:15// Sky and Friends

176 5 0
                                    

" Huy! Grey!" tawag ko kay Grey ng makita kong naglalakad siyang mag-isa. Tumingin ako kela kuya Benj at tumango sila sa'kin. Tumakbo ako papunta kay Grey at saka ko siya inakbayan.

Recess namin ngayon at..

Ang saya saya ko ngayon! Hehehe..

Kanina kasi ay tinawagan ako ni Kayumi at sinabing wala ang boss naming unggoy ngayon. Kahit nga sa school ay hindi ko pa siya nakikita. Talagang wag na siyang mapapakita sa'kin. Nag-iinit talaga ang dugo ko sa kanya!

" Uy! Sige. Aalis na ako. May gagawin pa ako eh." paalam niya saka tumakbo palayo. Napatigil na lang ako sa paglalakad hanggang sa abutan na ako nila kuya.

" Mukhang masaya ka ngayon, kapatid." pabirong anas ni kuya Fritz ng makaupo na kami sa isang table.

" Hehehe, pag walang bwisit, everybody happy!" sagot ko.

" Tch. Bakit? Galit ka sa buraot? Inaano ka ba ng sarili mo?" pang-aasar ni kuya Gab at nag-make face ako sa kanya.

" Tss! Isa kang malupet na.." sagot ko.

" Ano? Sige?" hamon ni kuya Gab.

" Kapatid. Ang galing mo kasi eh." sagot ko at nagtawanan kami. E kasi naman baka batukan ako nito ni kuya ng di oras. Ayoko naman yun.

" Hahaha! Baka naman mainlove ka na nyan kay Van?" si kuya Benj.

" Tss.. Kahit bayaran mo pa ako ng isang milyon." Syempre joke lang. Pag-iisipan ko pa yan. Isang milyon na yan, aayaw pa ko?

" Billion?" Si kuya Fritz.

" Pag-iisipan ko." nagpapacute na sagot ko.

" Siraulo!" natatawang anas ni kuya Gab at saka ako binato ng panyo sa mukha.

" Lah? Inaano ka jan. Baka gusto mong paabangan kita sa kanto." biro ko kay kuya Gab at tumaas yung kilay niya.

" Para namang kaya mo. Si Sisa ka lang." pang-aasar ni kuya Fritz.

" Kuya Benjie oh! Pinagtutulungan a-- Oh? San na yun?" pagsusmbong ko kay kuya kaso nawala naman siya sa tabi ko.

" A-ayun oh!" turo ni kuya Fritz sa likod ko kaya lumingon ako. At tama nga si kuya. Tumayo kami at naglakad papunta kay kuya Benj pero bago pa man kami makalapit sa kanya ay kitang kita namin kung paano siya tumumba sa lapag dahil sa biglang may sumuntok sa kanya.

" Kuyaaaa!" Sigaw ko habang patakbo kaming lumalapit kay kuya Benj. Nang makalapit na kami sa kanya ay tumingin ako sa paligid pero wala akong nakitang tao na pwedeng gumawa nun kay kuya.

" Okay ka lang ba dre?" tanong ni kuya Fritz kay kuya at tumingin muna si Kuya sa kanya bago sumagot.

" Ikaw kaya sapakin ko jan?" sagot ni kuya Benjie at pailing iling na tumayo.

" Anong nangyari sa'yo?" Si kuya Gab.

" Naisahan ako nung mga yun." sagot niya. Nagtakha naman ako.

Ano? May alam dito si kuya Gab?

" Naghahanap yata uli sila ng sakit ng katawan." mayabang na anas ni kuya Fritz at napailing ako. Yabang talaga ng mga kuya ko. Pero bakit alam yata nilang tatlo ang pangyayari ngayon? Ako lang ba ang hindi nakakaintindi?

" Teka nga. Teka nga. A-anong.." pagsasalita ko at tinignan ko muna sila isa isa. Si kuya Gab na nakapamulsa at nakakunot ang noo. Si kuya Benj na nakahawak sa panga. Si kuya Fritz na nakahawak sa batok habang nakapikit.

" May hindi ba kayo sinasabi sa'kin?" tanong ko at sabay sabay silang napatingin sa'kin. Inakbayan ako ni kuya Benj at ngumiti naman sa'kin si kuya Fritz habang ganun pa rin yung itsura ni kuya Gab.

" Bye, Cyxa! Una na kami!" nakangiting anas ni kuya Fritz sa'kin saka inakbayan si kuya Gab at pumunta na sa classroom nila.

" Ano ba kasing nangyayari?" tanong ko kay kuya Benj.

" Kasalanan mo 'to eh.." parang batang sagot niya at saka kami tumingin sa isa't isa.

" Kung 'di ka lang namin mahal.." pagsasalita ni kuya pero hindi niya na tinuloy yung sinasabe niya at napatitig ako sa kanya.

May ginawa 'tong mga kuya ko. Alam ko na ma galawan niyo. Hindi pa ba kayo sanay? Hay!

Paliko na sana kami sa corridor namin ng harangan kami ng ilang mga lalaki. At lumabas si Sky sa gitna.

Nag-grand entrance pa ang king ina..

" Ano 'to? Celebration? Starring Sky and friends? Grupo ng mga mukhang paa?" pang-aasar ko.

" Oo. At kayo ang handa namin." sagot niya.

" Sorry. Pero hindi kami available." sagot ko at agad kong hinila si kuya patakbo sa kabilang side ng corridor pero may humarang din sa'min.

Humawak ako sa kamay ni kuya at humawak din siya sa kamay ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni kuya Benj at alam ko na ang meaning nun.

5*

4*

3*

2*

1*

Tumalon ako kay kuya at binuhat niya naman ako ng nakaharap sa mga humarang sa'min at saka siya mabilis na umikot habang galaw lang ng galawa ang paa ko na pinagtatadyakan yung mga unggoy.

Binaba na ako ni kuya at napansin kong kasama na rin pala namin sila kuya Gab at Fritz na tinutulungan kami sa pakikipag away. Tinamaan man kami ay mas marami yung tama nung sa kanila. Hindi kami nagpadala hanggang sa sila na mismo ang tumakbo palayo.

" Anong klaseng school 'to? E parang walang staff na umawat!" reklamo ko.

" Tss.. Baka nga tuwang tuwa pa yun!"sagot ni kuya Benj na naghahabol ng hininga.

" May meeting daw kasi yung mga teachers.." si Kuya Gab.

Napa-'aah' na lang kami at umuwi na lang muna kami.

---

" What happened sa pes mo, friend? Kaloka! Tinorture lang ang peg." si Kayumi.

Napailing na lang ako at tumunog na naman yung pesteng chimes at napatingin ako dun.

Si Waren, nagmamadaling pumasok at lumapit sa'kin at hinawakan yung mukha ko.

" Anong nangyari jan?" tanong niya pero 'di na ako sumagot. Nakakapagod rin dahil binaril kaming apat ng GMRC nila mama at papa pag-uwi. Napatingin na naman kami sa chimes ng biglang tumunog yun at nakita ko na naman sila Sky and Friends.

" Uuuuy, Cyxa. Hindi naman kami nainform na nagtatrabaho ka pala kay Van." anas niya habang nang-aasar na nakangiti at nakipag-apir pa sa mga kaibigan niya.

" May mapapala ba ako kung sasabihin ko sayo?" tanong ko at napansin ko ang pagtitiim ng bagang niya at hindi na rin siya nakasagot.

Tss.. Parang kanina lang hinarang mo kami tas ngayon close na tayo? Feeling close nito! Hindi ako nakikipagclose sa mukhang paa! Utut.

---x

End of chapter 16

VOTE, COMMENT AND SHARE

Ms. Rulebreaker Meets the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon