:36// Option, Choice & Pain

155 10 0
                                    

" Gold digger ka! Hinding hindi kayo magiging bagay ng apo ko!" sigaw sa'kin ng lola ni Van. Parang unti unti siyang lumalaki sa harap ko habang paliit naman ako ng paliit.

" Hindi totoo yan!" sagot ko at tinawanan niya ako.

" Truth hurts. Right? Kaya hiwalayan mo na ang apo ko!"

" H-hindi.."

" What? Your too proud. Wait.. Why would you even be proud of yourself? I pity you. Isa ka nga lang palang gold digger. Kaya ba ayaw mong hiwalayan ang apo ko?" at parang nagpaulit ulit sa isip ko ang sinabi niya hanggang sa hindi ko na maintindihan pa. Lumakas din ng lumakas ang boses sa utak ko.

Parang mababaliw ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Pumikit ako sandali at pagdilat ko, nakita ko si Van. Palayo ako ng palayo sa kanya kahit na pilit ko siyang inaabot.

(NP: Tell Me Where It Hurts by MYMP)

" Cyxa! Gumising ka!" At nagising na ako sa boses na yun. Nakita ko si Van sa harap ko. Mukhang nag-alala siya. Inilibot ko ang mata ko sa buong lugar.

Nananaginip lang pala ako..

Napayakap ako kay Van. 'Di ko alam pero tumulo na lang bigla yung luha ko. Ayokong makita niya na umiiyak ako pero..

Ewan ko! Ang hirap itago ng totoong nararamdaman ko. Parang ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

" What happened? May masakit ba sayo? Ano? Tell me.." sunod sunod ah? Baka masagot ko yan? " N-nag-aalala ako eh.." nahihiyang anas niya at medyo napangiti ako dun.

" Walang nangyari.." nakangiting sagot ko. Umokay na rin naman ako dahil sa sinabi niya. Ang sarap pala sa feeling na alam mong nag-aalala siya sayo.

" J-just tell me. Alam kong meron." sagot niya. Para namang nagflashback sa isip ko yung mga sinabi sa'kin ng lola niya. Nanlabo yung mata ko sa luha.

" Ang sakit kasi eh. Ang sakit sakit pa rin hanggang ngayon. Tuwing naiisip ko yung mga sinabi ng lola mo.. parang naninikip yung dibdib ko. Kasi sobrang tagos sa balat hanggang buto tapos tatagos sa puso hanggang sa kaluluwa ko."

" Pagpasensyahan mo n-na si lola.. Nasa nakaraan na yun. Sana kalimutan mo na."

" Hindi Van eh. Hindi naman ganon kadali yun. Wala yun sa tagal ng panahon para gumaling yung sugat eh. Nasa kung gano kalalim eh." at napayuko si Van. " Sinabihan niya ako ng mukhang pera.. sinabihan niya ako na malandi. Sinabihan niya ako na ganito, na ganyan. Nag give way ako pero kinain ako ng guilt ko kasi hindi man lang kita naipaglaban. Nagiguilty ako kasi nagpatalo ako."

" It's okay. I understand you. I'm sorry--"

" Okay lang. Kwits naman na tayo diba? Sinaktan ako ng lola mo tapos iniwan kita... Nasaktan ka." anas ko at nagulat siya sa sinabi ko. " Pero hindi ko sinasadya yun. Hindi ko sinadyang saktan ka. Mahina kasi ako eh. Wala akong kwenta.."

" Don't say that, baby.."

" Hindi. Okay lang." sagot ko at pinunasan ko yung sipon ko. " Sorry. Sorry kasi mahina ako. Sorry kasi hindi ako naging deserving at naging worthy sa pagmamahal mo. Sorry kasi nasaktan kita.. Hindi ko sinasadya Van. Tao lang ako eh. Sana maintindihan mo." at napayuko ako habang umiiyak.

Hindi ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko. Basta alam ko na yun ang nararamdaman ko. Para lang GMRC yung bibig ko na tuloy tuloy bumaril. Para ngang lumuwag yung dibdib ko nung sinasabi ko yun eh. Ang sarap sa feeling.

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon