapit sa akin? Ang weird naman....

Napalingon ako sa katabi ko at doon ko napagtanto kung bakit imbis na lumapit si Merlyn sa akin ay lumayo ito.

Nagpatuloy lang kami maglakad, may ilang studyante ding nakakita sa amin at wala akong pake sa kanila.

"Talagang close kayo ng kapatid ko." pag-open niya ng topic.

"H-Hindi naman gaano, magkakilala lang kami."

Hindi ko nga alam na magiging malapit kami sa isa't-isa ni Merlyn.

"Hindi siya basta nakikipag-kaibigan lang." mariin na sabi niya na para bang pinaparating niya na kilala niya si Merlyn.

Nagagalit?

"Tama ka,"

"Tsk,"

"Pero bakit naman nagiiwasan kayong magkapatid?" tanong ko sa kaniya na kinatigil niya sa paglalakad. Kinabahan tuloy ako ng wala sa oras.

Dapat pala hindi na lang ako nagtanong.

"Kasi...Kasi ganon kami pinalaki."

Sabagay nakwento na rin sa akin ni Merlyn na mismong magulang niya nagpapalayo sa kaniya sa mga kuya niya.

"Gano ba...pero dapat kahit dito man lang sa school. Ipakita niyo sa isa't-isa na pinahahalagahan mo sila."

"You want me to baby sit Franz?" natatawang sabi niya.

Psh.

"Hindi naman ganon..."

"Concern ka sa kaniya?"

Ano ba naman ito, bakit naman napunta usapan kay Franz. Hindi ko pa nga ulit nakikita ang lalaki na yon.

"I see,"

"Alam mo kumain na lang tayo, gutom na ako."

"Okay." sang-ayon niya sa akin at for the second time bumalik ako ng canteen para kumain ng lunch.

Magla-lunch na.

Hinayaan ko siyang mag-order ng pagkain. Kinabahan pa nga ako mamaya madami na naman siyang iorder kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng makitang bumili siya ng parati ko lang kinakain.

"Salamat sa libre!" ngiting-ngiti na sabi ko.

"Anong libre?"

Napatigil ako sa pagkain. Kinagulat ko ang paglahad ng kamay nito sa akin na para bang sinisingil ako.

"One hundred fifty pesos." paniningil niya sa akin. Pasalamat na lang ako dala ko wallet ko, kinuha ko iyon sa bulsa at binayaran agad siya.

Hays ngayon lang ako nakilala ng tulad niya. Napakakuripot.

Tahimik ang araw na ito para sa akin. Wala kasing masyadong studyante sa paligid. Alam ko nilagay ko sa story ko kapag sabado at linggo karamihan ng studyante umuuwi mismo sa kanilang bahay. 

Natapos kaming kumain kaya naman naglalakad na naman kami. Nagprisenta na siyang ihatid ako sa dorm kaya naman labis ang pagtataka ko ng tumigil siya sa paglalakad.

May problema ba?

"Nangako sa akin, babantayan mo ako pero sa nakikita ko ikaw itong binabantayan ko."

Napalunok ako wala sa oras kasi naman ang seryoso niya ngayon.

"A-Ah ano ka ba naman hehe."

Ano bang dapat kong sabihin?! Dapat maging maingat ako sa sasabihin ko.

"Kasinungalingan lang ba ang lahat ng pinagsasabi mo." ngising sabi niya pero dahil doon kinabahan ako. Nagsisimula na naman akong matakot at magpanic sa harap niya.

0_0

"S-Syempre hindi, totoo ang sinabi ko. Magmula ngayon babantayan kita, hindi ko hahayaan na.....ah basta."

Naguguluhan niya akong tinignan ngayon. Bago pa ako maipit sa sitwasyon nagmamadali na akong nagpaalam sa kaniya.

"Babye na!" nagmamadali na sabi ko at nagtatakbo palayo sa kaniya. Hingal na hingal akong nakabalik sa dorm at gulat akong makita si Kristine sa loob.

"Jasmine,"

"Kristine." sambit ko ng pangalan niya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya at umupo ako sa kamang katapat niya. Wala akong makitang emosyon sa mukha na kinabahala ko.

"Kristine—"

"Narinig mo lahat ng pinag-usapan namin sa court diba?"

0_0

Dahan-dahan akong napatango sa sinabi niya.

"Naguguluhan ako kung tama ba ang ginagawa ko."

Kristine....

"Alam kong aalis siya pero heto ako lagi parin sumasama sa kaniya. Lagi niya akong sinunsundo at hinahatid dito. Kumakain ng sabay, nag-uusap, nakikinig ng paborito naming musika, naglalaro ng paborito namin sport pero sa tuwing naiisip ko na aalis siya, hindi ko maiwasan mapatanong sa sarili ko kung tama ba na hayaan ko pang mapalapit ang sarili ko sa kaniya." paglabas niya ng saloobin sa akin. Bakas nga sa mukha niya na naguguluhan siya.

Kasalanan ko ito.

"Jasmine kung ikaw ang nasa lagay ko, anong gagawin mo?" tanong niya sa akin ng hindi ko inaasahan. Mabilis akong napaiwas ng tingin.

Ano nga bang gagawin ko kung ako nasa posisyon ni Kristine....

Kung yon ngang kay Franz, kung hindi ko lang nalaman ang mga pinaggagawa niya siguro masaya pa rin ako na kasama yon.

Alam ko na....

"Anong gagawin ko? Hmm syempre pahahalagahan ko ang oras na kasama ko siya, isasantabi ko lahat ng problema at lahat isipin. Kasi mas mahalaga sa akin ang bawat oras, para sa akin hindi dapat iyon sinasayang. Ano naman kung aalis siya? ang importante nakasama mo siya, naging masaya kayong dalawa."

"I guess magkaiba tayo ng iniisip,"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tingin ko kasi sasaktan lang namin ang isa't-isa. Narinig mo naman ang sinabi niya hindi niya alam kung gugustuhin niya pang bumalik—"

"Kung ganon, bakit hindi ikaw ang sumunod sa kaniya."

Sana gumana itong naisip ko.

"H-Ha?" gulat na tanong niya.

Hindi mapipigilan ang pag-alis ni Luigi pero siya marami naman siyang kayang gawin pa.

"Kung sa ngayon pinapakita mo na sumusuko kana, sa tingin mo ba uuwi pa talaga si Luigi? I mean hindi ba dapat ikaw itong nagpapakita sa kaniya na kung sakaling umalis nga siya ay may uuwian pa rin siya dito sa pilipinas." paliwanag ko at hiling ko sana naintindihan niya.

"You mean, iparamdam ko kay Luigi na karapatdapat niya akong maalala at uwian?"

"Oo! i-cherish mo lang ang bawat moment ng kasama mo siya, iparamdam mo na mahal mo talaga siya. Sa ganong paraan hindi ka niya makakalimutan at baka magbago pa ang isip niya sa pag-alis."

Sana talaga gumana itong pinag-iisip ko.

Tango-tango naman siya sa sinabi ko. Mamaya lang sumilay na ang ngiti sa labi niya.

"Naiintindihan ko, salamat Jasmine."

"Ano ka ba, always welcome."

Nandon kami ng oras na iyon ng bumukas ang pinto at niluwa non sila Cecil, Princess at Raven. May dala-dala pa silang snacks.

"Nandito na pala kayong dalawa," imik ni Cecil at agad na tumabi sa akin.

"Hinanap kaya namin kayo." si Raven na nagtatanggal na ng blazer niya ngayon.

"Kaya nga." sang-ayon ni Princess.

"Asus kundi pa nga umalis si Sir sa library hindi ka rin aalis."

"Imbento ka na naman Raven!"

Mygad hindi pa mulat ang mata ko ganito na sila kanina.

Mamaya lang napatingin ang tatlo sa akin.

"Baka naman pwede ka ng magkwento,"

"Ha? Anong kwento?" pagpatay malisya ko. Ito talaga pinakaiiwasan ko, magkwento kung anong nangyari kagabi.

"Dali na chika na!" si raven na may hawak pang piattos ngayon.

Isa-isa ko silang tinignan at talaga nga naman kinakabahan ako sa tingin nila. Naipikit ko ang mata ko at inalala ang nangyari kagabi.

*Flashback*

"Hendrix, tayo na." anyaya ko sa kaniya sabay lahad ng kamay ko. Tinignan niya ako ng seryoso ng oras na iyon, tinignan niya ang kabuuan ko.

"Halika na, bumaba na tayo dito." pagyaya ko pa sa kaniya. Tinitibayan ko na lang ang loob ko. Kailangan kong magpakatatag para sa kaniya.

"Bakit mo ginagawa mo ito?" tanong niya at madali kong pinunasan ang luha ko. 

"Kasi ganito ang ginagawa ng kaibigan, nagtutulungan at higit sa lahat nagdadamayan." garalgal na pagpaliwanag ko.

"Sino bang may sabing tinuturing kitang kaibigan? Get lost. Wag ka mangingialam pa sa buhay ko—" pagmamatigas niya parin.

"Hindi naman importante kung anong turing mo sa akin, ang importante... kung anong turing ko sayo. Nasabi ko na sarili ko noon na kung magkakaroon ako ng kaibigan, hindi ko hahayaan na mapahamak sila at pinapangako sa sarili ko na iingatan at proprotektahan ko sila."

Minsan lang sa buhay ko na makahanap ng taong kakaibiganin.

"Stupid."

0_0

Ang hirap niya talagang kumbinsihin. Sabagay siya si Hendrix napakatigas ng ulo niya pero gaya ng sabi ko hindi ko siya susukuan.

Babaguhin ko ang nakatadhana sa kaniya.

"Maipapangako ko lang...babantayan kita!"

"Tsk,"

"At ano... ano hindi ka na mag-iisa! Sisiguraduhin kong babantayan kita bawat oras..."

Mamahalin ka ng bawat character sa story ko. Ako ang gumawa sayo kaya ako lang din ang makakapagpabago sayo.

Hendrix, para magawa iyon kailangan ko rin ng cooperation mo.

Natauhan ako ng naglakad siya at mas kinagulat ko pa ang lampasan ako nito.

Anong nasa isip niya?

Halos mapatalon ako sa bigla ng magsalita siya sa likuran ko.

"Humanda kana, hindi mo na mababawi lahat ng sinabi mo. To-totohanin ko na ang sinabi ko sayo noon."

Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Ni-hindi ko mabasa ang nasa isip niya.

0_0

Eh? Ano daw?

"Ano pa ang hinihintay mo?"

"H-Ha?" takang tanong ko.

"Stupid, iuuwi na kita sa dorm mo."

0_0

Aba nakakailan na siya sa pagtawag sa akin ng Stupid ah! Pasalamat siya at nakakapagtimpi ako ngayon kundi nakutongan ko na siya.

Nauna na siyang bumaba, ilang segundo pa ako natulala kasi naman naguluhan ako sa sinabi niya.

Ano bang sinabi niya noon sa akin? Wala naman akong natandaan...

"Ang bagal,"

Natauhan ako at nagmamadali agad na sumunod sa kaniya. Hanggang sa nasa baba na kami at tahimik na naglalakad papuntang dorm ko. Hindi ko maiwasan na tignan siya baka sakaling malaman ko kung anong iniisip niya.

Sa wakas nakumbinsi ko na siya. Malapit ko na siyang sukuan kanina eh.

Napatingin ako sa langit na sobrang dilim at tumila na rin ang malakas na ulan. Nayakap ko ang sarili ko dahil sa lamig, walang katao-tao sa labas kaya naman kampate ako.

"Napano yang sugat mo?" nabigla ako sa pagtatanong ng kasama ko.

Napano daw? Dahil sa kasaltikan niya nangyari ito.

"Wala, Wala nadulas lang ako kanina."

"Tanga ka talaga," wala man lang preno sa pagsasalita niya. Natigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Hoy hindi porket kaibigan mo ako, sasabihan mo ako ng tanga! Nakakailan kana kung umasta ka parang ginusto ko madapa! Ikaw naman may kasalanan nito eh—" galit na imik ko at mabilis ko ring tinakpan ang bibig ko dahil kamuntikan na akong madulas sa pagsasalita.

Umiwas ako ng tingin, kasi naman ayokong makita ang mukha niyang naguguluhan ngayon.

Siya na nga itong tinulungan kanina, pero ako pa itong sinasabihan ng tanga. Palibhasa saltik siya—

Teka anong...

Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagluhod niya sa harap ko, doon ko lang nakita na may hawak siyang panyo at tinali niya iyon sa tuhod ko, kung saan nagkasugat ako. Matapos non tumayo siya at hinarap ako.

"I-I'm sorry."

Totoo ba ito? Nagsosorry siya? Aba dapat lang. Mukhang nahimasmasan na talaga siya.

"Hmm okay."

"I'm sorry," seryosong imik niya ulit.

Bakit ba siya paulit-ulit? Para siyang sirang plaka.

"Sabi ng okay lang," imik ko at nauna na akong maglakad sa kaniya.

Sa kinikilos niya ngayon... Mukhang nawala na ang galit sa puso niya. Okay na siya.

Nakarating kami ng girls dormitory at kahit anong pigil ko sa kaniya na huwag ng sumama sa akin, wala naman akong nagawa, matigas kasi ang ulo niya talaga. Wala na rin akong lakas makipagtalo sa kaniya. Sabi niya pa may kailangan daw siyang gawin.

Eh ano naman kayang kailangan niyang gawin?

Nang nasa tapat na kami ng pinto, sinenyasan ko na siya na umalis na pero hindi niya sinunod.

Kumatok ako at wala pang tatlong segundo bumukas iyon at bumungad sa harap ko este harap namin ni Hendrix yong apat.

Sina Kristine, Cecil, Princess at Raven. Mabilis akong hinila ni Kristine at hinawakan pa nito ang mukha ko at maging kabuuan ng katawan ko.

"Anong nangyari? Bakit ka nagkaganito?" nag-aalalang tanong ni Kristine, iimik sana ako kaso nagsalita si Hendrix.

"Humihingi ako ng sorry, sa istorbo at pag-aalala sa kaibigan niyo. I'm sorry sa abalang dinulot ko sa inyo."

Yong apat gulat na gulat sa sinabi ni Hendrix. Well lahat kami nanlalaki ang mata sa sinabi niya.

Hindi ko rin mapigilan humanga, hindi ko akalain na hihingi siya ng tawad hindi lang sa akin maging sa kaibigan ko.

Ito ba ang sinasabi niyang kailangan niyang gawin?

Kita ko ang pag-aalinlangan sa mata ni Kristine maging sila Cecil naguguluhan ngayon.

"Hendrix," hindi makapaniwala na sabi ko. Kasi naman lumuhod pa talaga ang loko.

Pinagagawa niya?!

"I'm really sorry, sa pangiistorbo at abala sa inyo." seryosong sabi niya ulit this time nakaluhod naman.

Nakakahiya siya pero... serve him right. Minsan kailangan niya talagang pagdaanan na pagsisihan ang kasalanan na ginawa niya.

"Ano ka ba naman, ba't ka naluhod jan, wala ka naman sa harap ng altar," pagbibiro pa ni Raven.

"Mukha ba kaming santo para luhuran mo?" gatong pa ni Cecil.

"Yong balat mo lang Cecil siguro." gatong ni Princess.

Hindi namin napigilan na matawa sa pinagsasabi ni Raven at Cecil. Si Hendrix naman ngunot pa ang noo at dahan-dahan ring tumayo sa hiya.

"Okay," imik ni Kristine at lahat tuloy kami napatingin sa kaniya. "Huwag mo ng uulitin ang ginawa mo sa kaibigan namin." parang ate ko ngayon si Kristine. Tumango si Hendrix bilang tugon dito.

"M-Mauna na ako," ilang na pamamaalam nito sa amin. Pinigilan ko sarili kong matawa, siguro napahiya talaga siya sa pagbibiro ni Raven at Cecil.

Nagtama ang mata namin. Gusto pa sanang malaman kung anong iniisip niya kaso hinila na ako nila Kristine papasok kaya naman, nakita ko na lang ang pag-alis niya.

*End of Flashback*

Naimulat ko ang mata ko at napaurong pa ako ng makita yong apat nakatingin din sa akin.

"Dali na chika na! Exited na ako kwento kana." pamimilit sa akin ni Raven.

Magsasalita sana ako para sabihin na wala naman nangyari pero may biglang kumatok sa pintuan.

"Ano ba naman yan kararating niyo lang dalawa dito mukhang sinusundo na kayo ng bebe niyo." bitter na sabi ni Raven.

"Sana all sa inyo." pagpaparinig ni Cecil at princess.

Jusko naman sana naman hindi si Hendrix ang nakatok. Gusto ko munang lumayo sa lalaki na iyon at ng makarelax ako ngayong araw na ito.

Tumayo si Kristine at siya ang nagbukas ng pintuan. Lahat kami naghihintay para malaman kung sino nakatok ngayon.

Utang na loob wag 'siya please.

"Oh ikaw pala..."

Base sa boses ni Kristine kilala niya ang dumating.

Si Luigi siguro...

"Raven!" tawag ni Kristine dito at takang-taka naman kaming apat kung bakita.

"Si Carl, naghahanap sayo." nakangiting sabi ni Kristine.

Automatikong napatingin ako kay Raven na namimilog ang mata ngayon. Wala pa man namumula na rin ang mukha.

Omg! Ito na siguro... Nakapagdesisyon na si Carl!

"Sige na pumunta kana," pagtulak ko kay Raven at nangisay pa ito sa kilig bago nagmamadaling lumabas.

Nagkatinginan pa kaming tatlo nila Cecil at Princess. Mamaya lang nagunahan na kami sumilip sa labas para pakinggan ang pag-uusapan nila Raven at Carl. Bumukas ang pinto at sumama sa amin si Kristine sa pakikinig ng usapan nong dalawa.

"Bakit mo ako hinahanap?" maarte na sabi ni Raven.

Tsk, galing din umarte nito. Deep inside nagwawala na yan sa kilig.

"H-Ha ano kasi..." natatarantang sabi ni Carl.

>_<

Naman...aamin lang naman siya. Ano bang mahirap doon?

"Anong ano? Dali na may gagawin pa ako."

"Kasi gusto kong tulungan mo ako,"

Anong pinagsasabi ni Carl?

"Ha? Tulungan? saan ba?" si Raven at ganon parin umaarte parin siya na wala siyang pakialam kay Carl.

"Ano kasi...Ahm 75+68? Anong sagot?" seryoso na tanong ni Carl dito na kinanoot ng noo ni Raven.

"Pambihira ka naman pumunta ka pa talaga sa dorm namin para lang pagcomputin ako?" galit at hindi makapaniwala na sabi ni Raven

Jusko naman. Ano ba naman nasaisip ni Carl?

"Ano ba naman katangahan pinaggagawa ng lalaki na yon?" iritang sabi ni Princess.

"Grabe naman sa katorpehan si Carl." sa boses ngayon ni Cecil para siya pa ang nahihiya sa pinagagawa ni Carl.

"Pinamumukha mo ba sa akin na bobo ako sa math?" dagdag pa ni Raven. Halatang nagagalit na nga ito kay Carl.

"Kawawang Carl," si Kristine.

Muli kong tinuon ng atensyon ang nangyayari sa labas.

"Ito na lang ahm.... Hulaan mo ito, Three words and say it you be mine." proud na proud pang imik ni Carl. Halata pang confident siya kaso nga lang...

"T-Three words? Mahina ako sa mga ganiyan!" maktol ni Raven.

>_<

Ano naman ba naman si Raven talagang pahihirapan niya pa si Carl.

Taka kami nila Kristine ng may kinuha si Carl sa bag na dala niya.

Ano naman kaya yon?

"Ito...Ito para sayo." sabi ni Carl at binigyan ng mansanas si Raven.

.......

Para saan naman ang mansanas na iyon?

"Sabi nila sa greek mythology, kapag binigyan mo ang isang babae ng mansanas—" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi naman pinutol agad ni Raven.

"Inaasar mo ba talaga ako?"

"Ha? Hindi.."

"Inaasar mo ba akong baboy kaya binigyan mo ako ng apple ha?!"

>_<

Ang lawak naman ng pag-iisip ni Raven.

"Hindi nagkakamali ka... Apple kasi.."

"Huwag ka ng magpaliwanag!"

"Okay, ito na lang, ito na lang gusto ko talaga malaman mong I..."

Nabuhayan kami ng pag-asa nila Kristine dahil sa wakas direkta ng sasabihin ni Carl ang nararamdaman niya. Kaming apat tuloy na-exite.

Ayan na! Ayan na aamin na siya! Sa wakas naman! This is it!

"I..."

Kainaman na, sabihin mo ng 'I love you' or 'I like you! 

"Anong I? Gusto mong Ibalibag kita?"

"I-I-Iodine, Lutetium, Vanadium, yttrium, oxygen, and uranium." nagmamadaling sabi ni Carl at pinagpapawisan na nga ito ngayon.

Kroo Kroo.....

Daig pa talaga may dumaan na ibon sa harap namin sa biglang tahimik ng paligid.

>_<

Napasapo kaming apat nila Kristine sa noo habang nakasilip sa kanila at pinanood sila sa labas. Si raven ngayon nakatulala lang...

Ayon ngang number hindi nasagot, science pa kaya?!

"T*ngina ano daw?" malutong na mura ni Cecil. Ako rin napapamura na sa isip ko, hindi ko nga alam pinagsasabi ngayon ni Carl.

"Jusko wala silang pag-asa." bored na sabi ni Princess.

"Sinabi mo pa," gatong ni Cecil.

"Mali kayo, gustong iparating ni Carl, mahal niya si Raven."

Napalingon kami lahat kay Kristine.

"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ni Cecil.

"Iodine stands for I. Lutetium stands for LU, Vanadium stands for V, Yttrium stands for Y, Oxygen stands for O and lastly Uranium stands for U. Means he just want to say I love you to our friend."

"Ganon pala yon, ang galing. Nanosebleed ako sa pagenglish mo kristine." mangha na sabi ni Cecil at totoo nga dumugo ang ilong niya.

"Siraulo yan si Carl, wala man lang atang alam kay Raven."

Tama si Princess, mukhang wala ngang alam si Carl kay Raven.

Muli bumalik ang tingin namin sa labas para manood ng susunod na mangyayari.

"Naintindihan mo ba Raven?" tanong ni Carl na mamula-mula na ang mukha ngayo. Ako na itong naawa sa kaniya ngayon.

"Oo naman naintindihan ko,"

0_0

Omg! Naintindihan niya yon?! 

"Naintindihan ko na...pinamumukha mo sa akin na bobo talaga ako!"

>_<

Ano ba naman ito.

"Aminado akong mahina ako sa math! Hindi rin ako kagalingan sa science lalo na sa mga greek myth na yan! Recess nga paborito kong subject! Hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin na wala akong alam."

"Raven nagkakamali ka—"

"Umalis kana! Pinasasakit mo lang ulo ko! Magcompute ka at magaral ng science mag-isa mo at ito ang apple mo isaksak mo yan bibig mo!" galit na pagpapaalis ni Raven kay Carl, talagang binato niya pa ang apple dito at wala naman nagawa si Carl kundi ang umalis.

Ang gulo naman nito. Ang sakit sa ulo.

Ano ng gagawin ko sa dalawang iyon?

***

Naiwan kaming apat sa loob ng kwarto si Raven nagpahangin lang sa labas. Galit na galit talaga siya kanina.

"Hays wala silang pag-asang dalawa." imik ni Princess.

"Kayo rin naman ni Ser jai ah, wala." asar ni Cecil.

"Mas wala ka namang pag-asa sa bakla."

"Psh."

"Girls enough, mabuti pang isipin natin kung anong gagawin natin kay Raven." si Kristine. Bakas sa mukha nito na talagang gusto niyang tulungan si Raven at Carl.

"Pero anong magagawa natin? mukhang opposite silang dalawa. Hindi sila magkaintindihan." bored na sabi ni Princess.

"Don't you know the kasabihan na opposite attracts." masayang sabi ni Kristine kaya naman napaayos ako ng upo.

"Alam ko naman, ano bang naiisip niyo?" tanong ni Princess at napatingin ako kay Kristine na nakatingin sa akin ngayon.

Huwag mong sabihin....

"Jas, what do you think? Anong gagawin natin?"

Sabi na nga ako ang magpla-plano.

"M-Mabuti pa siguro kausapin natin si Carl."

"Agree ako!"

"Then anong sasabihin natin?"

"Kanina nakita niyo naman na mukhang walang alam si Carl sa mga bagay na gusto ni Raven, para bang basta na lang siyang sumugod sa gyera na wala man lang dalang armas. So naisip ko na bakit hindi natin tulungan si Carl? sabihin natin ang mga bagay na makakapagpasaya kay Raven."

"Okay yon, kaso isang malaking abala." natatamad na sabi Princess.

"Payag ako, nakakaawa kanina si Carl. Gusto ko siyang tulungan." masayang sabi ni Cecil.

"Ganon din ako, i want to help Carl, sa totoo lang ang may problema lang naman is yong kaibigan natin. Talagang magka-opposite silang dalawa pero hindi matanggi na bagay din sila. Am i right?"

Lahat kami sumangayon sa sinabi ni Kristine.

Matapos namin maplano ang pag-uusapan. Madali na naming pinuntahan si Carl at sakto nakita namin siya sa library namumukmok.

"Anong ginagawa niyo dito?" nahihiyang tanong nito at tingin galit ito sa akin.

"Umalis na kayo."

"Nandito kami para tulungan ka," imik ko at tinignan niya ako ng masama.

"Ikaw ang may kasalanan nito... Sabi ko naman kailangan ko pa ng oras. Ayan tuloy hindi na ako nakapag-isip ng pwede pang itanong sa kaniya, naubusan na ako ng itatanong."

>_<

Talagang plano niya pala talaga ang mga tanong na iyon.

"Kaya nga kami nandito, kasi tutulungan ka namin."

"Tama!"

"Shhh," agad na saway kay Cecil dahil sa pagsigaw nito.

Umupo kami sa harap ni Carl at pinag-usapan ang tungkol about kay Raven. Halos maggagabi na nong natapos kaming mag-usap. Napag-usapan lang namin kung anong hilig ni Raven like kumain, make-up, maggala, higit sa lahat kahit modern ang tingin kay Raven ng ibang tao. Mahilig parin ito sa mga makalumang pamamaraan. Kaya naman naisipan namin na bakit hindi haranahin ni Carl si Raven?

Tapos kami nila Kristine gagawa ng poster, kung saan nandon nakalagay ang pinagsasabi ni Carl kanina para maunawaan na yon ni Raven.

"Okay na ha?" paniniguro ni Kristine at masayang tumango si Carl.

"Sakto mahusay si Cecil maglettering at drawing." pagsasalita ni Princess.

"Pero may problema pa ako," imik ni Carl. "H-Hindi ako marunong maggitara. Paano ko siya haharanahin?"

Napangiti naman ako sa problema niya. May naisip na akong sulusyon don.

"Ako na ang bahala, kabisaduhin mo na lang ang kantang-kakantahin mo."

"Sino naman naisip mo?" tanong ni Kristine. Inayos ko ang sarili ko at naglakad na palayo sa kanila.

"Magkita-kita na lang tayo sa dorm!" nagmamadaling sabi ko at tumakbo na ako papalayo sa kanila.

Saan ko kaya makikita ang saktik na iyon?

Siya lang naman ang alam kong magaling maggitara.

Nagmamadali akong pumunta sa dorm nila Hendrix at kumatok doon. Ilang minuto din hinintay ko ng bumukas iyon at nakita si Hendrix. Bakas ang gulat sa mata niya, parang hindi siya makapaniwala na pinuntahan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" pagsasalita niya habag sinasara ang pinto at mamaya lang sumandal ito sa pader.

"Kailangan ko kasi ng tulong mo,"

"What kind of help? hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon?"

"Ano kasi... Ikaw lang makakagawa nito." lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano ba kasi yon? alam mo bang boy's dorm ito? hindi pwede ang babae dito." may halos inis na sabi niya.

Wow lang pagsa girls dormitory pwede ang lalaki dito bawal?! Ang unfair!

"Yong kaibigan ko kasi... Need namin ng gitarista, kasi si Carl..." natigil ako sa pagsasalita ng makitang naningkit ang mata niya na parang may sinabi akong hindi maganda. "Si Carl, gusto namin siyang tulungan na ligawan ang kaibigan namin."

"So?"

"Harana ang gagawin niya, kaso hindi siya maalam maggitara."

"Tsk,"

"Sige na pumayag kana." pamimilit ko. "Please."

"In one condition..."

Kinakabahan naman ako sa one condition na ito.

"Ano ba yon?"

"Date me,"

Hays... Hindi talaga siya titigil.

"Kung ayaw mo edi maghanap ka ng lang ng ibang gitarista—"

"Oo na! sige na pumapayag na ako."

Ito talagang Hendrix na ito.

"Good, madali kang kausap." ngising sabi niya at nagtaka ako ng papasok muli siya sa kwarto niya.

"Saan ka pupunta?"

"Tsk, kukunin ko lang gitara ko, alangan naman maggitara ako ng walang dalang gitara diba?"

>_<

Nga naman...

Hinayaan ko siya at wala akong nagawa kundi maghintay sa labas ng pintuan niya. Sampong minuto ang hinintay ko bago ulit siya makalabas ng kwarto niya.

"Ano ba naman tagal—" napatigil ako sa pagsalita ng makitang bihis na bihis siya.

"What?"

"W-Wala naman, tara na ang tagal mo." inis na sabi ko at naunang maglakad sa kaniya. Nakapolo siya at pants, hindi ko tuloy maiwasan balikan iyong oras na nasa contest 'siya. Medyo may kahawig ang ayos niya ngayon sa ayos niya noon.

Naglakad kami papuntang girls dormitory at wala kaming choice kundi papasukin din siya loob kaysa naman pagpyestahan siya sa labas ng pintuan namin.

"Patapos na ako magsulat!" nangangalay na sabi ni Cecil. Paulit-ulit nitong binabatak ang kamay at daliri.

Si kristine naman nagdedesign ng cartolina. Ako naman pinaaral ko ang chords kay Hendrix na tutugtugin niya mamaya. Si Princess, gaya ng plano namin siya ang maglalayo kay Raven sa dorm namin, kunwari ipapasyal niya ito.

Si Carl, ewan sa lalaki na iyon sana nga ayos na siya at sana nag-ayos siya mamaya niyan mas mukha pang manliligaw si Hendrix sa kaniya.

"Kailangan ba talagang gawin ito?" mahinang tanong sa akin ni Hendrix. Na pinaglalaruan na ngayon ang gitara niya sa pamamagitan ng pagstrum.

"Basta aralin mo na lang—"

"Tapos na alam ko na rin naman ang chords."

Wala akong nagawa kundi mapasimgangot.

Ang moody talaga ng Hendrix na ito.

Sa wakas natapos din sila Kristine at Cecil sa paposter nila. Pinalabas namin si Hendrix dahil syempre magbibihis din kami. Matapos naming magbihis lumabas na kami ng dorm at hinanda na ang set up na gagawin namin sa dulong bahagi ng BSU.

Syempre masaya yong kami-kami lang. Kaya naman doon kami sa malapit sa bakanteng gusali.

Nang makarating kami doon. Tinext na ni Kristine si Princess at sabi parating na nga daw ito. Kaso ang problema namin wala pa si Carl at si Hendrix hindi rin namin makita.

"Hindi ko matawagan si Carl." nag-aalalang sabi ni Kristine.

"Cannot be reached nga siya."

"Ano na? masasayang ba lahat ng efforts natin?"

"Hindi kaya..." imik ko at lahat sila nagsipagtinginan sa akin.

Hindi kaya hindi na siya pupunta?

Nagtaka ako ng may biglang umakbay sa akin at si Hendrix iyon.

Teka saan ba siya galing?!

"Wala na kayong dapat ipag-alala." seryosong sabi niya at sinenyasan niya kami na tumingin sa likod namin at ginawa namin iyon. Masaya kaming nakita si Carl.

"Buti naman nandito kana."

"Pasensya na kayo tumae lang ako, kinakabahan kasi ako."

>_<

Kailangang bang sabihin talaga iyon. Nakakadiri.

