:7// Camera Lights.. ACTION!

236 10 0
                                    

" Saan ka pupunta?!" tanong niya sa'kin.

Nako naman! Bakit naman kasi nandaya ka pa! Ayan tuloy! Dalawang beses ang balik ng karma sa'yo!

" Ha? Magsasight seeing lang.. A-ang-Ang ano kasi-A-ang sarap lumanghap ng hangin dito sa rooftop!" sabi ko saka lumanghap pa kunyari ng hangin.

" Asan naman yung kasama mo? Baka dinaya rin kami ng kasama mo? Tsk tsk.."

" Baka naman p-pwede nating pag-usapan 'to? H-hehe.. Para.. Everybody happy! Hahaha!" sabi ko pa habang kunyaring natutuwa ako at pumapalakpak pa. Napatigil naman ako sa pagtawa ng mapansin kong napapaligiran na pala ako. Literal!

Nakapalibot na silang lahat sa'kin. Mga 11 sila. Parehong mukha. Walang labis. Walang kulang. Lahat sila, nakita ko sa bilyaran.

" Manahimik ka! Nakakaasar ka na ah!" sigaw niya at sumugod na yung mga lalaki. Shet! Eto na naman. Powers activate!

" HA!"

BOOM!

Panis!

" Mukha kang unggoy! Tabi!"

Talsik!

" Isa ka pa!"

" Mukha kang pwet-Ah!"

A-aah! Ang sakit nun ah? Gawa ba sa bakal yung kamay nun?

Hindi ko na pinansin pa ang sakit at saka tumingin dun sa isang lalaki. Tatakas na dapat siya palayo pero tumakbo ako papunta sa kanya saka ko siya hinawakan sa kwelyo.

" Tatakas ka pa, ah? Mm!"

Yeah! Dalawa pa!

" Mas mukha kang pwet!" sugod sa'kin nitong isa at agad naman akong nakaiwas at nahawakan ko agad siya sa likod at hinila ko siya pabalik saka ko siya sinipa.

" Inisa isa mo pa talaga ako para mapagod ako, eh, 'no? Congrats! Napagod mo 'ko. Pero hinding hindi ako magpapatalo sayo!" sigaw ko at medyo lumapit siya sa'kin. Di ako magpapatalo dito. Mga kauri ni Hernaez. Mukha na ngang unggoy, mumpwet pa.

" Magaling ka nga. Napaka-'gifted' mo naman ata? Hahaha!" pang-aasar niya. Mukha pa nga lang nakakaasar na, yung sinasabi niya pa kaya?

" Iniinsulto mo ba ako? Hindi ako nagpapainsulto sa mukhang paa." tanong ko habang naghahabol hininga. Ayan. Kumunot ang noo niya.

" Hanggang dyan ka na lang ba? Bakit? May magagawa ka ba pag sinabi kong oo?" tanong niya pa saka medyo lumapit uli sa'kin at napaatras uli ako. Hala! Oo daw! Mukha daw siyang paa!

" Bakit? Akala mo rin ba- matatakot mo 'ko?! Mukha ka namang-!"

" Tsk tsk tsk.."

Huh?!

Napatingon ako sa pinanggalingan nung 'tsk' na yun at nakita ko si Van. Nakasandal sa pinto pababa ng rooftop. Eto na ang hari ng mga mukhang paa. Pero syempre, gwapo niya ngayon. Alam ko naman ililigtas niya ulit ako.

Saved by the bell! Thank you Lord! Dumating po ang tagapagligtas ko!

" Nag-iisa na nga lang yan, Sky.. 'Di niyo pa napatumba?" tanong niya saka umiling iling pa.

Sky pala pangalan nitong mokong na 'to?!

" Iba talaga pag wala ako."

T-teka... Ibig sabihin.. Isa siya sa kanila?! BINABAWI KO NA ANG SINABI KO! MUKHA SIYANG PAA! MUKHA NA NGANG UNGGOY MUKHA PANG PAA! ABA GIFTED!

" Hindi ako mukhang paa!" Sigaw ni Sky habang parehas silang tumatakbo ni Van pasugod sa'kin. Yumuko ako ng makalapit ni sila at saka ko sila sinipa. Napahiga naman sila parehas at dahil napapagod na ako ay kumaripas na ako ng takbo pababa. Buti na lang at nakasalubong ko sila kuya.

" Kuya!!" sigaw ko sa kanila habang tumatakbo papalapit sa kanila. Niyakap ko si kuya Gab ng makalapit na ako.

" Bakit ang dungis dungis mo?!" nagaalalang tanong ni kuya Fritz. " Saka bakit nadagdagan yung pasa mo?!" tanong niya pa saka kinuha yung braso ko saka tinignan.

" Eh ikaw kuya Benj? Bakit wala ka kanina? Kinorner na ko ng mga paa!" galit na tanong ko niyakap ako ni kuya Benj. Kaso medyo parang nalito si kuya nung sinabi ko na kinorner ako ng mga paa.

" Sorry, Cyxa. Una pa lang alam ko na. Iniwan kita para ako na ang haharap sa kanila pero hindi ko sila mahanap. Hindi rin kita nahanap."

" Diba dapat, nasa tabi ko kayo?"

" Sorry!" sabay sabay nilang sabi at dapat, sabay sabay din silang yayakap sa'kin pero hinarangan ko sila gamit ang kamay ko.

" Ooops! Kuya. Masakit ang katawan ko. Pumunta muna tayong clinic, okay? Okay na ako. Joke lang naman yun eh. Hehe.." sabi ko at babatukan pa nga sana nila ako ng sabay sabay kaya napapikit na lang ako pero wala akong naramdaman. Pagdilat ko ay lahat sila, nakangiti sa'kin.

" Joke lang!" natatawa at sabay sabay din nilang sabi.

" Kuya naman eh!" sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

CLINIC.

" Ano ba kasing nangyayari?!" tanong ni kuya Gab habang ginagamot ako ni ate nurse.

" E.. nakipagpustahan kasi si kuya Benj e. Tapos napasali ako." pag-amin ko at kumunot ang noo ni kuya Gab at Fritz.

" Teka, teka.. Wag mong sabihing nagpunta kayo sa bilyaran?" tanong niya at napakamot naman ako sa uli bago ako tumango.

" E bakit 'di mo kami sinama-- ARAY!" tanong ni kuya Fritz at binatukan naman siya ni kuya Gab kaya tumingin siya kay kuya Gab.

" Wala yun sa script dre! Ano ba?! Umayos ka nga, Fritz!" bulyaw ni kuya Gab at napakamot sa batok si kuya Fritz.

" Sino sino ba sila?" tanong ni kuya Fritz.

" Grupo nila Van." sagot ni kuya Benj. Ay. Gang pala yun ng mga paa. Hindi pa pala sila naiinform.

" Eh, hindi naman sila nanggugulo ng walang dahilan. Minsan lang pag trip nila." si kuya Fritz.

" Unless ay may ginawa kayong hindi nila nagustuhan?!" panghuhuli ni kuya Gab at napayuko ako.

" Kinaliwa ko kasi yung tira ko eh." sabi ko at napahawak si kuya Gab at Fritz sa mukha nila. Nagulat naman ako ng tumayo bigla si kuya Fritz. Nako. Ayaw pa naman nila kuya na naaargabyado ako.

" O? Saan ang punta mo?" tanong ni kuya Benj pero hindi siya sinagot ni kuya Fritz. Tumingin naman si kuya Fritz kay kuya Gab at tumayo rin siya.

" Magpalit ka ng damit mo, Cyxa. Ikaw naman Benjie, bantayan mo si Cyxa." utos ni kuya Gab at tumayo rin si Kuya Benj.

" Kuya.."

" Babalikan kita, Cyxa. Promise." sabi niya at tumakbo na papunta kila kuya.

Aba tara.. Kung iiwan niyo rin pala ako.. Susunod na lang rin ako. Laro tayong follow the leader. Hay! Ano ba tong mga kuya ko! Tama na dapat na ako ng lang ang nakaaway nung mga mumpwet na yun! Sasali pa yung mga yun. Bahala na.

---x

End of chapter 7

VOTE, COMMENT AND SHARE

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon