:30// Kamusta heart mo?

153 5 0
                                    

Waaaaaah! Naka-arrange marriage na siya! Okay na sana kaso hindi talaga eh. Hindi naman kasi ako yung babaeng naka-arrange sa kanya. Sadlayf.

Nagpaikot ikot lang ako sa kama habang nagpapagulong gulong ako sa kama habang nakabalot ng kumot. Nag-isip lang ako sa ganong posisyon nang biglang may kumatok sa pinto. Napatigil naman ako sandali sa ginagawa ko.

" Bukas yan!" sigaw at nagpagulong gulong uli sa kama. Hindi ako tumingin dun sa taong pumasok at pinagpatuloy ko lang yung ginagawa ko.

" Tapos na yung project mo." anas ni kuya Benj pero hindi ko siya tinignan at nagpatuloy pa rin sa pag gulong.

" Lagay mo lang jan kuya.. Gugulong gulong lang ako dito pag may kailangan ka." wala sa sariling sagot ko at narinig kong tumawa si kuya.

" Ang laki ng problema na'tin, kapatid ah?" pabirong anas ni kuya at umupo sa gilid ng kama ko. Gumulong naman ako papunta sa kanya.

" Kuya.. please. Kunyari wala ka munang paki sa'kin ngayon. Gusto ko makapag-isip eh." pakiusap ko at ngumiti naman sa'kin si kuya Benj at saka tumango. Lumabas naman na siya at sinarado yung pinto. Nagpatuloy na naman uli ako sa pagpagulong gulong sa kama hanggang sa may kumatok na naman sa pinto.

" Pasok." anas ko at naramdaman ko namang pumasok siya.

" Sisa! Ano ba yang ginagawa mo jan?! Abnormal ka talaga!" sigaw niya sa'kin at nakilala ko na agad siya. Tumigil muna ako sa pagpagulong gulong saka tinanggal yung kumot na nakabalot sa'kin saka ako umupo sa kama habang yakap yakap yung tuhod ko. Tumabi naman sa'kin si Anji at tumingin ako sa kanya. Nakatingin din naman siya sa'kin.

Eto yung gusto ko kay Aling Maliit eh. Pag may problema ako, makikinig lang siya sa'kin kahit hindi niya naiintindihan mga pinagsasasabi ko. Alam niya kung kailan siya magsasalita saka tatahimik.

" Anji.."

" Bakit? May problema ka ba?"

" Meron."

" Ah.. Alam ko na kung saan."

" Saan naman?"

" Sa utak. Hahahaha!" biro niya at napatawa naman ako kahit onti. " Bakit ba kasi ganyan ka, Sisa? Ay! Alam ko na! Diba natutuwa ka tuwing inaasar mo ko? Asarin mo ko ngayon Sisa! Para masaya ka na uli! Okay lang sa'kin yun!" anas niya at nginitian ko lang siya.

" Wala na akong pag-asa dun sa taong mahal ko, Aling maliit, eh. Tapos tuwing naiisip ko yun, sobrang sakit. Ang sakit dito oh." anas ko habang tinuturo ko pa yung puso ko.

" Mahal namna kita Sisa, 'no! Kami nila tita Crispin.. Kuya Benjie.. Fritz at kuya Gab! Mahal ka kaya namin!" anas niya at tinignan ko siya.

" Talaga? Inaasar mo nga ako lagi!"

" Oo nga! Yayakapin pa kita eh!" anas niya saka ako niyakap. Nilambing lang ako ni Anji hanggang sa makatulog na siya sa tabi ko. Natulog na lang rin ako habang katabi ko si Aling Maliit.

---

" Kuya.. Paki-abot naman yung cellphone ko. May natawag eh." utos ko kay kuya Benj at inabot naman niya sa'kin yung cellphone ko.

" Hello?" sagot ko sa tawag.

[ Cyxa..]

" Oh? Waren? Bakit?"

[ Uh.. ano sana eh..]

" Ano yun?"

[ Bastamagbihiskanadaanankitajansabahayniyo!]

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyWhere stories live. Discover now