Naiilang tuloy kaming napangiti sa kaniya. Inayos na namin lahat taga hawak lang naman kami ng poster at si Hendrix kasama na ngayon si Carl. Infairness hindi siya papakabog sa suot ni Hendrix ngayon.

"Omg! nandyan na sila." kinikilig na sabi ni Cecil at talaga nga naman maski ako kinikilig na din. Gaya namin bihis na bihis rin silang dalawa pero syempre mas bongga kay Raven. Nagpakulot pa talaga, syemay halatang-halata na may alam na siya.

Nakablindfold ito ngayon.

"Ikaw talaga Princess pag ito echoss lang, sinusumpa ko hindi ka pansinin ni Ser jai."

"Musang ka talaga Raven."

Pagtatalo pa ng dalawa habang papalapit sa amin. Kita ko ang kaba sa mukha ni Carl at hiling ko wag naman sana siyang makaramdam ng tawag ng kalikasan ngayon.

Nang saktong maipunta ni Princess sa gitna. Pinaalis na nito ang bilndfold saktong pagmulat ng mata niya. Tinaas namin ni Kristine ang poster na kung saan nandon nalagay ang element na pinagsasabi ni Carl at nakalagay din don ang mga Letra na binubuo non. Si Cecil naman nagsaboy sa ere ng pinunit-punit na ibat-ibang kulay na papel na nagsilbing confetti.

*I LUV YOU*

CORNY MAN TIGNAN, NAKAKAKILIG PARIN NAMAN.

Bakas ang gulat sa mata ni Raven ngayon at maluha-luhang pinagmasdan ang paligid niya.

"Hala ano ito? bakit may paganto?" tanong ni Raven. Nandoon kami sa sitwasyon na yon ng lumapit na sila Carl at nagsimula ng magstrum ng gitara si Hendrix.

"Carl," hindi makapaniwalang sabi nito. Ngayon magkatapat na sila at natatawa akong maisip na parang thirdwheel si Hendrix kasi naman siya ang nagigitara kaya dapat malapit siya sa Carl.

"Kung dati'y di ko nagawa ang magtapat
Ngayon handa na kong gawin ang nararapat...." bakas ang kaba sa boses ni Carl ang kaba pero infairness maganda rin ang boses niya.

"Di ko na palalampasin ang pagkakataon," sinsirong pagkanta ni Carl dito hindi ko tuloy maiwasan kiligin, este kaming lahat.

"Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon, Di ko na palalampasin ang pagkakataon, Upang sabihin na...."

Lahat kami Napatigil sa paghinga, i mean lahat kami nagtataka bakit tumigil si Carl, maski si Hendrix napatigil din sa pagstrum ng gitara.

"Mahal na mahal kita." mata sa matang sabi niya kay Raven. Lahat tuloy kaming mga babae napairit sa kilig.

Sa wakas nasabi niya na! I'm so happy!

"Raven, ano kasi... Ano..."

Ano ba yan okay na eh. Baki ba siya nauutal pa?!

"Anong ano? gusto mong magalit na naman ako?"

"Hindi... Kasi gusto kong... gusto kong ligawan ka, pwede ba?"

"Jusko ang haharot niyo!" sigaw ni Cecil kaya naman nagtawanan kaming lahat. Maski si Hendrix natawa din, patuloy parin siya pagstrum para magsilbing background music. Si Kristine taga video sa nangyayari.

"Ayoko,"

Lahat kami napantig ang tenga sa sagot ni Raven at si Carl naman nalungkot agad ang mukha.

Ano bang nasa isip ni Raven?

"Anong ibig mong sabihin na ayoko?" naiilang na tanong ni Carl. Lahat kami nagaabang ng sasabihin ni Raven.

"Ayoko kasi...para lang sa mga bata yon. Anong ligaw-ligaw pa? patatagalin pa ba natin? tayo na!"

Lahat kami natawa muli sa sagot ni Raven.

Akala ko naman ayaw niya. Nakakaloka talaga tong character ni Raven.

"Talaga? ibig bang sabihin?"

"Oo tayo na! girlfriend mo na ako!" kinikilig na sabi ni Raven at talaga nga naman tinalunan pa si Carl para yakapin.

"I love you too!" imik ni Raven kay Carl na halos kinapula ng mukha nito at talagang hindi pa don nakuntento si Raven mabilis niya itong kiniss sa pisngi.

Ano ba naman ito ang sweet nila. Nagiinit na tuloy sa paligid namin.

"Hanep na Raven, naging unggoy." iling-iling na sabi ni Princess pero maski siya kinikilig din.

"Shemay sana all!" naghihinanakit na sabi ni Cecil.

"Congrats!" bati ni Kristine.

Lahat kami nagsama-sama at sama-samang kumanta ng theme song nila Raven at Carl. Ako pa pumili non dahil bagay sa kanila ang kanta.

"Di ko na palalampasin ang pagkakataon, Di na kita iiwasan pa hindi tulad noon, Di ko na palalampasin ang pagkakataon
Upang sabihin na mahal na mahal kita." pagkanta naming lahat. 

"Mahal kita!" sigaw ni Carl sa pagkanta.

"Mahal din kita!" si Raven naman ngayon at talagang kinikilig si Carl dahil don.

"Mahal kita." kanta naming lahat sa last part.

Pinagmasdan ko silang lahat nong oras na iyon halos lahat masaya, lalo na si Raven at Carl.

One down. Si Cecil, Princess at Kristine pa ang iisipin ko.

Natapos ang kasiyahan namin at syempre nagkaniya-kaniya na kaming lakad ulit lalo na si Carl at Raven.

Masaya akong pinagmasdan ang langit habang naglalakad. Ang dami kasi nitong star at buong-buo ang buwan.

"Ang saya mo,"

Napatigil ako sa paglakad at nakita si Hendrix na nakasunod lang sa akin. Hindi ko matago ang saya ko, lalo na sa ginawa niya.

Kundi dahil sa tulong niya malamang boring kanina. Dahil sa pagtugtog niya lalong gumanda ang lahat.

"Oo masaya talaga ako! salamat kanina."

"Tsk, no big deal." mayabang na sabi nito. Inistrech ko ang kamay ko at dahil don hindi ko sinasadya na matamaan ang mukha ni Hendrix.

"Shit,"

"Hala sorry..." paghingi ko ng tawad at agad kong kinuha ang mukha para tignan ang mata niyang nabangga ng daliri ko.

"Akin na titignan ko," pagsasalita ko at hinawakan ang mukha niya. Hindi niya binubuksan ang kaliwang mata niya na pinagaalala ko ngayon.

Nako mahaba pa naman kuko ngayon. Baka sundot ko ang mata niya...

Tapos...

Mabulag siya ng dahil sa akin?

0_0

Mabilis akong napailing sa naisip ko.

"Akin na titignan ko, sorry talaga. Hihipan ko na lang." pagkasabi ko non dahan-dahan niyang binuksan ang mata niya at ako naman dahan-dahan akong umihip, mahirap na baka laway ko pa ang tumalsik sa kaniya nakakahiya yon.

"Sabihin mo sa akin, kung ayos na ha."

Patuloy parin ako sa pag-ihip. Nagtama ang mata namin at doon ko lang realize ang lapit ng mukha ko sa kaniya.

Sobrang seryoso ng mata niya...Akmamg aalis ako kaso pinigilan niya ako na kinakaba ko.

Ano bang ginagawa niya?

"May usapan tayo,"

"O-Oo alam ko yon," utal na pagsasalita ko kasi naman nakakailang ang lapit namin.

Bakit ba ganyan siya makatingin? may dumi ba sa mukha ko.

Binitawan niya ako kaya naman, lumayo na ako sa kaniya.

Whoa... Minsan talaga kailangan kong mag-ingat.

"Ayos na ba yang mata mo?" pagtatanong ko.

"Ayos naman, salamat." ngising imik niya at naunang maglakad sa akin.

Hindi parin ako sanay tuwing magpapasalamat siya sa akin.

Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa nakita kong palabas siya ng school.

"Teka saan ka pupunta?"

Aalis ba siya? Saan na naman ba siya pupunta?

Nilingon niya ako at naglakad papalapit sa akin. Hinubad niya ang dala-dala niyang gitara at binigay iyon sa akin.

Doon ko lang din napansin ang kotse na...sure akong nakita ko na yon! Ayon ang time na nakita namin ni Cecil si Hendrix lumabas sa kotse.

"Ikaw na bahalang magsauli niyan sa dorm o wag na rin, bukas ako na lang kukuha niyan sayo, pagkaalis ko, umuwi kana agad." seryosong imik niya. I mean paguutos.

Kung ganon aalis nga siya. Panigurado may kinalaman ito sa pamilya niya.

Nakalagay sa story ko, na sinusundo nga si Hendrix sa school tuwing kailangan siyang kausapin ng ama niya.

"What's with that face? hindi pa ako naalis, namimiss mo na ako." nang-aasar na sabi niya.

Tsk. Kahit kailan talaga, ang hangin.

Binuksan niya ang kotse at akmang sasakay na siya kaso... madali niya akong pinuntahan, naipikit ko ang mata ko kaya naman naramdaman ko na lang yakap niya na segundo lang ang tagal. Napahawak ako ng mahigpit sa gitara.

Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha.

Hendrix...

"See you tomorrow." nakangiting sabi niya at pumasok na siya sa kotse. Pinanood ko lang umalis ang kotse na sinakyan niya.

Naiwan na tuloy mag-isa.

Ngayon alam ko na, talagang nakaformal siya kasi aalis siya. Sana maging okay ang lahat sa kaniya.

Hindi ko naman siyang pwedeng samahan sa lugar na iyon.

Bumalik na ako sa dorm gaya ng utos ni Hendrix. Nandon na sila Kristine kumpleto sila at si Raven na halos hindi parin makalimutan ang nangyari kanina at mukha ngang hindi ito makakatulog.

"Jas,"

"Bakit Kristine?"

"Ahm lalabas kami ni Luigi bukas, baka lang gusto mong sumama."

"Bakit naman ako sasama?"

"I mean isama mo si Hendrix, it will be double date you know. Pwede rin nating isama sila Raven at Carl."

Double date...

Date...

Sabagay nakipagkasundo ako kay Hendrix. Na magda-date kami at ginawa ko iyon dahil kay Raven.

"Titignan ko,"

"Sige, mga tanghali pa naman. Sila Cecil at Princess kasi may pupuntahan, ayoko naman ng kami lang dalawa ni Luigi naiilang ako, kaya sana pumayag ka."

Talagang nailang pa siya? lagi nga silang magkasama.

"O-Okay,"

"Yes! thank you Jasmine." imik ni Kristine at nagulat ako ng niyakap ako nito.

Hays mapapasubo na naman ako nito pero pagkakataon ko na ito para paglapitin si Kristine at Luigi.

Double date...

Hindi naman kaya mauwi sa rambulan ang date na yon? Lalo na ang huling tagpo nila Luigi at Hendrix ay hindi maganda.

Wah!

Bahala na nga bukas.

-----------------------------------------------------------

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...