Si Author naging EXTRA?!

Jaedrian_23 द्वारा

983 150 30

Meet Jasmine Sevilla one of the famous author in Wattpad. Kilala siya bilang 'Rising Author' dahil kaya niyan... अधिक

Author
Prologue
Chapter 1: Encounter
Chapter 2: Party
Chapter 3: Piglet
Chapter 4: Crush
Chapter 5: Selos
Chapter 6: Bully
Chapter 7: President
Chapter 8: Danger
Chapter 9: Iwas
Chapter 10: Sorry
Chapter 11: Love Letter
Chapter 12: Ngiti
Chapter 13: Crazy
Chapter 14: Camping
Chapter 15: Sick
Chapter 16: Stuck
Chapter 17: Like
Chapter 18: Camp
Chapter 19: Open-up
Chapter 20: Contest
Chapter 21: Date
Chapter 22: Kiss
Chapter 23: Suicide
Chapter 24: Traitor
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Friendzone
Chapter 27: Leave
Chapter 28: Alone
Chapter 30: Start Again
Chapter 31: Decision
Chapter 32: Harana
Chapter 33: Pretty Boy
Chapter 34: Sweet
Chapter 35: Waiting

Chapter 29: Night

13 3 3
Jaedrian_23 द्वारा


Umalis ako sa building at papunta ako ngayon sa office. Aminado akong kabado ako lalo na hindi imposible na makita ko siya doon pero kahit na wala naman akong dapat ikatakot, siya nga itong may atraso sa akin.

Nakarating ako ng opisina at ganon na lang tuwa ko ng hindi siya makita doon. Isang teacher ang nagbabantay, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi ko ang intensyon ko na lilipat ako ng dorm pero ganon na lang ang dismaya ko ng sabihing walang bakante na kwarto.

Wala naman akong magagawa kundi ang umalis sa opisina.

Hindi naman ako pwedeng matulog na lang sa taguan ni Hendrix.

"Jasmine!"

Automatikong napalingon ako sa tuwamag non sa akin at nakita yong kaibigan ni Merlyn na si Princes.

Hays ang daming princess dito, hindi naman palasyo ang school na ito. Joke. Ako nga nagpangalan sa kanila hehe.

Masayang nagtatakbo ito palapit sa akin.

Ann na lang itatawag ko sa kaniya.

"Masaya akong nagkita tayo ulit," bakas nga sa mukha ang saya niya. Hindi ko tuloy maiwasan maging emosyonal lalo na narealize kong may tao pang gusto lumapit sa akin maliban kay Hendrix.

"Ako rin," tugon ko sa sinabi niya. Nabigla ako ng kunin niya ang kamay ko at hawakan iyon.

"Nakakatuwang isipin, hindi tayo nagkikita dito sa school. Sa totoo lang gusto ka namin makasama ni Merlyn." exited na pagsasalita niya. Kulang na nga lang tumalon siya sa pagkaexited, kitang-kita ko din ang pagkinang ng mga mata niya na nagpapakita sinsiro siya sa sinasabi niya.

"T-Talaga?" garalgal na imik ko.

"Oo naman! Nga pala bakit ka nandito sa labas ng office?"

Doon lang bumalik sa isip ko ang tunay na pakay ko kung bakit nandito ako sa building na ito.

"May umaway na naman ba sayo? may nanakit ba sayo, humanda sa akin ang may away sayo—"

"Wala wala, kalma ka lang." pagpapakalma ko sa kaniya kasi naman mukhang handa na siya manapak eh.

Ang cute niya talagang babae. Parehas kaming nakasalamin pero siya...mas maganda siya kapag walang salamin.

"Talaga ba? Buti naman lagot sila sa akin, hindi ako nagbibiro. W-Wala man sa pangangatawan ko pero malakas akong sumuntok!" pagmamalaki niya sa akin.

Nakakatakot din pala ang babae na ito.

"Hehe," tanging natugon ko.

"So anong ginagawa mo dito?"

"A-Ano kasi...nagbabasakaling may..." nagdadalawang isip na imik ko. Dapat ko bang sabihin ang totoo?

"Ha?" takang tanong niya. Hinarap ko siya at napangiti ako ng pilit

Mukha naman mabait siya. Wala namang masama kung sabihin ko sa kaniya ang totoo bakit ako nandito.

"Nagbabakasakali lang ako baka may bakanteng kwarto pa na pwedeng tulugan." nahihiyang paliwanag ko. Kita ko na nanlaki ang mata niya na tila ba nagulat siya sa sinabi ko.

"B-Bakit? wala ka bang matulugan? wala kang dorm?" sunod-sunod na tanong niya. Lalo lang tuloy ako nahiya pero... napagtanto ko na mukhang wala pa siyang alam sa kumakalat na balita tungkol sa akin.

"Parang ganon na nga," tugon ko.

Ano kayang magiging reaksyon niya pagnalaman niya iyon? Lalapitan parin niya ba ako?

"Kung ganon, sa amin ka na lang matulog!"

0_0

Anong....

"Dalawa lang naman kami ni Merlyn sa dorm ngayon, nagsiuwian ang iba naming kasama. Isa pa, wala kang dapat ikahiya, kami nga itong may atraso sayo."

Ang bilis naman magbago ng emosyon nito.

"Ano ka ba, matagal na iyon—"

"Kahit na! Gusto kong magbayad sa kasalanan na ginawa namin at isa pa! maganda ito para makilala natin ang isa't-isa. Gusto ka talaga naming maging kaibigan. Kaya please sa amin ka na lang matulog, huwag ka na maghanap ng ibang tutulugan." paki-usap niya at kinagulat ko pa ang akmang pagluhod nito madali ko siyang pinigilan.

Ano ba itong gagawin ko? Kung sasama ako sa kaniya mamaya pagsisihan niya ang desisyon na ginawa niya.

"Ann,"

"Yes?"

"Wala ka bang naririnig tungkol sa akin?" pagtatanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kung may nalalaman ba siya. Biglang nagbago ang ekspresyon niya at nag-iwas ng tingin sa akin.

So may alam siya? Bakit gusto niya parin akong lapitan?

Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "Alam ko....pero hindi ako naniniwala na ganong kang tao!" seryoso niyang imik sa akin, sa harap ko mismo napaatras nga ako kasi akala kung anong gagawin niya. Sobrang lakas ng dating niya ngayon.

"Mga wala talagang magawa ang studyante dito, iyong mga katulad natin ang binubully. Porket ba may salamin tayo? Naiiba na tayo sa kanila? ang hirap kasi sa iba basta lang makapagsalita, makapang-api sa kapwa."

Ann...

Nakikita ko mismo ngayon ang galit, naiyukom niya na ang kamao niya.

Sa pagsasalita niya... Mukhang nabully na rin siya noon.

"Alam kong trip nila ang gaya mo, gaya natin, mahihina. Hindi ako naniniwala na magagawa mo yon, kahit sabihin mo pang ginawa mo yon, hindi kita paniniwalaan. Alam ko, alam ko isa kang mabait na tao." kamuntikan na akong mapaluha sa sinabi niya. Sabi nga nila ang magkakaintindihan ang tao kapag parehas sila ng karanasan.

Ganon na lang gulat ko ng kunin niya ang kamay ko at hilahin.

Teka saan kami pupunta?

"Kaya ngayon sasama ka sa akin, magkakatotoo na rin sa wakas ang gusto namin ni Merlyn, magkakaroon na kami ng oras na masolo ka!" tuwang-tuwa na sabi niya.

Ambilis ng pagtakbo niya kaya naman nakakaladkad na ako.

Palibhasa ang gaan-gaan ng katawan kaya naman ang bilis kumilos.

Akmang baba na kami kaso.... napatigil si Ann sa pagtakbo dahil sa taong makakasalubong namin na halos kinakaba ko ng husto.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang lakas-lakas parin ng dating niya sa akin.

"Goodevening Mr, President." hingal na hingal na sabi ni Ann dito kahit ganon napakaenergetic niya parin. Samantalang ako, hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya.

"Goodevening Ms, Matibag." rining ko pagbagti nito. Nakangiti itong nakatingin kay Ann ngayon.

"Ano ka ba masyado ka namang formal, pwede namang Ann na lang or Princess Ann hihi." kinikilig na sabi nito at hindi ako makapaniwalang pinagdikit pa nito ang dalawang hintuturo niya. Tila ba nahihiya siya taong gusto niya.

"Magandang gabi rin sayo Ms, Sevilla." napatingin ako muli sa kaniya at doon nagtama ang mata namin, nakasilay ang ngiti ngayon sa mukha niya. Napalunok ako ng wala sa oras lalo na bumalik sa isipan ko ang napag-usapan namin nong umaga. 

Ni-hindi ko magawang umiwas ng tingin, para akong nasa isang spell. Natulala lang ako sa mukha niya, nawala na ang ngisi sa labi niya. Katulad ng malamig na hangin, ganon din ang tingin niya sa akin ngayon.

Anong bang nangyayari sa akin? Hindi ba dapat iniiwasan ko na siya.

At bakit ganyan siya makatingin sa akin?

Sa peripheral vision ko nakikita kong nagpasalit-salit tingin sa amin si Ann.

"Alam ko na," doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mapabaling ang tingin sa iba. Tinignan ko si Ann na tango-tango sa sarili ngayon.

Ano bang pinagsasabi niya? ginagawa niya ngayon, para saan naman ang tango niyang yon?

"Siya pala ang hinihintay mo sa labas ng opisina."

Literal na napanganga ako sa sinabi niya, hindi ko maiwasan magulat. Hindi ko lubos isipin na ayon ang iniisip niya.

Para siyang pinagsama na Raven at Cecil.

Ilang tuloy akong tinignan siya pero mas tinuon ko ang tingin ko kay Ann.

"Mali ka Ann—" pagpapaliwanag ko sa kaniya kaso biglang may sumingit.

"Don you want to talk?"

Nanlamig ang katawan ko sa sinabi niyang iyon. Seryoso ko siyang hinarap.

Ano namang pag-uusapan namin? Ang lakas talaga ng loob niya na magpanggap sa harap ko pa talaga?!

Malugod akong umiling bilang pagtanggi sa kaniya.

Tama nga tanggihan mo siya Jasmine, wag kang marupok. Wala kayong dapat pag-usapan.

"Mauna na kami." paalam ko at ako na mismo naghila kay Ann para umalis sa harap niya at lagpasan siya.

Nang makaalis kami ng building, pumunta na kami kung nasaan ang dorm nila at ganon na lang gulat ko ng mapagtantong sobrang lapit lang ng dorm nila sa dorm nila kristine.

Tapos hindi kami nagkikita-kita?! 

Siya ang nagbukas ng pinto at niyakad akong pumasok nito. Bago ako pumasok napatingin ako sa pintuan ng kwarto nila Kristine. Nakaramdam ako ng lungkot at higit sa lahat pangungulila.

Nakakamiss rin pala sila.

Muling bumalik sa alaala ko ang kaingayan ni Raven, ang kainosentehan ni Cecil, ang seryosong mukha ni Princess at ang masayang si Kristine. Hindi ko rin makakalimutan ang late night talks na kasama sila, pagkwe-kwentuhan namin tungkol sa buhay at maging crush namin. Dahil sa kanila naranasan kong magkaibigan.

Tama nga sila 'Friendship is beautiful but can be painful.'

"Jasmine," rinig kong tawag sa akin ni Ann. Malungkot man umiwas na ako ng tingin sa pinto ng kwarto nila Kristine at pumasok sa kwarto nila Ann.

Nilibot ko ang tingin ko at parehas lang ito sa kwarto namin. May lima ring higaan.

Nabigla na lang ako ng yumakap sa akin.

"Jasmine!" masayang sabi nito, nang humiwalay siya sa akin doon ko lang nalaman na siya pala si Merlyn. Nakakainggit talaga ang tangkad niya pero magkasing katawan lang sila ni Ann.

"Sobrang saya ko, halika dito ka." anyaya niya sa akin. Nilagay ko ang bag ko sa sahig pero mabilis iyon kinuha ni Ann at nilapag sa isang kama.

Nakakailang naman ito. Siguro dapat sa hideout na lang ako ni Hendrix natulog.

Nakakailang lalo na ang tataas ng energy nila.

Pinagamit nila ako ng banyo at doon ako naghilamos at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng pajama at nang tapos na ako magasikaso ng sarili ko. Naabutan kong nagaantay sa akin sila Merlyn at Ann sa kama.

"Jasmine mamili ka lang ng kama na gusto mong tulugan pero kung gusto mo tabi na lang tayo matulog?" suggest ni Merlyn

"Tabi-tabi na lang tayo."

"Magandang ideya yan Ann."

Pinanood ko silang pagdikitin ang tatlong kama. Hindi ko maiwasan mamangha sa lakas nilang dalawa, hindi kasi halata iyon sa pangangatawan nila.

"Ayan ayos na!" sabay nilang imik.

Talagang close silang dalawa.

"Halika na dito Jasmine," tawag nila sa akin kaya naman pumunta ako sa kama at nagform kami ng circle.

Mukhang mahaba-haba pa ang gabi na ito.

"Tagal na naming gusto gawin ito ng kasama ka, Diba Merlyn?"

"Oo nga, nakikita kasi namin na may kaibigan ka rin kaya ayaw naming makialam pero... Tada! Heto kana nasa amin kana."

Itong dalawa na ito mukhang hindi talaga nauubusan ng eneherhiya sa katawan. 

"Pag-usapan na lang natin ang about crush natin," kilig na kilig na sabi ni Merlyn at nakaramdam ako ng kaba pagkabitaw niya ng salitang iyon.

Basta talaga babae, crush pag-uusapan.

"Ih kanina lang nadaanan ko siya." kilig ding sabi ni Ann at naiilang akong makitang pinagdidikit niya ang dalawang hintuturo niya. Parang doon sa anime kapag kinikilig yong babae.

Mamaya lang napatingin ito sa akin at don ko nakita ang namumula niyang mukha. Umiwas siya sa akin ng tingin na pinagtaka ko.

May problema ba?

Napahawak ako sa mukha ko ng wala sa oras.

"Sorry Jasmine, crush ko lang naman si Franz, hindi ko siya aagawin sayo." hiyang-hiya na sabi nito. Napanganga ako sa sinabi niya.

Ano daw..

W...Wala naman akong pake sa Franz na yon at isa pa....

"Ano ba pinagsasabi mo Ann, kay Kuya Hendrix lang si Jasmine!"

>_<

Ano pinagsasabi nila lalo lang akong naiilang.

Kuya...nga pala magkapatid sila sa ama.

"Alam niyo next topic na, masyado pa kayong bata hehe." pagbabago ko ng usapan.

"Ano ka ba, hindi naman nalalayo edad natin."

"Pero sige ikaw na magopen ng topic na pwede nating pag-usapan." suggest ni Merlyn at silang dalawa nakatingin sa akin ngayon tila ba hinihintay ang sasabihin ko.

Bakit kasi hindi na lang kami matulog? Ang kabataan talaga puno ng enerhiya sa katawan.

Pinagmasdan ko silang maigi at pilit na inalala kung ano nga ba characteristic nila bilang tauhan sa novela ko. Doon ako kukuha ng topic na pwede naming pag-usapan.

Ano nga...

Hmm.

Shit naman ngayon pa ako walang naalala.

Nilibot ko ang tingin sa kwarto nila at napadako ang tingin ko sa isang poster. Doon ako nakaisip ng pwede naming pag-usapan.

"Mahilig kayo sa kdrama ano?" kunwaring suspetsa ko at agad naman naglakihan ang mata nila at mamaya pa nagsitilian pa.

"Omg! Oo mahilig kami ni Merlyn, paano mo nalaman?" gulat na tanong ni Ann.

Paano ko daw nalaman? Eh halos punuin na nga nila ng poster ang kwarto nila ng korean actors hehe.

"Ah kasi...." imik ko sabay tinuro ang poster sa likod niya. "Diba si Lee jong suk yon!"

"Hala ang galing kilala mo, ibig sabihin fan ka nga!" Hindi makapaniwala na sabi ni Merlyn sa akin.

Well pagnag-iisa ka kailangan ng libangan. Isa na don ang panonood ng kdrama, cdrama or kahit anong drama. Hilig ko rin noon ang manood ng Anime.

"Ahm hindi naman masyado." pahumble na imik ko.

Kaya ako nagkaideya bumuo ng character na mayroong hilig ko.

"Asawa ko si Lee jong suk at BTS!" pag-aangkin ni Ann habang yakap-yakap pa ang unan na may mukha ni Lee jong suk.

"Pasensya kana Ann, kabit ka lang. Ako ang legal wife." pangingisali ni Merlyn.

"Mali ka, akin lang si Lee jong suk, BTS, GOT7, Monsta X,  lahat ng kpop boy group at kpop actors." banat ni Ann at naiilang talaga ako kapag kinikilig siya.

"Walang sayo! Akin lang sila. I'm the legal wife."

"No. No. No. They are mine."

>_<

Mag-aaway ba sila dahil sa kpop na yan?!

"Mali ka na add to cart ko na sila!"

"Huh, add to cart lang? Ako add to heart!"

"A..Ah basta isa akong manalo! kung gugustuhin ko pwede ako mag-aral sa korea at mapangasawa silang lahat."

"Talaga?"

"Oo,"

"Edi... Edi wow."

"Hahahaha"

"Hahahaha"

Napasapo na lang ako sa noo habang pinapanood sila.

Kung pagmamasdan nagtatalo sila or nag-aaway pero tignan mo ngayon nagtatawanan na lang silang dalawa.

Hays.

Pero ang importante masaya sila may pagkabaliw nga lang silang magkaibigan.

Kung si Ann pinagsamang Cecil at Raven, si Merlyn naman pinagsamang Kristine at Princess.

Ano ba naman ito bakit ko ba iniisip to? Bakit ko kinukumpara...

"Jasmine," tawag sa akin ni Ann at agad akong natauhan. Nagtataka na lang ako ng tawanan nila ako ng hindi ko alam ang dahilan.

>_<

Mas may tama pa ang dalawa na ito kaysa kay Hendrix eh.

Napatawa na lang din ako ng pilit.

Kailan ba kami matutulog?

"Habang tulala ka, napagkasunduan na namin ni Merlyn ang lahat!"

Kasunduan?

"Tama si Ann, bali we decided na sa akin ang kpop groups at sa kaniya ang mga kpop actors."

Hays. Kala ko naman kung anong kasunduan.

"Alam niyo okay lang naman maging fan pero...know your limitation, una palang dapat alam niyo hanggang fan lang kayo."

"Awts gege."

"Sakit naman."

Nagsasabi naman ako ng totoo ah.

"Hindi ko ito sinasabi para palungkotin kayo, gusto ko lang bilang nakakatanda ay pagsabihan kayo. Masarap maging fangirl at mas masaya kung ang idol natin gagawin natin itong inspirasyon sa buhay pero kailangan natin tandaan lahat ng bagay may limitasyon."

"Awts tama ka Jasmine, sabagay kahit pumunta ako ng korea mapapakasalan ko si Lee jong suk." si Merlyn.

"Tama ka Merlyn, ako nga hindi ko alam kung makakapunta ng korea, makapangasawa pa kaya ng member ng BTS?" realisasyon ni Ann.

Nagbago ang atmosphere dito sa loob ng kwarto yong kaninang sobrang saya at puno ng energy bigla na lang nawala.

Dapat siguro hindi na lang ako nagsalita.

Laking gulat ko ng niyakap ako ng dalawa.

"Thank you Jasmine,"

"Salamat Jasmine."

Eh?

Wala naman dapat silang ikapasalamat sa akin.

Humiwalay at nakahinga ako ng maluwag ng makita ang saya muli sa mukha nila.

"Magmula ngayon makikinig na kami sa lahat ng sasabihin mo Jasmine!"

"Agree ako sayo Merlyn."

"Ganon ba hehe."

"Mukhang pagod kana Jasmine, mabuti pa matulog na tayo."

Ayon na yata ang pinakapaborito ko sa sinabi ni Merlyn.

"Sige kayo bahala.." imik ko at deep inside sobrang saya ko!

Sa wakas naman matutulog na kami—

"Nga pala Jasmine,"

>_<

Ano na naman kaya ito...

Masaya akong nilingon si Merlyn at nakita kong nakahiga na si Ann sa at balot na ng kumot pero gising parin siya.

"G...Gusto ko lang magpasalamat,"

"Nako, wala naman yon. Ako nga itong dapat nagpapasalamat sa inyo."

"Hindi, gusto kong magpasalamat sa pag-unawa sa mga Kuya ko."

0_0

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Merlyn. Kita ko sa mata niya ang lungkot at pagkaseryoso.

Merlyn....

"Alam kong mapagkakatiwalaan ka, kaya sasabihin ko ito sayo."

"A-Ano yon?"

"Kapatid ko si Franz at Hendrix."

Napangiti ako sa sinabi niya. Pinakita niya sa akin na pinagkakatiwalaan niya talaga ako.

"Don't worry, Alam ko na ang tungkol sa bagay na yan,"

"Ha?" gulat na sabi niya na tila ba hindi niya ineexpect ang tugon ko. "Paano mo nalaman? si Ann lang pinagsabihan ko nito. Ann sinabi mo sa kaniya?"

"Uy wala akong sinabi sa kaniya."

"Tama si Ann," imik ko at muling napadako ang tingin sa akin ni Merlyn. "Sa totoo lang ang nagsabi sa akin si Hendrix." kamot sa batok kong sabi.

"Talaga? Sinabi niya sayo?" hindi parin makapaniwala na tanong niya sa akin at bilang tugon tumango ako. "Wow, i see talagang mahalaga ka sa kuya ko." tango-tango na sabi nito.

Anong ibig niyang sabihin?

"Alam mo bang sikreto lang ang tungkol sa aming tatlo? Na magkakapatid kami sa ama? halos bilang sa daliri ang nakakaalam nito." pagkwe-kwento ni Merlyn.

Bilang sa kamay...

"Actually mga sampo lang ang nakakaalam at kasama ka na sa bilang don hihi."

Nabigla ako ng kunin niya ang kamay ko at hawakan iyon.

Wag niya sanang maramdaman ang panlalamig ng kamay ko.

"Masaya ako para sa inyo ni Kuya Hendrix, sobrang saya ko."

Jusko po, kung alam niya lang wala naman namamagitan sa amin nong saltik na iyon.

"Alam mo ba, ngayon ko lang siya nakitang nagkainterest sa babae," natatawang pagkwe-kwento muli nito, gusto ko sanang sumabat para sabihin sa kaniya ang totoo pero ayoko naman sirain ang nararamdaman niyang saya para sa kapatid niya. "Noong mga bata kami dahil iba ang magulang namin, hindi kami magkakasundo. Naalala ko pa nong first time namin magkita-kita at kumain ng sabay-sabay daig pa namin nasa horror movie sa sobrang tahimik, doon ko nakilala si Franz, actually hindi ako sanay tawagin siyang kuya kasi..."

"Kasi ano?" tanong ko agad, ayoko ng binibitin ako.

"Siya mismo nagsabi sa akin na huwag ko daw siyang tatawaging kuya dahil hindi naman daw kami magkaano-ano." malungkot na sabi niya, doon ko tuloy narealize na dapat hindi ko na inalam pa bakit hindi niya matawag na kuya si Franz.

Hindi din ako makapaniwala na nagawa yon ni Franz.

Siguro nga hindi ko pa lubusan kilala si Franz.

"Magkaiba talaga silang dalawa, Iba si kuya Hendrix sa kaniya kasi alam mo nasabi pa nga niya sa akin kahit tawagin ko pa daw siyang Lolo ayos lang sa kaniya." bumalik na muli ang sigla nito at hindi pa niya matigilan matawa sa kwinento niya maski ako napangiti.

Kahit kailan siraulo talaga yong Hendrix na yon.

"Pero ganon pa man parehas ko silang gusto, parehas ko silang kuya at pamilya kami."

Tama, pamilya sila.

"Kaso..."

"Bakit yon Merlyn?"

"Tingin ko alam mo narin ito, hindi malabong nasabi na rin ito sayo ni Kuya Hendrix," pilit ngiti niyang sabi sa akin. Kinutuban ako tungkol ito sa sakit ni Hendrix sa pag-iisip.

"May sakit si kuya Hendrix, minsan hindi niya nakokontrol ang galit o ang emosyon niya at dahil doon lagi na akong pinahihiwalay sa kaniya, pinagbawalan na akong kausapin at lapitan siya hanggang ngayon."

"Merlyn..."

"Mula noon, hanggang ngayon nag-iisa na lang siya." ramdam ko ang awa ni Merlyn sa kapatid niya. Nahahawa na nga ako sa emosyon niya ngayon.

Nag-iisa...

"Ako na ang humihingi ng tawad sa panggugulo sayo ng kuya ko, lahat ng mga ginawa niyang kalokohan. Ganon na kasi siya noon pa dahil nga ayaw ng mga tao sa kaniya, gumagawa siya ng gulo bilang pagpapansin."

"Huwag kang mag-aalala Merlyn, naiintindihan ko sitwasyon ng kapatid mo."

"Salamat sayo...ngayon alam ko na hindi na nag-iisa ang kuya ko."

Natahimik lang ako sa sinabi ni Merlyn. Hindi ko nga alam kung dapat ba talaga ako ang pasalamatan niya.

Isa lang ang masisiguro ko kaya kong damayan si Hendrix sa ano mang sakit na nararanasan niya.

Kaibigan ko si Hendrix.

Ngumiti ako bilang tugon kay Merlyn na napangilid ng luha nito.

"Sige na, pasensya na sobrang napahaba ang kwento ko. Salamat at goodnight!"

"Goodnight Merlyn," masayang imik ko at napadako ang tingin ko kay Ann na tulog na kanina pa, "At sayo din Ann, Goodnight."

Ilang oras pa ang nakalipas at nakatulog na si Merlyn pero ako ito... Gising na gising ang diwa. Napapagitnaan namin si Ann ngayon, si Merlyn nasa kaliwa at ako naman nasa kanan.

Habang pinagmamasdan si Merlyn, bumabalik sa isip ko ang napag-usapan namin.

Talagang mahal niya ang kapatid niya. Napakaswerte ni Hendrix dahil may kapatid siyang nag-aalala sa kaniya ng ganito dapat talaga ayusin niya na ang buhay niya.

Kahit saan ko tignan, hindi ako makalusot sa pagiging guilty. Naalala ko na lahat, kung saan ko kinuha ang buhay ni Hendrix at kung paano nabuo ang character niya.

Dahil lang naman iyon sa pinagsama-samang masasakit na karanasan ko noon sa tunay na mundo.

Hinayaan kong dumaloy ang luha ko dahil sa lungkot, naalala ko ang lungkot na nakaraan.

Dahil sa labis na kalungkutan naisipan ko na ring tapusin ang buhay ko. Sinama ko ring ang sakit at lungkot na naranasan ko habang nag-iisa. Lahat ng poot at galit binuhos ko rin sa katauhan niya. 

Sa madaling salita si Hendrix at Ako ay hindi nalalayo sa isa't-isa.

Siya ang katauhan ko, sa nakaraan ko.

'Kailan man hindi ko naramdaman na may kasama ako. Lahat ng tao nilalayuan ako.'

'Kung iniisip mo cool ka dahil nag-iisa ka, nagkakamali ka.'

'Being alone will never be cool.'

Siguro nga may dapat akong ikahingi ng tawad kay Hendrix. Masyado akong naging malupit sa character niya. Sa lahat ng pinagdaanan niya nagawa ko pang patayin siya sa novela ko.

Ngayon alam ko na bakit ganon na lang galit ng readers sa akin. Ganon na lang nila ako isumpa dahil sa pinatay ko si Hendrix.

Ngayon alam ko na ang nararamdaman nila at naiintindihan ko na sila.

'Patawad, Hendrix.'

-----------------------------------------------------------

To be continued.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

281K 5.9K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...